Sunday, March 17, 2013

Ikaw Pa Rin- Finale Part 2




Finale Part 2

Hindi alam ni Jamila na agad sumunod sa kaniya si Matthew. Kaya nagulat siya ng magsalita nalang ito sa kanyang likuran.
“Mateo?” gulat na sambit nito ng makita ang kakambal nito.
Mas lalo siyang naguluhan. Sino sa kanila ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang buong puso?
“M-mateo?” nagtatanong na mga matang palipat-lipat sa kambal.
“Ah…Jamila…” tawag naman ni Mateo sa kanya.
“You’re Mateo?” may galit ng sabi niya.
“Please, let us explain.” Ang sabat naman ni Matthew.
Ngumiti siya ng mapait. “Us? So talagang plinano niyong lokohin ako ng ganito?”
“No, of course not, we nev…”magpapaliwanag sana si Matthew pero muli na siyang nagsalita.
“Oh yeah, hindi niyo plinano, eh ano? Nagkataon lang? ano yun parang kabute lang na bigla nalang sumulpot? O isa lang akong laruan para sa inyong magkapatid?” nagngitngit na siya sa galit. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado niya. Napakatanga niya at nagpaloko siya  at nagpakatanga sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. “All this time hindi ko pala kilala ang lalaking mahal ko. All this time lahat pala ng alam ko ay walang katotohanan? Lahat pala puro kasinungalingan. Lahat walang katotohanan.” Tuluyan ng umagos ang mga luhang ayaw sana niyang ilabas. Gusto niyang magpakatatag ngunit hindi pa rin niya kinaya.
“Jamila, Mahal kita at hindi iyon isang kasinungalingan lang.” ang siya namang sambit ni Mateo.
Sa sinabi nitong iyon ay nagulat si Matthew. “You love her? Since when?” nagtatakang tanong ni Matthew dito. Na siya namang ikinagulat niya. Ibig sabihin ay ang Mateo na ito ay hindi ang lalaking una niyang minahal kundi ang isang nasa tabi niya.
“I-I don’t know, the first time you gave me her picture, hindi ko na siya nakalimutan. At alam kong mali iyon dahil mayroon ng nagmamay-ari sa kanya kaya pinakiusapan kita noon na huwag mo ng sabihing mayroon kang kapatid at hindi lamang kapatid kundi kambal mo pa. Pero ng sinabi mong nakipaghiwalay siya sayo, hindi ko alam kung natuwa ako o nagalit sa nangyari. Kaya nagawa ko ang isang kabaliwang hindi ko minsan naisip na gawin sa aking buhay.” Ang mahabang paliwanag ni Mateo.
“Mateo…” tanging nasabi ni Matthew dito.
“Natuwa ako ng malaman ko na engaged ka na kay Jasmine. Pero naaawa ako sa kanya dahil pilit nitong inuunawa ang sitwasyon niyong dalawang ipinagkasundo lamang ni Dad.” Nakatingin si Mateo sa kapatid habang nakikinig lamang siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan niya.
“Sinabi ko kay Jasmine na mahal ko siya. Pero gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.” Tila pumiyok pang sambit ni Matthew.
Bumaling ito sa kanya. “Jamila, aaminin kong nasasaktan ka sa mga nalalaman mo. Nasaktan ka na dati ng hindi matanggap ng dad ang relasyon natin pero hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka muli. Mahal kita, hanggang ngayon Ikaw Pa Rin ang itinitibok ng puso ko, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan na kitang pakawalan. Kailangan na kitang palayain mula sa nakaraan. Ayaw kong makitang nahihirapan at nagdurusa ka. Ayaw kong sa huli, ikaw pa rin ang nasasaktan. Jamila…” hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Mahal na mahal kita at kailan man ay hindi na iyon magbabago. Mahal kita, mahal na mahal.” At saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. Habang si Mateo ay naninikip ang dibdib na nakikita. Kaya naman bago pa siya tuluyang mabaliw sa pagmamahal kay Jamila. Minabuti na lamang niyang tumalikod at maglakad palayo sa mga ito.
He’s trying to control himself, but he couldn’t. Kusang naglandas ang mga luhang pinilit niyang kontrolin. His heart is aching. And he can’t help but to cry on.
Sa wakas ay naamin na rin niya ang damdaming matagal na niyang tinatanong sa kanyang sarili. Ngunit alam niyang kahit kailan, hindi na ito matutugunan pa ng pagmamahal ng babaeng itinatangi ng kanyang puso.
Labis na sakit ang kanyang nararamdaman. Inasahan na niya iyon ngunit napakasakit pala talaga kapag nakita na mismo ng mga mata niya sa mga mata ni Jamila ang pagmamahal pa rin nito kay Matthew. “Damn my heart.” Napasuntok siya sa manibela ng kanyang sasakyan at bigla niya itong kinabig sa gilid ng kalsada. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay siya naman pagsulpot ng kotseng puti. Hindi na niya napigilan ang kanyang manibela at dire-diretso na itong bumangga sa kotse.

