Chapter 10
“I’m really sorry, Son. You may
disown me as your father.” Hinging paumanhin ng kanyang ama. Habang ito’y
kusang sumusuko na sa mga pulis.
“Dad,
I’ll forgive you for what you’ve done, but I don’t think Leila can forgive
you.” Sagot naman nya sa ama.
“I
want to see her; I want to apologize to her. Please son, let me talk to her.”
Pagmamakaawa pa nito.
“I
think, I’m not the one who can decide that.” Aniya at nakatingin sa mga pulis
na humuli sa kanyang ama.
Tumango
naman ang mga pulis sa kanya. “Maari po siyang lumabas sa press para manawagan
o kausapin si Miss Soriano. Pero hindi po namin sya madadala mismo kung nasaan
si Miss Soriano.” Tugon ni PO1 Robles.
“Naiintindihan
ko po.” Nakakaintinding sambit nya.
“Maari
nyo pong kausapin mismo si Miss Soriano kapag kusa na po syang lumabas sa
publiko.” Paliwang pa ng pulis.
“I
understand.” Nanlulumo man ay maluwag sa dibdib na tinanggap pa rin ng kanyang
ama ang pahayag ng pulis.
“Dad,
you’ll always remember, you have your family here and ready to wait hanggang
mabigyan ka ng parol.” Sambit nya sa ama.
“I
know, son. Even if I’ve caused so many pain in our family. Na syang ikinasira
nito. Alam ko, mahal ako ng iyong mama, pero lumayo sya upang matuto ako sa mga
pagkakamaling nagawa ko, pero naduwag akong aminin ang totoo. At humantong sa
ganitong sitwasyon, na mismong anak ko pa ang magpapahuli sa akin.” Malungkot
pa rin na pahayag ng matandang Don.
“Dad,
Mom is alright, she forgives you for what you’ve done, but please, forgive
yourself too so that you can move on.” Payo niya sa ama.
“Hindi
ko mapapatawad ang sarili ko hangga’t hindi ako napapatawad ni Leila.” Tugon
naman nito sa sinabi niya.
“I
can talk to her, huwag ka ng mag-isip pa, Dad.” Aniya para lang mapayapa ang
isipan ng matanda.
“Can
you?” tanong naman nito at mukhang hindi pa naniniwala sa sinabi nya.
“Yes,
Dad, I can talk to her, so please, stop worrying about her.” Sagot naman niya
dahil alam niyang matanda na ang ama niya. May sakit na rin ito sa puso.
“Aasahan
ko yan, iho.” Tuwang tugon nito at makikitang nagsisisi na ito sa kanyang
nagawa.
At
matapos silang mag-usap na mag-ama, dinala na ito sa presinto. Pero hindi na
sya sumama pa. Pupuntahan niya si Leila. At hihingi sya ng tawad. Pakikiusapan
din nya ito na patawarin na ang kanyang ama, kahit alam niyang mahirap para sa
isang tulad niyang nangulila ng mahabang panahon.
“What are you gonna do?” tanong ni Jyda
kay Richard ng magkita sila ng araw na iyon. Sa bahay naman mismo ni Jyda sa
QC.
“Do
the thing na dapat ay matagal ko ng ginawa.” Sagot naman nito. Habang nakaupo
naman sa may sofa. At abala ang paningin sa dyaryong binabasa, na ang headline
ay ang pagkahuli sa ama ni Harold bilang salarin sa pagkamatay ng mga magulang
ni Leila Soriano.
“Bakit
ka pa narito? Sabihin mo na ang totoo.” Payo naman niya dito pero may lalakarin
kasi sya kaya niya itinataboy ito.
“Ba’t
parang gusto mo na yatang paalisin ako? May inililihim ka ba sakin?” nakahalata
namang tanong nito na biglang napatingin sa kanya.
“W-wala
naman, darating kasi si Mama, baka kasi magulat yun at makita ka dito eh alam
niyang bading ka.” Palusot na rason naman niya.
“Well,
tama ka, hindi pa panahon para sabihin ang tunay kong pagkatao sa publiko, pero
si Leila a.k.a Amber ay napapanahon na.” Anito at isang nakakalokong ngiti ang
iginawad kay Jyda.
“Then
what are you waiting for? Go ahead; I’ll cheer you for that.” Patuloy na
pagsisinungaling ni Jyda.
