Monday, February 25, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 2



Chapter 2


So, maghihintay ka pa rin ditongayon?” tanong ni Matthew ng nasa may food court na uli sila.
“Yeah, pwede mo na akong iwan.” Sagot naman nya. Buti nalang at naging normal na din ang pintig ng kanyang puso ngayon at hindi na rin sya naiilang dito.
“Okay, ikaw ang bahala. Basta, one of these days, tatawagan kita.” Anito at nangako pang tatawagan sya.
“Okay, I’ll wait nalang for your call.” Sagot naman nya. Umupo na sya sa isa sa mga upuang nandoon samantalang si Matthew ay wala ng balak pang umupo dahil mukhang nagmamadali na din.
“Pano? Nice meeting you, Jamila. ‘Till next time, huh?” Paalam na nito. Pero nagulat pa siya sa ginawa nito ng halikan siya sa pisngi. Mukhang nakagawian na nito ang ganoon. Pero hindi naman ito humalik kanina sa pinsan nitong si Kelly. Pero bago pa niya ito nasita, mabilis na itong nakaalis sa harapan niya.
“Naku! Jamila ha… Bakithindi mo agad siya sinita sa ginawa nya? Bakit bigla kanalang natigilan dyan?” kastigo nya sa sarili bagama’t ito’y pabulong lang naman. “Sabagay kahit naman sino ay matitigilan kapag ganoon ang ginawa ng isang lalaking kakakilala mo palang.” Sagot din nya sa tanong nya. “Naku naman oh! Baka isipin nyang napaka-baba ko nang babae. Unang-una, sumama nalang ako sa kanya basta-basta, tapos siya pa ang dahilan kung bakit ako nakapag-palit ng damit. And then sa huli, hahalikan niya ‘ko, kahit sa pisngi lang ‘yon, wala pang nakakahalik sa aking lalaki maliban sa tatay ko at kuya ko. At sa kanya na din.” Patuloy pa rin nya.
Napasabunot pa ang dalawang kamay nya sa kanyang buhok. Pag may nakakita sa kanya, baka isipin nila na nababaliw na siya. Pero sa‘di inaasahan ay mayroon ngang nakakita sa kanya. At syempre pa ay pareho silang gulat.
“Look who’s here… Akala ko ba ay tinatamad kang mag-malling ngayon?” unang sambit at tanong ni Carla ng malapitan na siya.
Tumayo naman siya.“Na-bore kasi ako sa bahay, kaya heto at nag-iisa akong nakaupo ngayon dito. Pero hindi ko naman alam na nandito rin pala kayo.” Sagot niya sa tanong nito ng mabawi ang pagkagulat.
Sabay-sabay na silang umupo. “Mare, ano ba itong kaibigan nating ito, hindi porket mas matanda tayo ng limang taon dyan eh hindi na yan makaka-ride sa mga kalokohan natin?” Si Kaila, isa rin sa mga ka-officemate nya. Na kinakausap si Carla pero naririnig naman niya.
“Hayaan nyo na, ganyan talaga ang mga may sumpong.” Si Carla, sabay tawa. Mas matanda nga ang mga ito ng limang taon sa kanya. Dahil sa bago pa lang sya sa Bangkong kanilang pinapasukan. Tatlong buwan palang siya doon pero parang antagal-tagal na niya dahil sa mga ito.
“Ang malas ko nga ngayon eh, natapunan ng juice ang damit ko kanina nung batang malikot dito.” Saad nalang niya at hindi na pinatulan ang kalokohan ng mga kasamahan.
Tiningnan naman nilang lahat ang kanyang damit at hinahanap ang sinasabi nyang mantsa. “Nas’an?” tanong naman ni Carla.
“Oo nga. Nas’an ang mantsa nung natapon na juice diyan sa damit mo? Parang wala naman.” Segunda naman ni Jessa. Ang isa pa nilang kasamahan, teller ito.
“Wala na, nagpalit na ‘ko ng damit, puti ang damit ko kanina. Kaya kitang-kita ang dumi. Buti nga at nakapagpalit na ‘ko eh, may mabuting taong tumulong sa’kin kanina kaya eto maayos na uli ang damit ko.” Sagot nya at naisip na naman ang mukha ni Matthew. Ang mga mata nitong parang laging nakangiti sa kanya, ang ilong na tama lang ang tangos, ang mga labi nitong parang labi ng babae sa nipis na bumagay sa hugis puso nitong mukha. Napangiti nalang sya ng maalala ang mukha nito kanina.
Hindi naman nakaligtas ang ngiting iyon sa kanyang mga kasama. “At anong ibig sabihin ng ngiting ‘yan?” mapanuksong tanong ni Maggy. Nakangiti naman ang mga kasamahan pa nilang iba.
“H-ha!?A-anong ngiti?” takang tanong nya.Halata ba ‘ko? Tanong nya sa sarili.
“Pagkasabi mo kasing may nagmagandang loob na tumulong sayong magpalit ng damit, napangiti ka nalang, hindi mo siguro napansin iyon.” Paliwanag naman ni Carla sa kanya.  Namula tuloy siya sa tinuran ni Carla. Mukhang hindi titigil ang mga ito sa kakatanong hangga’t hindi niya ikini-kuwento ang totoong nangyari. Kaya naman wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo sa mga ito. Natawa naman sila sa kanya. At syempre pa, sinabihang napakaswerte pa rin niya dahil sa gwapong papa raw ang tumulong sa kanya.
Bigla tuloy siyang nahiya, pero pagkatapos ay masaya na silang nagkuwentuhan, namasyal at nanood na rin ng sine.


