Chapter 1
Kabilaan
ang flash ng mga kamera, kabilaan din ang mga reporters na nagtatanong sa kaniya.
Pero todo din naman ang security sa pagharang sa mga gustong lapitan at
hablutin siya. Para lang makakuha ng bagong balita. Kakadating lang kasi niya
galing sa isang international fashion show. Kaya heto at hindi na makapaghintay
ang mga tao.
“Ang
kulit ng mga reporter na yan, sinabi na ngang may press con eh, hindi na
makapaghintay sa tamang oras, maano man lang pagpahingahin muna ang beauty mo.”
Reklamo ng kaniyang manager na si Cheska. Isa itong bakla. Na siyang
nakadiscover sa kaniya.
“Don’t
worry Cheska, I’m okay. Konting rest lang siguro ‘to.” Mahinahong tugon niya ng
marating na nila ang kotseng gamit nila.
“Are
you sure?” paniguro pa ni Cheska. Mabait naman ito, hindi kagaya ng ibang
manager ng mga kasamahan nyang modelo na gahaman sa pera, hindi inaalala ang
katawan ng kanilang mga talent, pero iba si Cheska. Inaalagaan talaga siya
nito.
“Yeah,
I’m pretty sure of that.” Nakangiti namang tugon niya dito. Dahil sobrang mahal
siya nito.
“Okay,
if that’s what you want, I’ll give them what they want to.” Anito na tinukoy
ang mga press na kanina pa atat na atat para makakuha lang ng latest na balita
tungkol sa kaniyang naging fashion show sa France.
“I’ll
just go to the powder room. I need to re-touch.” Paalam niya ng nakababa na
sila ng sasakyan. Ang Press Con ay gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay
City at 3:00 o’clock in the afternoon. Alas dos na ng hapon at kailangan na rin
niyang maghanda. Ayaw niyang maging VIP kahit pa sabihing VIP talaga siya.
“Okay,
basta be careful sa mga isasagot mo mamaya, huh?” paalala naman ni Cheska sa
kaniya.
“You
know me, Cheska.” Aniya at dumiretso na sa Comfort Room.
“Ngayon ang
Press Con ni Miss Amber Villanueva ah. Hindi ka ba pupunta?” Untag na tanong ni
Joseph kay Harold Ocampo. Si Harold at Joseph Sy ay magkaibigang matalik at
magkasosyo sa negosyo. At nasa mundo rin sila ng Entertainment. May-ari sila ng
isang nagsisimula palang naman na sumikat na Magazine. Ang Gossip Magazine.
“Pupunta
ako, but I’m not sure kung kaya ko na siyang kausapin.” Sagot niya dito.
Nakaupo siya noon sa kanyang swivel chair habang nagbabasa ng news paper at
paminsan-minsang sumisimsim ng kape. At si Joseph naman ay naupo sa may
visitor’s chair sa kaniyang opisina. Nakadekwatro pa ito at parang nasa bahay
lang.
“Bakit?
Natatakot ka pa rin ba sa magiging reaksyon niya at baka hindi siya pumayag na
maging cover ng unang issue ng magazine natin?” takang tanong ng kaibigan.
“Hindi
sa natatakot akong hindi siya um-oo sa offer natin, ang ikinakatakot ko ay baka
kung ano ang isipin niya. I don’t know where to start.” Sagot niya at
naguguluhan pa rin. Ibinaba na niya ang binabasang diyaryo at umayos ng upo
para makipag-usap ng seryoso sa kaibigan.
“Bakit
kailangan mong alamin kung saan ka mag-uumpisa? May gusto ka ba sa kaniya
pare?” usisa naman ni Joseph sa kaniya.
“Anong
klaseng tanong yan, pare? Seryoso ako dito.” Inis niyang balik tanong kay
Joseph. Ewan nya kung bakit bigla siyang nailang sa tanong ng kaniyang
kaibigan.
“Relax
ka lang, pare. I’m just curious. Sa pagkakakilala ko kasi sayo ikaw yong tipong
lahat sinusuong makuha lang ang gusto pero bakit ngayon parang mahihirapan yata
tayong makuha ang gusto nating makuha sa
negosyong ito ah.” Komento naman ni Joseph na nagtataka pa rin ang mukha.
