Chapter 4
Nagmamaneho si Harold
patungo sa Gossip Magazine ng may mapansin syang isang kotseng mukhang nasiraan
sa gilid ng daan. Wala man sa plano ay dinaluhan nya ito.
“Anong nangyari?” bungad nya pagkababa niya sa kanyang
sasakyan.
Nagtaas naman ng ulo ang nakayukong babae. Ang siyang
may-ari ng sasakyan. “Nasiraan kasi ako. Hindi ko alam kung anong sira eh,
bigla nalang tumirik dito sa daan itong kotse ko.” Sagot naman ng babae. Maganda
ito. Matangkad base sa nakikita nyang taas nito, kapareho siguro ng height ni
Amber. ‘Amber again’ anang kanyang
isip.
“Would you allow me to check it?” Alok nya dito.
“O-okay.” Nagdadalawang-isip man ay pumayag din ito.
At sinipat nga nya kung ano nga ang sira nito. “Maari mo
bang i-start?” aniya dito.
“S-sige.” Agad namang sumunod ang babae.
Agad namang ini-start nito ang kotse.At nag-start nga ang
kotse. Tuwang bumaba ang babae ng gumana na ang kanyang sasakyan.
“Maraming salamat, Mr?” aniya at tanong ang kanyang
pangalan.
“Harry, Harry Ocampo.” Sabay abot ng kanyang kamay.
“Thanks, Harry. By the way, I’m Jyda Tayaban.”
Pagpapakilala naman nito.
“Next time i-check mo muna kung hindi ka ititirik ng
sasakyan mo.” Aniya sa dalaga.
“Don’t worry next time hindi na ako tatakas.” Sagot naman
nito.
“Tatakas?” kunot-noo nyang tanong.
“Tumakas lang kasi ako kay yaya. Hindi pa kasi ako
magaling eh. Pero mas lalo akong hindi gagaling kung nakakulong lang ako sa
bahay.” Paliwanag naman nito na tila nagpapacute pa sa kanya.
“Anong sakit mo?” tanong nya ulit dito.
“I have a temporary amnesia. Sabi ng doctor gagaling din
ako, pero hanggang kailan? 20 years na akong nahihirapan. Wala pa rin akong
maalala sa nakaraan ko.” Anito.
“Kung ganoon, bakit mo sinaway ang yaya mo?” usisa pa rin
nya.
“Para sa akin mas makakabuti kung lalabas ako ng bahay
dahil nagbabaka-sakali akong may makikita akong tao na kaugnay sa nakaraan ko.”
Sagot pa rin nito.
“Kung ganoon, mag-iingat ka. Baka may mga taong
mananamantala sayo.” Babala naman nya dito.
“Wala naman siguro. Sige maiwan na kita, may pupuntahan
pa akong kaibigan.” Sagot naman nito.
“Nice meeting you, Miss Jyda.” Anaman niya at sumakay na
sya sa kanyang kotse.
Agad namang nagmaneho ang dalaga at kumaway pa sa kanya
bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan nito.
Napangiti nalang sya para sa babae. ‘Matapang na babae.’ Napapailing na sambit ng kanyang isipan. At
tinahak na ang daan patungo sa Gossip Magazine.
Habang ang babaeng si Jyda naman ay may tinawagan.
“Hello?” sagot ng taong tinawagan nya.
“I’m done with the first move, babe.” Tugon ni Jyda sa
kabilang linya habang patuloy sa pagmamaneho.
“Good, Babe. Let’s proceed to the next step.” Sagot naman
ng isang lalaki sa kabilang linya.
“Oh, sure. Right away, babe.” Sagot ni Jyda at agad ng
ibinaba ang telepono.
Napapangiti sya habang nagmamaneho. “Mukhang napakahalaga
nga para sa kanya ang mission na ito, hmmm... makikisakay na muna ako, pero
pagkatapos nito, ako naman ang may kukunin sayo.” Ani Jyda sa sarili at ini-on
nya ang stereo ng kanyang kotse.
Pagdating ni
Harold sa kanyang opsina ay isang sulat ang naghihintay sa kanya. Isang sulat
na hindi nya alam kung saan galing. Kaya naman bago nya ito binuksan ay tinawag
muna nya ang kanyang sekretaryang si Merla. Isa rin itong magandang babae, pero
ang uri ng pananamit nito ay hindi nababagay sa kaniyang trabaho lalo na’t nasa
isang magazine company sila. Pero hinayaan na rin ito ni Harold dahil wala
naman syang pakialam sa mga gusto ng kanyang mga empleyado, as long as nagagawa
naman nila ng maayos ang kani-kanilang trabaho ay ayos na iyon sa kanya.