Tinitigan
naman siya ni Richard. “Yan ang gusto ko sayo, Jyda Babe. Lagi kang nakasuporta
sa lahat ng ginagawa ko. Kaya mahal na mahal kita eh.” Anito at sabay halik sa
kanyang mga labi.
Hindi
naman sya tumutol pero iba ang tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon.
Kusa
ring pinutol ni Richard ang kanilang paghahalikan. “I gotta go, Babe, aayusin
ko pa pala ang mga papel ko for New York and my appointment to ACN.” Anito at
tumayo na.
“Okay,
Babe, I wish you good luck.” Isang ngiti naman ang iginawad nya dito. At
tuluyan na itong umalis.
“I
want to stop you, Richard. That’s why I’m doing this.” bulong ni Jyda sa sarili
ng makaalis na si Richard. “Ayokong pagsisihan mo sa huli ang mga ginagawa mo
kaya uunahan na kita.” Patuloy pa nya.
“I
love you, and I want you to live without that hatred in your heart, I want you
to forgive those people na wala naman talagang kasalanan.” Patuloy pa rin niya.
At pagkasabi nun ay mayroon lang syang kinuhang isang long brown envelope sa
kanyang kwarto at umalis na.
Gusto
niyang maging maayos ang lahat. Ayaw niyang si Richard pa ang mapasama sa
lahat. Kaya gagawin niya ang alam niyang tama.
“Nay, patawarin nyo po sana ako dahil
nagsinungaling ako at pinapaniwala kong nagkaroon ako ng amnesia, hindi ko
naman po intensiyon na pahirapan kayo.” Hinging tawad ni Leila kay Shienna.
“Naiintindihan
kita, Leila. Alam kong ginawa mo iyon upang protektahan mo ang iyong sarili,
gaya ng ginawa ko. Kaya huwag mong isipin na galit ako sa iyo.” Mahinahong
sambit naman ni Shienna sa kanya.
Napayakap
naman siya dito. “Salamat sa malawak na pang-unawa, Nay Shienna. Tandaan nyo
po, mahal na mahal ko po kayo.” Aniya habang lumuluhang nakayakap kay Shienna.
“Alam
ko iyon, Leila. At hindi ko pinagsisisihan na hindi kita iniwan.” Sagot naman
nito na lumuluha na rin.
Kumalas
sya. “Nay, papayagan nyo po ba akong puntahan ngayon si Tito Paul?” tanong nya.
Si Paul ay ang ama ni Harold na si Paul Ocampo.
“Kung
ano ang alam mong makakabuti, anak, sige, kausapin mo sya.” Nakakaunawa namang
pahayag nito.
“Salamat
po, Nay. At syanga po pala, tungkol po kay Harold...”
“Sssshhh...”
putol ni Shienna sa sasabihin pa sana niya. “Alam kong mahal mo sya, kahit
hindi mo sabihin sakin, at natutuwa akong pareho kayo ng nararamdaman, pero
gusto kong ayusin niyo muna ang lahat bago niyo ipagpatuloy ang sa inyong
dalawa.” Mahabang pahayag naman ni Shienna.
“Opo,
Nay.” Nakangiting sang-ayon naman niya. At sa puntong iyon ng kanilang
pag-uusap ay biglang may nag-doorbell.
Agad
namang tumalima si Shienna upang alamin kung sino ang kanilang panauhin.
Hindi
kilala ni Shienna ang babaeng nasa kaniyang harapan ng pagbuksan niya ito.
“Sino ho sila at sino ho ang kailangan nila?” magalang na tanong niya dito.
Ngumiti
naman ang babae. Maganda ito. Matangkad din. “Ah, ako ho si Jyda, kaibigan ni
Cheska, nais ko ho sanang makausap si Amber, nariyan ho ba siya?” tugon nito sa
tanong niya.
Nagulat
naman si Shienna. ‘Sya pala ang
nagpanggap na Leila na sinasabi ni Harold.’ Sambit ng isipan nya. “Anong
kailangan mo sa anak ko?” galit na tanong niya dito.
“Wala
ho akong kailangan sa kanya, gusto ko lang ho siyang makausap tungkol sa isang
importanteng bagay.” Sagot naman nito pero hindi naman naiinis.
