Chapter 8
“Kung
gusto mong makapagtapos ang kapatid mo
ng maayos, hiwalayan mo ang anak ko. At kung gusto mong hindi madamay ang
pamilya mo layuan mo na sa lalong madaling panahon ang anak ko. Hindi ka
nababagay para sa pamilya namin. Isa ka lang manggagamit, wala kang pinagkaiba
sa mga babaeng naghahabol ng pera sa anak ko.” Ang mariing sambit ng matandang
Don na si Don Mateo Mendez. Ang ama ni Metthew.
Sa mga narinig ay hindi
niya napigilang lumuha. “Sabihin niyo na po ang lahat ng gusto niyong sabihin
pero ang paratangan niyo akong manggagamit at ang Habol ko lang ay pera, hindi
ko po iyon tatanggapin. Oo at mahirap lang kami, ngunit pinalaki kami ng aming
mga magulang na may takot sa Diyos. Alam kong hindi niyo ako tanggap para sa
anak niyo, pero bakit pa po ninyo ipinapakita sa anak niyong tanggap niyo ako?
Mawalang galang na po pero makikipaghiwalay ako sa anak niyo hindi dahil sa mga
sinabi niyo sa akin kundi para sa ikabubuti ni Matt. Hindi ko susundin ang
sinasabi niyong lumayo ako o ang hindi na magpakita sa kanya, hindi ako aalis
sa lugar na ito, pero asahan niyo, hihiwalayan ko na po ang anak niyo.”
Mahabang sumbat niya sa matanda.
Ngumisi naman ito.
“Mabuti kung ganoon, dahil ayaw kong mahaluan ng hampas lupa ang pamilya ko.”
Muling panlalait ng matanda.
“Kung titingnan po sa
pag-uugali, mas hampas-lupa pa ang asal na ipinapakita niyo.” Matapang naman na
sagot niya.
“Aba’t...” iniangat ng
matanda ang isang palad nito upang sana ay sampalin siya dahil sa pambabara
niya dito ngunit muli naman siyang nagsalita.
“Babae lang ho ba ang
kaya niyo? Kung may anak ho kaya kayong babae at gaya ko ay niyuyurakan ang
pagkatao, matutuwa ho kaya kayo?” sarkastikong turan niya.
Hindi naman
nakapagsalita ang matanda at tumalikod na. Ngunit bago ito tuluyang nakaalis ay
muli siyang nagbitaw ng salita.
“Salamat po sa pagiging
ama kay Matthew.” Huling sinabi niya bago nagtuloy sa paglayo ang matanda.
Nagising siya sa isang
panaginip na mula sa nakaraan. At ng tingnan niya ang kanyang kinaroroonan ay
nasa cubao na pala siya at nagbababaan na ang kaniyang mga kasamang pasahero.
Dali-dali niyang inayos
ang kanyang gamit at bumaba na ng sasakyan.
“Mattie,
what’s wrong? Anong problema?” usisa ni Jasmine ng makita siya nitong
nagmumukmok sa isang sulok ng kaniyang bahay. Tinabihan siya nito sa upuan.
“It’s me.” Maiksing
sagot niya.
Naguluhan naman si
Jasmine sa sinabi niya. “You? Why? Mattie, tell me, I’m your friend, you can
trust me.” Saad naman ni Jasmine.
“I can solve this.
Problema ko ‘to kaya ako lang ang dapat na lumutas nito.” Seryosong turan niya
dito.
Tila natakot naman si
Jasmine sa tono ng kanyang boses. “Okay, but if you want a friend, I will
always be here. You are a brother to me, Mattie.” Ang sabi nalang ni Jasmine at
umalis na ito at nagtungo nalang sa silid nito.
Hindi pa rin niya
maintindihan ang kanyang sarili. Kung bakit mabigat sa loob niyang makitang
muling magkasundo si Jamila at Matthew. Hindi kaya in-love na siya kay Jamila?
Mariin niyang iniling ang kanyang ulo sa naiisip. “No! It’s not possible.”
