Chapter 3
Isang magandang
pagkakataon para sa kanya na pumayag si Amber. Hindi na nya sasayangin ang mga
pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa kanya. Sabagay iyon naman talaga ang
matagal na nyang pangarap, ang maging bahagi ito ng kanilang magazine at lalo
na ng kanyang buhay.
“Oh Leila, sana ay narito ka at kasama ko sa mga tagumpay
na natatamasa ko, sana ay masaya tayong dalawa para sa mga ito.” Aniya at
sumadal sa kanyang swivel chair. At muli ay tinitigan ang painting. Kahit
kailan ay hindi na talaga nya makakalimutan ang kababata at unang minahal ng
kanyang musmos na puso at magpasa-hanggang ngayon ay ito pa rin ang itinitibok
ng kanyang puso.
Matagal nyang pinagsawa ang mga mata sa painting at
pagkatapos ay ipinaalam na kay Joseph ang magandang balita.
“Mabuti’t napapayag mo si Miss Amber. Ano naman ang mga
kundisyon nya?” sambit ni Joseoh sa kabilang linya.
“Mabuti na lang at wala syang gaanong lakad next week at
napapayag ko sya sa gusto ko. And I gave her the privilege of being a princess
of our magazine, pero hindi sa prinsesa talaga kundi kailangan natin syang pangalagaan,
tulad ng kanyang personal na buhay.” Anito sa kaibigan.
“Well, talagang mahalaga sayo ang Amber na yan, at
talagang pumayag ka sa gusto nyang mangyari.” Komento naman nito.
“Ang importante sakin ngayon ay makikilala ang ating
magazine.” Pagsisinungaling na naman nya sa kaibigan.
“Yeah, I know that already, you don’t have to always
remind me of that.”
“Well, you have to be here next week, ikaw ang
magpapaliwanag ng lahat ng kanyang gagawin when it comes to photoshooting.”
“I’ll be there, actually, may inaayos lang na konting
gulo dito, kaya hindi pa ko makakauwi ngayon pero I’m sure, I’ll be there next
week.” Sagot naman nito with assurance.
Napangiti naman sya. Ito kasi ang nakatoka pagdating sa
photoshoot ng mga modelo dahil may alam ito sa aspetong iyon. “I’ll expect you
here, Pare”
“You will.” Maiksing tugon nito at sabay na nilang
ibinaba ang telepono.
Napangiti sya muli, ewan ba nya at parang napakasaya nya.
Parang unti-unti ng bumabalik ang dati nyang sigla na nawala mula ng mawala sa
buhay nya si Leila. Leila again, lagi nalang nyang naalala si Leila, kung
kailan gusto na nyang mamuhay ng tahimik at Malaya sa alaala ni Leila ay saka
naman ito bumabalik sa kanyang gunita. Ang alaalang nakapagkit na talaga sa
kanyang utak kahit pa siguro makakilala sya ng ibang babaeng mamahalin ay hindi
pa rin nya makakalimutan ang alaala ni Leila.
At sa kanyang pagmu-muni-muni ay hindi na nya namalayan
ang kanyang cellular phone na tumutunog na pala. Abala kasi ang kanyang utak sa
gunita ni Leila.
Nakdalawang ring na ang cellphone nya ng saka lang sya
napatingin dito. Hindi nya kilala kung sino ang caller dahil numero lang ang
nakarehistro sa screen ng kanyang cellphone. Pero maya-maya pa ay sinagot na
nya ito.
“Hello?” Bungad nya dito.
“Ahmm, I just want to know if this is Mr. Harry Ocampo?”
tanong naman ng nasa kabilang linya.
“Yes speaking, who’s this?” sagot naman nya. Ngunit may
kutob na siya kung sino ang kausap niya.
“This is Cheska, manager of Miss Amber Vilanueva, hope
you don’t forget me.” Anaman nito. Na halata ang boses bading nito.
“Oh, of course I won’t forget you, how may I help you
this time?” tanong naman niya. At nirelax ang pagkakaupo sa kanyang swivel
Chair.
