Thursday, February 21, 2013

The Way I Loved You-Chapter 2


Chapter 2


Lihim na napangiti si Harold sa sagot ng dalaga. Kung gayon ay maari na nya itong kausapin mamaya pagkatapos ng press con. Hahanap sya ng paraan makausap lang ito ng sarilinan.
“I should talk to her now.”Anang kanyang isipan.
Kaya naman pagkatapos ng press con ay inabangan na nya ang paglabas nito. Matagal syang naghintay sa may labasan kung san dadaan ang dalaga. At hindi naman nasayang ang paghihintay nya.
“Ahm… Miss Amber Villanueva, may I ask a private talk with you?” lakas-loob nyang tanong sa dalaga ng papalapit na sa kinaroroonan nya.
Napatigil naman ang dalaga, at pati si Cheska ay ganun din. Marahil ay nagulat sila sa bigla nyang paglapit sa mga ito. “May I know who are you, except that you are a reporter?” tanong naman ng dalaga ng makabawi sa pagkagulat.
“I’m Harry Ocampo.” Pagpapakilala naman nya at sabay abot ng kanang kamay dito.
“Harry…” ulit nito sa pangalan nya at tinanggap naman ang palad nya pero agad ding nagbawi. Parang may iniisip ito pero hindi nya makuha kung ano ang ibig sabihin ng pagngiti nito pagkarinig sa kanyang pangalan. “Nice name, huh?” puri pa nito. “By the way, this is Cheska, my manager, and she will be the one to decide if I would allow you for a private talk.” Sunod nitong tugon na nainiguro. Tama nga naman, maraming taong hindi mapagkakatiwalaan sa mga panahong ito kaya naman dapat ay mag-ingat ang kahit na sino.
“Nice to meet you, Cheska.”Aniya at nakipagkamay din dito. “Could you allow me?” tanong nya dito pagkatanggap sa kamay nya.
“Only if you promise na wala kang masamang balak sa mahal kong si Amber.” Kundisyon naman nito.
“I promise.” Sabay taas pa ng kanyang kanang kamay. “No harm. And I’ll give you this.” Aniya at iniabot ang kanyang ID. “That will be the proof that I’m not a harmful person.” Patuloy pa nya ng kinuha ni Cheska ang kanyang ID.
“So you are an owner of the new Gossip Magazine?” gulat naman na sambit ni Cheska pagkabasa sa ID nya. Lumaki pa ang mga mata nito para makasiguro na tama nga ang nababasa nito.
“Yeah! I just wanted to talk to Amber personally that’s why I’m here.” Nakangiti naman nyang tugon.
“Well, so I guess I know what you want.” Sabat naman ni Amber.
“But I need to talk to you first.” Anaman niya. At nakikiusap na ang kanyang mga mata.
“Cheska, would you?” baling ni Amber kay Cheska.
“I get it; okay just make sure that my baby is safe on you.” Si Cheska at binalingan naman sya.
“I assure you, Cheska.” Maiksi nyang tugon na nabawasan din ang kabang kanina ay bumabalot sa kanyang dibdib.
“Okay, baby. I need to go. Just call me if something wrong with this man.” Baling nito kay Amber at niyakap ito.
“I know that, Cheska. Take care, huh?” sagot naman ni Amber dito.
“Okay Bye.” Paalam naman ni Cheska dito. “And you, take care of my baby, huh?” baling nito sa kanya at pinandilatan pa sya nito.
“I will.” Natawa man ay hindi nalang nya ipinahalata dito.
Nang makaalis na si Cheska ay bigla naman ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ni Amber. Eto na naman ang kaninang umatake sa kanya nung nasa press con palang sila. At kanina ay malayo nyang nakikita ang mukha ng lalaking ito pero ngayon ay malapitan na nyang nasisilayan  ang taglay nitong kagwapuhan. Paano ba nya pipigilan ang pagbilis ng tibok ng puso nya kung nakatitig naman ito sa kanya at wala na yatang balak na magsalita.
Naiiliang man ay sya na rin ang bumasag ng katahimikan.
“So, dito na lang ba tayo mag-uusap?” pamimilosopong tanong nya dito.
“Of course not, shall we?” ngiting sagot nito at iminuwestra ang isang kamay panlabas gn building.
“San?” tanong naman nya pero tinanggap naman nya ang kamay nito. Ewan ba nya kung bakit parang napaka-gaan ng kanyang loob dito. Parang matagal na nyang kilala ang lalaki.
“Sa lugar kung saan mas makakapag-usap tayo ng maayos.” Sagot naman nito habang hila-hila ang kanyang kamay patungo sa sasakyan nito.
Napasunod lang siya at hindi naman nagpumiglas sa pagkakahawak ng lalaki. At takang-taka talaga sya sa kanyang ginagawa. Bakit hindi nya magawang alisin ang kamay nito sa kamay nya at hinahayaan lang nya ito sa ginagawa? Tama ba ang kutob nyang kilala nga nya ang lalaking ito?Pero paano? Ngayon lang nya ito nakita. Imposibleng kilala nga nya ang lalaki. Pero ang pakiramdam na matagal na nyang kilala ito ay hindi maalis sa kanya.
Marahil isa ito sa mga taong naging bahagi ng kanyang nakaraan pero hindi na nya gustong halukayin pa ito sa kanyang utak, baka sumakit na naman ito at mag-alala pa ang kasama. Kaya naman ng makarating sila sa sasakyan nito at pinauna syang pinasakay ay humugot sya ng isang mahabang buntong-hininga. at doon ay parang nabawasan ang kabang nararamdaman.
Pero katahimikan na naman ang namayani sa kanila habang binabaybay nila ang daan na patungo sa ‘Makati’? San ako dadalhin ng lalaking ito?tanong nya sa kanyang isip. Pero ang tanong na iyon ay nasagot ng makarating sila sa isang mamahaling restaurant na minsan lang nila puntahan ni Cheska. Kapag may celebration lang. At alam nyang mga taong nasa prominenteng pamilya ang laging naroon. At alam naman nyang kayang-kaya ni Harry ang magbayad kahit gaano kamahal dahil, syempre may-ari nga ito ng isang fashion magazine. Kaya naman ng makapasok na sila sa restaurant ay hindi na sya nagulat sa lugar.

