Wednesday, March 6, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 7



Chapter 7


“Hey, you’re there. Akala ko kung saang lupalop ka na naman ng mundo nagsuot.” Ang bati sa kanya ni Jasmine ng makita siya nitong nakaupo sa couch. Pasado alas nuwebe na ng gabi at malalim pa rin ang kanyang iniisip. At si Jasmine naman ay kakagaling sa kung saang mall na naman ito nagpunta.
“And you? Where have you been the whole day?” sa halip na patulan ang sinabi ng dalaga ay siya na ang unang nagtanong.
Tinabihan siya nito na animo isang batang humalukipkip pa. “Ahmm, I just let myself enjoy freedom. Nakakabagot kayang magmukmok dito habang iba ang umaasikaso sa sarili kong kasal.” At lumabi pa ito pagkasabi niyon.
“Why don’t you try to work for your dad? Or sa bangko ko?” suhestiyon naman niya.
Napaisip naman ito. Hinimas pa nito ang sariling baba. “Why not? I’m graduate of Management, am I qualified to any of your vacant positions?” nagniningning naman ang mga matang tanong ni Jasmine.
“Mind if you will be my secretary? Well it’s just for the meantime, para lang hindi ka mabagot, ng may mapag-libangan ka naman.” Sagot naman niya.
“Hmmm, okay deal. That was fine with me, bago man lang siya dumating eh may magawa naman ako.” At humagikgik pa ito.
“So, anong mga pinamili mo? Dinamay mo ba ako diyan?” nakangiti ng tanong niya.
“Of course, makakalimutan ba kita?” sagot naman nito sabay tayo at binulatlat lahat ng mga pinamili nito.
Sandaling nakalimutan niya ang kanyang problema at nakangiting sinaluhan si Jasmine sa kasiyahang hated nito.

“ ‘Tay, magpagaling po kayo ah, para hindi na malungkot ang inay.” Ang sabi niya sa kanyang amang natutulog. Mag-isa lang siyang nagbabantay ng gabing iyon dahil pinauwi na muna niya ang kaniyang ina upang makipag-pahinga naman. Ganoon din ang kanyang kapatid.
At sa puntong iyon ay muli na namang tumulo ang kanyang luha.
‘Bakit ganito pa rin? Naaalala ko pa rin at nararamdaman ko pa rin ang sakit. Kailan ko ba makakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya? Hanggang kailan ko pagdudusahan ang nagawa kong pagkakamali? Matt, hanggang ikaw pa rin ang laman ng puso, at walang nagbago dito, alam konglabis kitang nasaktan noon sa ginawa kong pakikipaghiwalay sayo, ngunit kahit kailan walang sinumang pumalit sayo sa puso ko.’  Daing ng kanyang isipan.
“ ‘Tay, bakit po ganoon? Ako ang may kagustuhan pero bakit ako ang labis na nasasaktan? Bakit ako ang labis na nagdudusa? Ganoon ho ba kabigat ng nagawa kong pagkakamali?” umiiyak pa ring tanong niya sa natutulog na ama.
Mugto ang kanyang mga mata paggising niya kinabukasan. Mabuti nalang at wala pa ang kanyang ina kaya naman dali-dali siyang nagtungo sa banyo upang ayusin ang kanyang sarili.
Once kasing naging okay na ang lagay ng kanyang ama ay luluwas na muli siya ng Maynila para makabawi siya sa mga araw na hindi siya nakapasok.
Pagdating ng kaniyang ina ay nagpaalam muna siya para bumili naman ng mga supplies na magagamit sa kanilang bahay.

