Chapter 4
Maagang pumasok si
Jamila upang sana ay kausapin ang taong nakabili nang bangkong kanyang
pinagtatrabahuan. Pero disappointed sya ng hindi mismo ang may-ari ang
makakausap nya.
“Well, Miss Gomez, I’m
sorry dahil nasa Singapore siya ngayon, inaayos pa ang isa naming business deal
doon, pero kung ano man ang concern mo ay maari mo din namang sabihin sa akin.”
Paliwanag naman ng General Manager daw nito.
“Kung ganun pwede bang
makiusap sa inyo na huwag nyo nalang kami tanggalin dito?” umpisa nya at naupo
sya sa visitors chair ng opisina nito na dating opisina ng kanilang boss.
“Well in that case, I
think that’s really a big problem, the only thing I can promise is that I can
talk to my boss, but I can’t promise you that he will agree with what you
want.” Malungkot nitong tugon sa kanya.
“Parang awa na po
ninyo, napamahal na po kasi ang bangkong ito sa amin, at alam kong alam po
ninyo na mahirap maghanap ng trabaho ngayon.” Patuloy pa rin nya.
Mukhang naawa naman ito
sa kanya. “Okay, papakiusapan ko ang boss ko tungkol dito pero baka isa lang sa
inyo ang talagang mag-i-stay dito, kaya mamili na kayo kung sino ang talagang
mananatili dito.” Tugon naman nito.
“I-isa lang?” nanlambot
sya sa narinig. “P-pero bakit? Mapagkakatiwalaan naman kami, at subok na kami
ng mga kliyente dito. And I promise to you that we can work efficient because
we never had a record of backlog here. Even if you say “It is rushed” we can do
it right away.” Pagyayabang nya. Dahil ‘pag hindi nya sinabi yon ay may
possibility na laitin ang serbisyo nila.
“We know that, but as
I’ve said, it’s up to my boss.” Mahinahon naming asgot nito.
“Please, Sir, I’m
begging you. We need this job that we had, huwag niyo naman po sanaitong alisin
sa’min, nakikiusap na po ako sa inyo.” Pagmamakaawa pa rin niya dito.
“I can’t decide now,
Miss Gomez, but give me time until tomorrow. I am going to tell you his
decision.” Isang assurance na lang ang naibigay nito sa kanya.
“Okay po, Sir,
hihintayin ko nalang po ang desisyon nya.” Malungkot nyan wika.
“Pasensya ka na talaga,
Miss Gomez that is the only thing I can promise to you.” Nakikisamo naming
tugon ng lalaki.
“It’s okay po, I
understand naman po.” Aniya at nagmartsa na palabas ng opisina.
“Miss Gomez, expect
good news tomorrow.” Pahabol naman nito bago sya makalabas.
Lumingon naman sya dito
at nagpasalamat at dumiretso na sa labas. Diretso sya sa kanyang opisina. At
doon ibinuhos nya ang iyak na kanina pa nya tinitimpi para hindi naman sya
magmukhang desperada talaga.
“Bakit ba ang bigat ng
pakiramdam kong mawala sa lugar na ‘to?” tanong naman nya sa sarili.
‘Marahil ay naghahangad ka pa ring babalik dito si Matthew.’ Sagot
ng kanyang isip.
“I don’t think na
babalik pa sya, sana ay noon pa.” sagot naman nya.
‘Haaaayyyy…ano
bang nangyayari sa kin?Nababaliw na ko’ anang
kanyang isip.
“Oo, baliw ka na nga,
Jamila. Bakit ka pa umaasang babalik sya samantalang kasalanan mo naman kung
bakit ikaw ang nahihirapan ngayon.” Sagot nya pa rin sa isip.
At sa bigat na
nararamdaman, idinaan nalang nya sa kanyang trabaho ito. Isinubsob nya ang
sarili sa trabaho. Ni hindi na nga nya napansin ang usapan ng kanyang mgaka-opisina
sa labas.
“Alam nyo, mahal talaga
ni Jamila ang bangkong ito, biruin nyo, kinausap talaga yong general manager
para lang pakiusapan na huwag na tayong paalisin dito.” Pabulong na wika ni
Kaila.
“Sinabi nyo pa, kilala
natin si Jamila, at talagang ginagawa kung ano ang gusto kaya ayon nagmukha
tuloy kawawa sa paningin ni Sir Rocky.” Pagsang-ayon naman ni Jessa.
“Alam nyo? Naawa ako sa
kanya eh. Hindi sa tatanggalin tayo, dahil sigurado akong hindi lang dahil sa
mawawalan tayo ng trabaho kaya ayaw nyang umalis dito.” Komento naman ni Carla.
“At ano naman ang isa
pang dahilan?” usisa ni Kaila.
