Chapter 8
Kinabukasan ay inayos
na rin ni Harold ang kanyang mga papeles papuntang New York upang samahan si
Leila sa kanyang Fashion Show doon. At sinabi rin ni Leila na ito na ang
bahalang magpaliwanag kay Cheska kung bakit sya sasama. Masaya dahil masisiguro
na nyang ligtas ang mahal nyang si Leila. Pero hindi pa rin sya sigurado kung
ano ang kayang gawin ni Cheska sa kanya at kay Leila. At sa puntong iyon ay sya
namang pagtunog ng kanyang mobile phone.
Agad nya itong kinuha at inalam kung sino ang tumatawag
ng ganoon kaaga. Ang kanyang inupahang detective. Marahil ay maganda ang
balitang malalaman nya tungkol dito.
“Yes detective. Do
we have good news?” unang tanong nya.
“I have the documents where Cheska or Richard Santos come
from and who he really is.” Sagot naman ng detective.
“That’s nice to hear, detective. Where can I see
you?” aniya.
“Same place, Harold.” Sagot naman nito.
“Okay, I’m coming.” Aniya at agad nang lumakad. Mahalaga
sa kanyang malaman ang tunay na katauhan ni Cheska or Richard Santos na sinabi
ng kanyang detective. Upang nang sa ganoon ay kilala nya ang kanyang kalaban.
Hindi lang iyong sya ang kilala nito.
Pagkadating niya sa lugar ay agad naman siyang nilapitan
ng kanyang detective. May iniabot itong brown envelope sa kanya.
Binuksan naman nya iyon at inilabas ang laman, pahapyaw
lang muna ang kanyang ginawa at isang larawan ang pumukaw sa kanyang atensyon.
“Oh God… What the….” Gulat na reaksyon nya habang
nakatitig sa larawan.
“He knows everything about her.” Sambit ng detective.
“Okay, thanks for all of these. I owe you a lot my
friend.” Aniya dito at tinapik pa ang balikat nito.
“Anything you want, Harold.”
“Well, I guess I need to take all this to Leila.”
“I think she knows.” Makahulugang tugon nito.
“What do you mean she knows?” takang tanong naman nya.
“She knows Richard Santos, and she knows that Cheska and
Richard are one.” Sagot naman nito.
“So what are you trying to point out?” patuloy nyang
tanong.
“That she is doing her own investigation about her
manager, Cheska.”
“But, she never mentioned to me that.” Nagtataka pa rin
nyang komento.
“My conclusion is that, she never really had amnesia.
Nagtago lang sya sa katauhan ni Amber at inaalam kung sino nga ba ang taong
nasa likod ng sinapit nilang aksidente. And to Richard, alam nya kung ano ang
gusto nito. Ang mabigyan lang ng hustisya ang sinapit ng ina nito. Kaya bago pa
sana maging magulo ang lahat ay magawan na ng paraan.” Mahabang pahayag ng
detective.
“Kung ganoon ay kailangan ko munang makausap si Leila
tungkol dito.”
“Mas mabuti ngang pag-usapan nyong mabuti an tungkol
diyan. At alam kong alam mo ang totoo.” Makahulugang salita nito.
“Alam ko ‘yon, kailangan lang naman ng matibay na
ebidensya para maipakulong ang may sala hindi ba?” bigla syang nalungkot.
“You need to do the right.” Maiksi man ay makahulugan pa
ring tugon ng detective.
“Yeah, I know that. I gotta go. Thanks for these.” Aniya
at tuluyan na nyang nilisan ang lugar.
Kailangan nyang makausap ng masinsinan si Leila.
Kailangan din nyang malaman kung totoo nga ang konklusyon ng kanyang kaibigan.
Na hindi talaga ito nagkaroon ng amnesia.
Pinaharurot nya ang kanyang sasakyan. Muling binaybay ang
daan patungong Batangas.
Nasasabik man syang makasama ng matagal si Leila ay
kailangan muna nyang maayos ang lahat. Kailangan ay managot muna ang dapat
managot sa batas.
Masaya na siya
ng araw na iyon. Ang matagal na niyang hiling ay matutupad na, ngunit kaya pa
ba nyang muling mahalin ang lalaking matagal ng itinitibok ng kanyang puso kung
ang isip nya ay tumututol nang mahalin ito? At isa lang naman ang hiling nya,
ang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang magulang. Kaya pati sa
kanyang yaya ay naglihim sya. Bata pa man sya noon ay alam na nya kung anong
buhay mayroon sila. Kaya nga nagawa na niyang magsinungaling alang-alang lang
sa kanilang pamilya. Pero naisip nya, pa’no pa niya pangangalagaan ito kung sya
nalang ang natitira?
Nailing nalang sya at itinuloy na ang ginagawang
pagpipinta. Dahil ni minsan ay hindi niya nakalimutan ang kanyang kinahiligan
mula pa pagkabata. At lagi nyang ipinipinta ang lalaking matagal ng itinitibok
ng kanyang puso.
