Finale Part 1
Hindi alam ni Jamila na agad
sumunod sa kaniya si Matthew. Kaya nagulat siya ng magsalita nalang ito sa
kanyang likuran.
“Mateo?” gulat na sambit nito ng
makita ang kakambal nito.
Mas lalo siyang naguluhan. Sino sa
kanila ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang
buong puso?
“M-mateo?” nagtatanong na mga
matang palipat-lipat sa kambal.
“Ah…Jamila…” tawag naman ni Mateo
sa kanya.
“You’re Mateo?” may galit ng sabi
niya.
“Please, let us explain.” Ang sabat
naman ni Matthew.
Ngumiti siya ng mapait. “Us? So
talagang plinano niyong lokohin ako ng ganito?”
“No, of course not, we
nev…”magpapaliwanag sana si Matthew pero muli na siyang nagsalita.
“Oh yeah, hindi niyo plinano, eh
ano? Nagkataon lang? ano yun parang kabute lang na bigla nalang sumulpot? O isa
lang akong laruan para sa inyong magkapatid?” nagngitngit na siya sa galit.
Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano ang
nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado niya.
Napakatanga niya at nagpaloko siya at
nagpakatanga sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. “All this time
hindi ko pala kilala ang lalaking mahal ko. All this time lahat pala ng alam ko
ay walang katotohanan? Lahat pala puro kasinungalingan. Lahat walang
katotohanan.” Tuluyan ng umagos ang mga luhang ayaw sana niyang ilabas. Gusto
niyang magpakatatag ngunit hindi pa rin niya kinaya.
“Jamila, Mahal kita at hindi iyon
isang kasinungalingan lang.” ang siya namang sambit ni Mateo.
Sa sinabi nitong iyon ay nagulat si
Matthew. “You love her? Since when?” nagtatakang tanong ni Matthew dito. Na
siya namang ikinagulat niya. Ibig sabihin ay ang Mateo na ito ay hindi ang
lalaking una niyang minahal kundi ang isang nasa tabi niya.
“I-I don’t know, the first time you
gave me her picture, hindi ko na siya nakalimutan. At alam kong mali iyon dahil
mayroon ng nagmamay-ari sa kanya kaya pinakiusapan kita noon na huwag mo ng
sabihing mayroon kang kapatid at hindi lamang kapatid kundi kambal mo pa. Pero
ng sinabi mong nakipaghiwalay siya sayo, hindi ko alam kung natuwa ako o
nagalit sa nangyari. Kaya nagawa ko ang isang kabaliwang hindi ko minsan naisip
na gawin sa aking buhay.” Ang mahabang paliwanag ni Mateo.
“Mateo…” tanging nasabi ni Matthew
dito.
“Natuwa ako ng malaman ko na
engaged ka na kay Jasmine. Pero naaawa ako sa kanya dahil pilit nitong inuunawa
ang sitwasyon niyong dalawang ipinagkasundo lamang ni Dad.” Nakatingin si Mateo
sa kapatid habang nakikinig lamang siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi na niya
alam kung ano ang paniniwalaan niya.
“Sinabi ko kay Jasmine na mahal ko
siya. Pero gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.” Tila pumiyok pang
sambit ni Matthew.
Bumaling ito sa kanya. “Jamila,
aaminin kong nasasaktan ka sa mga nalalaman mo. Nasaktan ka na dati ng hindi
matanggap ng dad ang relasyon natin pero hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka
muli. Mahal kita, hanggang ngayon Ikaw Pa Rin ang itinitibok ng puso ko, ngunit
sa pagkakataong ito, kailangan na kitang pakawalan. Kailangan na kitang palayain
mula sa nakaraan. Ayaw kong makitang nahihirapan at nagdurusa ka. Ayaw kong sa
huli, ikaw pa rin ang nasasaktan. Jamila…” hinaplos nito ang kaniyang pisngi.
“Mahal na mahal kita at kailan man ay hindi na iyon magbabago. Mahal kita,
mahal na mahal.” At saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. Habang si Mateo
ay naninikip ang dibdib na nakikita. Kaya naman bago pa siya tuluyang mabaliw
sa pagmamahal kay Jamila. Minabuti na lamang niyang tumalikod at maglakad
palayo sa mga ito.
He’s trying to control himself, but
he couldn’t. Kusang naglandas ang mga luhang pinilit niyang kontrolin. His
heart is aching. And he can’t help but to cry on.
Sa wakas ay naamin na rin niya ang
damdaming matagal na niyang tinatanong sa kanyang sarili. Ngunit alam niyang
kahit kailan, hindi na ito matutugunan pa ng pagmamahal ng babaeng itinatangi
ng kanyang puso.
Labis na sakit ang kanyang
nararamdaman. Inasahan na niya iyon ngunit napakasakit pala talaga kapag nakita
na mismo ng mga mata niya sa mga mata ni Jamila ang pagmamahal pa rin nito kay
Matthew. “Damn my heart.” Napasuntok siya sa manibela ng kanyang sasakyan at
bigla niya itong kinabig sa gilid ng kalsada. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay
siya naman pagsulpot ng kotseng puti. Hindi na niya napigilan ang kanyang
manibela at dire-diretso na itong bumangga sa kotse.
“Calling
Doctor
Carlos, to the OR please.” Paulit-ulit na naririnig ni Jamila. Mga tunog ng
ambulansya at ang mga nurse na labas-masok sa operating room kung saan naroon
si Mateo.