“Marahil ay umaasa
syang dadalaw ulit dito si Matthew.” Sagot ni Carla.
“Kaya?” tanong naman ni
Jessa.
“Yon ang pakiramdam ko,
dahil simula ng makipaghiwalay sya dito ay nag-iba na ang dating Jamila na
kilala ko, hindi na sya ang dating masayahin, naging super subsob sya sa
trabaho at hindi na sya laging sumasama sa’tin sa mga lakad natin na dati naman
nyang ginagawa.” Paliwanag ni Carla.
“Siguro nga.Dahil sobra
talaga nyang pinagsisihan ang ginawa nya.Kung bakit pa kasi sya
nakipag-hiwalay.Haaayyy.Ang pag-ibig nga naman.” Si Kaila.
Pare-parehong napailing
nalang ang tatlo.At talagang nakikisimpatya kay Jamila.
Samantala,
magsho-shower nasana si Matthew ng bigla namang tumunog ang kanyang telepono.
Nakalipat na siya sa kanyang condo at gusto niya munang ma-refresh sana ang
kanyang katawan at utak. Hindi na niya hihintayin pa ang susunod na buwan dahil
na rin sa kanyang pinaplano.
“Hello?” aniya
pag-angat niya ng auditibo.
“Pare, it’s me.” Sagot
ng nasa kabilang linya.
“What’s the problem?”
sumeryoso ang tono ng boses niya dahil mukhang alam na niya kung ano ang
sasabihin nito sa kanya sa tono ng boses nito.
“She’s begging me;
actually, she wants to talk to you.” Sagot nito.
“Rocky, did you tell
her, that I’m the new owner of the bank?”
kunot-noong tanong niya.
“No, no, no. I didn’t
tell her anything but she is asking a favor, and that is, she wants you to let
their group stay at the bank.” Sagot naman nito sa kabilang linya.
Napangiti siya sa
narinig. Alam niyang gagawin iyon ni Jamila dahil mahal nito ang kanyang
trabaho. “Ako ang magsasabi sa kanya ng goodnews. Actually hindi ko naman
plinano na tanggalin sila, sinabi ko lang yun para makita kung ano ang magiging
reaksyon nila.” Natatawang sambit niya.
“Are you making fun of
Jamila, Matt?” tila galit ang tono ng kaibigan sa tanong nito.
“What!?” gulat naman na
balik tanong niya sa kaibigan.
“I’m just asking,
Matt.” Depensa naman nito.
“Of course not. I’m not making fun to any of them.
Sinusubukan ko lang sila at mukhang isa lang talaga ang dedicated sa kanyang
trabaho doon.” Mahinahong sagot niya sa kaibigan.
“Please, Matt. Stop
making her and yourself miserable.” Sa halip ay payo ng kanyang kaibigan.
Natigilan siya sa
tinuran nito. Saglit siyang natahimik.
“Pare, I just want you
two to have closure. Siguro nga ay mahihirapan kayo sa una, pero mas mahihirapan
kayo kung patuloy niyong iiwasan ang bawat-isa. At kung patuloy niyong titikisan
ang isa’t-isa, hindi kayo kailanman magiging masaya.” Patuloy ni Rocky.
“I’ll think of that,
Rocky.” Tanging nasambit niya.Dahil aaminin niya, tama ang kanyang kaibigan. Na
hindi na dapat niya iniiwasan ang babaeng mahal niya. Pero paano kung sabihin
nitong mahal pa rin siya nito? Anong gagawin niya? Maraming tanong ang namuo sa
isipan niya sa isiping iyon ni Matt.
“Basta, kailangan
niyong magkausap. Ng kayo lang.” pahabol na sambit ni Rocky bago nito ibinaba
ang telepono.
Nagtuloy siya sa
kanyang banyo at doon ibinuhos ang bigat na nararamdaman ng kanyang katawan at
isipan. Napaisip siya sa payo ng kanyang kaibigan. Maaring tama ito, ngunit ang
kanyang ikinababahala ay kung ano ang magiging reaksyon nito pag nagkita na
sila. Kahit na plano na niyang magpakita dito ay kinakabahan pa rin siya sa
pwede niyang makitang magiging reaksyon ng mga tao roon lalo na si Jamila.
Plano niyang ipaalam sa
mga ito na malapit na siyang ikasal. Ngunit bigla naman siyang nag-alala sa
magiging reaksyon ni Jamila. Paano kung tuluyan na nga siyang kinalimutan nito,
kung tuluyan na siyang ipinagpalit sa iba. Paano kung hindi na talaga siya
mahal nito?
“Geez, bakit kasi
hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya?” nasambit niya habang nasa ilalim ng
umaagos na tubig na nagmumula sa kanyang shower.