Aniya sa sarili at tumayo na siya at nagtungo sa kanyang mini bar. Doon niya
ibinuhos ang kalituhang nararamdaman. Naka-ilang lagok siya ng tequila bago
siya tumigil dahil parang wala namang epekto.
Maya-maya ay tinawagan
niya ang kapatid.
“Yes, Mattie.”
Masiglang bati ni Matthew sa kanya pagkasagot ng telepono.
“Would you curse me if
I tell you I can’t fix the problem I did?” tanong niya dito.
“What do you mean you
can’t fix it?” balik-tanong naman nito.
“Lalayo nalang ako.”
Maiksing tugon niya ngunit ang isip niya ay litung-lito na sa sitwasyon. Hindi na
niya alam kung ano ang dapat niyang gawin kaya iyon nalang ang sinabi niya sa
kapatid.
“Wait! Mateo William
Mendez, are in-love with her?” makahulugang tanong ni Matthew.
Sa una ay hindi siya
nakasagot sa tanong na iyon ng kakambal. Ngunit tahimik pa rin na naghintay ng
sagot si Matthew sa kabilang linya. “Fine, Oo, mahal ko na siya, at hindi ko
kayang makitang muli kayong magkasama. I’m sorry, Matt, hindi ko ito plinano.
Ang tanging gusto ko lang noon ay iparanas ang naranasan mo, pero hindi ko alam
na ako na pala ang nahuhulog sa kanya. Matt, forgive me for being so helpless
at pagiging pakialamero ko. Naging over-protected lang ako sayo dahil sa
kalagayan mo. Pero ngayon at maayos na ulit ang kalagayan mo, aalis nalang ako.
Mamumuhay muli kagaya ng dati. Mamumuhay ng malayo sa mga ganitong problema.”
Ang mahabang pahayag niya at pag-amin sa totoong nararamdaman na sa wakas ay
naamin din niya. Kusa iyong lumabas sa bibig niya.
At sa pag-amin niyang
iyon ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi niya maintindihan dahil
unang beses niya iyong naramdaman sa buong buhay niya na namuhay na malayo sa
kanyang pamilya at walang involve na pag-ibig.
Namumuhay siya noon sa
isang isla na malayo sa siyudad. Doon niya ibinuhos ang kanyang atensiyon at
pagmamahal sa sarili niyang Isla. Tanging mga bakasyunista lang ang mga
nakakahalubilo niya noon. Tanging tawag at email lang ang kumunikasyon nilang
magkapatid. Ni hindi nga siya naipakilala ni Matthew noon kay Jamila ng
personal dahil siya na rin ang tumanggi at nagsabing huwag nalang ipaalam dito
na may kakambal siya.
Ngunit kahit na hindi
siya naipakilala nito ay ipinakita pa rin ni Matthew ang larawan ni Jamila na
unang beses siyang nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso.
Inignora niya iyon noon
dahil hindi niya mawari ang ganoong pakiramdam. Ngunit noong nakita na niya ito
ng personal ay mas dumoble ang bilis niyon kaya nagawa niyang gumawa ng
kapangahasan.
Ng dahil sa
paghihiwalay ni Matthew at Jamila. Lumala ang sakit ni Matthew sa puso dahilan
upang magpagamot ito sa America. Anim na buwan itong nagpagamot doon at siya
ang pinakiusapan ng kanilang ama na si Don Mateo Mendez na mamahala ng Mall na
pinapatakbo ni Matthew. At doon nag-umpisang sundan at paimbestigahan niya si
Jamila.
Ng
gabing iyon kahit nasa poder na niya ang mapapangasawa ngkanyang kapatid na si
Matthew ay umalis pa rin siya upang sana ay takutin si Jamila. Ngunit sakto
namang paglabas nito sa kaniyang tinitirhan kaya naman sinundan niya ito.
Ngunit
nakaramdam si Jamila na may sumusunod sa kanya. Nabahala naman siya kaya
nagpakita na siya. At humarang sa harapan nito.
Napatili
ito dahil sa sobrang gulat, at banaag niya ang kaba nito.