Naroon sya sa
kanyang private room kung saan naroon lahat ng kanyang obra na puro mukha ni
Harold. At walang ibang nakakapasok dun maliban sa kanya. Kahit si Shienna ay
hindi nya pinapayagang pumasok sa kwartong iyon dahil pag nagkataon, malalaman
nito na hindi pala sya nagkaroon ng amnesia.
Kapag nakita kasi ng ibang tao ang kanyang mga obra na
puro mukha ni Harold ay baka isipin na nababaliw na sya dito. Dahil iba’t-ibang
anggulo ang kanyang ipinipinta. Mayroon pa ngang nasa kama ito na tanging kumot
lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
“Oh, Harold, nababaliw na talaga ako sayo. Dahil lahat ng
mga larawan mong lumabas sa mga magazine noon ay kinukuha ko para lang hindi
ako mangulila ng husto sayo, pero nang makita na kita ay labis akong kinabahan
at natuwa. Kaya lang ay hindi ko pwedeng ipahalatang kilala kita.” Naibulong nalang niya sa sarili. At muling
ipinagpatuloy ang pagpipinta. This time ay hindi na solo si Harold, kundi
kasama na sya. Silang dalawa, magkayakap sa gitna ng malawak na parang. Kagaya
ng pinakauna nyang ipininta ng sila’y mga bata pa. At iyon ay hindi nya alam
kung nakay Harold pa.
Malapit na nyang matapos ang kanyang ipinipinta ng tumunog
ang telepono sa loob ng kanyang private room. Nagpalagay nalang sya ng telepono
dito para hindi na kailangan pang kumatok si Nanay Shienna nya kapag kakain na
o kahit na ano pang importanteng bagay na sasabihin nito.
Agad naman nyang sinagot ang telepono. “Leila’s
speaking.” Aniya pag-angat sa telepono.
“Anak, narito si Harold.” Bungad naman ni Shienna.
Bigla naman siyang nagtaka ngunit may halo iyong tuwa
dahil makikita muli niya si Harold. “Sige po, Nay. Lalabas na po ako.” Sambit
naman niya at ibinaba na ang telepono. Tinakpan muna niya ang hindi pa tapos na
obra nya at nagbihis ng damit, naghilamos muna saglit at tinanggal ang mga
pinturang nasa kanyang balat bago sya bumaba para dulugin si Harold. Ewan ba
nya pero parang napakasaya nya ng mga oras na iyon hindi katulad ng unang
nagpunta ito sa kanila.
Habang sya’y pababa ay pulos ang ngiting nakapagkit sa
kanyang mga labi pero pagkakita kay Harold sa ibaba at nakatayong hinihintay
ang pagbaba nya ay tila nag-iba ang naramdaman nya. Nawala ang ngiti sa kanyang
mga labi dahil tila galit yata ang nakikita nyang reaksyon sa mga maaamong mata
nito. Pero hindi naman sya tumigil sa paghakbang at lumapit pa rin sya dito.
“Good to see you again, Harold.” Nakangiti ngunit alangan
nyang bati dito. At sunod niyon ay niyakap niya ito.
Hindi naman nag-protesta ito at gumanti rin ng yakap.
“Can I talk to you in private?” tanong nito ng kumalas na sa yakap nya.
“We can talk here now, wala namang mang-iistorbo satin.”
Nagtatakang tugon naman niya.
“I know but I want to be sure na tayong dalawa lang ang
makakarinig ng pag-uusap natin.” Paliwanag naman nito.
“Okay, just give me a minute to fix myself.” Nakakaunawa
namang sambit nya. Tumango naman ito. At agad na syang umakyat sa kanyang
kwarto upang magbihis.
Isang blue checkered blouse ang kanyang isinuot na
tinernohan ng black slacks at blue flat sandals and her blue Gucci handbag.
Konting powder lang sa kanyang mukha and a pair of pearl earrings. Hindi sya
nagsuot ng relo dahil ayaw nyang mamalayan ang oras. Kahit ang kanyang
cellphone ay iniwan na rin nya sa kanyang bedside table.
Nang sya’y makababa ay nakita nyang hindi na mukhang
galit si Harold kaya naman sinamantala
na nya ang pagkakataon na ilabas ang napakatamis nyang ngiti.
“So, where are we going?”
nakangiting tanong nya dito.
“In my suite.” Maikling sagot nito. Seryoso na naman ang
mukha nito.
“Meron ka ba ngayon?” pilosopong tanong nya ng tumalikod na
ito.
Bigla naman itong napaharap sa kanya na kunot ang noo.
“What?” tanong nito.
“Just asking, huh? Ang sungit mo kasi, nagmumukha ka
tuloy parang isang….” Hindi naman nya maituloy ang pang-aasar lalo dito.
“Isang ano?” lalong kumunot ang noo nito.
“Wala, kalimutan mo na ang sinabi ko. Tara na nga.” Aniya
at nauna na syang lumabas.
Napapailing nalang na sumunod ang binata.
Sa labas naman ay naroon si Shienna na nagdidilig ng mga
halaman.