Narinig
naman ni Leila ang mga sinabi nito na sumunod pala kay Shienna sa paglabas
kanina.
“Nay,
papasukin nyo na ho.” Sabat niya at sabay pang napatingin sa kanya ang dalawa.
“Sige,
pasok ka, iha.” Analang ni Shienna at niluwangan ang bukas ng kanilang gate.
Nagpatiuna naman si Leila sa loob ng kaniyang bahay. Sumunod naman ang dalawa.
“Maupo
ka.” Mahinahong sabi ni Leila kay Jyda ng sila’y makapasok sa loob ng
kabahayan.
Naupo
naman ito. “Salamat.” Sambit nito.
At
naupo na rin sya.
“Ahmm...
Anong gusto mong maiinom?” sabat naman ni Shienna.
“Tubig
nalang po, salamat.” Sagot naman nito at ngumiti pa ng matamis.
“Sige.”
Maiksing tugon naman ni Shienna. At tumalima na ito sa kusina upang kumuha ng
tubig.
“Anong
sadya mo?” agad namang tanong ni Leila.
“Just
want to give you this.” Anito sabay abot sa kanya ng Long brown envelope.
Kinuha
naman niya ito. “Para saan ito?” tanong niya.
“You
can open it.” Saad naman nito.
Binuksan
niya ang envelope at inilabas ang mga laman. At nagulat siya sa unang larawan
palang na nakita nya. “A-anong ibig sabihin nito?” bigla ay baling niya kay
Jyda.
“Richard
Santos is also the child that you’ve met in the hospital 20 years ago. Nang
malaman niyang kayo ang siyang naging dahilan kung bakit pati nanay niya ay
nadamay sa mga namatay, itinatak na niya sa isipan niya na gaganti siya. At
hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang paghihiganting
sinasabi niya. I know a lot about him than you. Pero sana, bago mahuli ang
lahat ay maunahan mo na sya sa publiko. Na sabihin ang totoo.” Mahabang
paliwanag naman ni Jyda sa kanya.
Napakunot-noo
naman siya. “Anong sabihin ang totoo?” tanong niya.
“Na
ikaw at si Leila ay iisa, dahil nasa headline na rin ng mga TV stations ang
tungkol sa nakaligtas na nag-iisang anak ng mag-asawang Soriano.” Sagot naman
nito.
“So
you mean binabalak ni Cheska... I mean Richard na sabihin sa publiko ang totoo
kong identity without my permission?” tanong niya ulit dito.
“Yeah,
pero hindi ko alam kung kailan, pwedeng ngayon, pwedeng bukas, hindi natin
alam.” Sagot naman ni Jyda.
“Okay,
I understand.” Aniya at sabay tayo.
“I’ll
go with you.” Sambit naman ni Jyda.
“Huwag
na, baka magalit lang sayo si Richard kapag nalaman niyang dahil sayo kaya
nalaman ko ang mga plano niya.” Pigil naman niya dito.
“I
used to know that, kaya nga nagpunta pa ako ngayon dito dahil ayokong sa huli
ay ang mahal ko ang mapahamak.”
“Mahal?”
gulat na tanong niya dito.
“You
heard me right, he’s not a gay. He is my fianceé and I don’t want him to suffer
into hatred.” Pag-aamin naman ni Jyda sa kanya.
“So
talagang planado pala lahat ng pagkakakilala namin?” bigla ay napalitan ng
pagkalito ang kanyang reaksyon.
“Yes,
and he ask me to use my connections in showbiz for you, para makuha niya ang
tiwala mo. Dahil alam niyang may amnesia ka.” Pagtatapat muli ni Jyda sa kanya.
“Wala
akong amnesia.” Pag-amin din niya.
“I
know.” Tugon naman nito.
“You
knew?” Takang tanong naman niya.
“I
made my own investigation, and I started with your doctor, he hesitates to tell
me the truth at first, but I told him I’m not one of those people who want to
kick you. And we made an agreement letter. Na walang ibang makakaalam maliban
nalang kung mismong ikaw ang magsasalita.” Paliwanag naman nito.
“So
eversince na nagkalapit kayo ni Richard, alam mo na ang tungkol sakin?” patuloy
na tanong niya.
“Yes,
and I’m not going to lie this time dahil kailangan na nating unahan si Richard
sa kanyang gagawin.” Anaman nito.