Nasa grocery store siya ng bigla niyang maramdaman na tila may mga matang nakatitig sa kanya. At upang makasiguro sa kanyang nararamdaman ay lumingon siya sa kanyang likuran. Ngunit wala naman siyang makitang taong nakatingin sa kanya. ‘Guni-guni ko lang siguro yun.’ Nasambit nalang niya sa kanyang isipan at ipinagpatuloy na ang pamimili.
After niyang mabayaran sa kahera ang kanyang mga pinamili ay mabilis na siyang nagtungo sa labas upang mag-abang ng masasakyan pauwi sa bahay nila.
At habang nag-aabang siyang ng pampasaherong Jeep ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone na indikasyon na mayroong nag-text sa kanya. Kaya naman ibinaba muna niya ang daawang supot na kanyang pinamili at tiningnan kung sino ang taong nag-text sa kanya.
‘Forgetting you is hard to do, but I think that I’m ready to let you go.’ Ang laman ng mensaheng ipinadala ng isang numerong hindi niya kilala at hindi nakarehistro sa cellphone niya.
Ngunit sa nabasang iyon ay bigla siyang kinabahan at naghinala kung kanino galing ang mensaheng iyon. ‘I know it’s you, but you told me you are getting married soon so bakit mo pa kailangang sabihin ito sa akin?’ ang siyang isinagot niya sa text. Alam niya at sigurado siyang si Matthew ang nagtext na iyon sa kanya. Kaya naman mas lalo lang siyang nasasaktan.
At ilang saglit lang ay muli siyang nakatanggap ng text message. ‘I want you to be happy, and I want you to know that you are always in my heart kahit na hindi ako at ikaw ang magkasama sa ating pagtanda.’
Napaiyak na siya sa huling nabasa. Pero muli pa rin niya itong sinagot. ‘Thank you for loving me, and thank you for being so understandable. You are always in my heart and always be my love.’ Huli na para pigilin niya ang huling sinabi niya dahil na-send na niya ito. “Hay, bahala na, kahit naman malaman niya ‘yun hindi na magbabago ang damdamin niya sakin eh.” Ang nasambit niya sa sarili.
At ng may tumigil na jeep sa tapat niya ay inayos na niya ang kanyang sarili at sumakay na siya roon.
Pasimple niyang pinunasan ang kanyang luhang dumaloy sa kanyang pisngi bago niya iniabot sa mamang driver ang kanyang bayad.
‘From now on, sarili ko naman na ang iisipin ko. Alam kong masaya na ngayon si Matthew sa piling ng babaeng mahal niya. And I want to see myself na nakakangiti na ng normal at hindi pilit. Matthew, I’m glad you found her.’ Ang laman ng kanyang isip habang nakasakay ng jeep.


Dalawang araw pa ang nakalipas ay nailabas na nila ang kanyang ama sa ospital. Bagamat hindi pa ito nakakakilos ng maayos ay nagpaalam na muna siyang babalik na siya ng Maynila dahil masyado ng mahaba ang kanyang leave at marami na rin siyang dapat na tapusin doon. Lalo na ang mga bagay na makipag-papaalala sa kanya sa nakaraan ay kailangan na niyang kalimutan at iwanan.
Balak niyang lumipat na na tirahan. Dahil mas hindi niya makakalimutan ang kanyang damdamin kay Matthew kung doon pa rin siya titira. Naging bahagi ng kanilang pag-iibigan ang bahay na iyon at hindi niya kayang kalimutan si Matthew hangga’t may mga lugar at bagay siyang nakikitang kaugnay ni Matthew.
Ngunit naiisip niya... “Siya nga pala ang bago naming boss, naku... patay na naman ang puso ko nito...” sambit niya sa sarili habang nasa kanyang silid at nasa harap ng salamin.
“Bahala na nga, basta, kaya ko ‘to. The old Jamila is back.” Sabay ngiti sa kanyang repleksiyon at lumabas na ng kanyang silid bitbit ang kanyang isang maliit na handbag.


“Hi, Carla. I heard na bukas ang balik sa trabaho ni Jamila. Tama ba ‘ko?” usisa ni Jasmine kay Carla ng isang umagang nagkasabay sila sa pagpasok.
Tiningnan muna ni Carla si Jasmine at inalam kung ka-plastikan lang ba ang ipinapakita nitong ngiti ngunit wala siyang makitang pagkukunwari sa hitsura nito.
“Ahmm, tumawag nga siya kahapon at ngayon nga daw siya luluwas ng Maynila at bukas ang sinabi ni Boss Matt na pagpasok niya.” Ang sagot nalang ni Carla habang naglalakad sila patungo sa kani-kanilang cubicle.
“Ahmm, I know nag-aalangan pa kayo sa akin, pero gusto ko sanang malaman niyo na hindi ko kailanman inagaw si Matthew sa kanya, at kahit kailan hindi ko gagawin iyon sa kahit na sinong tao.” Seryosong tura ni Jasmine at bago pa siya makasagot ay tumalikod na ito at nagtungo na sa kabilang opisina.
Tila natulala naman si Carla sa kanyang narinig. “Hindi ko naman sinabing mang-aagaw siya ah. Ang lakas naman ng vibration ng babaeng ‘to. Naramdaman na nag-aalangan akong kausapin siya. Pero hindi naman ako galit sa kanya.” bulong ni Carla sa sarili.
“Ano naman ang ibinubulong-bulong mo diyan sister?” bigla namang sumulpot na turan ni Kaila sa kanya.
Kulang nalang ay mapatalon at mapatili siya sa kagulatan. “Naman, Kaila, sa susunod magpasintabi ka naman bago ka magsalita diyan. Papatayin mo ko sa gulat eh.” Singhal niya dito.
“Sus! At ano naman ang ibinubulong ng mga labi mo kanina? Hindi ko naintindihan eh, masyadong mahina.” Nakangiti pang turan nito at tila nangingislap pa ang mga matang naghihintay ng sasabihin niya.
“Wala, kaya nga bulong dahil gusto ko ako lang ang makaintindi diba? Edi sana tinawag na kita kung sasabihin ko yun sayo.”
“Andamot naman nito, mamaya na nga lang. Pagkatapos ng office hours ah, sabihin mo sakin ‘yan.” Hindi naman natitinag sa ipinapakitang pagseseryoso niya ang kaibigan at tila nasisiyahan pa ito.
“Oo na, sige na magtrabaho ka na.” Sabi nalang niya at muli siya nitong nginitian at nagtungo na ito sa sariling puwesto.
Naiiling nalang na itinuon niya ang atensyon sa trabaho.