“Pare,
alam mo namang hindi siya basta-bastang modelo lang. Isa siyang International
Model. Kilala na rin siya sa France because of Elite and Ford. At isa pa, alam
nating pareho na mailap din sya sa mga lalaki.”
“Okay,
so ano ang plano natin ngayon?” sumuko na rin si Joseph pero hindi pa rin
mawala ang pagtataka nito.
Tumayo
siya at humarap sa may painting sa kaniyang opisina na nakasabit sa right side
ng kanyang opisina na noon pa tinatanong ng kaniyang kaibigan pero naglihim siya
na gawa niya iyon noong siya’y bata pa. Hindi naman na nag-usisa pa si Joseph
tungkol d’on. Isa iyong painting ng dalawang batang magkahawak-kamay sa may
malawak na bukirin habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
“I
have already planned for this. But I think we don’t need to rush it. I just
need to see her today.” Aniya sa kaibigan.
“Well
parang ako nalang muna ang siyang maghahanap ng magiging first cover sa una
nating issue.” Nanlalatang turan ni Joseph sa kanya na hindi naman niya masisi
dahil sa ipinapakita niyang asal.
“Pare,
just give me time for this. Makukuha din natin siya, pero hindi pa sa ngayon.” Ang
sabi nalang niya.
“Okay,
I understand, kahit hindi mo sabihin sa akin na may gusto ka nga talaga sa
Amber na iyon. At huwag mong sabihing wala dahil kilala kita. Alam kong hindi
ka playboy, at isa lang ang babaeng minahal mo buong buhay mo at si Leila
Soriano iyon. Pero, Harold, wala na si Leila at kailangan mo rin namang punan
ang mga pangangailangan mo bilang isang lalaki.” Mahabang sagot naman ni
Joseph. Na concern na concern sa kanya.
“Wala
na akong ibang mamahalin kundi si Leila lang. At magkagusto man ako sa iba,
hanggang doon na lang iyon. Masasaktan ko lang ang babaeng pipilitin kong
mahalin dahil alam ko sa sarili ko na si Leila pa rin ang mahal ko.” Pag-amin
naman niya sa kaibigan.
“Malay
mo matutunan mo ring mahalin ang babaeng ‘yon.” Komento naman ni Joseph.
Palibhasa ito ay malapit ng ikasal.
“Hindi
pa ako handa sa pakikipagrelasyon, pare. Mas mabuting maging single nalang ako
kaysa sa makasakit ako ng damdamin ng ibang tao para lang alamin kung kaya ko
nga bang kalimutan si Leila.” Aniya dito at umupo na ulit siya sa kanyang
swivel chair.
“It’s
up to you, pare. I’m just concerned about your love life pero tandaan mo pare,
nandito lang ako ‘pag may problema ka. Sige, maiwan na muna kita, kailangan
kong um-attend sa meeting sa Cabuyao Laguna. Alam mo naman ang dad kapag hindi
ako um-attend dun, sermon na naman ang aabutin ko.” Paalam sa kaniya ng
kaibigan. Real estate kasi ang Business ng pamilya ni Joseph at hindi naman
iyon ang hilig ng kaibigan dahil sa entertainment din ang hilig nito kaya nga
ito nakisosyo sa kaniya. At ang kaniyang pamilya naman ay sa arts ang hilig.
Ang mga kapatid niya ay mga sikat na ring designer sa ibang bansa at may sarili
silang art school doon. May international art school din silang ipinatayo sa
Los Angeles, California. At ngayon naman ay gagawa siya ng sariling pangalan sa
larangan ng Entertainment.
“Mag-iingat
ka, pare.” Tangi niyang nasabi. At napaisip sa mga sinabi ng kaibigan.
Nang
makaalis ang kaibigan ay hindi niya alam kung tutuloy pa ba siya sa press con
ni Amber Villanueva. Hindi naman niya alam kung ano ang kanyang gagawin doon.