“Kung
ganoon, matutulungan mo ba ako sa ACN?” bigla ay tanong niya.
“Walang
problema, kung para sa ikabuubti naman ng lahat. Nakausap ko na rin sila tungkol
kay Richard na huwag munang bigyan ng appointment ngayon, at para na rin sayo
gagawin ko ang nararapat.” Tugon naman nito.
“Bakit
mo ito ginagawa?” muling tanong niya dahil bigla ay nagtaka sya.
“You’ll
know everything at the right time, but now, the most important thing is we can
settle your problem to people.” Mahiwagang sagot nito.
Nagtataka
man ay hindi nalang uli sya nag-usisa pa. Nagpaalam muna sila sa kanyang nanay
Shienna bago umalis. Nagtataka man ang kanyang nanay Shienna ay pumayag na rin ito.
Mga
dalawampung minuto nang nakakaalis sina Leila ng dumating naman si Harold sa
bahay niya.
“Naku,
Harold. Kakaluwas lang nila ni Jyda ng Maynila.” Sambit naman ni Shienna sa
kanya.
“Ho!?”
gulat na reaksyon nya.
“Oo,
sinundo siya nung Jyda, mukha naman palang mabait yung babae, nagkamali lang
siguro tayo ng akala noong una.” Tugon naman ni Shienna.
“Saan
daw po sila pupunta?” muling tanong niya.
“Hindi
ko alam eh, basta nagpaalam lang sila sa akin kanina. Pero may narinig akong
ACN ba yun?” sagot naman ni Shienna.
Bigla
ay nagliwanag naman ang mukha niya sa narinig. “Sige po, Nay. Aalis na po ako.”
Bigla ay Paalam niya dito.
Nagulat
man ay um-oo nalang ito. “Mag-iingat ka, iho.” Pahabol pang sigaw nito. At
nailing nalang na ibinalik ang atensyon sa ginagawa. ‘Ang mga batang ‘to oo.’ Nasambit nalang ng isipan ni Shienna.
Pagkasakay
ng kanyang kotse ay agad na pinaharurot ni Harold ito. Hindi niya alam ang
tumatakbo sa isip ngayon ni Leila at
hindi niya alam kung bakit siya sumama sa Jyda na iyon. Kaya kailangan niya itong maabutan. Baka mapahamak
pa sya sa gagawin niya.
“Whatever
happen, i won’t give up on you, Leila.” Nasambit niya sa sarili habang patuloy
sa pagmamaneho pabalik ng Maynila.
Samantala
ay dismayado naman ni Richard ng tanggihan siya ng ACN para sa isang
appointment na hinihiling nya. Kinausap na rin niya ang isang reporter na
magandang scoop ang ibibigay niyang balita.
Nais
man ng reporter ay mukhang nasabihan na yata ito ng management na huwag muna
itong tatanggap ng kahit na anong balitang makakasira sa kanilang mga talents.
Palibhasa at ACN din ang may hawak ngayon kay Amber.
Kaya
naman napag-desisyunan nalang ni Richard na sa ibang network nalang siya
makikipag-usap. Nang sa ganun ay walang poprotektahan, ang isa sa mga
katunggaling network ng ACN.
Sa
wakas ay nakarating na sina Leila at Jyda sa mismong ACN. Agad silang dumiretso
sa management. Kinausap nila ang pinaka-head at sinabi kung ano ang kanilang
kailangan.
At
laking gulat ni Leila na ama pala ni Jyda ang may-ari nito. “Dad, please. Help
us.” Pakiusap ni Jyda.
“Ano
na naman bang kalokohan ang ginawa mo?” galit ngunit hindi naman iyong tipong
magtatagal.
“Dad,
this time, hindi kalokohan ang gagawin ko, I’m just doing this for the sake of
everybody.” Sagot naman ni Jyda.
“Sir,
Please.” Nagmamakaawa na ring sabat niya.
“Dad,
I know I did a lot of headache on you even if I’m not your real daughter, but
trust me this time dad.” Nagsusumamo namang sambit ni Jyda.
“I
never treated you as anybody, Jyda. I treated you like my own.” Sagot naman
nito. “Okay, tell them we have breaking news for a special interview of Amber.”
Nasabi nalang nito kay Jyda.
