Chapter 7
Kasalukuyang nagluluto
ng hapunan noon si Imelda ng may marinig syang humintong sasakyan sa tapat ng
kanilang bahay. Kaya naman iniwan nya muna ang niluluto at tinungo ang kanilang
pintuan. At nakita nyang isang kotse nga ang nakahinto sa tapat ng kanilang
gate. Maya-maya pa ay may lumabas na isang lalaki. At para makita kung sino ito
ay lumabas na sya. Upang lamang magulat sa taong iyon ng sya’y makalapit na.
Hindi naman na nagulat si Harold kay Imelda. “Magandang
hapon po, Nay Shienna or shall I say Imelda?” bati nya dito na nakingiti.
“H-Harold? I-ikaw ba iyan?” gulat na sambit ni
Imelda/Shienna. At binuksan na ang gate.
“Ako nga ho, Nay Shienna. Nariyan ho ba sya?” nakangiti
pa ring sagot nya at hinawakan pa ang mga kamay ni Shienna.
“Ah---Eh---K-kasi---“ nauutal na hindi naman masabi ni
Shienna kung ano ang dapat isagot sa kanyang tanong.
“Alam ko na ho ang kalagayan nya, pero huwag nyo na ho
munang sabihin na may alam ako.” Sabat naman niya ng hindi maituloy ni Shienna
ang sasabihin.
“Kung ganoon ay bakit ka naparito? Hindi ba’t next week
pa ang schedule nya sa inyo?” naguguluhan namang tanong ni Shienna sa kanya.
“Dahil may mahalaga akong gustong alamin sa kanya tungkol
sa manager nya.” Diretsong sagot nya.
“B-bakit? Anong ginaw---“ hindi na naituloy ni Shienna
ang sasabihin ng biglang may nagsalita sa likuran nya.
“Nay!” si Amber at isang nagtatakang tingin ang ipinukol
nito sa kanilang dalawa.
“Amber, anak. Si Harold nga pala, gusto ka nyang makita.”
Hindi malaman ni Shienna kung ano ang sasabihin sa anak.
“At paano mo nalaman na dito ako nakatira? Sinusundan mo
ba ako?” galit na tanong ni Amber sa kanya. Matalim din ang matang ipinupukol
nito sa kanya.
“Please let’s just talk in a nice way, I’m not here to
argue with you, I’m here to discuss something really important.” Sagot naman
nya at sinusubukang mapaamo ang mala-tigre nang reaksyon ni Amber.
“Important? Hindi na ba makakapaghintay yan hanggang next
week at talagang sumugod ka pa dito?” taas-kilay pa ring tanong nito.
“It’s not about Gossip, Amber. It’s about you.” Mahinahon
pa ring tugon nya.
“Anong alam mo sa pagkatao ko?” Lumapit pa ito.
“Ahh---anak. Sa loob nalang kayo mag-usap ni Harold ha?
Mas makakabuti para sa inyong dalawa kung sa loob na ninyo pag-uusapan ang
dapat pag-usapan.” Sabat na ni Shienna sa dalawa dahil mukhang mainit ang ulo
ni Amber ng mga oras na iyon.
Walang anumang salita ay nagmartsa na papasok sa loob ng
bahay si Amber. Sumunod nalang ang dalawa at nag-uusap ang mga mata. Pero
desidido na si Harold na aminin kay Amber ang totoo. Wala na syang pakialam
kung hindi man maniwala si Amber sa kanya. Basta ang importante sa kanya ay
maprotektahan nya ang taong mahal nya.
Nang makapasok sila sa kabahayan ay nakatayo lang si
Amber sa may tabi ng sofa. Huminto naman sya ilang pulgada ang layo. Pero hindi
na nakatiis si Shienna at sya na ang unang nagsalita.
“Maupo muna kayong dalawa diyan, at ikukuha ko kayo ng
malamig na maiinom dahil mukhang mainit ang ulo ng isa sa inyo.” Ani Shienna na
nakatingin naman sa gawi ni Amber.
“Nay, just water for me.” Sambit naman ni Amber at
nginitian ang ina.
“Kahit ano po sa’kin, Nay Imelda.” Nakangiti ring tugon
nya.
Agad namang tumalima ang ginang at iniwan na ang dalawa
sa sala. ‘sana naman ay maging maayos ang
lahat.’ Naidalangin nalang ni Shienna.
“What now?” mataray pa ding tanong ni Amber sa kanya. Sa
wakas ay umupo na rin ito. At umupo naman sya sa katapat nitong sofa.
“Listen carefully, Amber. First I want to tell you the
truth, second, please hear my words, and third it’s up to you if you’d gonna
believe it.” Unang salaysay nya.
“Okay go ahead.” Seryosong sambit naman nito.
“I have a big part in your life, actually, my family and
yours are friends. At ako, si Harold, ang bestfriend mo, Leila.” Umpisa nya.
Pero natigilan ang dalaga pagkabanggit nya sa pangalang Leila.
“What did you call me?” tanong nito.