“Amber
already told me about the project. And she mentioned that you never argue with
her conditions. Why, Harry? What’s with Amber? Why you are treating her like a
princess of your magazine?” curious na tanong sa kanya ni Cheska.
“Cheska,
I need her for my magazine that’s it, nothing’s personal. And I know that if I won’t
allow her to do what she wants, she may not agree with my proposal to her.”
Sagot naman nya.
“Amber
is just a little bit bratt but she can accept rules.” Paliwanag naman nito.
“Well,
I just gave her what she wants and she agrees with what I want too. So, what’s
the problem with that, Cheska?” tugon naman nya.
“I’m
just making sure if you’re just doing that for business, and not for your
personal interest.” Sagot naman nito pero mahinahon naman.
“As
I have said, I have no personal interest why I did that, I just want her to be
comfortable with the job. And I want her to feel at home with Gossip Magazine
that’s all.” Paliwanag naman nya dito. Ngunit iba ang pakiramdam niya kay
Cheska.
“Well
I think you’re not lying. Base on your voice, kahit na hindi nakikita ang mga
expression sa mukha, I think you’re sincere naman sa mga pinagsasabi mo. Well,
just checking lang naman kung safe ang baby ko sayo.” Anito at naniwala na din
sa kanya sa wakas.
“I
promise, she’s safe on Gossip Magazine.” Pangako nya dito.With assurance pa.
“Okay,
may gagawin pa ko, and I’m making an eye from you para hindi mapahamak ang baby
ko. O sya sige, ibababa ko na ang phone, bye.” Anito at pinatay na nga nito ang
tawag.
Napaisip
naman sya sa naging pag-uusap nila ni Cheska. Mukhang may pakiramdam syang hindi
lang dahil sa nag-aalala ito kay Amber kaya ito napatawag sa kanya, kundi may
iba pang dahilan. At ‘yon ang kailangan nyang alamin. Mukhang may itinatago ang
Cheska na iyon.
“There’s
something with that Cheska, pero ano naman kaya iyon?” tanong nya sa sarili at
hinihimas-himas pa ang kanyang baba. “Kailangan ko rin malaman ang background
ng Cheska na iyon.” Patuloy pa nya. At sa isiping iyon ay agad nyang tinawagan
ang kanyang detective na si detective Jordan Manlapaz. Ito rin ang inutusan nya
noon para kumuha ng impormasyon tungkol sa nakaraan ni Amber. Agad namang um-oo
ang detective. Iba talaga ang pakiramdam nya sa Cheska na iyon. Masyado nitong
pinoprotektahan si Amber. At maari ding pinapa-imbetigahan na sya nito ngayon
palang. Pero hindi sya matatahimik hangga’t hindi nya nalalaman kung ano nga
bang klaseng tao ang manager ni Amber. Kailangan ay malaman niya kung
mapagkakatiwalaan nga rin ba ito katulad ni Amber.
Hindi
nya hahayaan na mabahiran ng kung anuman ang kanilang Magazine kaya kailangan
nyang maging maingat sa mga tao nya. Nangyari na noon ang trahedya dahil sa mga
hindi pagkakasundo ng mga tao na involve kaya hindi na nya ulit hahayaan na
mangyari iyon. Wala na syang nagawa noon, ngayon ay may magagawa na sya para
hindi na ulit mangyari ang nakaraan. Inayos na nya ang mga papeles sa kanyang
mesa at nagdesisyon ng umuwi ng maipahinga naman nya ang kanyang isipan sa mga
mabibigat na isipin ng nakaraan.
Pagkauwi
sa kanyang condo ay agad syang nag-shower. Pagkatapos mag-shower ay kumain sya
saglit at nagpahinga na. Agad naman syang nakatulog dahil na rin sa pagod ang
kanyang isipan sa kakaisip.