“Merla, kanino galing ang sulat na ito? Bakit walang
nakalagay kung kanino galing?” tanong nya dito ng makalapit. Hawak-hawak naman
nya ang sulat.
“Ah, sir ipinaabot lang po sa guard, babae daw po ang
nagbigay nyan.” Sagot naman ni Merla sa kanya.
“Hindi ba sinabi ang pangalan nung nagbigay?” dugtong na
tanong nya.
“Hindi daw po eh.” Maikling sagot nito.
“Okay sige, ako na ang bahala. Bumalik ka na sa trabaho
mo. Salamat.” Analang niya at itinuon na ang pansin sa misteryosong sulat na
iyon. Agad namang lumabas si Merla.
Maya-maya pa ay binuksan na nya ito. Nagulat sya sa
nakita dahil isang pamilyar na larawan ang kanyang nakita. Larawan ng isang
taong matagal na nyang inaasam na makita muli. Tiningnan nya kung may nakasulat
sa likod nito. At hindi nga sya nagkamali, binasa nya ito.
“I hope someday
i’ll see you again.
Leila,”
Sa nabasa ay bigla syang kinilabutan, at hindi nya alam
kung kasabay nun ay ang pagsilakbo ng kaba sa kanyang dibdib. Bakit kailangan
nyang kilabutan at kabahan? Samantalang matagal na nya itong hiniling sa Diyos
na makita muli ang dating kaibigan at syang patuloy pa rin na minamahal ng
kanyang puso? Pero bakit parang mas nauna ang kaba kesa sa sabik na dati’y
nararamdaman nya? Ang tuwa sa kanyang puso ay nababahiran ng kaba. Isa lang ang
naiisip nyang dahilan, na baka bumalik si Leila para maningil sa mga taong
nagkakautang sa kanya, at sya ang unang kanyang pupuntahan.
“Pero, wala naman akong kasalanan. At lalong wala akong
alam sa mga nangyari sa kanila.” Aniya sa sarili dahil nababalisa pa rin sya.
At dahil sa isiping iyon ay napatitig muli sya sa painting.
“Ikaw lang ang nagbigay ng lakas sa akin mula pa umpisa
at hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nagsisilbing lakas ko. At kahit na anong
mangyari, magkita man tayo, hindi pa rin ako magsasawang mahalin ka, Leila.”
Patuloy pa rin nya sa sarili.
At umupo na sya sa kanyang swivel chair at ipinagpatuloy
ang mga trabahong iniwan nya kagabi. Pero bumabalik pa rin sa kanyang isip kung
ano nga ba ang kanyang magiging reaksyon oras na magkita silang muli ng kanyang
mahal.
“It’s hard to say goodbye, but now, I think that it’s harder
to say hello.” Aniya sa sarili ng mawala na naman ang kanyang konsentrasyon sa
ginagawa. At sa puntong iyon ay napasabunot na ang kanyang dalawang kamay sa
kanyang buhok. Maya-maya ay nag-dial sya sa kanyang telepono.
“Hello?” anang nasa kabilang linya pag-angat sa aparato.
“Joseph, si Harold ‘to.” Tugon naman niya.
“Oh, Harold, anong problema, pare? Nag-backout na ba si
Amber?” usisa naman nito at isang impit na tawa pa ang pinakawalan.
“Hindi tungkol kay Amber kung bakit ako napatawag,
tungkol ito kay Leila.” Paliwanag naman niya.
“Pare naman, kalimutan mo na si...” hindi na nito
naituloy dahil pinutol na nya agad ang sasabihin ng kaibigan.
“She’s alive!” masiglang turin nya.
“What?!” gulat naman na reaksyon ni Joseph sa kabilang
linya.
“Yes, you heard me right, pare. She’s alive. At gusto nya
kong makita.” Hindi pa rin nawawala ang sigla sa kanyang tinig.
“Well, I wish you good luck, pare. Kelan kayo magkikita
at saan?”
“Yon ang problema ko, maghihintay ako ulit ng sulat
galing sa kanya.” Malungkot na sambit nya.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sya nagbigay ng araw
at lugar kung kelan at saan kayo magkikita? Pano ka nakakasigurong sya nga si
Leila?” sunud-sunod na tanong naman ni Joseph.