Matagal siyang nagbabad
sa tubig bago niya naisipang magpatuyo na. nakatapis lang siya ng tuwalya ng
sakto namang may mag-doorbell. Hindi na siya nag-abalang magbihis dahil naisip
niyang ang housekeeper lang iyon kaya naman dumiretso na siya sa pintuan at
binuksan na agad ito. Hindi na niya sinilip sa peep hole kung sino ang nasa
labas.
At isang gulat na
reaksiyon ang gumuhit sa kanyang mukha sa napagbuksang panauhin.
“I know you’ll be
surprised. But we already talked about this. So, I also need to stay here.”
Agad na bungad na salita ng babaeng kanyang napagbuksan.
Kung titingnan ito,
nasa 5’9 ang height nito, mestiza ang kutis, at mukha itong modelo ng mga sikat
na damit sa ibang bansa. Makikita sa galaw nito ang pagiging maarte at sosyal.
Hindi pa rin siya
makahinuha sa pagkagulat kahit na ang babae na mismo ang nagkusang pumasok sa
kanyang unit kahit na hindi pa niya pinapapasok.
“Come here, Sweetheart.”
Maarteng anyaya nito ng makaupo na sa kanyang sofa.
“What the hell comes to
your mind to come here this so early?” kunot-noong tanong niya ng makabawi nan
g huwisyo.
“I just can’t wait so
long.” Parang batang sambit nito at humalukipkip ito sa kinauupuan.
He chuckles. “Really? O
dahil sa nagkaproblema na naman kayo ng papa mo?” sarkastikong tanong niya.
“Matt, can’t you just
welcome me here?” reklamo nito.
“Jasmine, the wedding
is not yet all settled so why you’re here?” muli niyang tanong at nakatayo pa
rin siya sa harapan nito.
Tumingala ito sa kanya
at kunot-noong tiningnan siya. “So what? I’m bored at home, kaya ako nandito
ngayon, hindi ka ba masaya, Mattie?”
“Alam ba niyang nandito
ka?” tanong niya.
Tumango ito.“Nagpaalam
ako ng maayos sa kanya. And he said, okay, but he wants me to make sure na dito
nga ako didretso kaya, hala, tawagan mo na agad siya at ng hindi siya
mag-alala.”
“Okay, at least he
knows. Ayaw kong magkaroon ng problema pagdating sayo.” Seryosong sambit niya
at tinungo na niya ang telepono at nagdial.
Tahimik naman na
nakinig lang si Jasmine. Ngumi-ngiti-ngiti pa ito kapag napapatingin siya dito.
“I’ll take care about
her, don’t worry, she’s safe with me.” Huling tugon niya bago niya ibinaba ang
telepono.
Nilapitan niya muli si
Jasmine. “Go to your room now, you need to rest.” Seryosong sabi niya.
“Okay.” Maiksing sagot
nito at agad na nagtungo sa isang silid doon na bakante.
Napasabunot naman ang
naiwang si Matthew. “Not in my plan.” Naiiling na sambit niya.
Hindi
niya alam kung nasaan siya. Pero
napakaganda ng lugar na kinaroroonan niya. Naroon siya sa isang malawak na
parang at sinasamyo ang sariwang hangin na dumadapyo sa kanyang makikinis na
balat. Dinadama ang bawat hampas nito na animo’y yakap na nagmumula sa lalaking
magpasahanggang nagyon ay siya paring isinisigaw ng kanyang puso.
Napamulagat siya ng
maramdamang mayroon ngang mga bisig ng nakayakap sa kanya. Dahan-dahan siyang
humarap dito at dobleng gulat ang kanyang naging reaksiyon ng mapagsino kung
kanino ang mga bisig na nakayakap sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya.
“I still love you, Jam.” Malamyos nitong turan.
“Matt?” tanging
nasambit niya.
Muli itong ngumiti. “I
still love you, but I need to let you go.” Bigla itong nalungkot at nabalot ng
galit ang mga mata nito.
“Matt, I’m sorry, but I
also still love you.” Nasabi niya ngunit bigla siyang kinabahan.
Tumalim ang tingin nito
sa kanya. “You still love me, huh?”Sarkastikong tanong nito.
“Matt.” Tawag niya sa
pangalan nito dahil para itong nasaniban ng ibang pagkatao sa tingin at ngisi
nito. Hindi na ito ang Matt na minahal niya. Ang Matt na kilala niya. Ibang tao
ang nasa katawan ng taong mahal niya.
At sukat doon at
napabalikwas siya sa pagkakahiga. Napakasama ng kanyang panaginip. Hindi niya
maiwasan ang maluha dahil sa panaginip niyang iyon.
