Wednesday, March 6, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 6



Chapter 6



Pakiramdam niya ay nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa balitang nalaman. Kung ganoon ay talagang ipinapaalam lang ni Matthew sa kanya na talagang hindi na pwedeng ibalik ang dati sa kanilang dalawa. Na pagkakaibigan nalang ang tangi nilang maibabalik.
Napansin naman ng kanyang ina ang tila pagkabalisa niya. “Anak, may problema ba sa trabaho mo?” hindi na napigilang tanong ng kanyang ina.
Napalingon naman siya sa ina. “Ah, wala po ‘Nay, inaaalala ko lang po yung mga naiwan kong trabaho pero sabi naman po ni Ate Carla ay ayos lang daw ang lahat at wala naman daw pending.” Sagot nalang niya sa ina dahil ayaw niyang pati ito ay madamay sa personal niyang problema.
Tumangu-tango lang naman ang nanay niya. “Malapit ng operahan ang tatay niyo, nawa’y kayanin ng katawan niya ang operasyon.” Nasabi nalang nito at muling tinungo ang asawang walang malay.
Napapaiyak naman siya hindi dahil sa tatay niya dahil alam niyang palaban ang kanyang ama. Kundi dahil sa katotohanang, hindi na niya maiiwasan si Matthew, hindi na niya maiiwasan na mahalin pa ng sobra ang nag-iisang lalaking minahal niya.
It was her who make their relationship over, pero siya rin ang mas nasasaktan dahil sa pagkakamaling ginawa niya.
Lumabas nalang muna siya para ibuhos ang luhang kanina pa niya gustong ilabas.

“Hindi talaga ako makapaniwala. Si Matthew ba talaga ang nakita ko? Sureness ba talaga itech?” ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Kaila habang nasa training room silang lahat at hinihintay ang bago nilang boss na si Matthew para sa unang briefing at ng makilala na rin nila kung sino ang Matthew pagdating sa trabaho.
“Sureness yan, Mare. Kinurot na nga ako ni Jessa para lang malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi eh.” Natutuwang sagot naman dito ni Carla.
“Quiet, nandiyan na si Matthew, ay, Sir Matthew pala.” Ang pabulong na sabi naman ni Jessa na sinundan niya ng mahinang hagikgik.
Umayos na sila ng upo at hindi nila maintindihan pero iba ang pakiramdam nila sa Matthew na nasa harapan nila ngayon. Tila hindi na ito ang dating Matthew na nakilala nila na naging kaibigan nila.
“He seems so different.” Naibulong ni Carla.
“I agree.” Tumatangu-tangong tugon naman ni Kaila.

Isang seryosong Matthew ang nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Masasabing isang istriktong Matthew ito ngayon.
“I think some of you already knew me. But then i just want to introduce myself first to you before anything.” Unang bungad na sambit ni Matthew na mahinahon na paraan naman.
Tahimik lang naman ang mga empleyado maging ang mga dating kaibigan.
“I’m Matthew Emmanuel Mendez, your new boss.” Taas-noong pagkasabi nito.
“I just want you to know that, there are no changes regarding on your respective jobs. Maybe you’re expecting some changes, but in my review, there’s no reason to change with the flow of your works, but I need all of you to cooperate, iwant everyone to help me to make this bank more successful than ever.” Ang paglilinaw ni Matthew sa mga empleyado na halatang natahimik ng nagsalita siya
“And, Carla...” sabay baling nito kay Carla.
“Yes, Sir.” Tila gulat na sambit ni Carla.
“...I know you are a friend of Jamila, give my prayers to her father.” Sabi ni Matthew at diretso ng umalis sa Training room.
“Yes, Sir.” Pahabol naman na sagot ni Carla.
At sa puntong iyon ay nilapita siya ng mga kasamahan.
“Grabe, akala ko ba masungit siya?” tila Habol ang hiningang sabi ni Aicel.
“He’s not the same person. Hindi na siya ang Matthew na nakilala natin noon.” Ang tugon naman ni Carla.
“Tama ka, Carla. Oo at hindi nga siya nagsungit ngayon, pero malay ba natin kinabukasan o sa makalawa? He’s not the old Matthew that we’ve met before.” Sabat naman ni Kaila.
“Gan’on ba? Hay, sayang naman siya, napakaguwapo pa naman niya.” Ang nasabi ni Misha, ang bagong teller ng bangko.
“Oo, kaya hindi dapat tayo makampante.” Sagot naman agad ni Carla at agad ng tumayo para gawin na ang dapat gawin.
Sumunod naman ang mga kasama na halatang naninibago sa kanilang bagong boss.

