Chapter 9
Parang
naninibago
si Jamila sa pagpasok niya sa bangko ng araw na iyon. Pagod ang katawan niya sa
biyahe at paglilinis kagabi pero pinilit niyang pumasok para na rin maayos ang
dapat ayusin.
“Good morning, Jamila. And welcome
back.” Bati sa kanya ni Aicel na nakangiti.
Gumanti siya ng ngiti dito. “Good
Morning, Aicel. Nandiyan na ba si Boss?” ang tanong niya na hindi masabi ang
pangalan ni Matthew.
“Ah, oo, nauna pa sakin. Ewan pero
hindi sila sabay ni Jasmine ngayon.” Ang sagot naman ni Aicel sa mababang
boses.
Tumango-tango naman siya. “Sige
maiwan na muna kita, madami akong naiwan na trabaho na kailangan kong matapos
agad.” Ang tanging sabi niya dito at dumiretso na ito patungo sa kanyang
puwesto.
“Welcome back ulit sayo, Jamila.”
Pahabol naman nito kaya naman muli siyang lumingon at ngumiti dito.
Namissed niya ang mga kasama, lalo
na ang itinuturing niyang kapatid at ate na si Carla.
Gusto niya sanang kausapin muna si
Matthew ngunit inuna na muna niyang ayusin ang mga reports na dapat ay last
week pa niya ginawa.
Ngunit nasa kalagitnaan na siya sa
pag-aayos ng mga documents ay biglang pumasok ang isang babaeng bago sa kanyang
paningin.
Mestiza ang hitsura nito, mga nasa
5’7 or 5’8 ang height nito. Maganda ito dahil sa bumagay dito ang mamula-mula
nitong balat na tila parang isang Espanyol.
Ngumiti ito sa kanya. “Hi, I’m
Jasmine secretary ni Mate…ah… Matthew.” Ang tila nauutal naman na pagpapakilala
ni Jasmine sa kanya.
Tumayo siya at ngumiti rin dito.
“Jamila, nice to meet you.” At siya na ang nag-abot ng kanyang kamay upang
makipagkamay dito.
Tinanggap naman nito ang kanyang
pakikipagkamay.
“Maupo ka.” Alok niya sa upuang nasa
kanyang harapan at nauna na siyang umupo.
“Thanks.” Maiksing turan nito at
umupo na rin. Makikita na sa kilos nito na hindi ito isang ordinaryong tao
ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit sekretarya lang ang trabahong
ibinigay ni Matthew dito samantalang magiging mag-asawa naman na sila.
“By the way, may ipagagawa ka ba?”
magalang na tanong niya sa halip na tanungin ang mga tanong sa kanyang isip.
“Ah, I just come here para personal
na magpakilala sayo. And ipinatatawag ka pala ni Matthew sa office niya.” Ang
diretsong sagot naman ni Jasmine sa kanyang tanong.
‘Talagang
ipnikilala na ang sarili? Hay, bakit ba? Ano bang pakialam ko? E sa gusto nga
niyang ipakilala ang sarili. Haisst… naku Jamila, huwag ka na ngang magselos
diyan. Wala ka ng karapatan kay Matthew diba?’ ang
piping sambit at kastigo ng kanyang isip.
“Ah, ganoon ba? Sige, susunod na
‘ko.” Ang sabi nalang niya at inayos na ang mga gamit.
“Nice meeting you, Jamila.” Pahabol
na turan ni Jasmine bago ito lumabas.
At ng makaalis na si Jasmine ay
nagtaka naman siya sa naramdaman niya. “Huh? Bakit ganun? Parang hindi naman
talaga ako nagseselos, bakit pakiramdam ko, wala lang naman at iniisip ko lang
ang salitang selos? Anong nangyayari sa puso ko? Baliw na yata ‘to.” Naipilig
pa niya ang kanyang ulo sa pagtataka sa sariling damdamin.
At dahil sa wala siyang makuhang
sagot ay tumayo nalang siya at nagtungo sa opisina ni Matthew.
Habang
hinihintay
si Jamila ay pumasok si Jasmine sa kanyang opisina. “She’s beautiful. And seems
so nice, so bakit niya hinayaan magkahiwalay sila ni Matt?” unang sambit ni
Jasmine kahit hindi pa ito nakakaupo.
