Saturday, March 2, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 5



Chapter 5

Pero ng marinig niya ang boses na iyon ay hindi niya maiwasang mapaisip. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Napalitan ng ibang takot ang kanyang nararamdaman dahil sa narinig.
“You have no choice but to stay silent.” Muling narinig niyang saad ng lalaki.
Alam niya, kilala niya ang boses na iyon. Kaya naman ginawa niya ang lahat at ginamit ang lahat ng lakas makahulagpos lang sa lalaki. At nagtagumpay naman siya kahit na malakas ito.
Lumayo siya dito. “Hah! Sino ka?” tanong niya na pilit kinakalma ang sarili.
Ngumiti na naman ito na tila natutuwa pa sa nangyayari. “Hindi mo na ba ko natatandaan? Bakit parang napakadali mong makalimot?” mahinahon ngunit halatang may hinanakit na tanong nito.
Ngayon sigurado na siya, kilala nga talaga niya ang lalaking kaharap. Hindi siya nananaginip o nag-iimagine lang. “Matt?” sambit niya sa pangalan nito.
Ngumisi muli ito. “Akala ko nakalimutan mo na ‘ko ng tuluyan.” Sabi nito at lumapit na muli ito sa kanya. Mababanaag niya ang lungkot na nararamdaman nito.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya umatras. “Matt, I’m sorry.” Tanging nasambit niya.
Umiling ito. “No, you don’t need to say sorry, dahil mas nakabuti pa ang paghihiwalay natin na iyon at nahanap ko na ang babaeng para sa akin.” Wika naman nito.

‘Mas nakabuti pa ang paghihiwalay natin na iyon at nahanap ko na ang babaeng para sa akin.’ Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan kahit nasa Ospital na siya kung saan naka-confine ang kanyang ama. Tulalang nakatunghay lang siya sa amang payapang natutulog.
Hindi na rin niya namalayan ang pagpasok ng kanyang ina. “Anak, ang lalim yata ng iniisip mo at tulala ka diyan?” untag sa kanya ng ina.
Bigla naman ang pagbalik niya sa realidad at napalingon sa ina. “Nay, nariyan na po pala kayo. Ano ho ang sabi ng doktor ni tatay?” nasabi nalang niya.
Bigla namang nanlumo ang kanyang ina at naupo sa tabi ng kama ng kanyang ama. “Kailangan daw siyang maoperahan sa lalong madaling panahon.” Napaiyak na turan ng kanyang ina.
Hinagod naman niya ang likod nito.“Nay, huwag nga kayong umiyak diyan. Kung ‘yon ang makakabuti sa kalagayan ng Itay gagawin natin.” Sambit naman niya upang bigyan ng pag-asa ang ina.
“Pero saan tayo kukuha ng malaking pera para sa operasyon niya?” tanong naman ng kanyang ina.
“Nay, huwag na po ninyong isipin iyon, ako na ho ang bahala, basta ang importante ay gumaling ang tatay.” Sagot naman niya kahit alam niyang hindi sasapat ang ipon niya para sa operasyon.
“Anak, nahihiya na ako sa iyo.” Sambit pa ng kanyang ina.
“Nay, tatay ko po ang nangangailangan kaya wala po kayong dapat na ikahiya. Obligasyon ko po iyon bilang isang anak.” Sabi naman niya dito.
“Napakaswerte namin ng ama mo at ikaw ang naging anak namin.”
“Maswerte din po ako dahil kayo ang naging magulang ko.” Pagkasabi niyon ay niyakap niya ng mahigpit ang ina.
Kinausap muli nila ang doktor at ini-schedule na ang operasyon ng kanyang ama. Umuwi muna siya sa kanilang bahay at nagbihis.
Nadatnan naman niya ang kanyang kapatidna babaeng si Jella na kumakain. Ngumiti naman ito sa kanya. “Ate, dali halika kain ka muna bago ka magbihis diyan, tapos magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa biyahe tapos dumiretso ka pa sa hospital.” Sambit nito.
Dinaluhan naman niya ito at naupo sa tabing upuan ng kapatid. At niyakap ang kapatid. “Pasensya na kung ngayon lang ako nakauwi.” Sambit niya at tumulo na ang kanyang luha.
“Ate naman, okay lang iyon, naiitindihan namin. Huwag kang mag-alala dahil pinagbubuti ko naman ang pag-aaral ko and, gagraduate na ako next year, as cum laude ate.” Natutuwa namang balita ng kanyang kapatid.
“Talaga? Dean’s lister ka pa rin ba ngayon?” Tuwang tanong naman niya dito.
“Oo ate, at magiging isa akong mahusay na inhenyera.”
Natuwa naman siya dito.“Natutuwa ako para sa iyo, Jella. At mas lalong matutuwa ang Nanay at Tatay diyan.”At niyakap niya ito.
“Alam ko iyon ate kaya dali na kain ka na, at ng makapagpahinga ka na.” sabi naman ng kapatid niya at ipinaghain pa siya nito ng pagkain.
Masaya silang nagkuwentuhan ng kapatid. Ayaw naman niyang magkuwento ng pinagdadaanan niya sa Maynila dahil ayaw niyang dagdagan ang problema ng mga ito. Kaya naman niya ang problemang kinakaharap niya kaya hindi na niya aabalahin ang kanyang pamilya na mag-isip ng kung ano.
Matapos nilang makakain ay nagpahinga nalang muna siya at iniwan siya ni Jella dahil ito naman daw ang magbabantay sa ospital kasama ang kanilang nanay.
Imbes naipahinga ang kanyang isip ay naalala naman niya ang nangyari kagabi.

