Sunday, February 24, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 1



Chapter 1


“Jams! Ano? San tayo mamaya?” tanong sa kanya ni Carla, ang ka-office mate nyang sobrang mahilig sa gimik.
“Pass muna ako diyan, Carla. Marami pa ‘kong pending na paper works. Kailangan ko itong i-rush dahil may deadline ako kay Miss Carillo.” Aniya na totoo naman. Nagtatrabaho sya sa isang bangko sa siyudad. At tinaningan sya ng kanyang boss na si Miss Jocelyn Carillo. Matanda kasing dalaga kaya siguro laging kunot ang noo. Mataray ito kaya walang nagtatagal na bookkeeper dito. Pero sya?Hindi. Pinagtyagaan nya talaga ang kanyang trabaho dahil katuwiran niya ay mahirap nang humanap ng trabaho sa ngayon. Mahigit dalawang taon na sya sa bangkong iyon. Kaya naman nasanay na sya sa ugali ni Miss Carillo.
“Hmp! Kahit kailan talaga ang KJ mo. Sige next time ka nalang sumama.” Anito sabay talikod na sa kanya.
Napapailing nalang sya na napapangiti sa tinuran ni Carla. Hindi naman sya talaga KJ, minsan naman ay sumasama sya sa mga ito pag may lakad sila pero sadyang sa mga nakalipas na panahon ay hindi na sya nag-eenjoy sa mga lakad nilang magkaka-opisina.
Dati kasi ay lagi nyang kasama ang kanyang nobyong si Matthew, Matt in short. Kapag may lakad sila ay lagi nya itong isinasama. Nasanay rin ang mga katrabaho nya na lagi itong kasama sa mga night out nila. Kaya nang malaman nilang nakipaghiwalay sya dito ay nanghinayang ang mga ito dahil sobrang bait daw nito. At lagi pa kasi silang libre sa sasakyan at panggimik dahil ito lang naman ang taya sa lahat. Mayaman ang pamilya ni Matthew, may ari ng isang mall sa lungsod. Doon nya ito nakilala.
Sa isiping ‘yon ay biglang bumalik ang alaala ng nakaraan sa kanyang isipan.


“Ang malas ko talaga, bakit ngayon pa? Kung kailan hindi ako nakapag-dala ng kahit na anong extrang damit.” Bulalas ni Jamila ng bigla siyang natapunan ng iniinom na juice ng bata kanina sa food court na kinainan nya. Ni hindi man lang napansin ng ina nito na nakadisgrasya ang anak nya. “Wala pa naman akong extrang pera para bumili ng kahit na mumurahing damit man lang dito. Hay! Ang malas talaga.”Patuloy pa nya. Habang patuloy pa rin nyang pinupunasan ang kanyang damit na halatang madumi na. Kulay puti pa naman ang kanyang damit kaya kitang-kita ang mantsang nilikha ng Juice.
At ang hindi nya pansin ay ang kanina pang nakatingin na mga mata sa kanya, hindi kalayuan sa kinaroroonan nya.
Napangiti si Matthew sa reaksyon ng babaeng natapunan ng juice. Nihindi man lang nito binalingan ang bata kahit na inis na inis na ito.
Mukhang problemado na ito dahil mukhang walang dalang extrang damit. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit sya naaliw na pagmasdan ang dalaga.
Napaka-simple kasi ng ayos nito. Pero makikita mong napakaganda nya.Nasa 5’6 siguro ang tangkad nito sa tantya nya. At hindi sya iyong babaeng sobrang puti, hindi naman ito yung maitim. Katamtaman lang ang kulay na bumagay sa napaka-kinis nitong balat. Naka-sleeveless blouse na puti ito kaya kita ang makinis nitong balat sa mga braso at kamay. Habang ang pantalon naman nito na skinny jeans ay kulay puti rin kaya napakalinis nitong tingnan. Pero dahil nga sa sya ay natapunan ng juice, hayun at mukhang kunot ang noong naghahanap ng paraan para lang matakpan ang mantsa nito.
Hindi nakatiis si Matt na lapitan na ito.
“Ah…Miss may problema ba?” unang tanong nya ng makalapit na sya dito.
“Malamang may problema nga ako, eh ano namang pakialam mo?” taray nito sa kanya at tinakpan ulit nito ang damit na may mantsa.
“If you want, papahiramin muna kita ng maipapalit mo dyan sa damit mo.” Alok nya kahit na tinarayan na sya nito.
Napatingin sa kanya ang babae. Mukhang iniisip nitong bading sya kaya papahiramin nya ito ng damit.
“Miss, kung ang iniisip mo eh bading ako, nagkakamali ka, ang pinsan ko kasi ay may-ari ng isang stall dito ng mga damit, so pwede kitang samahan sa kanya para makapagpalit ka na.” muli nyang sambit para pangunahan na ito sa iniisip.
“W-wala kasi akong dalang extrang pera ngayon eh, at alam kong mahal ang mga damit na tinitinda dito.” Sagot nito na hindi na nagtaray pa.
“Walang problema, ako na ang bahala dun, besides may utang sa’kin ang pinsan kong ‘yon, kaya papayagan nya kong kumuha ng damit doon na maipapalit natin dyan sa damit mo.” Aniya nalumabas na ang mapuputing ngipin sa pagkakangiti. Ewan ba nya kung bakit parang napaka-gaan na ng pakiramdam nya sa babaeng ito.
“Sure ka? Baka naman niloloko mo lang ako?” pagdududa nito sa kanya.Na mataman siyang tinitigan.
Napangiti sya. “Well kung may masama akong balak eh bakit sayo pa na sabi mo nga ay walang dalang extrang pera. May makukuha ba ako sayo maliban sa pera?” sagot niya dito.
Saglit itong natigilan. “Kung ganun, samahan mo na ako sa sinasabi mong pinsan mo nang makapag-bihis na ‘ko, nanlalagkit na ko sa damit ko eh.” Anito at napanatag na rin. “At sya nga pala, pa’no kita mababayaran?” dugtong pa nito.
“Hmmmm…well…isipin ko muna habang nagpapalit ka ng damit. Tara.!” Sagot niya dito. At hinila na ito papunta sa stall ng kanyang pinsan, nasa 3rd floor kasi ang stall nito.