“Nay, Tay, aalis na po muna ako, kailangan ko lang po talagang ayusin muna ang trabaho ko bago ako tuluyang umalis doon at dito nalang po ako maghahanap ng trabaho, total matatapos naman na po si Jella kaya wala na po akong iintindihin pa kundi kayo nalang po.” Ang Paalam niya sa mga magulang.
Nakaka-upo naman na ang kanyang ama ngunit hindi pa ito gaanong nakakapagsalita. “Anak, hindi mo naman kami dapat isipin dito dahil ayos lang naman kami, ang isipin mo ay ang sarili mo, dahil mukhang wala ka na yatang balak makipag-relasyon ulit dahil sa nangyari. Anak tandaan mo, malungkot ang mag-isa sa buhay. Maliban sa pamilya mo, kakailanganin mo pa rin isang taong makakatuwang mo sa buhay.” Ang mahaba namang sabi ng kanyang ina.
Ngumiti siya dito at niyakap. “Nay, salamat po sa pag-intindi, pero darating naman po ang tamang para sa sinasabi niyo, pero sa ngayon, kayo ho muna ang priority ko.” Ang sambit niya habang nakayakap dito.
“Siya sige...” at kumalas na ang kanyang ina. “Kailangan mo ng umalis at baka gabihin ka sa daan, delikado pa naman ang Maynila kapag gabi. Basta anak, mag-iingat ka doon ah.” Madamdaming saad ng kanyang ina.
“Opo Inay.” Sagot naman niya at binalingan niya ang kanyang kapatid. “Jella, huwag mo sana akong bibiguin. Ikaw lang nag-iisang kapatid ko at gusto kong maging maganda ang kinabukasan mo.” Ang sabi niya dito.
“Ate, don’t worry, you’ll be proud of me. I promise.” Nakangiting saad naman ni Jella sa kanya.
Hindi na niya napigilang hindi yakapin ang kapatid. May tiwala siya sa kanyang kapatid at alam niyang hindi siya mabibigo dito. Ilang buwan nalang ay graduate na ito at may makakatulong na siya para sa kanilang pamilya. “Basta huwag magiging sakit ng ulo nila inay at itay, huh?” muling sambit niya.
Tumango naman ito. “Pangako.” Ang isang maiksing sagot ni Jella.
“Siya sige, tama na ang drama, nariyan na ang tricycle. At ng maaga kang makarating sa tinitirhan mo.” Ang sabat naman ng kanyang ina.
“Sige po, Nay. Kayo na ho muna ang bahal sa Itay.” Huli niyang sinabi at sumakay na siya sa tricycle na inarkila niya patungo sa sakayan ng bus papuntang Maynila.
Kumaway naman ang kanyang ina at kapatid sa kanya. Mahirap man na iwanan ang kanyang pamilya ng may inaalala pa ay kailangan niyang gawin para na rin sa kanya at sa kanyang pamilya.
Tatapusin nalang niya ang kanyang mga naiwang trabaho at magre-resign na siya. Kailangan niyang i-kondisyon ang kanyang sarili para sa pagbabalik niya sa trabaho at lalo ang makaharap muli ang lalaking tanging isinisigaw pa rin ng kanyang puso.

Habang nagbibiyahe sakay ng Fivestar Bus si Jamila ay isang mensahe ang kanyang natanggap mula kay Carla.
‘Jam, Jasmine is her name, ang fiancée ni Sir Matthew. And she’s nice, wala kaming makitang mali, kahit na alam niyang nag-aalangan kaming kausapin siya ay lumalapit pa rin siya samin and she’s trying to be friendly.’ Ang laman ng text message ni Carla.
Hindi siya makaramdam ng sakit o panghihinayang sa nabasang iyon na siyang labis niyang ipinagtaka. Hindi nalang niya ito sinagot at ipinahinga nalang ang isip. Pagod na siyang mag-isip ng ikasasakit lang ng kanyang puso. Kaya ipinasya niyang umudlip nalang habang nasa biyahe. Saka nalang niya pagtutuunan ng pansin ang sariling damdamin. Sa ngayon ay gusto niyang ipahinga naman ito kahit saglit lang.


