Tuesday, February 26, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 3



Chapter 3


Subsob na naman siya sa trabaho ng mapansing nagkakagulo sa labas ng kanyang opisina. Kaya naman naisipan nyang lumabas at alamin kung ano ang problema ng mga kasama.
“Anong meron? Bakit parang nabagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nyo?” takang tanong niya sa mga ito. Nakaupo na ang mga ito sa may training room. At para silang naluging bumbay sa itsura nila.
“Naibenta na pala ni boss itong bangko niya. At malamang sa hindi, mapapaalis na tayo dito. Ang sabi ni boss, gusto daw ng bagong may-ari na ang mga empleyado niya ang kukunin para dito.” Malungkot na tugon ni Carla sa kanya.
Sa narinig ay hindi niya alam ang kanyang magiging reaksyon. Natulala siya sa narinig. Alam niyang mahirap ang maghanap ng trabaho ngayon, pero alam din niya sa sarili niya na kaya naman niyang makipagsabayan sa mga applicant. Pero masaya siya sa trabaho niya ngayon at kontento na siya sa kinikita. Nakakatulong naman siya sa pamilya niya sa probinsya at natutustusan niya ang kanyang pansariling pangangailangan. Hindi naman siya naghahangad ng mas malaking sahod pa dahil para sa kanya ay malaki na ang 20,000 every month maliban pa doon ang incentives niya.
Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan. Kung ganun ang sistemang nais mangyari ng bagong may-ari ng bangko, kakausapin niya ito, kahit makiusap pang huwag silang paalisin doon. Kahit pa magmukha na siyang kawawa sa harap nito manatili lang sila sa kani-kanilang mga trabaho.
“Kakausapin ko si boss at pakikiusapan ang bagong may-ari na huwag tayong paalisin dito. Kahit pa magmakaawa pa ako sa harapan nila. Kilala naman na tayo ni boss. Hindi ba niya sinabi iyon bago niya ibenta ang bangko?” tugon niya sa mga ito.
“Walang mangyayari sa sinasabi mo, Jamila. Pinakiusapan na rin ni Miss Carrillo si boss dahil alam mo namang mahal na mahal ka ni Miss Carrillo. Pero talagang wala na daw magagawa si boss sa desisyon ng may-ari. Pwede daw tayong mag-stay dito pero depende pa rin sa bagong may-ari. Sinabi na rin daw ni boss na mapagkakatiwalaan ang lahat ng empleyado dito at hindi na daw nito kailangan pang humanap ng iba pang mga empleyado, pero depende pa rin daw dito kung ano ang magiging desisyon nito.” Mahabang paliwanag naman ni Kaila na nakasalumbaba pa rin.
“Kung ganun talagang mismong ang bagong may-ari ang dapat kong pakiusapan at paliwanagan.” Matatag naman nyang tugon.
“Jamila, sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong naman sa kanya ni Carla.
“Para naman sa atin itong gagawin ko eh. At alam nating lahat na mahirap maghanap ng trabaho sa panahong ito. And besides, masaya na tayo sa mga trabaho natin. Bakit ba kasi biglaan ang pagbebenta ni boss ng bangko nya?” himutok nya sa mga ito.
“Bahala ka, Jamila. Pero para na rin makasigurado ako, tatanggapin ko nalang ang alok ng ate ko sa Batangas. Isa ring teller ng bangko dun, mas mababa nga lang ang sahod dun kumpara dito.” Malungkot naman na tugon ng Aicel.
“Buo na ang desisyon ko, kakausapin ko talaga iyon. Kahit na anong mangyari, at kahit na sino pa siya kailangan ko siyang makausap. Basta kapag napakiusapan ko, samahan niyo pa rin ako dito ha?”aniya sa mga ito.

Pagkatapos ng usapang iyon ay talagang hindi na siya natahimik ng gabing ‘yon. Talagang hindi siya papayag na basta nalang silang paalisin doon.
Pero bakit may pakiramdam siyang mahihirapan siyang makausap ang bagong may-ari ng bangko? ‘Isa kaya itong matandang hukluban kaya ganun nalang kaistrikto sa pagmamay-ari nito? O kaya naman ay kagaya ni Miss Carrillo na matandang dalaga at mas maldita pa. O kaya naman ay talagang wala lang tiwala sa ibang tao ang isang ‘yon kaya ang gusto nya ay ang mga taong matagal na nitong nakasama? Sabagay kahit ako din naman, pero matagal naman na kami sa bangkong ‘yon ah, at wala namang naging problema si boss sa’min. Maayos naman naming nagagampanan ang mga trabaho, at ni minsan ay hindi pa kami naireklamo ng mga kliyente. Ah…basta kakausapin ko siya kung sino man siya…. Ang sabi ni Miss Carrillo ay darating daw bukas ang bagong may-ari. Pagkakataon ko na para makausap ito.” mahabang litanya ng kanyang isipan habang nakahiga siya sa kanyang kama.
At ng oras na iyon, muli naman niyang naalala ang dating katipan. ‘kamusta na kaya sya? Sana ay masaya sya ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan at sana ay naaalala din nya ako.’ Samo ng kanyang isip. Dahil magpasahanggang ngayon ay sinisisi pa rin nya ang sarili sa pakikipaghiwalay dito. Tunay nga talagang laging nasa huli ang pagsisisi. At sising-sisi sya sakanyang naging desisyon dati. Maliban doon ay napakababaw ng kanyang naging dahilan para makipaghiwalay dito. Pero tinanggap parin ni Matthew ang kanyang pakikipaghiwalay ng walang tanung-tanong kung hindi na ba siya mahal nito.

