Saturday, February 23, 2013

The Way I Loved You-Chapter 9



Chapter 9

Paggising niya ay nasa isang banyagang lugar sya. Hindi nya matandaan kung paano sya napunta sa lugar na iyon. At para malaman kung nasaan sya ay iginala nya ang kanyang paningin sa kanyang paligid. At kanyang nahinuha na sya’y nasa isang silid ngunit hindi nya alam kung kaninong silid.
            Kaya naman napatingin sya sa orasan na nasa may itaas ng pintuan. At nakita nyang alas nuwebe na ng gabi. Saka lang nya naalala ang kasamang si Harold kanina. ‘Marahil ay sa kanya nga ang silid na ito.’ Saisip niya. Kaya naman bumangon na sya upang hanapin si Harold.
            Madilim at tanging ang ilaw lang ng lampshade sa may sala ang tumatanglaw sa paligid. Inaaninag niya kung may mga masasagi syang mga gamit at laking gulat nya ng may muntik na syang maapakan sa sahig. Pero hindi isang bagay kundi isang bulto ng tao na nakahandusay sa sahig.
            Kinabahan sya at agad niyang kinalong ang ulo nito. At napagtanto niyang si Harold ang walang malay na nakahiga sa sahig. At amoy na amoy niya ang amoy alak na nagmumula sa bibig nito.
            ‘God, Kahit amoy alak ang hininga nya ay napakabango pa rin sa pang-amoy ko.’ Nasambit pa ng isip niya.
            Pero bago pa siya malasing sa nararamdaman na init ng kanyang katawan ay bahagya nyang sinampal ang pisngi nito. “Hey, wake up.” Aniya.
            Ngunit parang balewala naman ang ginawa niyang pagsampal ng bahagya dito kaya nilakasan na nya ang pagsampal dito at doon nga nagising si Harold pero malamlam ang mga matang tumitig sa kanya. Bigla syang kinabahan. At ng mapansin nya ang ayos nila ay agad syang tumayo.
            “Ahhh… matulog ka na sa kwarto mo, dito nalang ako sa sala. Tutal nakatulog naman na ako kanina.” Nasabi nalang niya at lumayo kay Harold dahil iba na ang pakiramdam nya.
            Pero imbes na magsalita ay lumapit lang sa kanya si Harold, napaatras naman sya dahil mukhang lasing nga ito.
            Pero patuloy pa rin sa paghakbang si Harold kaya naman patuloy pa rin sya sa pag-atras, pero sa malas nya ay pintuan na pala ang nasa likuran nya kaya wala na syang aatrasan pa. At tuluyan na ngang nakalapit sa kanya si Harold. At isinandal pa ang dalawang kamay sa may pintuan. Para na syang nakakulong.
            “H-Harold…” kinakabahang sambit nya.
            “Sssshhh…” anito at itinakip pa ang hintuturo nito sa kanyang mga labi. “Just this time, gusto kong patunayan ang pagmamahal ko sayo.” Anas na sambit ni Harold.
            “H-Harold…” tanging nasambit nya dahil parang may sampung kabayo ng naghahabulan sa dibdib nya sa bilis ng tibok nito.
            “I love you, Leila.” Malamlam pa rin an mga matang nakatitig sa kanya.
            “H-Harold…” wala pa ring pumapasok sa isip nya kung ano ang tamang isagot sa sinabi ni Harold at gusto na nyang sabihin na mahal din nya ito.
            “It’s just you, Leila. I Love you…”  Anas pa rin nito.
            “I Love you too, Harold.” Sa wakas ay nasabi na rin nya.
            Pagkarinig nya sa mga salitang iyon ni Leila ay walang babalang hinalikan nya ito sa mga labi. Mapusok, mapaghanap, ngunit may pagmamahal.
            Saglit namang natulala si Leila sa kanyang ginawa, pero maya-maya pa ay kusa ng tumugon ito. Sinabayan ang bawat paggalaw ng kanyang mga labi. Mas naging maalab ang mga halik na kanilang pinagsasaluhan
            At saglit na naghiwaly ang kanilang mga labi. At ang kanilang mga mata ay nagtitigan. Ng mahimasmasan ay muling nagdaop ang kanilang mga labi.
            Hindi na namalayan ni Leila kung papaanong natanggal ang kanilang mga saplot at kung papaanong nakarating na sila sa ibabaw ng kama ni Harold. Pero gayunpaman ay masaya syang kasama ang lalaking mahal at ngayon ay nadadama nya ang kanilang mainit na pagmamahalan.
            Walang pinagsisisihan si Leila sa nangyari. Dahil naging maligaya sya sa mga bisig ni Harold. Sa pagmamahal na ipinadama nito.
            Ipinikit na nya ang kanyang mga mata habang nakaunan sya sa makisig na braso ni Harold.