Ngumisi
naman siya para maitago ang nararamdamang hindi niya maintindihan.
“Please,
mahirap lang po ako, kung gusto niyo po sa inyo na lahat ng pera ko, huwag niyo
lang ako sasaktan.” Pagmamakaawa ni Jamila.
Muli
siyang ngumiti at lumapit pa siya dito kaya naman napaatras si Jamila. Ngunit
patuloy pa rin siya sa paglapit. At mas nagulat ito ng bigla nalang niyang
hawakan ito sa magkabilang braso.
Muli
itong napatili dahil sa paghawak niya. “Huwag po!” ang tanging lumabas sa bibig
ni Jamila.
At
napabitaw naman agad siya at tinakpan ang bibig nito ng tangkain nitong
sumigaw. “Don’t you dare to shout or else gagawin ko ang isang bagay na ayaw
mong gawin ko.” Mabaritonong utos niya habang nakatakip ang kanang kamay niya
sa bibig nito at ang kaliwa naman ay sa katawan nito.
“You have no choice but to stay silent.” Muling
saad niya dito.
Bigla
nalang humulagpos si Jamila sa pagkakahwak niya at ginamit na yata nito ang
lahat ng lakas makawala lang sa kanya. Kaya naman pinakwalan na niya ito.
Lumayo
ito sa kanya. “Hah! Sino ka?” tanong nito na pilit kinakalma ang sarili.
Ngumiti
na naman siya na tila natutuwa pa sa nangyayari. “Hindi mo na ba ko
natatandaan? Bakit parang napakadali mong makalimot?” mahinahon ngunit halatang
may hinanakit na tanong niya.
Ilang
saglit itong tila natahimik, at maya-maya pa’y... “Matt?” sambit nito sa
pangalan niya o ng kakambal niya?
Ngumisi
muli siya. “Akala ko nakalimutan mo na ‘ko ng tuluyan.” Sabi niya at lumapit na
muli siya dito. Pinalungkot niya ang kanyang mukha habang lumalapit siya sa
dalaga.
Sa
pagkakataong iyon ay hindi na ito umatras. “Matt, I’m sorry.” Tanging nasambit
nito.
Umiling
siya. “No, you don’t need to say sorry, dahil mas nakabuti pa ang paghihiwalay
natin na iyon at nahanap ko na ang babaeng para sa akin.” Wika niya.
“Mattie, Mattie are you
stil there?” untag ni Matthew na nasa kabilang linya.
Tila nagising naman siya
sa isang panaginip ng nakaraan at bumalik siya sa realidad. “Yes?” ang sambit
nalang niya.
“Mattie, I’m sorry, I
know it’s hard for you but, please, don’t leave. Pag-usapan natin ‘yan pagbalik
ko.” Isang pakiusap naman ang binitawan na kapatid. Na tila hindi niya
mahindian dahil hindi pa niya kayang lumayo. Matagal din niyang hinintay na
muling makita sa personal si Jamila. Kaya naman wala na siyang naisagot kundi
ang “Oo”.
Matagal
wala sa linya ang kapatid ngunit hawak
pa rin niya ang auditibo. He can’t help think negative things. Alam niya na
hindi siya mapapatawad ni Jamila sa ginawa niyang pagpapanggap pero wala naman
siyang magawa kundi ang gawin iyon dahil sa kalituhang nararamdaman niya na
dati ay hindi niya mapangalanan.
“Why her? Bakit sa iisang
babae pa? I know Matthew loves Jasmine, but, damn she still love Jamila.”
Kausap niya sa sarili habang nagmumuni-muni kung ano ang magiging set-up nila
ni Jamila kinabukasan.
“Jamila, Oh Jamila.
Forgive for loving you. It’s not my intention to love you, pero ang sutil kong
puso ay hindi ko napigilan.” Patuloy niyang bulong sa sarili.
Hindi na niya pansin si
Jasmine a kanina pa pala siya pinagmamasdan. At lahat ng iyon ay sinasabi nito
kay Matthew.
“Hay!