Samantala, si
Amber naman ay hindi makatulog ng gabing iyon. Hindi na nya maintindihan ang
kanyang sarili mula ng makilala nya ang Harry Ocampo na yon. Para kasing
narinig na nya ang pangalan na iyon hindi dahil sa Gossip Magazine. Talagang
parang pamilyar para sa kanya ang pangalang Harry Ocampo pero sumasakit lang
ang kanyang ulo sa kakaisip kung saan nya ito narinig. Sinabihan na rin sya ng
kanyang nanay Imelda na huwag masyadong nag-iisip dahil baka bumalik na naman
ang sakit nya na matagal nang natigil. Pero parang bumabalik na naman simula ng
makilala nga nya si Harold dahil nagsimula na naman siyang mag-isip tungkol sa
nakaraan.
Napapailing
nalang sya, kahit pigilan nya ang sarili na huwag mag-isip ay kusa talaga syang
napapaisip.
At
sa pagmumuni-muni nya, hindi na nya namalayan na matagal na pala syang
pinag-mamasdan ng kanyang nanay Imelda.
Napapailing
naman na lumapit na ito sa kanya at tumabi sa kanya. Kasalukuyan kasi syang
nakaupo noon sa paanan ng kanyang kama at malayo ang iniisip.
Nagulat
naman sya. “Nay, kayo ho pala. Bakit po?” sambit nya.
“Anak,
tama na. ayoko na ulit makita kang nahihirapan sa pagtulog.” Anito na may
lungkot sa himig nito.
“Nay,
bakit ho ganoon? Bakit ho bigla na naman akong naging ganito?” tanong nya sa
ina.
“Anak,
pilitin mong huwag munang isipin, malapit ka ng umalis. Kailangan mo ng
pahinga. At hindi ka makakapagpahinga hangga’t hindi mo hinahamig ang sarili mo
sa mga isiping nagpapasakit lang sa ulo mo.” Alo naman ng ina.
“Pero
pa’no ko po pipigilan? Kusa pong pumapasok sa isip ko.” Aniya.
“Anak,
sino ba ang dahilan ng iyong pagbalisa?” tanong naman nito.
“Si
Harry Ocampo po, ang may-ari ng Gossip Magazine.” Sagot naman nya dito.
Pagkabanggit sa pangalan ng lalaki ay bigla na naman syang kinabahan.
Hindi
naman maintindihan ni Imelda ang sarili. Hindi nya alam kung matutuwa sa
narinig o matatakot o kung ano man ang mararamdaman. Pero kailangan muna nyang
masiguro kung tama nga ang kanyang hinala.
Napansin
naman ni Amber ang naging reaksyon ng ina. “Bakit po, Nay? Kilala nyo ho ba si Harry?”
usisa nya dito.
“Ah…H-hindi,
inaalala lang kita anak, mabuti pa ay ipahinga mo na ang isip mo sa kakaisip.
Maaga ka pa kinabukasan kaya dapat mo nang ipahinga ang isip at katawan mo.”
Pagsisinungaling at pag-iiba ng usapan ni Imelda.
“Sige
po, Nay. Kayo din po, matulog na kayo.” Aniya at nahiga na. nagtataka man ay
ipinikit nalang nya ang kanyang mga mata.
Lumabas
naman na si Imelda sa kwarto at bago pa man ito lumabas, pinagmasdan pa niya
ang anak. ‘Alam kong darating din ang
panahon na ito, at gusto kung ikaw mismo ang makatuklas nun.’ Anang isipan
ni Imelda.At tsaka ito umalis. At isang desisyon ang ginawa para sa umagang
darating. Hindi na nya ito kailangan pang palampasin. Ayaw nyang bumalik
nanaman ang sakit ni Amber kaya kailangan nyang gumawa ng paraan. Hindi na nya
hahayaan muling mapahamak ito. Mahal na mahal nya si Amber kaya gagawin nya ang
lahat para dito. Kahit pa ang pinakamahirap na desisyon.