            Masakit ang kanyang ulo paggising nya kinabukasan at agad nyang napansin na wala na syang katabi sa kama. Bigla syang napabangon at hinanap ang babaeng nagpabaliw sa kanya kagabi.
            Hinanap nya ito sa sala at sa kusina. Pero wala siyang nakitang Leila. Kaya naman bumalik sya sa kanyang kuwarto upang sana ay magbihis nalang at hanapin si Leila pero nagulat sya ng makita nya ang hinahanap.
            “Looking for me?” nakangiting tanong nito na nakaupo sa may paanan ng kanyang kama.
            Hindi sya nagsalita, bagkus ay nilapitan nya ito at mahigpit na niyakap. Gumanti naman ng yakap si Leila.
            “I thought you’re gone. Akala ko iniwan mo na naman ako.” Halos maluha siya pagkasabi niyon.
            “Hmmm... Are you that scared why I see crystals on your beautiful eyes?” nagniningning pa ring tanong ni Leila.
            Bigla naman siyang nagpunas ng kanyang mata. At napangiti na rin. “Yeah, I’m scared to lose you again. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka muli.” Aniya at ikinulong pa nya sa kanyang dalawang palad ng mukha nito at matamang tinitigan ito sa mga mata. Those angelic eyes, her kissable lips, her cute and pointed nose, her rosy chicks, her long eyelashes, those parts of her face, hindi nya iyon kayang kalimutan at hindi nya iyon hahayaang mawala sa kanyang paningin. At dinampian nya ng maliliit na halik ang bawat parte ng mukha ni Leila.
            “Wait...” natatawa namang pigil na ni Leila. “Baka maubos na ako nyan.” Anito.
            Ngumiti naman sya. “Ako naman ang uubos sayo eh.” Sagot nya.
            “Hay naku... Let’s eat our breakfast na, nagluto na ‘ko, pasensya ka na, hotdog and bread lang ang kakainin natin, wala na kasi akong makita sa refrigerator mong ibang pwedeng lutuin eh.” Anito at kumalas na sa pagkakayakap niya.
            “Its okay, the important thing is that you’re going to eat breakfast with me.” Nakangiti namang tugon nya at inakbayan pa nya ito.
            “Hmmm... Bolero, tara na nga.” At tumakbo na ito sa kusina.
            Nangingiti namang sinundan na nya ito. At sobrang saya nya. Ang akala nya ay hindi na mangyayari sa kanila ni Leila ang ganoong mga eksena. Ang mga ngiti nito. Na animoy laging nanghihipnotismo sa kanya.
            Masaya silang nag-almusal. At muli nilang naranasan ang maging masaya sa piling ng isa’t-isa.