Dalawang oras bago inilabas sa operating room ang tatay ni Jamila. At kinakabahan sila sa sasabihin ng doctor.
“Dok?” nagtatanong na sambit ng kanyang ina.
“Misis, your husband is now okay, kinaya niya ang operasyon at kailangan nalang niya ng mahabang pahinga para sa kanyang sugat.” Nakangiting sagot naman ng doktor.
“Doc, we owe you a lot.” Ang tangi namang nasabi niya.
“I just did my job, Hija.” Ang sabi naman ng doctor at dumiretso na ito patungo sa opisina nito.
Nagyakap naman silang mag-ina. Si Jella naman ay nasa eskwelahan pa. Hindi na nila ito pinagbantay dahil kaya naman na nila. Nagpilit ito pero nangako naman siyang babalitaan nalang niya ito. Kaya naman kumalas na siya sa ina at idi-nial ang numero ni Jella.
Matapos ibalitang maayos na ang kanilang ama kay Jella ay umalis muna siya sa ospital at tumawag sa opisina.

Sa paulit-ulit na pagri-ring ng telepono sa may reception area at dahil nagkataong napadaan siya, siya na ang sumagot nito.
“Yes Hello, Good Morning.” Mabaritonong tugon niya pag-angat niya ng telepono.
Hindi naman nagsalita ang nasa kabilang linya.
“Hello?” ulit niya.
“Ah, puwede po ba kay Carla?” tila nanginginig na sambit ng nasa kabilang linya.
At kilala niya ang tinig na iyon. Hindi siya maaring magkamali. “Jamila?” aniya.
“Yes?” halata pa ring kinakabahan ang boses sa kabilang linya.
Carla is on break.” Tila hindi naman malaman ni Mattie ang kanyang sasabihin kaya iyon nalang ang kanyang sinabi.
“Ah... ganoon ba? Sige, tatawag nalang ako mamaya...” akmang ibababa na nito ang telepono ngunit biglang tila may nag-udyok sa kanyang pigilan ito.
“...Jamila wait!” sambit niya.
“B-bakit?” nag-stammer pang tanong ni Jamila sa kabilang linya.
“Can we talk?” malumanay naman na tanong niya dito.
“About what? Hindi ba nakapag-usap na tayo? Akala ko ba okay na ang lahat?” sunud-sunod na tanong ni Jamila ngunit hindi naman ito galit.
“I just want to tell you something.” Seryosong saad niya.
“Matt, I know it’s my fault, and I know nasaktan kita ng labis, pero ibaon nalang sana natin sa limot ang mga pangit na nangyari sa atin at magsimula tayo muli ng panibagong simula na bilang magkaibigan.” Mahabang litany ni Jamila na hindi man lang inintindi kung ano talaga ang sasabihin niya.
Saglit siyang natahimik sa tinuran ng dalaga. Alam niya sa sarili niya na mali ang kanyang ginagawa. Pero siguro nga ay makakabuting isara na niya ang kabanata ng buhay ni Matt at ni Jamila. Magsisimula na siya sa isang kabanata ng siya naman ang minamahal.
“I just want to say that I’m getting married soon.” Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Ayaw na niyang marinig pa ang magiging reaksyon ni Jamila.
“I’m sorry, Jamila.” Bulong niya sa sarili at dumiretso na siya sa kanyang opisina.