After 2 years
Mula ng malaman kong minahal mo ako sa ikli ng panahong nagkakilala tayo at sa kabila ng kagustuhan mong ipadama rin ang sakit na naranasan ng kapatid mo mula sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, mas pinili mo pa rin na sundin ang itinitibok ng puso mo. Hindi mo hinayaang makasakit ka ng labis.” Saad ni Jamila. “Pero sa pangyayaring iyon, dalawang taon na ang nakakaraan, hindi ko maaaring hindi sisihin ang sarili ko. Mateo, kung nasaan ka man ngayon, gusto ko sanang malaman mo na minahal din kita, hindi dahil sa inakala kong ikaw si Matthew kundi naramdaman ko iyon at iyon ang sinabi ng puso ko. Mateo, sa iksi ng panahong nagkasama tayo, hindi man tayong dalawa, alam kong nakaramdam ako ng galak sa aking puso noon. At ngayong wala ka na, hindi iyon basta-basta makakalimutan. Patawarin mo rin sana ako sa sakit na naidulot ko sayo. Ng gabing iyon, ng umalis ka, inaamin ko na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko kay Matthew, pero hinayaan ko siyang umalis at sundin kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Ngunit sa pagkawala mo, alam kong mas masakit iyon sa pamilya mo. Sana mapatawad moa ko sa lahat ng mga nagawa kong pasakit sa inyong magkapatid at maging sa pamilya niyo.” Hindi na niya napigilang maglandas ang kanyang mga luha dahil kahit na dalawang taon na ang nakalipas mula ng maaksidente si Mateo at hindi kinaya ng katawan nito ang mga sugat na natamo mula sa aksidente, hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili. Lagi niyang napapanaginipan si Mateo na humihingi ng tulong.
“Sana pagdating ng panahon ay magawa ko ng patawarin ang sarili ko. At sana ay mapatawad mo rin ako, Mateo.” Patuloy pa niya. At tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ng puntod ni Mateo. Pinunasan na niya ang kanyang pisngi at inayos ang sarili.
Ng mailibing si Mateo ay agad na rin siyang nag-resign sa bangko. Masakit man para sa kanya ang iwan ang mga kasama lalo na ang bangkong itinutin na niyang isang tahanan ay pinili pa rin niyang umalis doon. At ang kanyang dahilan ay mas lalo lang siyang mangungulila at hindi makakapag-trabaho ng maayos kung patuloy siyang naroon at maaalala ang pigura ni Mateo.
Hindi na rin siya kinausap ni Matthew noon at hinayaan nalang siya sa kanyang kagustuhan. Umuwi siya sa kanilang probinsya, ngunit isang taon lamang siya doon at bumalik din siya ng siyudad. Sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang kanyang kapatid na si Jella. Graduate na kasi ito at pumasa na rin sa board. Kaya naman dalawa silang magkasama ngayon sa apartment na dati din niyang tinirhan.
“San ka galing ate at namumugto ang mga mata mo? Ah…Let me guess… sa puntod na naman ni Kuya Mateo ano?” ang salubong na tanong sa kanyang ng kapatid pagdating na pagdating niya galing sementeryo.
Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. “Kailan ko kaya mapapatawad ang sarili ko?” imbes na sagutin ang tanong ng kapatid ay iyon ang naitanong niya.
Napailing naman si Jella at tinabihan siya. “Ate, just Pray, God will make a way.” Maiksi ngunit makahulugang sambit ng kanyang kapatid. At tumayo na ito at tumungo na sa sarili nitong silid.
‘God will make a way.’  Paulit-ulit ng binibigkas ng kanyang isip.

