Chapter 5
ang baby Amber ko?”
bungad nya.
“I have good news, Cheska.” Halata sa tinig ng kausap na
tuwang-tuwa nga ito.
“May I know what’s the good news, baby?” pinasigla naman
nya ang boses.
“I’m okay na.” hindi pa rin nawawala ang sigla ng boses
nito.
“Wait! okay for what?” naguguluhang tanong naman nya.
“Unti-unti ng bumabalik ang ala-ala ko, Cheska.” Tuwang
sagot pa rin nito.
“Really? Wow! That’s good to hear, Baby. I’m glad to know
that you’re okay na.” aniya pero bigla syang nabalisa sa narinig at agad na
syang nagpaalam dito. “Ahhhmmm… Baby, I need to go na, actually nasa isang
meeting ako ngayon, mag-usap nalang tayo tomorrow.” Aniya.
“Okay, Cheska. Natutuwa lang akong maibalita sayo ang
good news.” Tugon naman nito at ito na rin ang nagpatay ng tawag.
Agad namang bumalik sa mesa nila si Cheska at dinaluhan
ang kaibigan.
“So, what’s new?” agad na usisa nito sa kanya.
“She’s going to be fine; we need to do the second step
now, kailangan na nating madaliin at baka bumalik na nga ang alaala nya.” Aniya
sa kasama. At talagang nabalisa si Cheska sa ibinalita ni Amber.
“Okay, as you wish my dear. But your promise, don’t
forget it.” Sagot naman nito. At mukhang tuwang-tuwa pa.
Tumango-tango nalang sya sa demand nito. “I need to go,
and I trust you.” Aniya at hinalikan pa niya sa labi ang babaeng kasama.
“You have it.” Nakangiting sambit naman nito at tuluyan
na syang lumabas ng restaurant na iyon. Naiwan namang nakangiti pa rin ang
babae.
Dagling nagtungo sa sariling condo nya si Cheska or si
Richard. May mga papeles syang hinanap at agad na inilapag ang lahat ng iyon sa
kanyang kama.
Mayroon ding mga larawan doon. Mga larawang kuha sa isang
aksidente ng nakaraan. At doon nya muling binalikan ang nakaraan. Isang
nakaraang nais nyang balikan at nais nyang maningil sa mga taong naging dahilan
ng aksidenteng iyon.
Naglalakad noon
ang mag-inang Susan at batang si Richard sa gilid ng daan pauwi na sa kanilang
bahay. At isang kotse ang kanilang nakita na nakatigil sa gilid ng kalsada. At
aninag nilang mag-ina kung ilan ang sakay nun, isa ang nakaupo sa may drivers
seat at isa sa tabi nito. Pero mukhang may hinihintay pa ang mga ito.
At nang malapit na sila sa kotse ay bigla nalang sumabog
ito. Sa lakas ng pagsabog ay pati silang mag-ina ay nahagip nito. Tumilapon
silang mag-ina at hindi na alam ng batang si Richard kung ano na ang sumunod na
nangyari dahil nawalan na sya ng malay.
Paggising ni Richard ay nasa ospital na siya. Agad nyang
hinanap ang ina.
“Doktor, nasa’n ang aking ina?” kinakabahang tanong nya
sa doktor.
“Ikaw ba ang anak ni Susan Santos?” balik tanong naman ng
doktor.
“Opo, ako po ang kasama nya ng maganap ang pagsabog,
nasaan po sya?” sagot naman ng batang si Richard.
“Iho, kailangan mong maging matatag.” Unang sambit ng
doktor at nilapitan sya.
“Ano hong ibig nyong sabihin, doktor?” kinakabahang
tanong nya.
Inakbayan sya ng doktor
bago pa ito magsalita at sagutin ang kanyang tanong. “Hindi kinaya ng
iyong ina ang mga tumama sa kanyang mga bubog. At maliban pa doon ay nasunog
din ang kalahating parte ng katawan niya dahil sa pagharang nya sayo.” Sambit
nito.
“H-hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo. Buhay ang nanay
ko. Buhay ang nanay ko! Buhay sya!” hysterical ng reaction nya. Agad naman
syang napigilan ng doktor sa pagwawala. At tinawag ang nurse para turukan sya
ng pampakalma.
“Magpahinga ka muna, at i-ready mo ang sarili mo sa bago
mong buhay na wala ang iyong ina.” Sambit ng Doktor bago pa sya mawalan ng
malay ulit.
Paggising nya
muli ay hindi na sya nagtaka kung nasaan sya. At agad nyang tinanong ang Doktor
kung nasaan ang labi ng kanyang ina.
Sinamahan naman sya nito at inalalayan. Sa tulad nyang
labindalawang taong gulang, ang isip nya ay maituturin mo nang nasa biyente
anyos na. Sa kanyang pananalita at kilos hindi mo aakalaing labindalawang taon
lang sya.
Nang kanilang sapitin ang morgue na kinalalagakan ng
katawan ng kanyang ina. Agad nya itong nilapitan at niyakap. Hindi nya alam
kung bakit ayaw lumabas ng kanyang mga luha. Nagluluksa ang kanyang kalooban
pero hindi sya naiiyak. Dahil ang puso nya ay may kasamang galit at poot sa mga
taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Ang kaisa-isang pamilya nya
ay biglang nawala sa kanya sa isang iglap lang.Kung sino man ang mga taong iyon
ay aalamin nya.
“Yung mga sakay po ng kotse, nakaligtas po ba?”
nagbabasakaling tanong nya kahit alam na nyang walang makakaligtas na taong
nakasakay doon sa lakas ng pagsabog.