‘I’m sorry, Matt. Pero pakiramdam ko ay nasasakal na ‘ko sa sobrang bait mo. Pakiramdam ko ay napakasama ko ng tao sa paningin ng marami. At ayokong lagi kang nagpapakumbaba kahit na kasalanan ko na. Mahal kita pero, parang hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal na ibinibigay mo e.’
‘I know what you feel, but please… don’t break up with me. I really love you so much and you are the only one who made me complete and the one who make my life be in right way. And because of you, I learned how to be humble and to be me. You changed me, Jam. And I promise, hindi ko na ulit gagawin ‘yon basta h‘wag mo lang akong hiwalayan dahil hindi ko kaya.’ Sumamo naman ni Matthew sa kanya.
‘Matt, let’s stop this. Pagpahingahin mo muna ang puso mo sa’kin. I just need time to recover myself. Para sayo itong ginagawa ko, at para rin sakin. Dahil pareho lang tayong mahihirapan kung patuloy pa rin tayo sa relasyong ito.’ matigas nyang tugon pero ang totoo ay nahihirapan sya. Hindi nya alam kung tama pa ba ang kanyang ginagawa.
‘Okay, I’ll give you time to think, but please, come back to me when you’re ready to accept me again.’ Mahinahon pa ring sagot ni Matthew. Kahit kailan talaga, anghel para sa kanya ang katipan. At eto na naman, parang ito pa ang may kasalanan.
Napabuntong-hininga na nalang sya. ‘Matt, you’re a kind person, and I love you for that. But please, learn also to love yourself first before anyone.’ Aniya dito.
‘You’re not anyone, Jam. You’re my ONLY ONE.’ Anas pa nito at ikinulong pa ang kanyang mukha sa mga palad nito. Hindi naman sya tumutol ng halikan siya nito sa mga labi. That was her last kiss from the person whom she never forgets for the rest of her life.