Napamaang siya sa narinig. Nananaginip lang ba siya? O totoong nasa harapan niya ang nag-iisang lalaking mahal niya na ngayon ay kinasusuklaman na siya.
Dahil hindi siya agad nakasagot ay muling nagsalita si Matthew. “Jam, I want to thank you for everything, but I still want you to be my friend.” Saad nito at seryosong nakatitig sa kanya.
Tulala pa rin siya at nakatitig lang din sa mukha ng dating nobyo.
“Jam, please answer me, do you still want me to be your friend too?” muling tanong ni Matthew dahil sa hindi niya muling pagtugon.
Tila nagising naman siya sa pagkakatulog dahil sigurado na siyang hindi siya nananaginip lang. “Ha! Ah… yeah sure, we can still be friends.” Nag-aalangang sagot nalang niya.
Ngumiti ito at niyakap siya. Nagulat naman siya sa ginawa nito kaya kumalas siya agad dito at isang pilit na ngiti ang pinakawalan.
“Thank you, Jam. Ngayon matatahimik na rin ang loob ko. And I’m glad you’re okay.” Nasabi pa ni Matthew sa kanya.
“Matt, stay happy. Ayokong isipin mong natutuwa ako sa nangyari sa atin. Mas matutuwa ako kung makikita kong nakabuti iyon sa iyo.” Sambit niya ngunit tila sumasakit ang dibdib niya sa isiping nakahanap na ito ng isang babaeng hindi siya iiwan kahit ano pa man ang mangyari.
“By the way, where are you going? It’s already late.” Biglang tanong ni Matthew sa kanya at tila nag-aalala ang hitsura nito.
“Ah, uuwi lang ako sa probinsya namin. Kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Sige ah, natutuwa ako at maayos naman ang kalagayan mo. Salamat na din dahil hindi ka lubusang nagalit sa akin dahil…” mahaba pa sana ang sasabihin niya ngunit nabigla at nagulat sya sa ginawa ni Matthew.
Matthew kisses her on her lips. It was soft and gentle. Hindi nagbago ang halik na iyon na matagal na niyang nami-missed.
Sa una ay tila estatwa lang siyang natigilan sa ginawa nito. Ngunit hindi nagtagal ay tinugon na rin niya ang halik na iyon ni Matthew.
They shared sweet kisses. And she feels like she had no problem to face that time. Ang tanging nararamdaman niya ay ang kaligayahang ipinadadama ng lalaking labis niyang minamahal magpasa-hanggang ngayon. Pero ang isiping walang nagbago sa halik na iyon ay tila nagkamali siya. Mas masarap sa kanyang pakiramdam ang halik na iyon na iginagawad ni Matt sa kanya. At mas nagugustuhan niya ito.
Lumalim pa ang halik na kanilang pinagsasaluhan ngunit siya na din mismo ang kumawala dahil naalala niyang may pupuntahan pa pala siya.
Napayuko siya dahil sa hiya niya dito. “S-sige, a-aalis na ‘ko.” Sabi nalang niya at tumalikod na agad siya dito kaya hindi na niya nakita ang tila panghihinayang ni Matt.
            Napahawak si Jamila sa mga labing kagabi lang ay sakop ng mga labi ng lalaking una at huling lalaking mamahalin niya.
            Ngunit tila may iba dito kagabi. At hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam na iyon. Parang ibang tao ito sa paraan ng paghalik sa kanya.
            “Praning na siguro ako, kung anu-ano na iniisip ko.” Sambit niya sa sarili at nagtalukbong nalang siya ng kanyang kumot.
           

