Chapter 6
Sa
pagka-alala sa nakaraan ay hindi na
namalayan ni Richard ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. At bigla ang
realisasyong nasa kasalukuyan na pala sya.
At
sa pagbabalik sa kasalukuyan ay hinamig na ni Richard ang sarili at iniligpit
na ang mga papel at larawan. Nag-shower muna sya bago umalis ng kanyang condo.
Dahil aayusin pa nila ni Amber ang pag-alis nila ng sabado.
Samantala, nasa
kanyang opisina ng mga oras na iyon si Harold ng kumatok ang kanyang
sekretarya.
“Come
in.” sambit nya. Ngunit ang kanyang atensyon ay nasa mga papeles na nasa
harapan nya.
Pumasok
naman ito. “Sir, Miss Jyda Tayaban is in the lobby.” Bungad nito pagkapasok.
“Jyda
Tayaban?” kunut-noong tanong nya at sabay angat nan g kanyang ulo.
“Y-yes
sir.” Sabay tango naman nito.
“Who
is she?” kunut-noo pa rin nyang tanong.
“Sir
sabi nya po kababata nyo daw?” sagot naman ulit nito.
Naguguluhan
man ay gusto nyang makita ang sinasabing kababata nya. Kaya naman ipinatawag
nalang nya ito sa kanyang sekretarya.
Tumalima
naman agad ito at maya-maya pa….
Isang
babae ang tumambad sa kanyang harapan. Pamilyar ang mukhang iyon pero hindi sa
kanyang nakaraan, kundi ang babaeng kanyang tinulungan kaninang umaga lang.
“Hi!.”
Unang sambit nito.
“Hello,
please have a seat. What can I do for you, Miss Jyda?” he offered his visitors
chair at tinitigan kung ito nga ay isa sa mga kababata nya.
“Do
you remember me?” Tanong naman nito
pagkaupo. At ngumiti pa ito na parang nang-aakit.
“Oh
yeah! Ikaw iyong nasiraan ng sasakyan hindi ba? How do you find me anyway?”
sagot nya at isang kuryusidad na tanong ang kanyang binitiwan.
“Actually,
I just did that to test kung ako ba’y natatandaan mo pa. Pero sa nakikita ko,
mukhang hindi mo ako nakikilala.” Nakangiti namang tugon nito.
“Natatandaan
saan? Anong ibig mong sabihin?” kunut-noong tanong nya dito.
“Look,
don’t you remember the picture that I gave you?” anito.
“Picture?
You mean, ikaw ang nagbigay nang larawan na iyon?” tanong nya ulit.
“Oo,
at mukhang hindi ka yata nasasabik na makita ang taong nagbigay nun sayo.”
Anaman nito at tinaasan pa sya ng kilay.
“Well,
isang tao lang kasi ang kilala kong may hawak ng larawan na iyon. At hindi ko
alam kung paano napunta sa iyo ito.” Aniya at inilabas ang tinutukoy nilang
larawan.
“That
picture is mine, at walang sinuman ang nagmamay-ari ng larawan na iyan kundi
ako lang.” Para naiinis na ito pero pinipigilan lang nya.
“I
expect you to be here one of these days but I never expect you as early today.
May hinahabol ka bang deadline para sa taong umupa sayo? Or may hinahabol ka
bang oras at baka mabuko ang mga plano mo?” hindi na nakatiis na sambit nya
dahil alam naman nyang nagsisinungaling ito.
“A-anong
ibig mong sabihin?” kinakabahan ng tanong ni Jyda.
“Baka
gusto mo ring sabihin na ikaw si Leila?” nakangiting pang-iinis naman niya
dito.
“Ako
naman talaga si Leila ah. Nakilala mo naman pala ako bakit kailangang
napakarami pa ng iyong tanong?” naiinis
nang sagot nito.
“Dahil
alam kong nagsisinungaling ka lang. Dahil kilala ko ang totoong Leila. At kung
ikaw talaga si Leila, ano ang ipinahihiwatig ng Painting na ito?” aniya at
itinuro ang painting na lagi nyang tinititigan.