Hindi siya nakasagot sa tanong nito
dahil alam niyang ang mismong may kasalanan ay ang kanilang ama at hindi si
Jamila.
“Well I think she her reasons, pero
ano naman kaya ‘yon? Matthew is a good man, anyone like me could fall for him
in just a short time. Ang malii lang talaga sobrang bait niya na kahit mali mo
na ay aakuin pa rin niya. I think that’s what’s Jamila don’t like about him.
But in other way, I don’t it’s just that. There’s more.” Hindi mapigilang
sambit ni Jasmine.
“We don’t what’s her reason but I
think it’s reasonable though.” Seryosong saad niya para matahimik nalang si
Jasmine sa kakausisa.
“I will found that out until
Matthew comes back.” Tila batang sambit nito at lumabas na sa kanyang opisina.
Nailing nalang si Mateo sa
kakulitan ng kanyang magiging hipag. “She’s always a bratt, but she’s nice and
sweet.” Nangingiti pang turan niya ng siya namang may kumatok sa pinto ng
kanyang opisina.
“Come in.” aniya at inayos ang
pagkakaupo at tiningnan pa niya ang kanyang mukha sa kanyang iPhone 5 kung
maayos ba.
“Good morning, Sir.” Pormal na bati
ni Jamila sa kanya.
He clears his throat. “Good
Morning, Miss Gomez, and welcome back.” Pormal ding tugon niya. “Please have a
seat.” Aniya at itinuro ang visitor’s chair sa kanyang harapan.
Ngumiti naman si Jamila. “Thank
you, Sir.” Anito at umupo na.
“How’s your father?” unang tanong
niya dito.
Dahil sa nakatungo si Jamila ay
para itong nagulat sa tanong niya at bigla itong napatingin sa kanya. At doon
nagtama ang kanilang mga mata.
Iba ang pakiramdam na naramdaman ni
Mateo sa pagtatamang iyon ng kanilang mga mata. At hindi niya iyon
maintindihan.
Mula ng makilala niya si Jamila ay
palaging may mga pakiramdam na siyang hindi niya nararamdaman noon. ‘It’s all strange.’ Ang sambit ng
kanyang isipan.
‘Bakit ganun? Bakit parang bumalik ang
dating nararamdaman ko ng makilala ko siya. Noong unang nagkakilala kami? O mas
tamang sabihin na mas naiilang ako sa kanya ngayon? Dahil ba sa malapit na
siyang ikasal o dahil sa muli ko na naman siyang nakausap ng ganito? Ang
siyang naitanong naman ng isipan ni Jamila.
“Ah, He’s doing well, and hoping na
magiging okay na siya sa mga susunod na araw.” Sagot nalang niya at agad na binawi
ang tingin dito.
Maging si Mateo ay nagbawi ng
tingin sa kanya at itinuon ang tingin sa mga papel na nasa harapan nito.
Pero bago magsalita si Mateo ay
tumikhim mulii ito na hindi naman nito dating ginagawa. “Ipinatawag kita para
sa mga reports…” at ibinitin pa nito ang sasabihin.
Napatingin naman siya dito. “Ah,
Sir, I’m working on it, by this week matatapos ko na po, just give me enough
time to finish it.” Ang sabi niya dito na mas dumoble pa tuloy ang kanyang
kaba.
Natawa naman ito ng pagak. “I just
want to say that you don’t need to rush it. I need the report when it’s done
but please, I don’t want a report that’s in a rush.” Saad naman nito at muling
ibinalik ang tingin sa mga papel.
Tila napahiya naman siya doon. “Ah,
I’m sorry if I’m being like that, naisip kolang po kasi na baka kailangan na po
ninyo dahil sa tagal kong nawala.” Apologetic na sabi naman niya.
“Jamila…” sambit nito sa kanyang
pangalan na pakiramdam niya ay inihe-hele siya sa duyan sa lamig ng
pagkakabanggit nito. “...I understand your situation, so, don’t worry about the
reports, but be ready always for I would ask you about the performance of the
Bank.” Sabi nito ngunit ang focus nito ay sa mga papel na nasa harap nito.
“Okay, Sir.” Sagot naman niya pero
bakit pakiramdam niya ay naiinis siya dito sa hindi man lang pagsulyap sa
kanya.