Alam na niya ang totoo. Sinabi na
sa kanya lahat-lahat ni Matthew, na ang kanyang boss ay hindi ito kundi si
Mateo. At nalaman niyang may malalang sakit pala si Matthew kaya ito nagpagamot
sa Amerika at kahapon lamang ito ng gabi dumating. Kaya alam na rin niya kung
sino ang lalaking humarang sa kaniya noong papauwi siya ng Tarlac. Kung sino
ang lalaking humalik sa kanya.
“Please, don’t die, don’t die,
Mateo.” Usal niya kahit na alam niyang hindi siya nito naririnig.
Humahangos naman na lumapit sa
kanya si Matthew. Kasunod nito si Jasmine. “How is he?” agad na tanong nito.
“I don’t know.” Tanging nasabi
niya.
Hindi pa rin siya mapakali kaya
inalalayan na siya ni Matthew na umupo. “Calm down, everything is going to be
fine, he’s a survivor, Jam. He can make it.” Pagpapalakas loob ni Matthew sa
kanya.
“He loves you.” Mayamaya ay sabat
ni Jasmine at napatingin siya dito. “Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa
larawan mo, maging sa bangko ay madalas ko siyang Makita nakatitig lang sa
harapan ng laptop niya, kung saan ay naroon ang larawan mo. Mateo never mention
me about his feelings about you, dahil alam niyang magsusumbong ako kay
Matthew.” Mahabang pahayag ni Jasmine.
Hindi na siya nagsalita dahil sapat
na iyon para mapatunayan niyang hindi intensiyon ni Mateo ang saktan siya ng
labis. Na hindi rin nito itinuloy ang plano nitong pagpapa-ibig sa akin at
pagkatapos ay iiwan din ako.
Pero marahil ay nagtagumapay ito sa
isang plano nito. Ang paibigin siya.
Oo mahal niya ito. Hindi rin niya
alam kung kailan at kung paanong nagyari iyon. Pero mula ng mahalikan siya
nito, hindi ang mga dating halik nila ni Matthew ang naiisip niya kundi ng
gabing iyon lang. ang halik na inakala niyang walang ipinagbago ngunit hindi.
Alam niyang kakaiba ang halik na iyon na siyang nagpabalisa sa kanya ng nasa
probinsya pa siya.
6 weeks later…
“Hmmm… Bulaklak na naman.” Kantywa
ni Carla sa kanya ng may delivery na naman ng isang bungkos ng bulaklak para sa
kanya.
Abot-tainga naman ang kanyang ngiti
ay sinamyo ang mga iyon. Mayamaya pa ay binuklat na niya ang isang card na
nakaipit doon.
Jamila,
Please
accept again a piece of my peace offering.
Love,
Mateo…
PS…
Come here at my
office, I want to talk to you.
“Yay, ang sweetness.” Tiling
kinikilig ni Kaila ng makibasa rin pala ito.
Pero sa totoo lang ay talagang
kinikilig siya sa araw-araw na pagpapadala ni Mateo ng bulaklak sa kanya bilang
peace offering daw nito. Pero hindi naman niya ito kinakausap mula ng umuwi ito
galing ospital.
“Dali na sa office daw.” Isa ring
kinikilig na si Jessa.
“Oo na, sandal lang, maganda na ba
ako?” kumindat pang inayos ang buhok sa harap ng mga kasamahan.
“Naman, sige na dali.” Ang sabi
naman ni Carla na isa ring kinikilig.
Bumuntong-hininga muna siya. “Okay,
wish me luck.” At saka siya tumalikod sa mga ito at tinungo ang office ni
Mateo.
Kumatok
muna
siya sa pinto nito bago siya pumasok.
Abala si Mateo sa pagbabasa ng
isang magazine ng abutan niya doon at mukhang hindi yata siya pansin nito. Kaya
naman tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.
Nag-angat ito ng ulo. Pagkakita
niya sa mukha nitp ay parang walang nangyarin aksidente dito. Dahil napakakinis
ng mukha nito. “Yes?” alam sa nakasulat sa card.
“Ah, sasabihin ko lang po sana na
mamayang 12 o’clock ang meeting natin with the board of directors.” Ang sabi
nalang niya at napahiya siya dahil wala naman pala itong sasabihin.
Tumawa ito ngunit hindi naman
malakas. “You’re so cute when you’re blushing.” Anito.
Tatalikod n asana siya ng magsalita
ito. “I love you.”
Ano
daw? He loves me? My gosh pwede bang tumalon? Sa wakas nasabi na rin niya
sakin.
Halos hindi siya makagalaw sa
kanyang kinatatayuan. Kaya naman nilapitan na siya nito at bigla siyang hinapit
sa kanyan beywang.
“Mahal kita, ikaw lang at wala ng
ibang nagmamay-ari pa nitong puso ko kundi ikaw lang. At kahit sa pangalawang
buhay, IKAW PA RIN ang mamahalin ko. Pangako ko, sayo lang iikot ang mundo ko.”
“Mateo…” nakangiting tawag niya sa
pangalan nito. “Mahal na mahal din kita, hindi man ikaw ang unang lalaking
minahal ko, ikaw naman ang lalaking huling mamahalin ko.”
“I love you, Jamila. I love you, I
love you, I love you.” Sukat doon ay pinagdaop na nito ang kanilang mga labi.
Napakasaya ng kanyang puso. Wala na
siyang mahihiling mula sa Diyos. Nasa kanya na ang lalaking kailanman ay
magmamahal sa kanya ng lubos. Ang lalaking mamahalin siya kahit sa ikalawang
yugto ng kanilang buhay.
Anuman
ang pagsubok na pagdaanan, anuman ang sakit na maranasan. Mananatiling matatag
ang isang relasyon kung tunay at wagas ang pagmamahalan.
No comments:
Post a Comment