Nagulat si Jamila sa biglang paghila sa kanya ng estrangherong lalaking ito. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat ng unang magdikit ang kanilang mga balat.
Hindi nya alam kung bakit siya nagtiwala agad dito. Ni hindi nya ito kilala. Bigla nalang sumulpot sa harapan nya. Pero parang napakabait naman kasi nito, at kung makangiti ‘kala mo wala ng bukas. Napangiti na lang sya sa isiping iyon. Kung titingnan mo, nakapaka-gwapo nito, ang katawan nito ay pang modelo. At ang tindig nito at porma, hindi isang ordinaryong lalaki lang. Mukha itong mayaman.
‘Pero Kahit na dapat hindi ka pa rin magtitiwala ng basta basta.’Sumbat ng isang bahagi ng kanyang isipan. Napangiwi siya sa isiping iyon, habang sumusunod pa rin siya sa lalaki.
‘Kailangan ko lang talagang makapagpalit, promise, hindi na ito mauulit.’ Sagot naman ng isa pang bahagi ng kanyang isipan.
At dahil sa pagtatalo ng dalawang bahagi ng kanyang isip ay hindi niya namalayan na huminto na pala ang sinusundan nya, at sa di inaasahan, bigla niya itong nabunggo. Nakaharap na ito sa kanya.
“Ay!...S-sorry” bulalas nya ng tumingala na siya dito. 6 footer siguro ito dahil sya ay mataas na sa height na 5’6.Parang isang MVP player.
“Anong iniisip mo at parang wala ka sa sarili mo?” natatawa namang reaksyon nito sa kanya.
“Ah….Eh…W-wala naman, akala ko kasi malayo pa ang stall ng pinsan mo.” Pagsisinungaling nya dito. Heto na naman siya at nakangiti na naman, mas lalong makikita ang kagwapuhan nito.‘May katumbas palang swerte ang malas na to’. Saisip pa nya.At bigla pa siyang napangiti.
Napansin naman ng binata ang ngiting iyon.“Anong ibig sabihin ng ngiting yan ngayon?” usisa pa nito.
“W-wala naman, buti nalang talaga at nandyan ka.At least kahit hindi tayo magkakilala ay nagmalasakit kang tulungan ako.” Palusot pa nya at nagbawi siya ng tingin dito dahil kung makatitig ito ay tila malulusaw na siya.
“Ah…By the way…I’m Matthew Mendez.” Pagpapakilala nito sabay lahad ng palad.
Napatingin naman sya sa kamay nito na kanina lang ay hawak-hawak ang kanyang kamay.
“Ah…J-Jamila Gomez.”Pagkuway tinanggap din niya ito. At muli ay naramdaman na naman niya ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat. And yet may naramdaman syang kilig dito.
“Okay, so you’re here pala pinsan.” Biglang may nagsalita sa likuran nito. Isang napakgandang babae. Matangkad din gaya ni Matthew. At sa pagkakarinig nya, mukhang ito na ang pinsan na tinutukoy ni Matthew sa kanya.
Napalingon si Matthew dito at napangiti.“Hi, pinsan. Sya nga pala, I need your help.”
Kumunot ang noo nito at biglang napatingin sa kanya. “Who is she?” tanong nito kay Matthew.
“It’s because of her why I need you.” Sagot naman ni Matthew.
“And?” nakataas pa ang kilay na parang nagtataray.
“And I want you to look a good shirt for her, just a shirt, natapunan kasi ng juice ang damit nya, and wala syang dalang extrang damit kaya nandito kami.” Paliwanag nito.
“How much?” anang pinsan ni Matthew na tinatanong kung magkano ang kaya nyang bilhing damit.
“Ahmmm…Kelly, I’m the one who will pay for the shirt, but I think I don’t need to pay for it.” May sumilay pang ngiti sa mga labi ni Matthew pagkasabi niyon.
Mukhang nakuha naman agad ni Kelly ang ibig sabihin ni Matthew. “Okay fine, Matthew you’re such a good blackmailer.” Anito at dumiretso na sa loob ng stall. Sinenyasan pa sya nito na pumasok na din sila para makapag- palit na sya.