“Leila is your real name, at si Nay Imelda ay si Yaya
Shienna mo. She tried to hide; dahil natatakot syang may magtangka ulit sa
inyo. Daihl pati ang kanyang pangalan ay pinalitan nya kagaya mo. Gusto nyang
tuklasin kung sino ang may kagagawan ng aksidenteng nangyari sa inyo 20 years
ago. Dahil hindi naniniwala si Nay Shienna na aksidente lang iyon. Naniniwala
syang may tao sa likod niyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas na
ebidensya na magpapatunay kung totoo nga bang sinadya ang pagpatay sa pamilya
mo.” Itinigil muna niya ang pagsasalaysay dahil nakita nyang tumutulo na ang
mga luha sa pisngi ni Leila/Amber.
Tumabi sya dito at inakbayan. Ang akala nya ang sisitahin
sya nito pero hindi. Hinayaan lang sya sa ginawa nya kaya naman hindi na sya
nagpatumpik-tumpik na maging isang kaibigan sa dalaga.
“Bakit mo ngayon sinasabi sakin ‘to?” lumuluha man ay naitanong
pa rin ni Leila.
“Dahil hindi ko na kayang maglihim sayo, Leila. Mahal
kita kaya ayokong mapahamak ka.” Bigla ay nasabi nya ang kanyang nararamdaman
para dito. Huli na para bawiin pa iyon.
“M-mahal?” napaatras ito palayo sa kanya.
“Leila, huwag kang magalit, pero noon pa kita minamahal,
at hindi ko na iyon nasabi sayo dahil sa aksidente. Pero ngayon, gusto ko lang
malaman mo na kaya ko gustong sabihin sayo ang mga nangyari sa nakaraan ay para
protektahan ka, hindi para suklian mo kung ano man ang nararamdaman ko para
sayo, dahil wala akong karapatan na mahalin ng isang katulad mo, Leila. Hindi
ako karapat-dapat upang mahalin mo.” Mahabang paliwanag niya.
“Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo, Harry. Hindi
pa ako lubos na gumagaling, at hindi pa lubos na bumabalik ang ala-ala ko, pero
alam kong may nangyari ngang aksidente sa’min noong ako’y limang taong gulang
palang. At minsan na rin kitang nakita sa mga panaginip ko. Pero ang iba ay
hindi ko na alam.” Umiiyak pa ring sambit ni Leila.
“Leila, hayaan mo sanang protektahan kita. Dahil ayaw ko
nang muling mangyari ang nakaraan. Dahil hindi ko na kakayanin kapag may
nangyaring masama sayo at sisisihin ko na ang sarili ko dahil ang babaeng mahal
ko ay hindi ko man lang kayang protektahan.” Sumamo nya kay Leila.
“Harry...” nakatingin lang ito sa kanya.
“Please, hayaan mo akong tawagin ka sa iyong pangalan.
Matagal ko ng gustong banggitin ang pangalan mo pero hindi ko magawa dahil mas
nangungulila lang ako lalo kapag naiisip kita. At ngayon, sana naman ay huwag
mong ipag-kait na gawin ko iyon.” Pakiusap niya kay Leila at may mga luha ng
namumuo sa mga mata niya.
“Harry, Harold...” sambit ni Leila sa pangalan nya. At
kasunod nun ay hinawakan nito ang mga kamay nya. “Tulungan mo akong makabangon.
Tulungan mo akong maalala ang nakaraan. Ayoko ng magtago sa isang katauhan na
alam kong isang imahinasyon lang at mawawala din pagdating ng panahon.” Bagkus
ay sambit nito sa halip na magalit sa kanya.
Nawala na ang kaninang galit sa mga mata nito. At isang
pangungulila ang nakikita niya ngayon sa mga mapupungay na mata ni Leila.
“Pangako, tutulungan kita, Leila.” Sumilay ang ngiti sa
mga labi niya at agad na niyakap si Leila. Hindi naman tumutol ito at gumanti
rin ng yakap.
Napangiti naman si Shienna na pinagmamasdan ang dalawa.
Para itong nabunutan ng tinik na hindi lang pala siya ang nagtatago sa
katotohanan. Pero isang pangitain ang kanyang pinangambahan. Naiisip tuloy nya
ang larawan na ibinigay niya kay Cheska kaninang umaga. Bigla ay nag-iba ang timpla
ng kanyang mukha. At agad niyang nilapitan ang dalawa.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Ah... maistorbo ko
muna kayo.” Nag-aalangang sabi pa niya.
Agad namang kumalas sa pagkakayakap ang dalawa at parang
nahiya pa sa kanya. “Nay, kayo ho pala.” Saad ni Leila na nahihiyang tumungo
pa.
“Ah...eto na ‘yong inumin nyo.” Anaman nya at ipinatong
sa mesita ang dalawang baso na may lamang tubig at juice.
“Pasensya na ho kayo, Nay Shienna.” Paumanhin naman ni
Harold.
“Wala sa akin iyan.” Nakangiti namang pahayag nya.
“Syanga pala...” aniya at binitin pa ang sasabihin.