Plano kasi niyang siya mismo ang kakausap dito at aalukin para maging model ng
kanilang magazine. Pero bakit parang hindi yata niya kayang makaharap ito. Matagal
na niyang pangarap na makita at makausap ito ng personal. Dahil sa simula
palang ay may kakaiba na siyang pakiramdam para sa babae na hindi nya
maintindihan at iyon ay hindi niya masabi sa kaibigang si Joseph. May kutob
kasi siya na hindi niya kayang sabihin sa ibang tao at tanging siya lang ang siyang
nakakaalam. Ni hindi niya ito masabi sa kaniyang ina na close sa kaniya mula pa
pagkabata. At talagang spoiled siya dito. Pero mula ng magdesisyon siyang
bumukod sa edad na dalawampu, bihira nalang sila magkausap dahil na rin sa
kagustuhan niyang mamuhay sa sariling mga paa. Katwiran niya, hindi na siya
bata. Kaya ngayong may gumugulo sa buong sistema ng kaniyang pagkatao, at iyon
nga ay ang babaeng hindi pa naman niya nakakaharap ng personal ay naiisip niya
ang kaniyang ina.
Malalim
na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. “Bahala na kung ano ang mangyayari
mamaya.” Aniya sa sarili. “At sana ay tama ang mga hinala ko.” Patuloy pa niya
at nag-ayos na ng mga gamit. Tutuloy siya sa press con ni Amber, at
magpapanggap muna siyang reporter para lang makalapit dito. Itutuloy na niya
ang naumpisahang plano. Hindi na siya pwedeng umatras dahil gusto na niyang
malaman kung tama nga ba ang lahat ng nakalap niyang impormasyon dito.
Nang
una kasi niyang nakita si Amber sa TV ay agad siyang nabighani sa ganda nito at
kasabay n’on ang pagsalakay ng kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya iyon
maipaliwanag pero napagtanto din niya kung bakit gayon na lang ang kabang kaniyang
naramdaman ng unang makita ito. At doon siya nag-umpisang kumalap ng
impormasyon tungkol sa babae. Marami siyang nalaman at natuklasan tungkol sa
nakaraan ng dalaga. Pati kung saan ito nagmula at kung anong pamilya ito
mayroon dati. Pero iyon ay mapapatunayan lamang niya kapag nakaharap na niya
ito ng personal at makausap. Doon niya malalaman kung katotohanan ba talaga ang
mga impormasyong ibinigay sa kaniya.
“Leila,
sana ay narito ka at nang hindi ako naguguluhan ng ganito.” Anas niya sa sarili
at napatitig muli sa painting na naroon. May mumunting luha na namumuo sa kaniyang
mga mata pagkasabi niyon.
Si
Leila ang batang babae na nasa painting at siya naman ang batang lalaki na
kahawak-kamay ng batang babae. Gawa iyon ni Leila n’ong mga bata pa sila.
Pareho silang mahilig sa pagpipinta at ang kanilang mga magulang ay matalik na
magkaibigan. Pero nagkahiwalay silang dalawa dahil sa isang aksidente. Ngunit
hindi siya naniniwalang aksidente ang nangyari. Alam niyang sinadya ang
trahedyang iyon sa pamilya ni Leila. Masakit man para sa kanya ang isiping may
kinalaman ang kanyang ama sa nangyari pero iyon ang kanyang lihim na
pinaniniwalaan.
Nagkaroon
kasi ng hindi magandang pagkakaunawaan sa negosyo ang dalawang magkaibigan at
doon nagsimula ang hidwaan ng kanilang mga magulang. Pero hindi iyon naging
hadlang para hindi nila ipagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan. Sa murang edad,
alam na ng batang si Harold na hindi lang kaibigan ang turing niya sa batang si
Leila kundi higit pa doon. Pero dahil sa insedenteng iyon, pati ang batang si
Leila ay napasama sa napahamak. Namatay ang mga magulang nito at pati ang
batang si Leila ay nakasama rin dahil sa pagsabog ng kanilang sinasakyang kotse,
nasunog ang mga nakasakay sa loob. Ni hindi na nga nakilala ang mga bangkay ng
mga ito.