“Okay,
Dad. I’ll tell you everything later, dad.” Ani Jyda sa ama at agad na silang
nagtungo sa studio.
Kinausap
nila ang isang sikat na talk show host na si May na siyang mag-iinterview kay
Amber. Ikinuwento nila dito kung ano ang totoo. At pumayag naman agad ito.
At
maya-maya pa ay pinutol na ang kasalukuyang palabas at on-air na ang interview
sa kanya. At saka naman ang pagdating ni Harold. Pupuntahan sana nito si Amber,
ngunit pinigilan siya ni Jyda.
“Don’t,
please.” Habang pigil-pigil si Harold.
“What
is happening?” Takang tanong naman ni Harold.
“Just
listen.” Maikling sagot ni Jyda at binitiwan na siya.
Wala
naman nang nagawa pa si Harold dahil nag-umpisa na ang interview. Tahimik
nalang silang nakinig.
At
nagulat siya ng ikinuwento lahat ni Leila. Inamin niyang siya nga ang anak ng
mag-asawang namatay sa aksidente 20 years ago.
At
dahil alam na ni Jyda ang lahat. Naiiyak na nagtungo siya sa office ng kanyang
ama na kasalukuyang ding pinapanood ang interview.
Nagulat
ito sa kanya. “Jyda? Why are you crying?” tanong nito at tumayo sa kinauupuan
at nilapitan siya.
“Dad,
can I talk to you?” tanong niya sa ama imbes na sagutin ang tanong nito.
“Sure.”
Sagot naman nito. “Here, have a seat.” Anito at iginiya siya sa isang sofa sa
office nito.
“Dad.”
Umpisa nya dito ng makaupo na sila. Pinahid muna niya ang kanyang mga luha. “I
have something to confess.” Patuloy niya.
“Go
ahead, iha. I’m listening.” Tugon naman nito na mataman siyang pinagmamasdan.
“You
already know that Amber and Leila is only one person.” Muling sambit niya.
Tumangu-tango lang naman ito. “And I am looking for my long lost sister.”
Dugtong pa niya. “But I don’t know if she’ll accept me for who I am, being her
half sister.”
“And
your half sister is who?” tanong naman ng kanyang nakagisnang ama.
“Leila
Soriano.” Diretsong sagot niya.
Hindi
naman na nagulat si Christopher. “So what are you gonna do after this?”
natanong nalang nito.
“Dad,
I want to talk to Richard first about this.” Umiiyak pa rin na tugon niya. Alam
din ni Christopher ang tungkol sa kanila ni Richard dahil nga ayaw nyang
maglihim sa mga ito. Kahit sa nakagisnan na niyang kapatid at ina.
Hindi
naman sinasadyang marinig lahat ng iyon ni Harold. ‘So may kapatid pala sa labas si Leila. Iyon pala iyong minsang narinig
kong pinang-blackmail ni dad sa daddy ni Leila. Kaya pala magkahawig sila ni
Leila.’ Sunud-sunod na sambit ng isipan ni Harold.
Sakto
naman ng natapos ang interview ni Leila ng palabas na siya. At huli na para
hindi siya makita ni Leila.
“Harold?”
sambit nito na nakatitig lang sa kanya.
“Leila.”
Usal naman niya na animo nablangko ang kanyang isipan kung ano ang sasabihin
niya dito.
Pero
nagulat siya sa sumunod na nangyari. Biglang tumakbo si Leila palapit sa kanya
at sinalubong sya ng yakap. Nagulat man ay gumanti sya dito ng yakap at
maya-maya pa ay kumalas ito sa kanya. At syang ipinagtaka na naman niya.
“I
love you, Harold” usal nito. At isang pulgada nalang ang agwat ng kanilang mga
labi.
“Oh
God, Leila, I love you more than you’ve ever know.” Anas niya at saka
sinalubong ang mga labi ng dalaga ng kanyang mga labi.
Wala
na silang pakialam pa sa mga kamerang nakatutok na pala sa kanila ng mga oras
na iyon. Pinatawad na rin ni Leila ang ama ni Harold dahil gusto na niyang
mabuhay ng maayos at walang problema. Ayaw na niya ng gulo. Kakausapin din niya
si Richard.
ang daming revelations...yun pala yun, magkapatid pala cla :))
ReplyDelete