Nakarating din.” Sambit ni Jamila at sabay ibinagsak ang katawan sa maliit
niyang sofa. “Nakakapagod. Pagod ang katawan maging ang isip. Hay! Kailan kaya
magiging normal ang lahat.” Patuloy niyang sambit na may kasaman gmga
buntong-hinanga.
Kapagkuwan ay tumayo na
siya at inayos na ang naiwang bahay. May mga inuwi kasi siyang mga gulay na
galing sa kanilang probinsiya. Kaya naman inuna niya iyong inayos sa tamang
lalagyan.
Matapos ilagay sa dapat
kalagyan ay isinunod naman niyang linisin ang bahay. Lalo pa’t halos isang
linggo din siyang nawala. Kahit gabi na ay naglinis pa rin siya para wala na
siyang aalalahanin pa kinabukasan.
Pasado alas dose na ng
madaling araw ng matapos siyang maglinis at naisipan na rin niyang kumain.
Matapos niyang kumain
ay naglinis naman na siya ng sarili niyang katawan at ipinahinga na ang pagod
na katawan.
Iyon ang talagang plano
niya. Ang pagurin ang sarili upang saglit man lang ay makalimot siya sa mga
nararamdaman niya. Na pagod nalang ang isipin niya. Dahil pagod na rin siyang
umiyak at mag-isip
At nagtagumpay naman siya
dahil saglit lang ay nakatulog na rin ang pagod niyang katawan at diwa.
“Honey!”
gulat na reaksyon ni Jasmine pagkakita niya sa isang pigurang nakatayo sa
kanyang harapan.
“Surprise!” masayang
turan ni Matthew dito at niyakap niya ito ng mahigpit.
“My gosh, it’s real.
You’re here. Okay ka na talaga? As in sure na sure na?” hindi pa rin
makapaniwalang tanong ni Jasmine sa kanya.
“I’m here because I
have something to settle, and I missed you so much.” At mahigpit pa rin na
niyakap ang fiancée.
Kumalas naman bigla si
Jasmine sa kanya na siyang ipinagtaka niya. “Are you here for Jam?” tila batang
humalukipkip ito ng upo sa sulok.
Nilapitan naman niya
ito at tinabihan. “Honey, inaamin ko, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya,
pero huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal dahil alaala nalang ang
pagmamahal na iyon. Ang kasalukuyang ang mahalaga, Jasmine. Ikaw na ang mahal
ko ngayon. At umuwi ako para mas maayos nating dalawa ang kasal natin at hindi
ang dad ang nag-aayos no’n. Tandaan mo, ikaw ang mahal ko ngayon. Mahal na
mahal kita, Jasmine. At walang mababago do’n.” Mahabang paliwanag naman niya
dito.
“Promise me, you will
never leave me, huh?” mangiyak-ngiyak na sambit ni Jasmine sa kanya.
Napangiti naman siya sa
tinuran nito. “I’ll promise, and stop crying like a child, hindi ka na bata.
And always remember, hindi ka isang panakip-butas lang, minahal kita dahil
hindi ka mahirap mahalin. Kahit pa pareho tayong ipinagkasundo ng mga magulang
natin.” Madamdaming turan niya kay Jasmine.
At sa narinig na iyon
ni Jasmine ay mas lalo pa itong naiyak. “I love you, Matthew.” Tanging nasambit
nalang nito.
Hindi na siya nagsalita
at mahigpit nalang na niyakap ito.
Wala
naman kaalam-alam si Mateo sa dumating
na ang kaniyang kakambal. Ni hindi na rin niya ginising si Jasmine kahit na
nagtataka siya dahil tanghali na. Lagi kasing si Jasmine ang nauunang
gumigising at nangungulit sa kanyang magmadali dahil late na sila sa opisina.
Pero naiba yata ang ihip ng hangin at tila ay kasarapan palang ng tulog nito.
Kaya naman hindi na
niya ito ginising at nauna nalang siyang pumasok. Nag-iwan nalang siya ng note
sa kusina at sinabing pumasok na siya.
No comments:
Post a Comment