“Hoy!Anong iniisip mo diyan at parang wala ka sa mundo?” untag sa kanya ni Carla. Doon naman siya nagbalik sa kanyang huwisyo, bigla ay nasa kasalukuyan na siya.
“W-wala naman, Carla.”Sagot nalang niya dito at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.
“Wala daw, naiisip mo na naman si Matthew ano?” kahit kailan talaga hindi siya makakapaglihim dito.
“Hindi ah.”Pagtanggi pa din nya.
“Kuh! Bahala ka na nga. Kung bakit pa kasi nakipag-hiwalay ka pa.Mahal mo naman yong tao.” Kantyaw pa nito pero palayo na rin sa kanya.
Bumuntong-hininga nalang sya pagka-alis nito. ‘Hindi ko naman sinabi kasing hindi ko na siya mahal ng makipaghiwalay ako. Sya kaya?Naiisip pa rin kaya nya ako? Baka naman hindi na. Baka nga may asawa na yon eh.’ Nalungkot sya sa huling naisip. Parang hindi nya yata kayang isipin na napalitan na sya nito sa buhay nya. Naiiling na lang na naibalik nya ang atensyon sa ginagawa at pinilit na tapusin ang mga ito.
Alas diyes na ng gabi ng matapos siya at maisipang umuwi.At pagkauwi ay naglinis siya saglit ng kanyang katawan at tumungo na sa kanyang silid. Mag-isa lamang siyang nangungupahan sa isang maliit na apartment na iyon. Mula kasi ng lumuwas siya sa lungsod ay natuto na siyang mamuhay ng mag-isa. Pero nagbago iyon noong nakilala niya si Matthew at nasanay na palagi itong kasama at lagi siya nitong inihahatid sa kanyang apartment. Minsan pa nga ay doon na ito natutulog para lang daw masigurong ligtas siya. At dahil hindi pa siya makatulog ay muli na naman bumalik sa kanyang alaala ang masasayang araw nila ni Matthew.