“Anyway, that’s all, you may go
now.” Muling sambit nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Tumayo na siya ngunit hinihiling pa
niyang sana kahit konting sulyap ay sumulyap ito ngunit bigo siya at dumiretso
nalang siyang lumabas sa opisina nito.
Doon naman niya nakita si Jasmine
na may kausap sa Telepono ngunit nagawa naman nitong ngumiti sa kanya.
“Buti pa siya, ngumiti sakin, ang
mokong na ‘yon naku!” inis na bulong niya habang pabalik sa puwesto niya.
Buong maghapon niyang inasikaso ang
dapat asikasuhin para sa bangko. Ngunit pagsapit ng uwian ay nag-ayos na rin
siya ng kanyang mga gamit para makauwi na.
Sa maghapong iyon ay hindi man lang
niya nakausap ang mga kaibigan at kasamahan sa bangko dahil sa sobrang busy
niya. Kaya bukas nalang siya makikipag-usap sa mga ito.
Ngunit nagulat siya paglabas niya
sa kanyang puwesto. “Welcome Back.” Ang sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga
kasamahan.
May banner pa na nakasabit sa
kisame na ang nakasulat ay “WELCOME BACK, JAMILA”. Kaya naman hindi na niya
napigilan ang mapaluha sa sobrang tuwang bumabalot ngayon sa kanyang puso. May
mga pagkain din na inihanda ang mga ito para sa kanya.
“Uy, huwag ka ngang umiyak diyan,
pati tuloy kami naiiyak eh.” Tinapik pa siya sa balikat ni Carla na lumuluha na
rin.
“Oo nga, dapat nga nagtatawanan
tayo, hindi nag-iiyakan.” Ang segnda naman ni Kaila.
“Masaya lang ako at magkakasama pa
rin tayo.” Ang saad naman niya.
“Naku, tears of joy yan. Tara na
nga sa training room at ng maumpisahan na ang party-party.” Masiglang sambit
naman ni Jessa.
“Teka…” pigil naman niya sa mga
ito. “…Alam ba ni Boss ito?” tanong niya sa mga ito.
Ngumiti si Carla at inakbayan siya.
“Oo naman, hindi puwedeng hindi niya alam, dahil walang pagkain kung hindi niya
alam ‘to.” Ang sagot nito sa tanong niya.
“Ibig sabihin siya lahat nagbigay
ng mga pagkain na ‘yan?” nanlalaking mga matang muling tanong niya.
“Tumpak ka diyan, Jamila.” Mataas
na tonong sagot naman ni Aicel.
“Naku, tama na ang mga tanong na
‘yan at umpisahan nan ating kainin ang libreng pagkain.” Tuwang-tuwang sambit
naman ni Jessa.
“Tara na.” yaya naman ni Carla sa
kanya.
Ngumiti nalang siya at sumunod na
sa mga kasama. ‘Pero bakit hindi man lang
niya ako matingnan kanina? Hay, hindi ko na talaga siya kilala. Ang sabi niya
okay na at magkaibigan nalang kami. Hay naku, hindi ko talaga siya
mantindihan.’ Ang naguguluhang sambit ng isip niya.
Sa
muli
niyang pagbabalik sa siyudad ay muli niyang naranasan ang humalakhak at tumawa
ng hindi pilit. Ewan niya pero pakiramdam niya ay wala na siyang problema at
hindi na niya naiisip pa ang plano niyang pagre-resign sa bangko.
Masaya siyang umuwi sa kanyang
apartment. Ngunit kinabahan siya ng malamang bukas ang pinto. Agad niyang
kinapa ang bag at kinuha doon aang itinatagong swiss knife.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob
ng kanyang bahay. Madilim sa loob kaya wala siyang maaninag na kahit ano.
Ngunit maingat pa rin siyang naglakad patungo sa sala. At dahan-dahan niyang
binuksan ang ilaw.
Wala namang kakaiba sa kanyang
bahay ng makitang naroon pa rin ang mga gamit niya at wala namang bakas na may
gumalaw sa mga ito. Pero hindi pa rin siya napanatag at isinunod niyang
pinuntahan ang kanyang silid.
Pagbukas niya ng pinto ay kulang
nalang mapatalon siya sa sobrang gulat. “Ay! Bading na tinapa!” malakas niyang
sigaw ng makita niya ang taong nakatayo mismo sa harap niya.