Pero
kahit pa ipikit at pilitin ni Amber ang makatulog ay pilit na bumabalik sa isip
nya ang mukha ni Harry. Hindi talaga mawaglit sa kanyang isipan ang napaka-amo
nitong mukha. Ang titig ng mga mata nito sa kanya. At ang mga ngiti nito sa
kanya. Napabangon muli sya sa pagkakahiga. ‘Why
this time? I’m moving on. Ayoko nang bumalik sa dati. Bakit sayo? Bakit ngayon
pa?’ tanong nya sa sarili. Pero kahit na anong gawin nya ay wala talaga
syang makuhang sagot. Kaya pinilit uli nyang ipikit ang mga mata at pinilit
matulog. At sa pagkakataong iyon ay nagawa na nya. Sa wakas ay nakatulogna rin
sya.
Kinabukasan, tinawagan
ni Imelda si Cheska. Nakipagkita ito sa kanya sa isang lugar kung saan ay
walang nakakakilala sa kay Cheska bilang manager ni Amber. Sa farm ni Amber sa
Batangas.
“Bakit
po biglaan yata ang pagtawag nyo sakin? Ano ho ba ang problema?” unang tanong
ni Cheska sa matanda.
“Kailangan
mong bantayan si Amber.” Kinakabahang tugon ng ginang.
“Kanino
ho?” takang tanong naman nito.
“Kay
Harold.” Maikling sagot niya.
“Harold?”
kunot-noong tanong nito.
“Si
Harry at Harold Ocampo ay iisa.” Paliwanag naman niya dito.
“A-anong
ibig nyong sabihin?” naguguluhan ng tanong ni Cheska.
“Tama
ang narinig mo, kaya bumabalik na naman sa dati si Amber dahil sa kanya.
Kailangan natin syang protektahan.” Nag-aalala pa ring tugon ni Imelda kay
Cheska.
“Okay,
ako na ang bahala. Basta huwag nyong hahayaang magulo ulit ang isipan ni Amber.
Tulungan nyo ho sya at ako na ang bahalang gumawa ng paraan para hindi
matuklasan ni Harry ang totoo.” Paniniguro naman nito.
“Maraming
salamat talaga sayo, Cheska.” Hinawakan pa nito ang kamay ni Cheska.
“Wala
ho iyon, Nay Imelda. Basta para sa anak nyo. Sya nga po pala, maari ho ba akong
makahingi ng mga larawan ni Amber noong bata pa sya?” hiling naman ni Cheska
kay Imelda.
“S-sige,
saan mo naman gagamitin? Baka lalong mapahamak ang anak ko.”
“Hindi
ho, pangako, hindi po mapapahamak si Amber, hindi ko po iyon hahayaang mangyari
kay Amber iyon. Alam nyo namang mahal na mahal ko si Amber.” Sagot naman nito
at inakbayan pa si Imelda.
“Mangako
kang hindi mo sya ipapahamak.” Aniya.
“Nangangako
ho ako, Nay.” At itinaas pa nito ang kanang kamay tanda ng nangangako nga ito.
“Sige..”
at may kinuha ito sa bag. “…Eto yung larawan nya noong limang taon palang sya.”
Sabay abot sa kamay ni Cheska.
“Salamat
po sa tiwala, Nay Imelda. Makakaasa po kayo. Gagawin ko po ang lahat para kay
Amber.” Paniniguro ni Cheska.
“Maraming
salamat, ngayon palang ay taos puso na ang pasasalamat ko sayo. Napakalaki na
ng naitutulong mo sa amin ni Amber.”
“Wala ho iyon, malaki rin ho ang utang na loob ko
sa inyo.” Sagot naman nito.
“Hala
sige, baka hinahanap na ako ni Amber, baka magtaka pa iyon. Mauuna na ako sa
iyo, Cheska. Maraming salamat muli sa iyo.” Paalam naman ni Imelda dito at
tumalikod na. diretso ito sa sasakyan niya.
Pagkaalis
naman ni Imelda ay bigla namang napangiti si Cheska. “Well, well, well. You’re
on the right track, Richard.” Anito at napangiti pa ito. Isang ngiting may ibig
sabihin. Ngunit siguradong pangpersonal nyang kagustuhan at hindi para sa
kagustuhan ni Imelda.