“She gave me a picture, at sya lang ang meron ng picture
na iyon, ako pa nga ang may kuha nun sa kanya noong mga bata pa kami.” Sagot
naman nya.
“Okay, so nasa’yo nga ang picture, pero hindi ibig
sabihin nun eh, sya na talaga ang may hawak ng picture na yan, pwede namang
nahulog lang yan noon at napulot ng ibang tao, and then ngayon pinag-interesan
at binabalak pang magpanggap na sya si Leila.” Mahabang litanya ng kanyang
kaibigan.
“Nandoon na ako, pero hindi naman masamang mag-ingat
hindi ba?” sagot naman nya dito.
“Okay fine, it’s your choice naman eh, and take note, pinaalalahanan
kita.” Pagsuko naman ni Joseph.
“I know what I’m doing, Joseph. Just wait and see.”
Nakangiting wika nya sa kaibigang nasa kabilang linya.
“I’ll wait, pare.” Sambit naman ni Joseph sa kabilang
linya na natatawa. Hindi naman sya napipikon dito dahil maski sya ay talagang
duda sa nagbigay ng larawan.
“Okay, I need to go, may aayusin pa akong mga papeles
para kay Amber.” Pamamaalam niya sa kaibigan.
“Sige, Harold. I have something to fix here too.” Anaman
ni Joseph at ibinaba na nito ang telepono. Maging sya ay may mga bagay na hindi
alam sa kaibigan pero hindi nya kailangan pilitin ito kung masyadong personal
ang pinag-uusapan dahil maging sya man ay may inililihim din.
Kaya naman pagkatapos ng kanilang usapan ay agad nyang
tinawagan ang systems department upang humingi ng video ng babaeng sinasabing
nagdala ng sulat para sa kanya.
Agad namang ibinigay ito sa kanya at pinanood nya ang
rewind nun. At sa di inaasahan mukhang may tao ngang gusto syang pasakayin.
Isang taong hindi nya alam kung ano nga ba talaga ang pakay. Kung sa kanya ba
talaga ito may pakay o baka naman kay….
“No, no, no. Hindi ako papayag na may manakit sa kanya.
Sa kalagayan nya ngayon ay hindi ko hahayaang mapahamak sya sa kung kanino mang
mga kamay.” Aniya sa sarili.
“Kailangan ko syang protektahan, sa pamamagitan lamang
nun ay mabawasan ang guilt ko para sa aking ama.” Patuloy pa rin nya.
Samantala si
Amber naman ay abala sa pag-aayos nya ng kanyang gamit na dadalhin papuntang
New York ng bigla na namang umatake ang kanyang kinatatakutan.
Napasigaw sya sa sakit ng kanyang ulo. At doon ay
napatakbo naman si Imelda para sya’y daluhan.
“Anong nangyari, Amber?” nag-aalalang tanong nito sa
kanya.
“Nay, ansakit ng ulo ko.” Daing nya dito.
“Anak, huwag mo na syang isipin.” Naiiyak ng tugon ni
Imelda sa anak.
“Nay, hindi naman po eh, sumakit lang talaga siya bigla.”
Sagot naman niya.
“Kung ganoon ay kailangan na nating pumunta muli kay
Doctor Santiago at nang malaman natin kung anon a ba talaga ang nangyayari sa
iyo.” Pahayag naman ni Imelda na medyo nahimasmasan na.
“And, there’s one thing more, Nay. May napapanaginipan na
ako tuwing gabi. Na parang konektado sa nakaraan.” Pahabol nya sa ina ng
iminuwestra na sya palabas ng kanyang kwarto.
“Ano iyon, anak?” tila bigla namang kinabahan ang
matanda.
“Isang malabong pangyayari po, Nay. Hindi po sya malinaw,
pero pakiramdam kop o talaga ay nangyari iyon.” Sagot naman nya.
“Siya sige, kailangan muna nating marinig mula kay Doctor
Santiago ang lahat. Kung gumagaling ka na ba o parte lang iyon lahat ng side
effect ng mga gamut na iniinom mo.” Anaman ni Imelda at nakahinga na ng
maluwag.
“Pero, Nay. Sa tingin nyo po ba ay konektado si Harry sa
nakaraan ko?” tanong nya sa ina. Kahit na umpisa palang ay mukhang may alam
naman na ang kanyang ina at naglilihim lang sa kanya.