            Masakit ang ulo niya kinabukasan dahil isang oras palang ang tulog niya mula kanina. Ngunit bumangon na siya dahil ngayong araw siya magpapakita sa bangko.
            Pagkalabas niya sa kanyang silid ay nagtungo agad siya ng kusina ngunit nagulat siya ng makitang may mga nakahain na sa hapag.
            “Good morning, Mattie. C’mon, lets eat.” Masayang bati sa kanya ni Jasmine at nauna na itong tumungo sa hapag. Galing ito sa may laundry area.
            Sumunod nalang siyaat naupo na. Naghanda si Jasmine ng hot cake and bacon with scrambled egg and she also prepared milk for both of them.
            “Try to eat what I prepared. Walang gayuma yan gaya ng sinasabi mo.” Malambing na sabi ni Jasmine habang nilalagyan nito ang kanyang pinggan.
            Natawa naman siya sa sinabi nito. “Huwag mong seryosohin ang biro ko, Jasmine.” Ang sabi naman niya at tsaka isinubo ang bacon.
            “Kasi sabi mo eh…” tila batang sambit nito at lumabi pa.
            Muli siyang natawa sa tinuran nito. “Jasmine, stop that, wala dito ang daddy mo para konsintihin ang pagiging bratt mo.”Parang kuyang sabi niya dito.
            “Uy, hindi kita nakakatandang kapatid para pagsabihan moa ko ng ganyan. Magiging asawa mo na ko ganyan pa rin ang turin mo sakin. Naku ha, I must tell him about this kung ganyan ang trato mo sakin dito.” Sabi naman ni Jasmine sa kanya.
            Nailing naman na ibinalik ni Matthew ang atensyon sa pagkain. “Lets just eat.” Sabi nalang niya dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol muna sa kasal.
            Pasimpleng ngumiti si Jasmine bago isinubo ang hot cake na nasa tinidor niya.

            “Ngayon daw ang unang araw ng bago nating boss. Saying at wala si Jamila, siya pa naman ang gustung-gustong makilala ang boss natin at makausap.” Sabi ni Kaila ng nag-aagahan ang lahat sa may training room nila.
            “Oo nga, ngayon pa kasi nagka-emergency. Tingin mo maiintindihan ng bago nating boss na emergency ang pagli-leave ni Jamila?” sabi naman ni Carla.
            “Maiintindihan naman siguro nun.” Sabat naman ni Aicel.
            “Sana nga.” Naidalangin nalang ni Carla.

            Nai-schedule na ang operasyon ng tatay ni Jamila ng araw ding iyon sa oras na alas-kuwatro ng hapon. Ni hindi siya kinakabahan dahil alam niyang ginagabayan sila ng Diyos. Ngunit ang Nanay niya ay hindi na mapigilan ang pag-iyak. Mahal na mahal nito ang tatay nila kaya naman masakit ditong makita ito sa kalagayan nito ngayon.
“Nay, tama na po.Magiging maayos po ang lahat. Hindi po tayo pababayaan ng Diyos at lalo na ang Tatay dahil lumalaban naman po siya.” Alo niya sa ina habang hinahagod niya ang likod nito at kasalukuyan silang nakatunghay sa tahimik na walang malay nilang ama.
“Nalulungkot lang ako sa kalagayan ngayon ng ama niyo.” Sambit ng kanilang ina sa pagitan ng paghikbi nito.
“Nay, magagaling po ang mga Doktor dito kaya huwag na po kayong mag-alala.” Sabat naman ni Jella na tumulong na rin sa pagpapatahan sa kanilang ina.
“Salamat at nariyan kayong dalawa. Salamat mga anak.” Sabi ng nanay nila at niyakap silang dalawa.
Natigilan siya sa pagtunog ng kanyang cellphone.
Tinungo niya ang kanyang bag at kinuha ang aparato. “Hello.” Unang sambit niya.
“Hello, Jamila, ako ‘to si Carla.” Pagpapakilala naman ng nasa kabilang linya.
“O, bakit ka napatawag, Ate Carla? Hindi ba pumayag ang bago nating boss sa emergency leave na sinasabi ko?” tanong niya dito ngunit hindi man lang siya nabahala.
“Hindi, ayos na ayos nga lang sa kanya eh.” Sabi naman nito.
Naguluhan naman siya sa tema ng pananalita nito. “Eh, bakit ka napatawag bigla?” usisa niya dito.
“Dahil sigurado akong gusto mo ring Makita ang bago nating boss.” Tila natutuwa namang sambit nito.
“Huh? Pano mo naman nasabi yan?” takang tanong niya.
“Dahil kilala mo ang bagong boss natin, ay hindi lang pala kilala, kilalang-kilala mo siya.”
Mas lalo na siyang naguluhan. “Teka nga, Ate Carla. Sino ba talaga ang boss natin?” hindi na siya nakatiis na tanungin dahil nahihiwagaan na siya.
“Si Matthew Mendez.” Tiling sagot ni Carla sa kabilang linya.
Wari’y tumigil ang oras niya at ang pag-inog ng mundo niya pagkarinig sa pangalan na iyon. Totoo ba ang narinig niya o imahinasyon lang ang lahat? O dinadaya lang siya ng pandinig niya?
“Jamila? Hello? Jamila nandiyan ka pa ba?” biglang untag sa kanya ng nasa kabilang linya. At tila natauhan naman siya.
“Ah… Tama ba ang narinig ko, Ate Carla?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya kay Carla.
“Oo naman, hindi ako nagbibiro.” Tuwang sambit pa rin nito dahil hindi naman siya nakaharap dito at hindi nakikita ang kanyang mukha na aakalain mong may nakita itong multo.
“Ate Carla, sige mamaya nalang ulit, kailangan ko lang munang kausapin ang doktor ni tatay.” Analang niya upang iwasan pa ang ibang sasabihin ni Carla tungkol kay Matt.


No comments:

Post a Comment