Richard
ang totoong pangalan ni Cheska. At iyon ay alam naman ni Amber, pero kung sino
sya ay iyon ay hindi totally alam ni Amber. Isang lihim din ang syang dinadala
ni Cheska. Isang plano din ang nasa isipan ngayon ni Cheska. At para sa kanya
ay makakatulong ito sa kanyang personal na interes.
At
sa puntong iyon ay may tinawagan ito. At napangiti sya ng pumayag ito sa
kahilingan nya. Nag-set naman sya ng appointment dito. Upang maisagawa na ang
plano nya. Isang planong mapapakinabangan nya para sa matagal nan yang plano.
“My
mission is on the right track, thanks for joining me, Harold Ocampo.” Aniya at
napatawa pa. “Tamang-tama ang pagdating mo.” Patuloy pa nito.
Samantala, nakauwi
na rin si Imelda sa bahay nila. At mabuti nalang ay tulog pa si Amber at
dumiretso agad sya sa kusina para ipagluto si Amber ng kanyang agahan.
Pakatapos
makapagluto ay dinala nalang nya ang pagkain sa kwarto mismo ni Amber para
hindi na ito mapagod pa sa pagbaba.
Mahal
na mahal ni Imelda ang anak. Kaya hindi nya hahayaang mahirapan muli ito. Sana
nga ay tama ang kanyang naging desisyon. At sana ay magawan ng paraan ni Cheska
ang problema. Pero kinakabahan naman sya gagawin ni Cheska. May kutob kasi sya
sa magiging hakbang nito. Pero sana ay hindi iyon ang gawin ni Cheska.
Panalangin naman ni Imelda.
Sa
pag-iisip hindi na napansin ni Imelda ang paggising ni Amber.
Pinagmasdan
lang naman ni Amber ang ina na mukhang napakalalim ng iniisip. Hanggang sa
hindi na sya nakatiis na imikin ito.“Nay?San nap o ba kayo nakarating?” biro
nya dito.
“H-ha?
A-ahhh…Gising ka na pala. Ikaw talaga.” Nagulat man ay nakabawi din.
“Ang
lalim kasi ng iniisip mo, Nay.” Sagot naman nya dito.
“Inaalala
lang kita anak. Ayos ka lang ba?” pagsisinungaling nito sa anak.
“I’m
okay na po, Nay.” Sagot naman nya.
“Mabuti
naman, kumain ka na anak. At ng makapag-bihis ka na.” anaman ni Imelda.
“Nay,
marami pong salamat huh?” aniya sa ina at sabay yakap dito.
Gumanti
naman ng yakap si Imelda at hinaplos pa ang likod nya. “Ako ang magpapasalamat
sayo anak at ako’y tinanggap mo ng buong-buo.” Sagot naman nito.
“Nay…”
kumalas sya ng yakap dito. “…Nanay kita, kaya tatanggapin kita. At walang
magbabago.” Aniya.
“Basta
pagpasensyahan mo nalang ako kapag may mga bagay akong gagawin na ikagagalit mo
dahil gusto ko lang na mapabuti ka, ayokong mapahamak ka.” Hindi na mapigilan
ni Imelda ang sarili.
Naguluhan
naman sya sa pinagsasabi ni Imelda. “Nay?Ano ho ba ang pinagsasasabi nyo?”
tanong nya dito.
“W-wala
naman, basta, tandaan mo, mahal na mahal kita. At gagawin ko ang lahat para sa
kaligtasan mo.” Sagot naman nito.
“Nay,
alam ko naman po iyon. At hindi ko po iyon pinag-dududahan. Alam ko pong mahal
na mahal nyo po ako. At mahal na mahal ko din po kayo. Kaya huwag na kayong
mag-drama ha? Sabayan nyo nalang akong kumain.” Aniya sa ina at tumayo na sya
sa kanyang kama at inalalayan ang ina. Sumama naman itong bumaba at sumabay sa
kanyasa pagkain.
No comments:
Post a Comment