“Anak, huwag mo munang pilitin ang sarili mo.” Pag-iiba
naman ni Imelda sa takbo ng kanilang usapan.
“Sige, Nay. Kailangan nga po talaga nating makausap si
Doctor Santiago.” Nasabi nalang niya at nagpatiuna nang lumabas ng kanyang
kwarto.Pero napapaisip pa rin sya habang pababa ng hagdanan.
‘May alam ang inay,
at alam kong kilala nya si Harry.’Anang kanyang isipan.
Hanggang sa makarating sila sa opisina ni Doctor Santiago
ay walang imikan ang mag-ina. Marahil ay napansin din ni Imelda ang malalilm na
pag-iisip nya. Kaya hinintay nalang nila si Doctor Santiago dahil may pasyente
pa raw ito.
Hindi pa rin mawala sa isipan ni Amber ang mga panaginip
na malalabo. Pero may isang parte ng kanyan panaginip kagabi ang naging malinaw
sa kanya. At iyon ay ang totoo nyang pagkatao.Ang totoong si Amber. At ang
gusto nyang itanong kay Doctor Santiago ay kung tuluy-tuloy na ba ang pagbalik
ng kanyang ala-ala. At lihim nyang hiling ay sana bahagi nga ng nakaraan nya si
Harry.
Hindi nya alam kung bakit iyon ang lihim nyang hiling
pero mula kasi ng Makita nya si Harry ay iba na ang naging tibok ng kanyang
puso. Maalala lang nya ito ay kinakabahan na sya. Kaya naman kailangan nya
munang malaman sa kanyang doktor kung tuluyan na nga ba syang gagaling base na
rin sa kanyang mga nagiging panaginip nitong mga nakaraang araw.
Samantala, si
Jyda ay napapangiti habang hinihintay ang kanyang baby sa isang mamahaling
restaurant sa Quezon City. At mas lalo syang napangiti ng makitang papasok na
ito sa pinto ng nasabing restaurant. Tumayo pa sya at sinalubong pa ito ng
yakap.
“Okay, enough.” Parang naiilang na nagbawi ang lalaki sa
pagyakap nya.
“Why? Anong bago? Dati ko pa namang ginagawa iyan sayo,
mukhang nagsawa ka na yata ah.” Nagtataka namang tanong nya dito.
“No, it’s just that, I’m not in the mood today. May
iniisip pa ko at kailangan na nating maisakatuparan ang plano bago matapos ang
taon.” Sagot naman nito at sabay nang umupo.
Umupo na rin sya sa katapat na upuan nito at tinitigan
ang lalaki.
“Why is it so important to you now? Matagal na tayong magkasama sa trabaho, and
ngayon mo lang ito ipinagawa sa akin. Ang magpanggap. Pero I just accept it
basta malaki ang parte ko.” Nakangiti naman nyang komento dito.
“Jyda, matagal ko nang plano ito, at ngayon ko na
maisasagawa dahil may isang tao na ang involve. At iyon ang misyon mo.” Tugon
naman nito at napapangiti pa.
“Care to share kung ano talaga ang plano mo?” curious pa
ring tanong naman ni Jyda.
“You’ll know it at the right time, Jyda.” Anito na may
ngiting nakakaloko.
“Well, I think I can’t force you to tell me your real
agenda but, today, I want to enjoy it coz I’m wih you again. Matagal din tayong
hindi nag-date ng gaya nito dahil sa mga trabaho natin.” Nasabi nalang niya.
Dahil kilala na nya ito.
“You’re right, Baby. So now, you can order what you want.
I’ll pay for it. It’s my treat.” Anaman nito.At hinawakan pa ang kamay niya.
Tila napaso naman sya sa palad nito. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang
katawan kaya naman binawi nya kaagad ang kamay nya.
Napansin man ng lalaki ito ay hindi na nagtanong. Tinawag
nalang nito ang waiter at um-order nalang sila ng kanilang makakain.
Sakabilang
banda, si Amber naman ay natuwa sa balitang ipinahayag ng kanyang Doktor.
Sinuri uli sya ni Doctor Santiago at napag-alaman na unti-unti na raw babalik
ang kanyang ala-ala basta huwag lang daw nyang aabusuhin ang kanyang isipan sa
kakaisip sakanyang nakaraan at baka ang ulo naman nya ang bumigay.
Sa sobrang tuwa ay napatawag sya kay Cheska.
No comments:
Post a Comment