“Walang sinuman ang nakaligtas, iho. Ang mga taong nasa
kalapit na panig lang ang talagang nakaligtas, kagaya nalang ng mag-ina na
narito rin sa ospital na ito.” Sagot naman ng doktor na halatang nahahabag sa
kalagayan nya.
“Maari ko po ba silang makita o makausap?” tanong nya
ulit.
“Sige, pero kailangan ko munang makasiguro na wala kang
gagawing kakaiba.” Anaman ng Doktor sa kanya.
“Pangako po, gusto ko lang po ng karamay.” Pangako naman
nya pero may iba syang iniisip.
“Okay, kung ganoon ay sumama ka sakin, iinom ka muna ng
gamut mo para sa mga sugat mo bago tayo pumunta kila Shienna.” Pahayag ng
Doktor at inakay na sya palabas ng morgue.
“Sino po si Shienna?” usisa naman niya at tiningala pa
ang Doktor.
“Sya iyong nanay nung bata. Nagkamalay na sya pero ang
anak nya ay hindi pa rin hanggag ngayon.” Paliwanag naman nito.
“Ganun po ba? Kawawa naman po pala.” Maikling komento
nya.
“Heto, inumin mo muna.” Anang Doktor sabay abot ng gamut
sa kanya ng sila’y makarating na sa kwartong kanina lang ay kinalalagyan nya.
“Salamat po, Doktor.” Seryosong sambit niya.
“Wala iyon iho.” Nakangiting sambit naman nito.
“Wala po akong pambabayad sa mga gastusin dito sa
ospital, Doktor.” Aniya dito.
“Walang kaso iyon, ako na ang bahala sa lahat pati na rin
ang burol ng iyong ina.” Nakangiti pa ring tugon ng Doktor sa kanya.
“Pero... hindi ko naman kayo kaanu-ano. Bakit nyo ho
gagawin iyon?” tanong nya dito.
“Dahil naransan ko na rin ang mawalan ng isang ina. At
pareho mo, ako’y naulila rin ng lubusan. At pagtapos nito, may hihilingin akong
isang pabor sa iyo.”
“A-ano ho iyon?”
“Papayag ka bang ampunin nalang kita?” nakangiting
bulalas ng Doktor sa kanya.
“Ho!? Pero di po ba ay malaki na ako para ampunin ninyo?”
hindi makapaniwalang tanong nya.
“Wala namang pinipiling edad ang pag-aampon ng bata.
Basta kayang buhayin ng aampon ay maaari.” Sagot naman nito.
“Ganoon po ba iyon?” napakamot pa sya sa ulo.
“Oo, kaya halika na. Dadaluhan na natin ang mag-ina. At
sana ay gising na nga ang anak ni Shienna.” Natatawa naman si Doktor Arellano
sa tinuran ng nya.
Napangiti na rin ang batang si Richard kahit pa
nagdadalamhati sya sa sinapit ng ina.
Wala na rin syang magagawa sa mga nangyari at kailangan
nyang tanggapin ang katotohanan na mag-isa nalang sya sa buhay. At kailangan
nyang tanggapin ang alok ni Doctor Arellano para na rin matupad nya ang mga
pangarap nila ng kanyang ina na makapagtaos sya ng pag-aaral. At si Doctor
Arellano lang ang tamang tao na ibinigay ng Dioys sa kanya para tulungan syang
bumangon sa pagkakadapa.
Nang makarating sila sa silid ng sinasabib\ng mag-ina ng
Doktor ay nakita nyang umiiyak ang isang babaeng nasa gilid ng kama ng isang
batang babaeng natutulog.
“Shienna, kamusta na?” dinaluhan agad ni Doctor Arellano
ang babae.
“Wala pa rin, Doc. Hindi pa rin sya nagigising. Marahil
ay sa kagustuhan na rin nya. Ang sabi kasi ni Doctor Santiago ay sariling
katawan ni Leila ang umaayaw.” Sambit nito habang patuloy sa pagluha.
“Shienna, manalangin ka. Maniwala ka sa Kanya. Hindi nya
pababayaan ang anak mo.” Alo naman ng doktor
kay Shienna.
“Hindi ko po sya totoong anak, Doktor. Ako lang po ang
yaya nya, at mga magulang nya ang namatay sa aksidente.” Pagtatapat ni Shienna
sa Doktor.
“Kung ganoon ay ulila na rin syang lubos?” gulat man ay
hindi ipinahalata ng Doktor.
“Opo, pero handa akong maging totoong ina sa kanya kahit
wala na ang kanyang mga magulang. Mahal ko ang batang ito. At ako’y nahahabag
sa sinapit ng kanyang mga magulang. Mababait ang mga amo ko. Para sakin ay
hindi isang aksidente ang nangyari sa amin kundi sinadya ang lahat.” Mahabang
tugon ni Shienna.
“Kung ganoon ay kailangan muna nating mag-imbestiga sa
nangyari bago nating sabihin sa publiko na buhay ang isa sa mag-anak.
Palalabasin nating patay na rin si Leila para malaman natin kung sino ang
gusting pumatay sa mag-anak.” Suggestion naman ni Doctor Arellano.
“Maganda hong ideya iyan, Doktor. May alam na ho akong
mapupuntahan basta magising lang ang alaga ko.” Sang-ayon naman ni Shienna at
medyo nahimasmasan na sa pag-aalala.
Samantalang ang batang si Richard ay matamang nakikinig
lang sa usapan pero iba ang nasa isip nya ng mga oras na iyon.
‘Kung ganun ay kayo
pala ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko. Kung hindi dahil sa inyo
hindi sana nadamay ang nanay ko sa namatay. Tama lang na namatay ang magulang
mo.’ Anang isip ni Richard at nakatitig na sa walang malay na si Leila.
No comments:
Post a Comment