Araw na naman ng linggo, at isang linggo na ang nakakalipas pero umaasa pa rin siyang tatawagan siya ni Matthew. Nangako kasi ito, katwiran pa niya sa sarili.
Kasalukuyan sya noong naglilinis ng kanyang apartment, nag-general cleaning kasi siya kaya hayun at pagod na pagod na siya, pero huli na ang kanyang ginagawa. Ngunit isang tawag ang nagpatigil sa kanyang kasalukuyang ginagawa, dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellular phone at tiningnan muna kung sino ang caller, hindi niya kilala ang nakarehistrong numero, bigla tuloy siyang kinabahan. Inaasahan niya na tatawag sa kanya si Matthew pero bakit ngayong may isang hindi kilalang numero ang rumehistro ngayon sa kanyang cellphone at tumatawag ay bigla ang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, excited na may halong kaba. Pero sa huli ay sinagot pa rin niya ang tawag.
“H-hello?” sambit nya na nanginginig pa ang boses.
“Hi, it’s Matt. Do you still remember me?” masigla namang tugon ng nasa kabilang linya.
“Matt?” kunyaring tanong niya kahit tuwang-tuwa na siya.
“Yeah, Matthew Mendez.Iyong nakilala mo sa mall last Sunday?” pagpapakilala ulit nito.
“Oh…S-sorry nakalimutan ko. Hindi ko kasi inasahan na tatawag ka talaga eh.” Pagsisinungaling pa rin niya. Pero kulang nalang ay magtatalon siya sa tuwa dahil tumawag na din sa wakas si Mr. Dreamboy niya. ‘Mr. Dreamboy? Siya nga kaya si Mr. Dreamboy ko?’ anang isip nya.
“No it’s okay. Actually ngayon lang kasi ako nagka-free time ulit kaya ngayon lang ako nakatawag sayo. By the way, the reason why I called you is to ask you out sana.” Tuluy-tuloy na sambit nito sa kanya pero napaka-swabe pa rin ng boses nito. ‘Kahit boses lang napakagwapo pa ring pakinggan.’ Anang isip nya na kinikilig na talaga. ‘Out daw o, my gosh, this is it.’ Kinikilig pa rin na sambit ng kanyang isipan.
“O-out? K-kasi, hindi pa ‘ko nakakaligo eh, and naglilinis kasi ako ng bahay kaya baka matagalan ako.” Pagtatapat nya dito. Ayaw nyang magsinungaling dahil para sa kanya ang pagiging totoo ang magpapatibay ng bawat ano mang relasyon sa tao. Pagkakaibigan man o sa pamilya.
“It’s okay, I’ll pick you up nalang diyan sa bahay mo. Sabihin mo sa’kin kung s’an ka nakatira.” Anito.
“Hah!? Naku hindi na. Bibilisan ko nalang maligo. S’an ba tayo magkikita?” bigla ay nataranta siya sa sinabi nito.
Natawa naman ang nasa kabilang linya. “Hindi naman ako magnanakaw or rapist para katakutan mo, pero sige sa mall nalang tayo magkita. Sa may food court kung san tayo unang nagkita.” Natatawang turan ng lalaki.
“S-sorry, nahiya lang naman kasi ako. And baka isipin mong napakadali kong magtiwala sa tao. Hindi pa rin naman kasi kita kilala ng lubos eh, pero alam kong mabait ka.” Ang sabi nalang niya dito.Para naman makabawi siya.
“Well, you’re right. Mahirap na din baka mamaya, niloloko nga lang naman kita, pero I assure you na nothing will happen to you na isusumpa mong nakilala mo ‘ko.” Pangako pa nito.
“Salamat ha?Mabait ka nga talaga. Nararamdaman ko‘yon. Pero mamaya na tayo magkwentuhan maliligo muna ako ha?”
“Sige-sige.Hihintayin nalang kita.” Anito na natatawa na naman sa kanya.
“Okay, Bye.” Aniya at ini-off na ang kanyang cellphone. Kulang nalang ay himatayin siya sa sobrang kilig. Ansarap pakinggan ng tawa niya. Aniya sa sarili.
Pagtapos ay naligo na siya at nagbihis na. Siniguro muna niyang naka-safety lock na ang kanyang bahay bago siya tuluyang nagtungo sa mall.