“Painting?”
tanong nito sabay tingin sa itinuturo nya.
“Yeah,
this painting.” ulit nya at tinitigan pa nya ang painting.
“That
painting is your lucky charm since you were a child. I gave that to you as a
token for being so nice to me. And that painting is a symbol of our
friendship.” Sagot naman nito na nakatingin sa kanya ng diretso.
‘mukhang may alam sya sa kwento naming dalawa
ni Leila. Pero hindi nya nabanggit na si Leila ang nagpinta ng painting na
ito.’ Sambit ng isip ni Harold. “Do you know who painted it?” tanong nya
para alamin kung talagang alam nga nya ang kwento nilang magkaibigan.
“Ah---Ehh---I
don’t even remember who painted that, dahil hindi ko pa gaanong naalala ang
nakaraan, anag-ag lang at konting ala-ala lang ang bumabalik sa isipan ko.
Hindi ba’t nasabi ko na rin sayo na may amnesia ako?” sagot nito.
Napailing
nalang sya ng paulit-ulit. “Huwag mo akong lokohin sa mga pinag-sasasabi mo.
Dahil mas higit kong kilala si Leila. At ang sinasabi mong amnesia na iyan ay
walang katotohanan dahil hindi naman talaga ikaw si Leila.” Walang gatol na
tugon nya.
“Harold!
Hindi ka ba naniniwalang ako talaga si Leila?” napatayo na ito sa kanyang kinauupuan.
“Yeah,
because I know you are an impostor. I know who’s the real Leila and you don’t
have to pretend that she is you.” Sagot nya.
“And
who do you think is the real Leila?” Matigas pa rin ito at ayaw pang umamin.
“Bakit
gusto mong malaman? May masama ka bang gagawin sa kanya oras na malaman mong
sya ang tunay na Leila?” balik tanong nya.
“Ano
bang pinag-iisip mo? Isa ba akong masamang tao sa paningin mo?” balik tanong
din nito.
“Oo,
dahil bakit mo ginagamit ang katauhan ng isang taong alam mong hindi naman
ikaw?” hindi rin nya hahayaang matalo ng isang katulad ni Jyda na alam nyang
gagawin ang lahat makuha lang ang tiwala nya. Ang mga ganoong tao ay tuso. Mas
masahol pa sa ahas.
“Ilang
beses ko bang sasabihin sayo na ako nga si Leila. Bakit ba ang hirap mong
papaniwalain?” naiinis na nitong tugon.
“Dahil
kahit kailan ay hindi ka magiging si Leila.”
“Wala
palang patutunguhan ang pagpunta ko dito ngayon.” Anito at sabay talikod at
nagmartsa na panlabas ng kanyang opisina. Pabagsak pang isinara ang kanyang
pintuan.
Pagkalabas
nito ay agad nyang tinawagan ang kanyang inupahang detective at agad na
pinasundan ang babae. Para malaman nya kung may kasabwat nga ito.
Hindi
sya matatahimik hangga’t hindi nya nasisigurong nasa mabubuting kamay nga si
Leila. At kahit na anong mangyari hindi nya hahayaang may mananakit dito.
Sa
pagkakataong iyon ay nagmadali na syang lumabas sa kanyang opisina at agad
nagtungo sa kanyang sasakyan. Pinaharurot nya ang kanyang kotse patungo sa
Batangas. Hindi na nya inisip kung ano man ang iisipin ni Leila kapag nakita
sya, basta ang mahalaga ay mabalaan nya ito. Kahit pa hindi pa sya nito
nakikilala.
Pero napapaisip sya na baka masamain nito ang pagpunta
nya doon. At baka kung ano ang isipin. Dahil papaano nga ba nya malalaman kung
saan sya nakatira kung hindi nya ito pinagtuunan ng pansin na alamin. At isa
pa, ay nasa agreement nila ang bigyan sya ng privacy pagdating sa personal na
buhay nya. Pero ngayon ay nilalabag na nya ang isa sa mga rules na iyon.