“Nay, lalabas po muna kami. At huwag ho kayong tatawag
sakin dahil iniwan ko po ang cellphone ko.” Paalam nya sa kanyang yaya at
inunahan na ito tungkol sa kanyang cellphone.
“Huwag kang mag-alala anak, tiwala naman ako kay Harold
at matagal ko naman ng kilala ang batang iyan, at alam kong mapagkakatiwalaan
siya. Hindi ba iho?” tugon naman ni Shienna at bumaling pa itokay Harold.
“Oo naman ho, Nay Shienna.” Nakangiting sagot naman ni
Harold dito.
‘sus, bakit sakin
hindi sya makangiti kanina bakit kay yaya hindi naman pilit ang ngiti nya.’ sambit
naman ng isipan niya dahil nakita nya ang ngiting iginawad nito sa yaya Shienna
nya.
“Sige ho, Nay. Aalis na po kami. Mag-iingat po kayo dito
ha?” paalam niya sa yaya niya at humalik pa siya sa noo nito at yumakap.
“Kayo din mga anak, kayo’y mag-iingat sa daan.” Tugon naman
nito at gumanti ng yakap sa kanya.
“Sige, Nay. At baka po gabihin kami sa daan.” Aniya at
kumalas na kay Shienna.
“Iho, alagaan mo ang anak ko ha?” baling naman ni Shienna
kay Harold.
“Makakaasa po kayo.” Maikling sagot naman nito.
At tinungo na nila ang kotse ni Harold.
Nasa byahe na
sila pero wala pa ring pagbabago. Tahimik pa rin ang sasakyan. Walang gustong
bumasag ng nakakabinging katahimikan na iyon.
Pero dahil sa hindi na siya makatiis ay nagsalita na
siya. “Wala naman na sigurong makakarinig sa atin ngayon na ibang tao, baka
naman pwede mo ng sabihin kung ano talaga ang gusto mong sabihin.” Umpisa nya.
“Just wait till we reach my house.” Seryoso pa ring tugon
nito. At nakatuon ang pansin sa daan.
“Ano bang problema mo at bigla yatang nag-iba ang ihip ng
hangin? Sabihin mo nga. Galit ka ba sakin?” hindi na nakatiis na sambit nya
dahil nainis na rin sya.
“I’m not mad okay?” bumaling ito saglit sa kanya pero
binawi rin nito at muling itinuon ang paningin sa daan.
“Then why are you like that?” parang naiiyak ng tanong
niya.
“Like what?” tanong din nito.
“Forget it, just drive fast, para makarating tayo ng
maaga doon.” Analang nya at ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana.
Hindi naman na nagsalita si Harold. At nagpatuloy na lang
sa pagmamaneho.
‘I’m sorry Leila,
just trust me, ikaw ang tuluyang magagalit sa akin kapag nalaman mo ang totoo.
Ayokong mangyari ang bagay na iyon kaya ko ito ginagawa. Kailangan maunahan na
kita bago ka pa man lubos na mamuhi sa akin.’ Sambit naman ng isipan ni
Harold.
‘Isa lang naman ang gusto ko sayo Harold, ang makasama ka hangga’t hindi
pa nabubunyag ang tunay kong pagkatao. Yun nalang, kahit pa habang-buhay na
kitang hindi makasama basta sa mga oras na ito gusto ko ay maging masaya tayo,
kahit na mga nakaw lang ang lahat ng ito.’ Malungkot naman na sambit ng
isipan ni Leila. At hindi nya namamalayan na may mga mumunting tubig ng
dumadaloy sa kanyang pisngi na nagmumula sa kanyang mata.
At sa lungkot na nararamdaman ay hindi na rin nya
namalayan na nakatulog na sya sa biyahe.
At alas siyete na ng sila’y makarating sa condo ni
Harold, pinangko na nya ito dahil ayaw na nyang istorbohin ang tulog ni Leila.
At gusto rin nyang pagmasdan ang mala-anghel na mukha nito habang natutulog.
Inihiga nya ito sa kanyang kama at pinagsawa muna niya
ang kanyang mga mata sa pagtitig na nahihimbing na si Leila.
‘Oh, God. Leila.
Why I have this feeling na gusto kitang halikan sa mga labi. Gusto kong
maramdaman ka. Makasama ngayong gabi. Mayakap ka sa mga bisig ko.’ Ang
sambit muli ng kanyang isipan. Hindi nya maiwasang titigan ang mga labi nitong
bahagyang nakaawang at mukhang kaysarap halikan.
‘Shit! Harold she
trusted you. Kaya bakit mo iniisip ang mga bagay na tuluyang sisira sa
pagkakaibigan nyo?’ kastigo naman ng isang bahagi ng isipan nya.
At sa puntong iyon ay tumayo na sya at nagtungo muna sa
kanyang mini bar. Kumuha sya ng isang kopita at sinalinan ng martini. At saka
nya ito ininom. Gumuhit ang init sa kanyang lalamunan. At nang maubos ay muli
syang nagsalin sa kanyang kopita.
No comments:
Post a Comment