“Matt, I’m sorry, I’m
really sorry.” Paulit-ulit na sambit niya habang sapo niya ng kanyang dalawang
palad ang kanyang mukha.
Matagal bago muli
niyang nahamig ang kanyang sarili sa pag-iyak. Ito ang unang pagkakataon na
napanaginipan niya muli ang dating nobyo at ang masaklap pa ay napakasama
talaga ng isang iyon dahil tila sinasabi nitong napakalaki talaga ng nagawa
niyang kasalanan dito.
Hindi niya alam kung
anon a ba talaga ang uunahin niyang ayusin. Ang kanyang trabaho o ang
problemang pilit niyang iniiwasan? Naguguluhan na ang kanyang utak ng tumunog
ang kanyang cellular phone.
Tiningnan niya muna
kung sino ang tumtawag at ng makitang ang kanyang nanay na nasa Tarlac ay agad
niya itong sinagot. Kinabahan siya dahil dis-oras nan g gabi.
“Hello, Nay.” Bungad
niya.
“Anak, ang tatay mo.”
Umiiyak na sambit ng kanyang ina.
Bigla
naman siyang kinabahan. “Ano pong nangyari sa Tatay?” pilit niyang pinapakalma
ang boses.
“Ang
tatay mo, inatake sa puso, nandito kami ngayon sa Ospital, at ang sabi ng
Doktor ay malala na daw ang lagay niya.” Umiiyak pa ring turan ng kanyang ina.
At
tuluyan na rin siyang napaluha. “Po?” tanging nasambit niya.Nagkasabay-sabay
ang kanyang problema. Pero mas uunahin niya ang kanyang ama kesa sa anumang
problemang meron siya dahil mas mahalaga pa rin ang pamilya kesa ano pa man.
“Anak, please, umuwi ka
na, baka hindi mo na maabutan ang tatay mo.” Hiling ng kanyang ina.
“Opo, Nay. Uuwi na po
ako. Sabihin nyo kay tatay na hintayin ako.” Lumuluhang sambit niya.
“Oo anak.” Iyon lang at
ini-off na niya at agad na siyang nag-ayos. Kahit anong oras pa ay bibiyahe
siya para lang masilayan niya ang kanyang ama. Ilang taon na siyang hindi
umuuwi dahil nga sa sinasayang niya ang pamasaheng gagastusin niya. Ngunit
ngayon kahit ano pa ang sakyan niya makarating lang ng maaga sa kanila ay
gagawin niya.
Nagmamadali na siya at
tanging isang bag lang ang nadala niya. Nagbihis lang siya dahil nga
nakapantulog siya at agad ng nilisan ang kanyang bahay. Inilock naman niya ng
maayos ito at ite-text nalang niya ang kanyang mga ka-opisina na
kailangang-kailangan lang nyang umuwi dahil nga sa kanyang ama.
Habang nasa daan at
naglalakad palabas ng kalsada upang mag-abang ng kanyang masasakyan papunta sa
Cubao ay kinakabahan din siya dahil malalim na ang gabi at bihira na lang ang
mga taong naglalakad.
Hindi niya mapigilang
magdasal nalang upang maibsan ang kabang nararamdaman. Ipinagdasal na rin niya
ang kanyang ama nasana ay bumuti pa ang kalagayan nito.
Habang naglalakad ay
pakiramdam niya ay may nakasunod sa kanya. Palingon-lingon siya sa kaniyang
likuran dahil hindi niya maiwasang kabahan.
Binilisan pa niya ang
kanyang paglalakad ng may isang lalaki ang humarang sa kanyang harapan.
Napatili siya dahil sa sobrang gulat, at mas dumoble pa ang kanyang kaba.
Ngumisi naman ang
lalaki at naaninag niya ang pagngiting iyon ng lalaki.
“Please, mahirap lang
po ako, kung gusto niyo po sa inyo na lahat ng pera ko, huwag niyo lang ako
sasaktan.” Pagmamakaawa niya dito dahil masyado na siyang kinakabahan.
Muli itong ngumiti at
lumapit pa sa kanya kaya naman umatras siya. Ngunit patuloy pa rin sa paglapit
ang lalaki. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito.At mas nagulat siya ng
bigla nalang siyang hawakan nito sa magkabilang braso niya.
Muli siyang napatili
dahil sa paghawak nito. “Huwag po!” ang tanging lumabas sa bibig niya.
At napabitaw naman agad
ang lalaki at tinakpan ang kanyang bibig ng tangkain niyang sumigaw. “Don’t you
dare to shout or else gagawin ko ang isang bagay na ayaw mong gawin ko.”
Mabaritonong utos nito sa kanya habang nakatakip ang kanang kamay nito at ang
kaliwa naman ay sa kanyang katawan.
No comments:
Post a Comment