            Nasa sala sila at nanonod ng The notebook ng mga sumunod na oras. Ng biglang napatitig si Leila kay Harold.
            “Ano nga palang gimik mo kahapon at napaka-sungit mo?” Pinasingkit pa niya ang kanyang mga mata.
            Lumingon naman ito sa kanya. “Actually, I also have no idea. Hindi ko alam kung bakit. Ang iniisip ko that time ay mawawala ka na sa’kin once na naalala mo na ang lahat.” Sagot naman ni Harold na mataman syang tinititigan.
            Kumunot naman ang kanyang noo. “Mawawala ako once na naalala ko ang lahat?” ulit nya sa sinabi nito.
            “I mean kapag nalaman mo na ang lahat-lahat.”
            “Tungkol saan? Sa katauhan ko?”
            “Well, sa buong pagkatao mo.”
            “I already know me.” Nadulas sya sa nasambit. Huli na para bawiin ito.
            Pero sa nakita nya ay mukhang hindi yata nagulat si Harold sa nasabi nya. “I know.” Bagkus ay tugon nito.
            “W-what do you mean you know?” kandautal pa nyang tanong. Pero bigla syang kinabahan.
            Ngumiti ito. “Pano mo napapaniwala ang mga tao sa paligid mo na nagkaroon ka ng amnesia gayong hindi naman?” tanong nito habang titig na titig sa kanya.
            Bigla ay binawi nya ang tingin dito at tumingin sa TV. “So you knew.” Nasabi nalang niya.
            “Yeah, I know, just yesterday.” Sagot naman nito.
            “Are you mad at me?” at bumaling na sya dito. Pero basa na ng kanyang luha ang kanyang pisngi.
            Pinunasan naman nito ang mga iyon. “I’m not mad at you. I never get mad at you. Even to think of it. Leila, I love you, just always remember that. Whatever happens in the future, I will never get tired of loving you.” Madamdaming tugon nito.
            Mas lalo siyang napaluha sa mga sinabi nito. “Then why? Why are you telling me that you’re afraid of losing me?” tanong niya.
            “Leila, alam ko kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa inyong sasakyan. At alam kong kapag nalaman mo ang totoo ay tuluyan mo akong kamumuhian.” Paliwanag naman ni Harold at hindi nya maintindihan ang sinasabi nito. Wala syang pakialam kung sino ang may pakana ng lahat. Dahil ng maging ganap syang babae kagabi, pinatawad na niya ang lahat ng taong nagkasala sa kanya. Na aaminin na nya sa publiko kung sino talaga sya. Na kakalimutan na nya ang bangungot na nangyari sa buhay nya dalawampung taon na ang nakakaraan. Pero bakit ngayon ay parang sumusuko na si Harold sa kanilang dalawa? Kung kailan masaya na sila.
            “Harold, hindi kita maintindihan. Mahal kita, kaya bakit mo sinasabing kamumuhian kita?” sambit nya dito.
            “Dahil kilala ko ang taong gumawa nun sa inyo.” Seryoso namang sagot nito.
            “Harold tama na, dahil wala na akong pakialam kung sinuman ang gumawa nun sa pamilya ko, ipinagpapasa-Diyos ko nalang ang lahat, kaya sana naman tumigil ka na, Harold.” Hindi na nya mapigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.
            “Ngunit kailangan mong malaman ang katotohanan, Leila. Karapatan mong malaman ang lahat.” Katwiran pa rin ni Harold.
            “Please, Harold, ikaw ang mahalaga sa akin ngayon at wala ng sinuman. Dalawampung taon ko nang kinikimkim ang galit sa dibdib ko, at mula ng bumalik ka, hindi ko na muling naiisip ang nakaraan, ang magiging buhay ko kapag kasama na kita ang siyang lagi ng laman ng aking isipan.”
            “Leila, mahal na mahal kita kaya ko gustong malaman mo ang katotohanan. Ayokong sa iba pa manggaling ito.”
            “Bakit, Harold? Ano bang papel mo sa mga nangyari?” tanong nalang niya ng matapos na ang lahat.
            “Malaki, at iyon ang gusto kong malaman mo.”
            “Sabihin mo ng matapos na ang lahat.” Aniya.
            “I was a child of the one who tend to murder your whole family, but he failed to, because you survived.” Walang gatong na sabi nito.
            Gulat na gulat sya sa narinig. At bigla ang pagnginig ng buo nyang katawan. “Oh God! Why? Why him?” tanging nasambit nya. At patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
            Tinangka namang hawakan sya ni Harold. “Leila.” Tawag nito sa pangalan niya.
            Ngunit iwinaglit niya ang mga kamay nito. “Don’t touch me. You didn’t tell me the truth kahit matagal mo nang sinusubaybayan ang buhay ko.” Giit nya.
            “It’s because I’m afraid to lose you.” Katwiran naman nito.
            “So, why? Bakit mo ngayon sinabi ang totoo? Sana hindi mo nalang sinabi ang totoo, kung kailan pumayag na ang isipan ko sa kagustuhan ng puso ko. Bakit Harold? Daihl ngayon ay handa ka nang mawala ako sa buhay mo? Pagkatapos ng lahat ng nangyari?” sunud-sunod na tanong nya.
            “No, that’s not the reason; you know how much i loved you. Sinabi ko sayo ang totoo dahil ayokong sa iba mo pa malaman ang totoo. At kahit kamuhian mo ako sa nalaman mo, Leila, mamahalin pa rin kita, at hindi na iyon magbabago, ilang taon kong inalagaan ang pagmamahal ko sayo, sa tingin mo ba ginusto kong ama ko ang maging dahilan ng pagkawala ng mga magulang ng mahal ko? At pati ng babaeng mahal ko? Leila, alam ko, mahal mo ako, kaya sana, harapin natin itong dalawa, huwag ka munang sumuko, sinabi mo nang handa ka na sa lahat, at tanggap mo na ang lahat. Please, Leila.” Mahabang paliwanag nito at hinawakan na nito ang kanyang mga kamay.
            Pero parang wala siya sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang kanyang iisipin ng mga oras na iyon, ang tanging sumagi sa isip nya ay ang mga magulang niya. Nais niyang sa mga ito siya magsambulat ng kanyang saloobin at humingi ng payo, pero pa’no nga ba sya mapapayuhan ng mga ito gayong wala na sila sa mundong ibabaw?
            Ngunit maya-maya pa ay tumayo sya. Napatayo rin si Harold. At dire-diretso sya sa pintuan palabas ng condo unit ni Harold.
            “Leila.” Tawag nito sa kanya.
            Ngunit hindi nya ito pinansin. Hindi nya kayang iwanan si Harold sa ganoong sitwasyon pero kailangan nya munang mag-isip kung ano ang tamang gawin. Kaya naman tuluy-tuloy sya sa elevator, at si Harold ay nakatitig lang sa kanya habang pinapanood na sumara ang elevator.
            Hindi na niya ito sinundan dahil naiintindihan niya kung ano ang nararamdam ni Leila. Masakit ang katotohanang nalaman nito, na ang matalik na kaibigan pa ng kanyang mga magulang ang syang may kagagawan ng lahat. At ama pa ng lalaking mahal nito.