Natulala naman si Jamila sa kanyang kinatatayuan pagkarinig sa sinabi ni Matt. ‘Kasalanan mo naman kung bakit ka nasasaktan ngayon hindi ba? Nakipaghiwalay ka sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawang masama. Dahil akala mo sa sobrang bait niya ay nasasakal ka na, pero bakit patuloy mo pa rin siyang minamahal kung alam mong imposible ng madugtungan ang dati niyong pagmamahalan?’ sambit ng kanyang isipan habang nagsimula ng maglandas ang mga luha sa kanyang mala-anghel na pisngi.
‘Bakit ba napakatanga ko? Bakit ko pinakawalan ang taong ni minsan ay hindi naging sakit ng ulo ko? Bakit ko hinayaang mawala ang isang lalaking buong pusong minahal ang isang tulad ko? Ngayon at may minamahal na siyang iba, puso ko rin ang labis na nagdudusa dahil sa katangahang ginawa ko.’ Umiiyak na sigaw ng kanyang puso. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa maling desisyon na kanyang ginawa na kailanman ay hindi na niya mababago pa.
At sa puntong iyon ay tumakbo siya sa loob ng ospital at binaybay ang hagdan paakyat sa building na iyon hanggang sa marating niya ang rooftop ng ospital.
Hingal na hingal siya. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng mga masasayang alaala nila ni Matt ngunit alam niyang imposible iyon.
“Baaaaaaakkkkkiiiittttttttttt?” sigaw niya. At doon ibinuhos ang buong lakas upang kahit saglit ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.
At doon din niya ibinuhos lahat ng luhang kanina pa talaga gustong kumawala sa kanyang mga mata.
“Bakit ako ang labis na nasasaktan? Dapat ay masaya ako dahil masaya ka na. Pero bakit ansakit dito?” sabay turo sa kanyang dibdib.
“Matt, bakit mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin ang laman nito?” Patuloy niyang tanong.


Samantala kadarating lang ni Jella galing eskwelahan at dumiretso na agad ito sa ospital upang makita ang kalagayan ng kanilang ama.
“Nay, kamusta na po si Itay? Ayos lang ho ba siya? Wala po bang naging problema?” sunud-sunod na tanong ni Jella sa ina.
Tumayo naman ang kaniyang ina at inakay siya palapit sa tahimik na natutulog nilang ama. “Maayos at tagumpay ang naging operasyon, kaya pahinga nalang ang kailangang ng itay niyo.” Mahinahong sagot naman ng kanilang ina.
Umupo siya sa tabi ng kama ng kanilang ama at luminga-linga sa paligid. “Siyanga po pala, Nay. Nasa’n po si Ate? Ba’t po hindi ko siya mahagilap dito?” takang tanong niya.
“Lumabas lang siya kanina ng mailabas na ang itay niyo sa operating room, siguro tumawag sa opisina ang ate, alam mo naman yun, masyadong dedicated sa trabaho niya.” Ang walang kamalay-malay naman na sagot ng kanilang ina.
Tumango-tango nalang si Jella ngunit may pakiramdam siyang may problema ang ate niya. Pagdating palang kasi nito kahapon ay iba na ang pakiramdam niya sa hitsura nito. Kaya naman tiyak niyang may problema ito na ayaw lang na idamay pa sila.