“Oh,
Leila. Sana’y mapatawad mo ang aking pamilya sa nangyaring bangungot sa iyong
pamilya. At hanggang ngayon, hindi ako matahimik dahil alam kong hindi iyon
totoong aksidente. Leila, kung nasan ka man, nais kong malaman mo na ako ang
mas nagsusumamo sa’yo sa sinapit ng iyong pamilya sa kamay ng aking ama.” Panaghoy
n’ya. Labis siyang nagsisisi para sa kaniyang ama.
Sa
tagpong iyon, kinuha niya ang painting na nakasabit at niyakap ito. Para siyang
namatayan uli sa paggunita sa masalimuot na pangyayaring iyon. Tahimik siyang
umiyak, ngunit pagkatapos niyon ay inayos na niya ang kanyang sarili at diretso
ng lumabas ng kaniyang opisina at tinungo ang kaniyang sasakyan.
Tinahak
niya ang daan patungo sa SMX Convention Center kung saan gaganapin ang Press
Con ni Amber. Hindi na niya pwedeng ipagpaliban ito. Kailangan niyang makuha
ang sikat na modelo para sa kanilang negosyo. Desidido na siya para dito.
Kailangan nilang maging mapusok pagdating sa kompetisyon sa larangan ng
Entertainment. At alam nilang malaking tulong para sa kanila ang international
model na si Amber Villanueva. Para kay Harold, isang malaking break para sa
kanilang nag-uumpisang business oras na pumayag sa alok nila si Amber.
At
titiyakin niyang mapapapayag nga nya ito. Dahil na rin sa personal nyang
interes dito. At hindi sya papayag na tanggihan sya nito. Kahit ano ay gagawin
nya mapa-oo lang ito.
“I
need her, we need her.” Sambit nya habang nagmamaneho at nakatuon ang paningin
sa kalsada. Pero ng mapatingin sya sa kanyang relo ay late na pala sya para sa
press con. Kaya naman pinaharurot na nya ang kanyang sasakyan para makahabol
man lang sya kahit konti sa press con ni Amber. Hindi pwedeng ma-postpone ang
araw na to. Anang isip nya na mabilis pa rin ang pagpapatakbo sa kanyang
sasakyan. Nagdadasal sya na sana ay wala syang madaanang traffic para makaabot
sya.
Kaya
naman laking pasasalamat nya dahil nakarating syang hindi nangungunot ang noo
dahil sa traffic. Pero talagang 30 minutes na ang nasayang nyang oras. Kaya
naman tinakbo na nya ang daan papunta sa press con. Inililis na lang nya ang
kanyang long-sleeve na polo para hindi sya gaanong pagpawisan. Sinita pa nga
sya ng guard, Buti nalang at nakapagpagawa sya ng fake na ID na isa syang
reporter. Kaya ayon at pinapasok din sya ng guwardya.
Kasalukuyang
sinasagot ni Amber ang lahat ng mga tanong ng mga reporters na naroon ng ang
isang lalaki ang nagmamadaling dumulog sa harapan at mukhang isa ring reporter.
Tila nahuli ito sa oras na ibinigay nila para sa press con. Pero ng kanyang
titigan ito, napagtanto nyang magandang lalaki ito. May sinabi ang tindig nito,
at ang katawan, pang modelo. Maputi rin ito, napakalakas ng sex appeal nito,
para syang nahihipnotismo. Dahil titig na titig din ito sa kanya kaya hindi din
nya maalis ang pagkakatitig dito. Pero bago pa sya tuluyang nalulong sa magandang
tanawin na iyon, kinalabit na sya ni Cheska, marahil ay napansin ang kanyang
paghanga sa lalaki.
“Control,
darling.” Bulong nito sa kanya.
“Okay,
I’m sorry.” Aniya at nagbaba sya ng tingin. Pagkatapos ay iniwasan na ang titig
ng lalaki. At ipinagpatuloy ang pagsagot sa mga tanong ng mga reporters.