Kinabukasan palabas na siyang ng kanilang apartment patungo sa kanyang bagong trabaho na isang real estate company ay isang lalaki ang nakatalikod na tila may hinihintay. Naisip pa nga niyang manliligaw ni Jella. ‘Napakaaga naman yatang manligaw ng isang ‘to.’ Nasabi pa ng isip niya. Ngunit habang papalapit siya dito ay tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit iwinaglit niya sa kanyang isip ang kanyang hinala.
At sa pagharap ng lalaki, doon mas dumoble ang bilis ng tibok ng kanyang puso. “M-Matthew?” nauutal pang sambit niya sa pangalan nito. Nakangiti ito at kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin. Walang ipinagbago ang hitsura nito at tila mas naging guwapo pa ito sa kanyang paningin.
“Hi.” Maikling bati nito sa kanya ngunit tila napakaraming sinabi nito sa dinig niya. Parang nag-e-echo ang boses nito sa utak niya.
“Ah, a-anong ginagawa mo dito? K-kasama mob a si Jasmine?”  tanong niya dahil ang alam niya ay nagpakasal ang mga ito isang lingo pagkalibing kay Mateo.
Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at binuksan ang gate saka ito pumasok. At parang tumalon mula sa kanya papunta kay Matthew ang kanyang puso ng bigla nalang siya nitong yakapin. “I missed you so much. You don’t know how much I’ve missed.” Bulong nito habang mahigpit siyang yakap-yakap nito.
“Matthew…” tanging nasambit niya.
Bahagyang lumayo si Matthew, tinitigan siya nito ngunit nakayakap pa rin ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang. “I didn’t get married, and I don’t want to marry other woman except the one that I truly love.” Unang sabi nito. “I only want to marry the girl that I love, ang babaeng nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, ang pagmamahal na hindi lang ako ang nakaramdam.” Patuloy nito. Saka ito dahan-dahan na lumuhod sa harapan niya. “Jamila, hindi ko alam at hindi ako sigurado kung ako pa rin ang laman ng puso mo, ngunit gusto kong malaman mo, na IKAW PA RIN ang itinitibok nitong puso ko. And I want to forever feel this kind of love in my heart.” At saka may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito, isang kahita na naglalaman ng singsing. “Jamila, will you accept me again to be part of your life?” tanong nito habang nakatingala sa kanya.
Hindi naman niya alam ang kanyang isasagot at sobrang overwhelmed siya sa mga nangyayari. She admit, she is still inlove with the in front of her right now, at kung tatanggihan niya ang alok nito baka wala ng susunod. Kaya naman… “Matthew, I will.” Tangi niyang sagot dito.
Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng binata. Tumayo na ito at isinuot ang singsing sa kanyang daliri at saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. “I love you, now and forever. Tanging ikaw lang at ikaw pa rin ang siyang isinisigaw ng puso ko, Jamila.” Halos maluha ng sambit ni Matthew iyon ng sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Hindi nawala ang pagmamahal ko para sayo, Matthew, tanging ikaw lamang ang siyang mamahalin ko hanggang sa wakas. My love for you will never last. At Mananatiling IKAW PA RIN ang isisigaw ng puso ko.” Aniya at siya na ang siyang humalik sa mga labi nito.
Masaya naman ang kapatid niyang si Jella na naiiyak pang nakatingin sa kanila.

Ilang libong taon man ang lumipas, ilang alon man ang humampas. Walang sinumang makakapigil sa pag-ibig na wagas.


No comments:

Post a Comment