“I don’t care anymore, basta ang mahalaga ay makita kong
ligtas sya at hindi iyong nasa mga kamay sya ng taong gustong mapahamak sya.”
Aniya sa sarili habang binabaybay ang daan patungo sa Batangas.
Isang tao
naman ang naghihintay sa opisina ni Cheska ng mga sandaling iyon.
Pagkapasok ni Cheska ay gulat ang isinalubong sa bisita.
“What the hell are you doing here?” bulalas niya.
“I’m sorry Rich, but I failed you.” Sumamo naman nito.
“What do you mean?” kunut-noong tanong nya.
“He ignored me, hindi sya naniniwalang ako si Leila, may
mga tanong syang hindi ko nasagot ng tama.”
“What!?” napataas na ang boses niya.
“I’m sorry, Babe. I didn’t mean to.” Anito at hinawakan
pa sya sa braso.
“Babe your damn face.” Iwinaglit niya ang kamay nito.
“Babe.” Muntik ng mapasubsob sa sahig si Jyda.
“I thought I have the best asset, but I was wrong.” Aniya
at nakatingin kay Jyda.
“I think he knows everything.” Sambit naman ni Jyda.
“What do you mean?” bigla ay nagging interesado sya sa
sinabi ni Jyda.
“He is trying to catch me up kanina, madami syang tanong,
and one thing he asked me is about the painting on his wall.” Sagot naman nito.
“Painting?”
“Yeah, the painting, hindi mo nasabi sa akin ang painting
na yon sa akin, nag-pretend na nga lang akong alam ko yon, pero sumablay pa rin
ako sa huli ng tanungin nya kung sino ang nagpaint nun.” Salaysay ni Jyda.
“At sino naman ang nag-paint ng painting na iyon?”
“I have no idea, dahil doon na nya sinabing
nagsisinungaling ako. Hindi nya sinabi kung sino nga ang nagpinta ng painting
na iyon. Pero sa nakita ko kanina, mukhang bata lang ang nagpinta nun.”
“Anong bata?”
“Sa detalye ng mga kurba at linya ng painting, marahil ay
isang bata ang nagpinta nun.”
“So bakit ka sumablay sa sagot mo?” galit na naman tanong
ni Cheska or ni Richard.
“Dahil nablangko na ako kanina. Masyado syang magaling
manghuli. Talagang tinitingnan nya ako sa mata. Hindi ko naman magamit ang
charm ko dahil nga....” sagot nito na pinutol na nya.
“Damn, so you think that, that painting was one of
Leila’s painting right?” hindi na nakatiis at galit ng pinutol ni Richard sa
iba pang sasabihin ni Jyda.
“Oo.” Bigla namang napaatras si Jyda.
“That’s Bullshit.! I need to do the plan B.” Galit na
sambit nya.
“Plan B?”
“I think, Harold now is on his way to Batangas, because
he knows who the real Leila is. At malalaman na nila kung sino talaga ako.
Dahil alam kong matagal na akong pinasusundan ni Harold. Naunahan man nya ako
sa mga impormasyon, uunahan ko na sya sa pagsira sa publiko.” Mahabang salaysay
ni Richard.
“So, what’s the plan?” tanong naman ulit ni Jyda.
“Just wait and see. And maybe learn.” Isang kindat pa ang
iginawad kay Jyda.
“So, hindi ka na ba galit sa Babe mo?” isang mapang-akit
na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Jyda.
“Kahit ilang sakit ng ulo ang ibigay mo sa akin, Babe.
You are always my babe.” Sagot naman niya at bigla nalang nyang hinila si Jyda
at agad na hinalikan sa mga labi. Isang mapusok na halik ang kanilang
pinagsaluhan na humantong pa sa mas mainit na tagpo.
No comments:
Post a Comment