“I think this color will suit to your white pants.” Suggestion ni Kelly ng silang dalawa nalang ang nasa dressing room. Isang simpleng blouse lang iyon at sleeveless din, na kulay Baby Blue. Nakaharap pa sya sa salamin.
“Kahit ano, okay na sa’kin” sagot naman nya.
“But I think it’s the best for your outfit. You’ll look elegant.” Anito na natutuwa pa sa kanya. Mabait naman pala ito, hindi pala ito totoong masungit na inakala nya.
“O-okay, wala naman akong magagawa, hindi naman ako angmagbabayadnyan eh…” sagot nalang nya dito at mukhang makakasundo nya ito dahil nakikini-kinita na nyang makulit ito.
At hindi na sya nag-try pa ng ibang damit dahil fit naman na sa kanya iyong damit at parang isinukat talaga sa kanya ito.
Mukhang natuwa naman si Matthew sakinalabasan ng pagpapalit nya ng damit. At todo sya sa pagsabi ng thank you dito. Nangingiti na lang ang magpinsan sa kanya.
“Naku…Maraming salamat talaga sa inyo. Super duperthank you.” Aniya.Kulang nalang talaga yakapin nya ang mga ito.Pero nahihiya naman syang yakapin ang mga ito, ano sya? Feeling close?
“It’s okay Jamila, hindi hahayaan ng aking pinsang si Matt ang mga kagaya mong napakagandang babae.” Panunukso ni Kelly.
“Kelly!” sita naman ni Matthew.
“What?” natatawa naman ito.
“Ah guys, nice to meet you ha? Pano ko ba kayo mababayaran?” sabat nya sa dalawa.
“Ah, Jamila, kung mamarapatin mo sana eh, ang iyong Cellphone Number nalang ang kukunin kong kabayaran para sa damit mo.” Sagot naman nitong si Matthew na hindi pa rin mapalis ang ngiti sa mga labi nito.
“Ha?! Sure ka yun lang ba talaga ang pambabayad ko sayo? Nakakahiya naman sayo at kay Kelly.” Aniya na nagulat sa tinuran ni Matthew. ‘Bakit?Interesado ba sya sakin?’ anang isip nya.
“Naku, Jamila, don’t worry, wala ng kaso sakin yan. At least bayad na ko sa pinsan ko.” Sabat naman nitong si Kelly at hinawakan pa sya sa mga kamay at  tuwang-tuwa pa.Pero agad din naman nitong binawi.
“Salamat talaga sa inyo, ha?” patuloy pa rin nyang pasasalamat sa mga ito. Kulang nalang sambahin niya ang mga ito sa kapapasalamat. Dahil para na siyang hapon sa pagpapa-salamat sa dalawa.
“Tama na nga yang kaka-thank you mo, napaka-liit na bagay lang ng aming nagawa.” Awat naman sa kanya ni Matthew.
“Basta maraming thank you talaga.” Patuloy pa nya kahit na nakukulitan na ang mag-pinsan.
“Ahmmmm…Pwede ko na bang makuha ang number mo?” ulit naman ni Matthew sa paghingi sa numero nya.
“Ah…p-pasensya na ha…cge, h-heto…” at ibinigay na nga nya ang kanyang cellphone number dito kahit na hindi pa nya ito lubusang kilala. ‘eh pano kayo magkakakilala kung hindi mo ibibigay ang number mo sa kanya?’ kastigo sa kanya ng isang bahagi ng kanyang isip.‘hmmmp…sabagay tama nga naman.’ Sagot naman ng isa pang bahagi ng kanyang isip.Napapangiti siya habang naiisip iyon.