Nasa veranda si Matt ng bidlang nag-ring ang kanyang cellphone. At kinabahan siya sa kanyang nakita. Tumatawag muli ang kanyang kapatid. Ngunit wala siyang magawa kundi ang sagutin ang tawag nito.
“Hello!” unang sambit niya.
“Mattie, what are you doing?” pagalit na tanong ng nasa kabilang linya.
“Nothing.” Nanlalatang sagot niya.
“Nothing? So, it’s just nothing with you? Mattie, Jamila is not a toy; you know how much I love her.” Singhal ng kanyang kapatid.
“I’m doing this for you, I know you love her, pero ikakasal ka na at kailangan mong tanggapin na hindi na pwedeng maging kayo. Matt, you’re my twin brother, and I care for you, kaya ko ginagawa ito para malaman ni Jamila na labis ka niyang nasaktan. She’s not worth for your love, Matt. She deserves to suffer.” Hindi na napigilan niya napigilan na magalit sa kakambal.
“Kaya nagpanggap kang ako ay ikaw. Mattie, hindi niya kailangang danasin ang dinanas kong sakit dahil alam kong nasaktan din siya sa ginawa niya. Alam kong labag sa loob niya ang ginawa niyang pakikipag-hiwalay sakin. Hindi niya kailanman maiisip na makipag-hiwalay sa akin.” Mariing sumbat ni Matthew sa kabilang linya.
“Anong ibig mong sabihin?” tila nagtataka naman siya sa sinabing iyon ng kanyang kakambal.
“I saw Dad and her talking the day before she broke-up with me. And it is loud and clear, na binantaan ng Dad si Jamila na kapag hindi siya nakipag-hiwalay sa akin, pamilya niya ang magdudusa. So please, Mattie, before i got home,gusto kong maayos mo na ang gusot na ginawa mo. I will forgive you, basta maayos mo lang ang gulong ‘to, ako na ang magpapaliwanag ng lahat-lahat kay Jamila pagkauwi ko.” Mahinahon ng pahayag ni Matthew.
Nagulat siya sa narinig. Pero bakit parang mabigat sa pakiramdam niyang muling magkakabalikang si Matthew at Jamila oras na aminin niya sa dalaga ang katotohanan. Oo at ikakasal na si Matthew, at alam niyang minahal na rin ng kanyang kakambal si Jasmine, pero bakit tila hindi niya kayang makitang magkalapit muli si Jamila at ang kambal niya? “Okay, aayusin ko.” Ang sabi nalang niya ngunit tila mabigat sa loob niya.
“Aasahan ko ‘yan, Bro. By the way, Jasmine called me a while ago; she told me na binigyan mo siya ng pansamantalang trabaho. Thank you, Bro for taking care of my fiancée, I owe you a lot.” Batid niyang nakangiti na si Matthew sa tono ng pananalita nito.
“Sinabi niya kasing nabo-bore siya dito sa bahay eh, so I offer her a job as my secretary, pero ang alam nila sa office ay ako ang fiancée niya dahil hindi nila alam na may kambal ka.” Sagot naman niya ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha.
“They will know that soon, I hope you’ll do it for me.” Muling turan ni Matthew na halatang humihingi muli ng pabor sa kanya.
“Okay, fine. I know I did a huge mistake, but please huwag mo ng ulit-ulitin.” Naiirita ng tugon niya. “Tapos kapag naayos ko, babalikan mo si Jamila at iiwan mo si Jasmine? Matt, mahal na mahal ka ni Jasmine, sana naman bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mahalin din at hindi puro nalang si Jamila ang bukang-bibig mo dahil nasasaktan din siya.” Hindi na niya napigilang sabihin ang kanina pa niya tinitimping sabihin dito. Ngunit ewan niya, kung bakit hindi niya gustong magkabalikan si Jamila at Matthew. Basta ayaw lang niya.
Hindi na nagsalita si Matthew sa kabilang linya at narinig nalang niya ang end tone ng telepono.
Napasuntok siya sa hangin. “Damn!!! Bakit ba ako nagkakaganito? Am I...” natigilan siya sa susunod na sasabihin. “No! It can’t be.” Pagwawaglit naman niya sa naiisip at tumungo nalang siya sa banyo at naligo nalang.


No comments:

Post a Comment