“Maari  ka nang magsalita.” Untag nya dito ng hindi pa rin nagsasalita kahit na nakaupo na sila.
“Let’s take our order first.” Anito. At ang baritonong boses nito ang talaga namang nagpapakaba sa kanya. Hindi nya talaga maintindihan ang kanyang sarili.
“O-okay.” Analang niya at hindi na ipinahalata ang pagkailang sa lalaki.
Tinawag naman nito ang waiter at um-order na sila ng pagkain. Lahat talaga ng pagkain dito ay mahal. Kahit na ang simpleng pasta ay umaabot sa liman-daan. At ang simpleng juice ay nagkakahalaga sa mahigit na isang-daan. Mayaman na sya pero pagdating talaga sa mga kasosyalan ay hindi nya sinsabayan ang mga kapwa nya modelo. Dahil naniniwala syang hindi habambuhay ay magiging sikat sya. Kaya naman inilalaan nya sa kanyang business ang kanyang ipon. At hindi nya iyon inilalabas sa publiko dahil siguradong mapapasok na naman ng showbiz ang kanyang nakaraan. Kaya pinakiusapan nya ang kanyang manager na si Cheska na sa kanila nalang dalawa at ng kanyang nanay ang bagay na iyon.Wala namang dalawang salita dito at pumayag naman. Kahit kailan napakabait nito sa kanya, noong una nga ay pinagdudahan nya ito at may ibang gusto lang ito, pero nang magtagal ay nakikilala na nya ito ng lubusan. Sadya nga lang talagang ganoon talaga ang ugali nito. Mapagbigay at maalaga sa mga talent nito. Ganoon din kasi ito sa iba pang mga modelong hawak nya.
Dumating na rin ang kanilang order. Sa wakas ay may pagkakaabalahan na sya, hindi iyong pakramdam nya ay lagi syang naiilang. Hindi nya talaga makuha ang dahilan kug bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Ni hindi nya magawang alisin ang pakiramdam na iyon para sa lalaki. At eto na naman at nakatitig ito sa kanya. ‘ano ba talagang kailangan ng lalaking ito? Ang akala ko ba ay may pag-uusapan kami tungkol sa trabaho pero bakit ganyan sya makatitig sa akin? Tuloy hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito, may mga lalaki namang ganyan talaga makatitig sa akin pero ang isang ito lang talaga ang kakaiba.’ Sambit ng kanyang isipan. Kaya naman para mabawasan ang kanyang kaba ay sya na ang pumutol sa kanilang katahimikan.
“So, ano ang pinagkakaabalahan ng inyong business ngayon? Is this a men’s magazine?” unang tanong nya dito.
“Actually it’s not just a men’s magazine, it’s for everyone except minors.” Sagot nito pero nakatitig pa rin ito sa kanya. Iba talaga ang titig nito kumpara sa mga lalaking nakakasalamuha nya palagi, kahit pa mga foreigner.
“Oh… I see. And now, what do you want from me?” aniya at tumango-tango pa.
“Maari bang ikaw ang kunin naming maging cover ng aming magazine?” diretsong tanong nito.
“Madami namang iba dyan bakit ako pa ang napili nyong kunin?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Well para sakin ay ikaw ang perfect para dito, because our theme is wholesome.” Sagot nito. Na saglit na sinimsim ang inumin nitong Iced tea.
“And do you think I’m wholesome?” sarkastikong tanong ulit nya.
“You have the qualities we need, and you have that title.” Sagot naman nito at pulos pa rin naman ang ngiti nito.
“Oh, well, thank you for choosing me, but you all know my schedule, makakapaghintay ba kayo?” tanong nya ulit.
“We will, actually next month pa ang labas ng aming first issue, but I need you after your show in New York.”
“I have another schedule after New York, but maybe Saturday I’m free.”
“Okay, that’s good. So? Are we partners now?”anito at inabot ang palad nito para makipagkamay.
“Partners.” Tanggap nya sa kamay nito.
“Shall we continue our food?” natatawang tanong naman ni Harry.
“I’m sorry, nagutom ka yata dahil sa mga tanong ko.” Natatawa ring tugon nya pero nawala na din sa wakas ang kabang kanina ay bumabalot sa sistema nya. Pakiramdam talaga nya ay matagal na nyang kilala ang taong kanyang kausap ngayon. At iyon ang hindi mawala sa isipan nya, pilit nyang inaalala sa kanyang isipan kung saan nga ba nya ito nakita. Pero sumasakit lang ang kanyang isipan dahil dito. Kaya sa halip na isipin iyon ay ipinagpatuloy nalang nya ang pagkain at nakipagkwentuhan nalang kay Harry. Masaya pala itong kasama, madami itong jokes na nagpapatawa naman sa kanya. Marahil sa mga susunod na araw ay talagang magiging magkasundo sila.
Pagkatapos nilang kumain ay saglit naman nilang napag-usapan ang tungkol sa trabaho. At nagkasundo naman sila. Madali lang kausap si Harry, at talagang gagawin yata sya nitong prinsesa sa Gossip Magazine dahil sa mga hiling nyang pinagbigyan nito. Nagtaka man sya ay natuwa na rin sya para na rin sa kanyang personal na buhay.


No comments:

Post a Comment