Saturday, February 23, 2013

The Way I Loved You-Epilogue



Epilogue


Nagdaos ng pagdiriwang para sa pagiging successful ng fashion show ni Leila sa New York. Naayos na rin nila ang gusot sa pagitan nila ni Richard at natuto na ring magpatawad ni Richard. Kasabay ng pagdiriwang na iyon ay ang pag-propose ni Harold ng kasal kay Leila na ikinagulat naman niya.
            “Miss Leila Soriano, will you be my wife?” tanong nito habang nakaluhod sa harapan ng dalaga. Hawak-hawak ang maliit na box na kinalalagyan ng isang diamond ring. Binili pa ni Harold iyon noong nasa New York sila.
            Naiiyak naman na pinatayo na ni Leila si Harold. “Yes! I will.” Naluluha pang sambit niya.
            Sa sobrang tuwa ay binuhat siya ni Harold at inikot-ikot pa. Tuwang-tuwa naman ang naroon. Lalo na ang lihim na naiiyak na si Jyda.
            “Your sister is now engaged. Hindi mo pa ba sasabihin sa kanya ang totoo?” bigla ay sinabi sa kanya ni Richard.
            “I don’t want to ruin this party, Rich. I’ll find time for that.” Naiiyak naman na turan niya.
            “Okay babe. Just remember, I’m always here.” Anito at niyakap siya ng mahigpit.
            Para kay Leila ay wala na siyang mahihiling pa. Kompleto na siya. Wala ng kulang. Ang tanging naidalangin niya ay maging maayos ang pagsasama nila ni Harold.
            “I love you, My Leila.” Bulong ni Harold sa kanya ng mapagsolo sila sa garden ng bahay ni Leila.
            “I love you too, Harold.” Usal naman niya habang nakapikit at dinadama ang malamyos na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat.
            At saglit lang ay nailapit na ni Harold ang mukha niya sa mukha nito at pinagdaop ang kanilang mga labi. Isang matamis na halik ang kanilang pinagsaluhan. Na animoy tumatangay sa kanila sa malawak na kalangitan.


Wakas


2 comments:

  1. nabitin ako sa wakas mo ate T_T...sana nasabi ni JYDA na sisters cla :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...fai..may Part 2 yan...d ko lang nalagay...hahaha

      Delete