“Ano ho iyon, Nay?” curious namang tanong ni Leila.
“Anak, naaalala mo ba iyong larawan mo noong limang taong
gulang ka pa lamang? Iyong larawan na lagi kong dala-dala kahit saan ka magpunta?”
tanong nya sa alaga.
“Opo, ano pong meron doon?” sagot naman ni Leila.
Bigla namang naalala ni Harold ang larawang ipinadala sa
kanya. At agad nitong kinuha sa kanyang wallet. “Ito ho ba ang tinutukoy nyong
larawan?” anito at hawak-hawak ang larawang kuha pa niya noong sila’y mga bata
pa ni Leila.
Gulat naman ang ipinakitang reaksyon ni Shienna pagkakita
sa larawan. “P-papaanong napunta sayo iyan?” nauutal pang tanong niya.
“Someone gave that to my office this morning.” Sagot
naman ni Harold.
“S-sino?” utal pa ring tanong niya.
“Her name was Jyda Tayaban. Do you know her, Nay
Shienna?” sagot naman nito sabay binuntutan na tanong.
Kinuha naman ni Leila ang larawan kay Harold at
pinagmasdan. “Is this me?” tanong pa
nito habang pinagmamasdan ang larawan.
“Ikaw ‘yan, anak.” Sagot naman ni Shienna.
“Pero pano napunta kay Harold ito?” tanong ulit ni Leila
na nakatingin kay Shienna.
“Ibinigay sa akin ni Jyda ang larawan at hindi ko alam
kung paanong napunta sa kanya iyan. Dahil alam ko kung sino lang ang may hawak
niyan. Nag-iisa lang ang kopya ng larawan na iyan.” Sabat naman ni Harold na
lumalam ang mga matang nakatitig kay Leila.
“Kung ganun, paano napunta dun sa sinasabi mong si Jyda
ang picture na ito?” patuloy pa ring tanong ni Leila.
“Ah, anak. Naibigay ko kasi kay Cheska ang larawan na
iyan kanina. Pero hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip nya noong maibigay
ko sa kanya iyan.” Sabat naman ni Shienna.
“Ano hong ibig nyong sabihin? Na kay Cheska nyo ibinigay
ang picture na ito? Pero paanong napunta sa ibang tao ito.?” Naguguluhan nang
tanong ni Leila.
“Isang mahalagang bagay na nalaman ko kung kanino nyo
iniabot iyan, Nay Shien. Ngayon alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat.”
Seryosong tugon ni Harold ng marinig ang sinabi ni Shienna.
Napatingin naman ang dalawa dito. At nagtatanong ang mga
matang nakatitig sa kanya.
“Ano ba talaga ang papel nitong larawan na ito at bigla
kang napasugod dito?” tanong na naman ni Leila kay Harold.
“Nagpanggap na Leila si Jyda. Hindi ko alam kung ano ang
totoong motibo nila pero alam kong kasabwat nya si Cheska base sa sinabi ni
Nanay Shien na ibinigay nga nya ang larawan na iyan kay Cheska. Kaya gusto
kitang balaan kay Cheska, hindi mo pa talaga sya lubos na kilala. Kailangan
mong makiramdam sa paligid mo Leila kung nasa mga mabubuting kamay ka nga.”
Mahabang salaysay ni Harold at titig na titig kay Leila.
“So, what are we going to do now? Kung ang inaakala kong
kaibigan ay isa rin palang tinik sa buhay ko ngayon?” matamang nakatitig din na
tanong ni Leila.
“Hayaan mo lang syang lumapit sayo, pero huwag mo syang
bibigyan ng pagkakataon na magawan ka ng masama. Just be alert, kahit sa
sinumang taong nakakasalamuha mo. Just remember na may lakad pa kayo sa
Saturday. Or are you going to do the show after all what you’ve heard today?”
si Harold pa rin.
“Itutuloy ko iyon, pero gusto kung sumama ka.” Seryosong
sagot naman ni Leila.
“Are you sure of that?” paniniguro naman ni Harold.
“Sa mga nalaman ko, kahit hindi pa lubusang bumabalik ang
ala-ala ko, pakiramdam ko ay ligtas ako sa tabi mo.” Sagot naman ni Leila.
“Okay. I’ll go with you. But we need to plan for
everything.”
“Ah... eh... Kumain muna tayo bago ang mga iyan. Ihahanda
ko lang ang pagkain at ng makakain na tayo, ha?” sabat naman ni Shienna.
Sabay naman na napangiti ang dalawa. At tumalikod na si
Shienna para ihanda ang kanilang pagkain.
Nagkwentuhan naman si Leila at Harold sa sala. At marami
pang naikwento si Harold sa kanyang naging buhay sa loob ng dalawampung-taon.
Nakikinig lang naman si Leila sa kanya dahil mukhang naiilang pa ito sa kanya.
Pero hindi naman ‘yon importante kay Harold. Basta masaya sya at nakakausap na
nya ang mahal nya.
No comments:
Post a Comment