Samantala, nagbabasa si Matthew ng tawagan siya ni Rocky. Naroon siya noon sa kanyang opisina.
“Hello, Rocky, napatawag ka?” unang tanong nito sa kaibigan.
“Sigurado ka na ba para bukas? Ayaw mo ba talagang pumunta?” balik tanong naman ng nasa kabilang linya.
“I’m sure of that. Kaya huwag mo ‘kong kulitin. Kaya mo yan, para ano pa’t ikaw ang ginawa kong general manager.” Sagot naman nya sa tanong ng kaibigan.
“Nahihiya na nga ako sa kabaitan mo. Dati naman hindi ka ganyan. Simula ng maging kayo ni….” Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.
“Ni Jamila? Matagal nang tapos ang sa’min ni Jamila, Rocky. At ikakasal na ko next year, kaya okay lang sakin na banggitin ang pangalan nya.” Pagtutuloy niya sa sasabihin sana ni Rocky sa kanya.
“Pero alam mo sa sarili mong mahal mo pa rin siya. Bumabalik na naman ba ang dating Matthew?” usisa ni Rocky sa kanya.
“Pare, sige na, paghandaan mo nalang ang para bukas. At sigurado akong maraming tanong sayo.”Paglilihis nalang niya ng usapan. Kung bakit kasi nabanggit pa niya ito gayong iniwasan na nga ni Rocky. Ayan at napasubo na naman sa kakulitan ng kaibigan.
“Okay, pare. Just wait and see what will happen for tomorrow.” Sagot nalang nito at ibinaba na ang telepono.
Bigla syang napaisip sa sinabi ng kaibigan. Bumalik na naman ba ang dating Matthew na matagal na nyang kinalimutan? O talagang ang bagong Matthew ang gusto nyang makalimutan dahil ito ang nagpapaalala ng masasayang araw nila ng babaeng bumago sa kanya at ang babaeng unang nanakit sa puso nya? Ano ba talaga ang gusto nyang mangyari sa buhay nya? Sa nakalipas na isang taon, wala syang ibang inisip kundi ang hanapin at tawagan uli siya ni Jamila at sabihing mahal pa rin siya nito at nais muli nitong madugtungan ang kanilang naudlot na pag-iibigan pero bigo siya sa pag-asang iyon. Gusto man niyang kalimutan ito, lagi pa ring bumabalik sa kanyang alaala ang maganda nitong mukha, ang kanyang tawa, ang kanyang mga yakap at halik. Ang pagmamahal nito na siya ring naging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay. Alam naman nyang hindi ito umalis sa bangkong kanyang pinapasukan pero hindi niya gustong guluhin ito. Kaya nanatili lang siyang tahimik at naghihintay ng tamang panahon. Pero kailan kaya ang tamang panahon na iyon kung ikakasal na sya?Malabo na ang nais nyang mangyari. Kailangan na lang nyang tanggapin ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.
At sa isiping iyon ay sa wakas naisipan na rin nyang umuwi. Marahil ay nag-aalala na naman ang kanyang ina dahil maghahating gabi na ay nasa opisina pa sya at hindi pa umuuwi. Kahit na nasa tamang edad na sya ay ganon pa rin ang turin ng kanyang ina, palibhasa ay uniko-ijo ng pamilya kaya naman spoiled sya sa mga ito lalo na sa kanyang ina. Pero para sa kanya sadya lang talagang maalalahanin ang kanyang ina lalo na ng magkahiwalay sila ni Jamila dahil ilang linggo rin syang hindi makausap ng matino. Mabuti nalang at naisipan pa rin nyang ayusin ang kanyang buhay at ang isiping hindi pa katapusan ng mundo para sa kanya. Kaya naman parang nabunutan ng tinik sa dibdib noon ang kanyang ina. At speaking of her mother, kanina pa pala ito nag-text sa kanya. At nag-aalala na nga. Kaya naman nagmadali na syang umibis papunta sa kanyang sasakyan at pinaharurot na ito dahil wala naman ng traffic ng mga oras na iyon.
At pagdating nga nya ay gising pa ang kanyang mama kasama ang kanyang papa. Ganun din ang dalawang katulong nila.
“Ikaw talagang bata ka. Bakit ba lagi mo akong pinag-aalala?” salubong ng kanyang mama at sabay yakap sa kanya.
“Ma?  I’m not a child anymore. Pero salamat po sa pag-aalala. Magpahinga na po kayo. Pa? salamat po sa paghihintay at pagsama kay mama. But please, next time po huwag nyo na po ko hintayin. Next month ay aalis na rin ako dito. I’m going to stay in my condo na.” sagot naman nya.
“Iho, alam mo naman ang ugali ng mama mo. Pero mabuti iyan anak, mas makakabuti nga sa iyong humiwalay na sa amin ng masanay naman ang iyong mama.” Ang kanyang ama.
Ngumiti naman sya.“Sige na po, Ma, magpahinga na po kayo. Huwag na po kayong mag-alala. Ayos lang ako, nasa opisina lang ako kanina.” At niyakap na ang ina.
“Bakit kailangan mo pang magsarili? Napakaluwang naman nitong bahay, saka ka na humiwalay pag nakapag-asawa ka na.” anang kanyang ina.
“Ma, I’m old enough to live on my own. Besides napasobra na yata ang stay ko dito sa bahay.” Mahinahon pa ring tugon nya kahit na nakukulitan na sya sa ina.
“Okay, basta dalasan mo pa rin ang pagdalaw dito ha?” hirit pa rin ng kanyang ina.
“Of course, Ma.” Aniya at niyakap ulit ang ina.
“O siya sige na, magpahinga na tayo, Mercedes, at ikaw din Matthew.” Sabat ng kanyang ama at inakay na ang kanyang mama paakyat sa kanilang kwarto.
“Okay, Pa.” sagot nya dito. “Goodnight, Ma, Pa.” pahabol nya sa mga ito.
“Goodnight.” Sabay pang tugon ng dalawa at dumiretsoo na sa itaas.
Malaki nga para sa mag-asawa lang ang kanilang bahay dahil may sarili namang maids quarter ang mga katulong sa likuran ng kanilang bahay. Pero hindi nya kailangang manatili doon. Kailangan nyang humiwalay. Kailangan nyang maging malaya. Kahit isang taon lang. Dahil nga sa susunod na taon ay ikakasal na sya. Pero hindi magiging madali para sa kanya ang mamuhay ng mag-isa, kaya lang naisip nyang pa’no kung isang araw ay biglang mawala ang isa sa magulang nya? Mas mabuting masanay na syang mabuhay ng mag-isa.
At para na rin hanapin ang kanyang tunay na pagkatao. Ang tunay na siya at hindi iyong nagkukubli lang sa isang pagkataong pilit nyang ipinipilit sa sariling siya ang taong iyon. Marahil ay napasobra talaga ang kanyang ginawang pagbabago sa sarili. Kaya kahit ang kanyang pamilya ay hindina sya makilala. Pero alam nya sa sariling isang tao lang ang makakakilala sa kanya sa katauhang kanyang ipinapakita. At ang taong iyon ay malabo ng mapasakanya muli.


No comments:

Post a Comment