            Hindi nya alam kung saan siya pupunta. Pero namalayan nalang niya ang sariling nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. Umiiyak. Tila hindi na titigil ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa kanyang mapupungay na mata.
            “Mom, Dad, I don’t know what I’m going to do.” Kausap niya sa puntod ng magulang. “I love Harold, and I know you would allow me to love him, but I was in shocked right now, and I can’t think right. Mom, Dad, please help me what to do.” Hindi pa rin matigil ang kanyang pagluha.
            “I want to be with him, and forget all what happens in the past, but I also want to give you justice.” Naguguluhan pa ring tugon niya.
            At sa puntong iyon ay isang batang babae ang Lumapit sa kanya. Siguro ay nasa edad labindalawa o labintatlo. “Ate, huwag ka nang umiyak, masaya na sila ngayon kasama si Lord.” Sambit nito sa kanya na wala namang alam kung bakit siya umiiyak.
            “Alam ko iyon pero masakit pa rin.” Sagot naman niya.
            “Ang sakit ay nawawala rin paglipas ng panahon at mapapalitan iyon ng galak sa ating puso, pero tandaan natin na lahat tayo ay darating diyan, iba-iba nga lang ang paraan ng Diyos. At tandaan din natin na dapat matuto tayong magpatawad at lahat ng ating agam-agam sa buhay ay ipagpasa-Diyos natin upang magkaroon tayo ng kapayapaan sa ating mga puso.” Mahabang pahayag ng dalagita.
            Tila siya ay natauhan sa mga sinabi ng dalagita. At nakatitig lang ito sa puntod ng kanyang mga magulang.
            “Marahil ay sobrang sakit mula ng sila’y mawala, pero tandaan natin na may buhay pa tayo, at hindi sila matutuwa kung makikita nilang tayo’y hindi masaya. Kung may tao mang nanakit at naging dahilan ng kanilang kamatayan matuto tayong patawarin sila upang tayo’y makapamuhay ng masaya at walang kinikimkim na galit at poot sa ating mga puso. Masayang mabuhay ng Malaya at walang itinatago.” Patuloy pa rin ng dalagita.
            “Marahil ay tama ka, na dapat nating patawarin ang mga taong nagkasala sa atin, dahil kung ang Diyos ay nagpapatawad, tayo pa kayang mga taong kanyang nilalang?” sang-ayon naman niya dito.
            “Kaya kailangan nating sulitin ang ating mga sandali na kasama ang mga mahal natin sa buhay, dahil baka hindi natin alam, iyon na pala ang huling kasama natin sila na masaya.” Patuloy pa rin nito.
            Napakabata pa nito ngunit kung makapagsalita ay isang napakabigat na pangyayari ang naranasan nito sa nakaraan. Pero natigilan siya sa huling sinabi nito. Naisip niya bigla si Harold. Hindi na yata niya kakayaning mawala pa ito sa kanya. Sa buhay niya.
            At sa puntong iyon ay tumayo na siya. “Maari ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya sa dalagita.
            “Amber po ang pangalan ko ate.” Sagot nito.
            Nagulat naman siya. “Amber?” ulit nya sa pangalan nito.
            “Opo, kapangalan ko nga po yung idol ko eh, si Amber Villanueva, yung sikat pong model. Kamukha nyo nga po siya eh.” Sagot naman nito.
            Napangiti naman siya sa tinuran nito. “Alam mo, mas idol ka ni Amber Villanueva, kasi isa kang mabuting bata. Salamat nga pala sa mga sinabi mo kanina ha?” nakangiting tugon nya sa bata.          
            Pero sa gulat na naman niya, hindi na nagsalita ang bata at umalis na agad. Naglakad ito patungo sa isang puntod.
            Naguguluhan man ay hindi nalang niya pinansin ito at agad na siyang nagmadaling umalis sa lugar na iyon.
            Uuwi muna siya sa nanay Shienna niya at gusto niyang sabihin ang totoo. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman ang totoo. Pero maunawain naman si Shienna kaya maiintindihan nito kung ano man ang magiging desisyon niya.
            Desidido na siya, ipapaubaya na lang niya sa batas ang lahat at babalikan niya ang kanyang mahal at magsisimula sila ng panibagong buhay ng walang lihim. Mamumuhay sila ng normal katulad ng iba. 

1 comment: