Only Hope
Bago pa man naging sila ni JR, may naging boyfriend na sya, si Jake. Actually ang kaibigan nyang si Koko ang unang niligawan nito kaso basted ito kay Koko. So nabaling ang atensyon ni Jake sa kanya. After 2 weeks lang ng panliligaw ay sinagot na nya ito. Masaya naman sila sa naging relasyon nila. But after 2 months, nalaman nyang may anak na pala ito. Masakit dahil kahit sa iksi ng panahong nagkasama sila minahal na nya ito. Pero talagang makikilala mo lang ang isang tao kapag nagkasama kayo. At pag palagi kayong magkasama.
“Koko, ansakit.” Daing nya sa kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa sala ng kanilang apartment na inuupahan. 3rd year college na sila. Pero magkaiba sila ng kurso. Si Koko ay Bus. Ad ang course na kinukuha, habang sya naman ay Psychology. Nilapitan sya ni Koko.
“Binalaan na kita dati Myleen, na huwag ka masyadong mahuhulog sa kanya, pero anong ginawa mo?” sita sa kanya ng kaibigan.
“Mahirap naman kasing pigilan ang nararamdaman, Koko.” Katwiran nya dito.
“Nandun na ko, pero anong magagawa natin kung may anak na sya? Hindi na natin mababago yon. Mas mabuti pang ibaling mo nalang sa iba ang pagmamahal mo.” Sagot naman ni Koko na may point naman.
“Kung ganun nga lang sana kadali ang ibaling sa iba ang nararamdaman ko eh.” Mas lalo pa syang nalungkot sa isiping iyon.
“Pero hindi na natin mababago ang sitwasyon, Myleen. Ang tanging magagawa mo nalang ngayon ay palayain ang puso mo sa masakit na nangyaring iyon. At nandito pa naman kaming mga kaibigan mo eh. Hindi ka namin iiwan.” Mahabang litanya ni Koko.
“Salamat, Koko ah? Kung wala kayo hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana nga magawa ko syang kalimutan agad.” Aniya na medyo kumalma na ang pakiramdam.
Niyakap sya ni Koko para iparamdam sa kanyang hindi sya nag-iisa at may karamay sya sa oras ng pangangailangan.
Kahit kailan talaga ay tunay na kaibigan si Koko. Walang problemang hindi sya nito sinamahan at dinamayan. Kaya naman mahal na mahal nya ito na parang kapatid.
Naging maayos naman ang kanyang pag-aaral. Hindi na nya masyadong iniisip si Jake. Pag naiisip man nya ito, tanging ang panghihinayang nalang sa mga oras na ginugol nya dito. Naging Masaya ang mga lumipas nyang mga araw, linggo at buwan.
Ngunit isang araw sa kanilang inuupahang apartment ay may ipinakilala ang kapitbahay nilang si Noreen na pinsan daw nito.Si JR, matangkad, parang basketball player ang height, maputi, gwapo, at ang katawan ay may sinabi din naman. Unang dumako sa kanyang mukha ang mga mata nito. Napatitig naman sya dito. Hindi nya maintindihan kung bakit parang kinabahan sya ng mapatitig sya sa mga mata nito na nakatitig din sa kanya. At napansin nyang napakaganda ng mga matang nakatitig sa kanya. Napalunok tuloy sya at nagbawi na ng tingin dito. Pagkatapos itong ipakilala sa kanila ay umalis na agad ito, dahil may pupuntahan daw ito.
Pero ng gabing iyon hindi na maalis ni Myleen ang isip sa mukha ni JR. hindi nya maintindihan ang kanyang sarili dahil hindi nya pa talaga kilala ito tanging ang pangalan at mukha nito.
Dahil sa kakaisip ay nakatulog sya ng may ngiti sa mga labi na noon lang nya ulit nagawa.
Nang sumunod na araw ay hindi na nya ulit nakita si JR. Hindi na ulit ito dumalaw sa pinsan nito na si Noreen. Kaya naman binalewala nalang nya ang isang damdamin na hindi nya maintindihan.
Lumipas pa ang isa, dalawang araw hanggang isang lingo ay hindi na nga nya ito nakita. Ngunit nang araw din ng linggo ay nagulat sya sa bisita nila.
“Hi!” anito na nakangiti. Tumayo pa ito sa kinauupuan mula sa kanilang sala.
“H-hello!...N-napadalaw ka? Kasama mo ba si Noreen?” hindi nya alam ang kanyang sasabihin dito kaya iyon nalang ang kanyang tinanong. Ewan ba nya bakit bumalik na naman ang hindi nya maintindihang kaba sa dibdib nya.
“Hindi ko kasama si Noreen and hindi rin sya ang dahilan kung bakit ako napasyal dito.” Sagot nito sa kanya na nakangiti pa rin sa kanya. Nasa loob ang kanyang mga kasama sa bahay. Pakiramdam nya ay pinag-kaisahan sya ng mga kasama nya dahil hindi man lang sila lumalabas sa kwarto.
“Ah… Ganoon ba? Kung ganun maupo ka muna. Anong gusto mo? Juice? Coffee? Or softdrinks? Tsaka sino ba ang pakay mo dito? May maitutulong ba kami?” tarantang sunud-sunod na tanong nya. Hindi na nya maintindihan ang kanyang sarili.
“Tubig nalang, Myleen. At ang totoong pakay ko e manliligaw sana ako sayo.” Diretsong sagot ni JR.
Gulat na gulat talaga sya sa tinuran nito. Hindi nya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
“Alam ko nakakagulat pero seryoso ako.” Ani JR na nahalata ang pagkagulat nya. “Kahit ang mga kaibigan mo ay hindi naniniwala sakin kaninang sinabi ko, kahit nga ang pinsan kong si Noreen ay nagulat din. Pero seryoso ako sa mga sinasabi ko.” Patuloy pa nito.
“Sandali… baka nabibigla ka lang.” aniya na medyo lumayo sa lalaki dahil Lumapit na ito sa kanya.
“Basta, liligawan kita, kahitt ano man ang sabihin ng iba, wala akong pakialam. Nung una hindi ko malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko para sayo mula ng Makita kita. Pero ngayon alam ko na. Gusto kita, at alam kong lalalalim pa itong nararamdaman kong ito kaya sasabihin ko na sayong hindi ko ito pipigilan.” Mahabang paliwanag nito sa kanya.
Sa mga narinig, gusto na nyang maniwala agad dahil nakita nya sa mga mata nito na seryoso nga ito. Pero ayaw na nyang masaktan ulit. Ayaw na nyang maloko. Kaya naman pinaalis muna nya ito at hayaan muna syang makipag-isip ng tama. Nagpaalam naman ito ng maayos, pati sa mga kaibigan nya na alam nyang nakikinig. At nagsabi ito na itutuloy pa din ang panliligaw sa kanya.
Kinausap sya agad ng kanyang mga kasama. Pinayuhan sya, hindi naman sila tutol dahil daw sya naman ang talagang makakapagdesisyon sa buhay nya. Kaya kung saan daw sya magiging Masaya ay lagi silang nakasuporta. Labis ang pasasalamat nya at nagkaroon sya ng mga kaibigang mapagkakatiwalaan.
Lumipas ang mga araw, itinuloy nga ni JR ang panliligaw sa kanya. At hindi ito naglihim sa kanya na may anak na ito. Noong una ay parang nalungkot sya sa nalaman, mauulit na naman ba ang nakaraan? Tanong nya sa kanyang isip. Maliban pa doon, mas bata ng dalawang taon si JR sa kanya. Pero pinatunayan talaga ni JR na seryoso ito sa kanya. Hanggang sa 2 buwan na itong nanliligaw sa kanya.
Alam nya sa sarili nya na nahulog na nga talaga sya dito. Pero pinipigilan lang nya ang damdamin. Hanggang sa kausapin sya ni Koko at pinayuhang ilabas nya kung anuman ang talagang nararamdaman nya para dito. Na kahit ano man ang kalabasan o kahihinatnan nun, part pa rin ng buhay ang mabigo at muling bumangon. Hanggang sa makamtam ang totoong kaligayahang ipinagkaloob ng Maykapal.
Sinunod nya ang payo ng kaibigan at sinagot na nga nya si JR. naging maayos naman ang kanilang relasyon. Ngunit sa unang pagkakataon, ng minsang magpaalam si JR na dadalawin nito ang anak, nakadama sya ng selos. Ewan nya pero mahirap tanggapin na may kahati sya sa atensyon nito. Doon ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni JR. Ngunit hindi naman ito nagtagal at naayos din nila ang problema. Ipinaintindi sa kanya na hindi pwedeng pabayaan ni JR ang kanyang anak.
Hanggang sa tinanggap na nya ang katotohanang may pananagutan na nga ito sa buhay. Graduating na sya ng College ng magkaproblema ulit sila, hindi nya talaga kayang tanggapin na kahati pa rin nya sa oras ang anak nito. Minsan nga naiisip nyang nagkakamabutihan na uli sila ng ina ng bata.
Mahirap ang sitwasyon nya, kahit pa sabihing walang ginagawa si JR na hindi dapat. Naiisip nya minsan na pano kung yung babae ang gumawa ng paraan para magkabalikan sila at ginagamit lang nito ang bata. Hindi nya maalis sa isip ang ganung sitwasyon dahil meron pa ring dahilan upang magkalapit si JR at ang ina ng anak nito.
Ilang gabi syang iyak ng iyak. Pati ang mga kaibigan nya ay puro mga payo na mas mabuting hiwalayan nalang nya ito keysa sa nahihirapan syang tanggapin na talagang kahati nya sa oras at atensyon ang anak nito.
“Mahal ko sya eh, at napakasakit dito..”daing nya sabay turo sa tapat ng puso nya. “…hindi ko alam kung makakaya ko pa ang sakit, Koko.” Patuloy nya at patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha.