At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Kelly na mukhang isang observer na tao. “You’re smiling Jamila. Anong iniisip mo?” usisa tuloy nito.
“Ha! Ah-eh-…w-wala naman, naisip ko lang na maayos na akong makikipagkita sa mga kaibigan ko.” Palusot nalang nya kahit hindi naman siya makikipagkita sa mga ito ngayon dahil kahit nga niyaya na siya ng mga ito ay tumanggi pa rin siya. Pero ng ma-boring siya sa inuupahang apartment, nagtungo na lang siya sa mall na malapit, at ngayon nga ay heto siya at nakatagpo pa ata ng bagong mga kaibigan.
“Ganoon ba? You might go now, baka magalit pa ang mga yon pag na-late ka.” Tila ba nalungkot na reaksyon naman ni Matthew.
“Hindi naman nila ako pagagalitan, kanina pa ko dito, baka ako pa nga ang magalit sa kanila eh.” Sagot naman nya. At napansin nya ang parang lungkot na reaksyon nito. Ewan ba niya pero sigurado siyang nag-iba ang mood nito.Pero napaka-gwapo pa rin nito kahit saang anggulo tingnan, at kahit ano pa ang reaksyon nito.
“By the way, I’ll call you nalang pag may time ako, ha? For now I need to go to work muna. Maiwan ko muna kayo, ha?” nauna pang nagpaalam si Matthew.
“Ah, a-ako din Kelly, aalis na din ako, salamat talaga sa inyo, ha?” Pagpapaalam na din niya. Ewan niya kung bakit parang nalungkot siyang hindi naman siguradong tatawagn siya ni Matthew.‘Eh bakit ka ba kasi umaasa?Assuming ka naman kasi.’ Kastigo na naman ng isang bahagi ng kanyang isipan. ‘Hindi naman kasi masamang mag-assume.’ Sumbat ng isa pang bahagi ng isip niya. ‘Sayang naman kung hindi na kami magkikita ulit.’Patuloy pa din ng isip niya.
“Hay naku! Okay fine, iwan niyo na nga ako.” Kunwari namang nagtatampong umalis na sa harapan nila si Kelly at pumasok na sa loob.
“Ah… sige Matthew, mauna na‘ko.” Paalam niya dito. Bigla na kasi siyang nailang dito. Na kanina naman ay hindi. Ibana kasi ang tingin sa kanya ngayon ni Matthew. Para na siyang matutunaw sa titig nito kaya tuloy naiilang na siya.
“Ayaw mo ba akong kasabay sa pagbaba?” anito na hindi na niya maintindihan kung ano ang nakikita nyang reaksyon sa mga mata nito.
“Bababa ka din ba?” tanong na lang niya.
“Oo naman ‘no. Sabay na tayo ha?” anito na nakangiti na ng kagaya kaninang kasama nila si Kelly.
Hindi niya talaga maintindihan ang lalaking ito.‘Parang kanina ay nalungkot ng may katagpo pala ako dito, ngayon naman ay masaya na ulit.’ Anang kanyang isip, at naglakad na papunta sa escalator ng mall. Sinabayan naman sya nito.


No comments:

Post a Comment