Pagdating sa mall ay nakita niya agad ang kanyang “prince charming”. Habang naglalakad palapit dito ay lihim siyang kinikilig. Napaka-gwapo kasi nitong tingnan sa suot nitong light blue long-sleeve polo at tinernuhan ng black slacks at black leather shoes. Napangiwi naman siya sa suot nito. ‘napakapormal naman nito, s’an ba ito galing at ganyan ang suot nya? Samantalang ako, naka-t-shirt lang na puti at naka-maong pants and flat sandals. Hindi yata ako bagay sa sobrang kapormalan nito. Sana naman sinabi lang niya kung ano ang suot niya para naman naibagay ko ang isusuot ko.’ Litanya ng kanyang isip habang papalapit sa binata. Dahil talaga namang napaka-pormal ni Matthew.
“Hi!” nakangiting bati nito sa kanya.
’Naku Lord! Mahihimatay na yata ako. Ang guwapo nya talaga.’Sambit pa ng isip nya. “H-hello, ah…matanong ko lang, s’an ka ba galing at napaka-pormal ng suot mo?” aniya at hindi na napigilan ang bibig na magtanong.
Natawa naman ito sa tanong niya. At iyon ang gustung-gusto nya.Ang marinig at makita itong tumatawa. “Kakagaling ko lang kasi sa work, I just drop by here at naisipan kong, mas maganda kung may kasama akong mamasyal kaya niyaya kita, pero magbibihis din ako. Pupuntahan natin si Kelly, para naman hindi ako nakakahiya sa paningin ng mga tao.”Sagot nito.
‘Sya pa talaga ang nakakahiya ah, ako kaya noh. Baka nga pagkamalan pa kong mutsatsa mo.’ Sambit na naman ng kanyang isipan. “Sige tara na, nahiya naman ako sa suot ko. Sana sinabi mo nalang para naman nakapag-bihis ako ng maayos.”Aniya at binuntutan pa ng pagak natawa.
Natawa naman sa kanya si Matthew. “Ako nga dapat mahiya, naabala pa kita sa ginagawa mo.” Anaman nito habang tinatahak nila ang stall ng pinsan ni Matthew na si Kelly.
“Tapos naman na ako sa ginagawa ko ng tumawag ka. Actually nagliligpit nalang ako kanina.”
“Ganun ba? Wag na nga tayong magkahiyaan, tutal we’re friends naman na hindi ba?” sa halip ay tugon ng binata.
“H-ha?!F-friends?O-oo naman.” Naiilang pang sagot nya na nauutal pa.
“Kaya hindi na tayo dapat na magkahiyaan pa.” at may kasama pang simpatikong ngiti.
At ‘di na naman niya namalayan na naroon na sila sa stall ni Kelly. Pulos ang ngiting sinalubong sila nito dahil nagkataong nasa labas ng stall nito si Kelly. Unlike nung una nilang pagkikita na inakala pa nyang masungit ito. At talagang napaka-kulit nito. Puro rin sila tawa habang hinihintay na makapag-bihis si Matthew.
Isang simpleng white t-shirt din ang isinuot nito at maong pants. At tinernuhan nito ng rubber shoes. Mas okay na ang itsura nito ngayon dahil hindi na siya mahihiyang samahan ito. Hindi na pormal ang damit nito.
Nagpaalam na sila ni Matthew kay Kelly. At nagulat siya ng halikan siya ni Kelly sa pisngi. Marahil nga ay nakasanayan na nila ang ganun. Dahil ginawa rin nito ito kay Matthew. Marahil noong isang linggo ay nakaligtaan lang nilang magbeso-beso, pero sa kanya ay hindi nakalimutan ni Matthew. At least wala palang malisya kay Matthew ang ginawang paghalik sa kanya noon.
At doon nagsimula ang kanilang magandang pagsasamahan. Madalas na siya nitong niyayayang lumabas or kung talagang papansinin ay para na silang magnobyo at magnobya. Tinutukso na rin siya ng mga katrabaho na bagay sila. Minsan na rin kasing sumama ang lalaki sa lakad nilang magkaka-opisina at naging palakaibigan naman ang mga ito kay Matthew.
Hanggang sa isang araw ay nagtapat na ng pag-ibig si Matthew na hindi niya inasahan dahil ang alam niya ay siya lang ang nakakaramdam ng espesyal na pagtingin dito.
“Jamila, will you accept me to be your boyfriend?” tanong nito nalumuhod pa. Naroon sila noon sa isang parke sa kanilang lugar.
“Matt, are you serious?” kinikilig man ay nakuha pa rin nyang tanungin ito.
“Yes, I am. And I love you. Mahal na mahal kita, Jamila. Maari ko rin bang marinig mula sayo kung mahal mo rin ba ako?” diretsong sagot nito at sinundan ng tanong. Pero hindi pa rin ito tumatayo sa pagkakaluhod.
“Matt, I feel the same way too. Mahal na mahal din kita.” Tuwang-tuwang tugon nya.Agad namang napatayo si Matthew.
“Woooohooooo!... I don’t know what to say. I mean, I am happy and glad that you love me too. And yet, I can’t get over it. I am very happy. At last, I have you. And remember my love, you made my life colorful since the day I met you.” Anito na napasobra na yata sa galak na nararamdaman.
Siya man ay hindi na rin makapagsalita sa sayang nararamdaman. He is her first boyfriend and hopefully ay last na rin. Iyon ang panalangin nya dahil mahal na mahal nya talaga ang lalaking ito. “Matt….” Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla na siyang halikan nito. That was her first kiss with her prince charming. That kiss was so gentle and soft. Nagsimulang gumalaw ang mga labi niya at ginagad ang galaw ng labi nito na parang may alam din siya. At hindi naman siya nahirapan because that kiss was so passionate, kahit pa sabihing nasa public place sila. Pero ng mga oras na iyon ay mangilan-ngilan nalang ang tao roon kaya wala na rin syang pakialam. Ang mahalaga ay masaya ang kanyang puso.
At doon nagsimula ang mga masasayang araw ng kanyang buhay na kasama si Matthew na natuldukan din paglipas ng isang taon. At hindiniya maintindihan ang kanyang sarili. Baliw na nga siya, ano pa ba ang hahanapin niya sa isang tulad ni Matthew. Ito pala ang may-ari ng mall na siyang naging memorable place para sa kanya. Mabait ito, mayaman, matalino at higit sa lahat ay napaka-guwapo niya pero bakit niya ito hiniwalayan? At ngayon siya rin ang nahihirapan. Lagi siyang hindi makatulog. Nakokonsensya sa nagawang desisyon. Pero hindi na niya maibabalik ang nakaraan upang baguhin ito. Siya ang may kasalanan kaya nararapat lang na magdusa siya.


No comments:

Post a Comment