Maya-maya
ay ang lalaki naman na ang nagtanong sa kanya.
“Maari
ba naming malaman kung may isang lalaki na sa buhay ng aming international
model? I mean, isang lalaking inspirasyon mo?” Simula nito na pulos ang ngiti.
Simula kanina ay wala pang nagtatanong tungkol sa kanyang personal na buhay.
Pero bakit nga ba sya kinabahan sa tanong na iyon? Dati pa naman na tinatanong
iyon sa kanya. Pero taas-noo nya itong nasasagot ng normal pero bakit parang
naiba yata ang ihip ng hangin ngayon at bigla syang kinabahan sa simpleng
tanong na yon?
Samantala,
nabigla rin sya sa tanong nya sa dalaga. Bakit iyon ang naitanong nya? Hindi
iyon ang dapat nyang malaman kundi ang mga susunod nitong mga projects para
kahit sana sumingit lamang sila sa schedule ng dalaga.
Itinago
na lamang ni Harold ang kanyang pagkabigla sa pamamagitan ng kanyang ngiti at
ang matamang pagtitig sa dalaga. “Napakaganda
talaga nya, kung ano ang itsura nya sa TV at mga Magazines ay walang
pinagkaiba. Talagang walang mga niretoke sa mga korte ng kanyang mukha at
katawan.” Saisip ni Harold habang hinihintay ang sagot ng dalaga. “Kaya napaka-imposible sa kanyang walang
lalaking hindi mabibighani sa ganda nya.” Patuloy pa rin nito.
Kinabahan man
ay hinarap nya ng buong tapang ang tanong ng lalaki at tumitig din sya sa mga
mata nito.Tila nahihipnotismo sya ng mga mata nito. His eyes had its natural
Filipino color with long eyelashes. At hindi nya maipaliwanag kung bakit sya
nakikipagtitigan dito. Parang nakita na nya ang matang iyon pero hindi nya lang
matandaan kung saan at kailan.
“As
I have always said, I never had any inspiration in my life except my family.
Boys are always there and I think I just have to wait when my right guy comes.”
Sagot nalang nya sa tanong at sinabayan ng isang ngiti at binawi na ang tingin
sa lalaki dahil bigla na syang nailang at itinuon nalang ang tingin sa iba pang
reporters. Pero nakita nyang napangiti ito sa sagot nya at mukhang kontento
naman na.
“Well,
Miss Amber, may I ask, what are the next projects that you have to do on the
following days?” tanong naman ng isang reporter sa kanya.
“For
next week I’ll be in New York for Elite, but it’s just only for two day fashion
show. I’ll be back here for another cover of our own Magazine, and maybe
accepting new offers if some other magazine companies would allow me to be the
cover of their magazine.” Sagot nya at nagparinig pa. Alam nyang marami pang
mga bagong magazine ang gusto syang kuning cover ng kanilang mga magazine pero
ilang beses na rin syang tumanggi dahil sa hindi nya gusto ang theme ng mga
ito. Kahit pa mga sexy outfit ang kanyang mga isinusuot pag nagpo-pose sya sa
mga magazine ay hindi naman malaswang tingnan. At pinapanatili nya ang kanyang magandang
imahe pagdating sa pagmomodelo. Inalok na rin syang maging artista ng isang TV
station pero tumanggi sya. Sapat na sa kanya ang maging isang modelo. Besides
she’s not just a local model but an international model. Ano pa ba ang
hahanapin nya? Sikat na sikat na sya at natupad na rin ang isa sa mga pangarap
nya. Para sa kanya, malayo na ang nararating ng kanyang kasikatan. Kilala na
sya hindi lang sa sariling bansa kundi pati sa ibang panig na rin ng mundo. At
iyon ang ipinagpapasalamat nya kay Cheska na matyagang umaalalay sa lahat ng
kanyang lakad at desisyon. Hindi ito demanding pagdating sa mga offer sa kanya.
Basta kung saan sya komportable ay doon ito. Kaya naman narating nila ang
estado ng kasikatan na hindi nila inaasahan.
nice
ReplyDelete