Carla, may narinig akong tsismis.” Excited na turan ni Kaila at sabay upo sa tabi ni Carla.
“Kahit kailan talaga napaka-tsismosa mo.” Sambit naman ni Carla
“Naku, ayos na yun at least nakakasagap kayo ng fresh na balita mula sakin.” At sinabayan pa nito ng isang malutong na tawa.
Natawa naman ang iba pang mga kasamahan sa tinuran ni Kaila.
“Dali na kung ano mang tsismis yan.” Gagad naman ni Aicel.
“Isa ka rin, Aicel.” Sabi ni Carla.
“Dalian na yan.” Sabat naman ni Jessa.
“Ay ewan ko sa inyo.” Sabay irap ni Carla.
“Sus, alam kong magiging interesado ka din dito dahil tungkol ito kay Sir Matt.” Tila nangingislap pa ang mga mata habang sinasabi ni Kaila iyon.
Bigla namang natigilan ni Carla sa gagawin sana. “Anong tungkol sa kanya?” agad niyang tanong dito.
“O, edi naging interesado ka nga.” Muli sinundan ng tawa ni Kaila.
“Dali na kasi, mambitin ba?” naiinip ng turan niya.
“Oo na, eto na nga. Pupwesto lang.” At muli pa itong tumawa.
At inayos na ni Kaila ang kaniyang upo at biglang sumeryoso ang mukha.
“Anong ibig sabihin niyang emote mong yan?” basag agad ni Carla.
“Kasi nga seryoso ang sasabihin ko.” Seryosong tugon naman ni Kaila.
“Dalian na kasi at baka maabutan pa tayo dito.” Sambit naman ni Jessa.
“Oo na... huwag kasi kayong masyadong atat.”
“Atat, kami pa ang atat ngayon eh ikaw ‘tong nanggugulo samin.” Sabi naman ni Carla.
“Weh? Pano pag nalaman niyong ikakasal na si Sir Matt? Anong magiging reaksyon niyo?” ang walang pakundangang pagkasabi ni Kaila.
“What?!” sabay-sabay na reaksyon ng mga ito.
“Sabi ko nga magugulat kayo. Kahit ako nung marinig ko eh.” Ang tanging nasabi ni Kaila.
“Pano nangyaring ikakasal na siya? Kanino? Saan?” sunud-sunod naman na tanong ni Carla na hindi makapaniwala sa narinig.
“Oooopppsss! Wait lang ah, hindi ko rin alam, basta narinig ko lang mismo sa bibig ni Sir Matt. At kausap niya that time si Jamila.” Biglang nalungkot naman ang mukha ni Kaila.
“Ano?!” sabay-sabay ulit na sambit ng tatlo.
“Naman, chorus talaga? Oo nga, dinig na dinig ko.” At ikinumpas pa ni Kaila ang dalawang kamay na kala mo ay sumusuko na sa laban.
“Tiyak na sobrang sakit no’n kay Jamila.” Ang sabi ni Jessa.
“Tama ka diyan. Mahal na mahal ni Jamila si Matt eh.” Segunda naman ni Aicel.
“Wala na tayong magagawa, nandiyan na ‘yan, ang kailangan ngayon ni Jamila ay kaibigan na dadamayan siya. May sakit pa naman ang tatay nun. Haaayyy, nagkasabay-sabay pa.” Napapabuntong-hiningang turan ni Carla.
“Oo nga, paniguradong ambigat-bigat ng pakiramdam ngayon ni Jamila.” Sambit ni Jessa.
“Tama kayo, kaya dapat full support tayo sa kanya ngayon.” Pinapasigla naman ni Kaila ang boses para hindi masira ang araw ng bawat isa.
“O siya sge, kailangan muna nating tapusin ang trabaho natin bago natin kamustahin si Jamila.” Suhestiyon naman ni Carla sa mga kasama.
Kanya-kanya namang balik sa kani-kanilang trabaho ang tatlo.


“Bro, please take care of her while I’m away.”
“No problem, Bro, I can take care of her, no one will hurt her.” Assurance na binitawang salita ng binata.
“I trust you, Bro.” Ang huling turan ng nasa kabilang linya bago nito ibinaba ang aparato.
Tila balisa namang naupo sa couch ang binata.

No comments:

Post a Comment