“Minsan sa buhay, kailangan nating masaktan ng sobra para tumingala tayo sa taas at humingi ng tulong Nya.” Ani Koko na halatang awang-awa na sa kaibigan.
“Koko, nahihirapan na ko, ano ba ang kailangan kong gawin?” samo nya sa kaibigan.
“Mahalin mo rin ang sarili mo, Myleen. Huwag mong ibuhos ang lahat sa ibang tao. Mas dapat mong pinapahalagahan ang sarili mo kesa sa ibang tao. Dahil tanging sarili mo lang ang sya mong makakaramay sa lahat ng pagkakataon.” Mahaba namang tugon ni Koko.
“Tingin mo ba kailangan ko nang tapusin ang kabaliwan ko?” muli nyang tanong dito.
“Hindi yan kabaliwan, kundi sadyang nagmamahal ka lang. Pero minsan kailangan mong magsakripisyo upang pareho kayong maging masaya ng mahal mo.” Payo naman ni Koko. Tama nga naman ito. Na kailangan mahalin din nya ang sarili nya, hindi yung laging mas matimbang ang pagmamahal nya sa ibang tao, dahil walang hihigit na magmamahal sa kanya kundi sya at ang Diyos lamang.
Ng gabi ding yon ay nakabuo sya ng isang pasya na talagang mahirap pero alam nyang kakayanin nya. Naisip nyang may mga kaibigan naman syang nagmamahal sa kanya. Lalo na ang kanyang pamilyang laging sumusuporta sa kanya at laging nagmamahal. Kung tutuusin ay napaka-swerte pa din nya dahil nagkaroon sya ng pamilya at kaibigan na talagang maasahan nya sa lahat ng oras. Ni hindi sya iniiwan sa ere ng mga ito. Lagi syang dinadamayan sa lahat ng saya at problema nya. Kaya ano pa bang hihilingin nya? Bonus nalang mula sa Maykapal kung makakatagpo sya ng lalaking buong pusong mamahalin at aalagaan sya. Pero tama ang kanyang kaibigang si Koko na kailangan nyang isakripisyo ang kanyang puso para hindi sila parehong masaktan sa mga susunod pang mga araw.
Kinaumagahan din ay nakipagkita sya kay JR. Nakangiti na sya ng maluwag sa dibdib ng makipagkita dito. At desidido sa pasyang nagawa.
Sinabi nya dito ang dahilan kung bakit sya makikipag-kalas. Nung una ay ayaw pumayag ni JR at nagmakaawa pang huwag naman nyang gawin iyon dahil nga sa mahal na mahal sya nito. Pero buo na ang desisyon nya. “JR ayokong pati ikaw ay masaktan dahil sa pagseselos ko, mahal kita, kaya ko ito ginagawa. Ngayon kung pagdating ng araw at mahal pa din natin ang isa’t-isa hindi ko na hahayaang mawala ka pa. Kung talagang tayo nga ang para sa isa’t-isa, hindi hahayaan ng Diyos na hindi tayo maging Masaya. Sana maintindihan mo ko JR. Alam mong mahal na mahal kita, pero nasa ‘kin ang problema at wala sayo. At kailangan ko muna ng panahon upang mabago ang sarili ko.” Paliwanag nya dito. Sa narinig na iyon ni JR mula sa kanya, nakaintindi na rin ito at nangakong sya pa din ang mamahalin nito kahit ilang taon pa ang lumipas.
Niyakap sya ni JR sa huling pagkakataon at muli sya nitong hinalikan sa mga labi. Tinanggap nya iyon at napaiyak sya. Mahal na mahal nila ang isa’t-isa pero hindi nya kayang saktan lagi ang damdamin ni JR dahil lang sa anak nito. Kaya makabubuting lumayo muna sya dito.
Pagka-graduate nya ay umalis sya sa lugar nila at naghanap ng trabaho sa ibang lugar. Sinikap nyang maging Masaya. Sa tulong na din ng kanyang mga kaibigan at pamilya.
Tatlong taon na ang nakakalipas at ni minsan ay hindi na nya ulit sinubukang makipag-relasyon. May mga nanliligaw sa kanya pero sinasabihan nya agad ang mga ito na wala silang mahihintay na magandang sagot mula sa kanya. At sa tatlong taon ng kanyang pagiging single, ni minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal nya kay JR. at ipinagdarasal na sana pagdating ng panahon, magkikita muli sila ni JR. kahit pa hindi na sya nito mahal na gaya ng dati basta bilang kaibigan nalang. The only hope in her heart is to see him as good as he wants him to be mula nang magkahiwalay sila.
ate may pinalitan kang name dito noh? para kasing may nabagao haha kumpara nung una ko tong nabasa dati :)
ReplyDeleteHai Mx. Kayt.. pde q po bang kunin tong xtory mo pra xa Dula-Dulaan namin nxt week?? :)
ReplyDeleteHi Ms. Riia Lyn...anong klaseng dula-dulaan po iyan?
Delete