Natawa naman ito sa sinambit niya.
“May bading na palang tinapa ngayon?” anito.
“P-pano ka nakapasok dito?”
balik-tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
“Am I not welcome here anymore?”
Balik-tanong din nito.
Pero nagtataka siya sa kilos nito.
Kanina lang ay napaka-suplado nito, ngunit ngayon, bakit parang ibang tao
ngayon ang kaharap niya? Ano ba talagang nagyayari? Parang may mali.
“Where’s
Matthew?”
galit na tanong ni Mateo kay Jasmine.
Natakot naman si Jasmine sa kanya.
“You knew?” garalgal na tanong nito.
“Kailan niyo balak sabihin na
narito na siya?” galit pa ring tanong niya dito.
Pagkadating niya kasi kanina ay
nagtungo muna siya sa banyo upang sana ay mag-shower. Pero nagulat siya ng
Makita ang mga gamit ng lalaking naroon. Sigurado siyang hindi sa kanyang ang
mga iyon kaya naman dali-dali siyang tumawag sa kanyang ina na nasa Amerika.
‘Mom,
is Matthew there?’ kunyaring tanong niya kahit na may kutob na siyang nakauwi
na ang kapatid.
‘He’s
not here; I thought he’s with you. Didn’t you talk to him yet?’ ang sabi naman
ng kanailang ina.
‘He
didn’t call me yet, maybe later. I need to go, mom, you take care, huh?’ aniya
at ibinaba na ang telepono.
“Mattie, don’t get mad at him, he
just want to make all things right.” Kinakabahang turan pa rin ni Jasmine.
“Make all things right? So, where
is he? Where did he goes?” napataas na ang boses niya na siyang ikinagugulat ni
Jasmine.
“He went to Jamila’s apartment.”
Hindi na napigilan ni Jasmine na sabihin ang totoo.
Agad naman ng tumakbo palabas si
Mateo. Hindi na niya pinansin ang pagpigil ni Jasmine sa kanya.
“Mateo! Mateo! Leave it to
Matthew!” pilit pa ring sigaw ni Jasmine ngunit hindi na talaga niya ito
pinansin.
Hindi niya alam kung ano ang
kaniyang ginagawa. Basta ang gusto niya lang ay siya ang dapat na magsabi ng
totoo kay Jamila. Pakiramdam niya kasi ay mas lalong magagalit sa kanya si
Jamila kapag sa iba pa niya malalaman ang ginawa niya. Ayaw niyang tuluyan
siyang kamuhian ng babaeng una at huling mamahalin niya.
“Jamila, I’m sorry.” Usal niya
habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ni Jamila.
“Jamila,
are you okay?” tanong ni Matthew sa kanya ng mapansing tila nababalisa siya
dahil pakiramdam niya ay may importanteng sasabihin ito sa kanya na hindi niya
inaasahan.
Ewan niya pero para ayaw niyang
makarinig ng kahit na anong paliwanag mula dito. Pakiramdam niya ay lubos
siyang masasaktan sa sasabihin nito.
Alam niyang malapit na itong ikasal
pero bakit pakiramdam niya ay may isang bagay pa siyang hindi alam tungkol
dito. Bakit parang may isang rebelasyon na kailangan niyang malaman?
“Yeah, I’m okay.” Pilit niyang
kinakalma ang kanyang sarili.
“Ahm.. Jamila, I have to tell you
something.” Paunang sambit ni Matthew.
“Eto
na, bakit ko ba nararamdaman ang ganitong kaba? Ano pa ba ang hindi ko alam?
Kukunin ba akong abay sa kasal niya?” tanong ng kaniyang isip
na nalilito na.
“A-ano ‘yon?” tanong niya na pilit
itinatago ang panginginig ng kalamnan.
“I…” hindi naman naituloy ni
Matthew ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto.
“Ah, sandali lang ah, titingnan ko
lang kung sino ‘yon.” Pilit na ngumiting saad niya at tumayo na siya upang
pagbuksan ang isa pang panauhing hindi rin niya alam kung sino.
“Okay.” Maikling sagot naman nito.
Ngunit pagbukas niya ng pinto ay
tila mawawalan na siya ng ulirat sa nakita. Pakiramdam niya ay hindi siya
makahinga. “M-Matt? S-sino ang nasa loob? S-sino ka?” muntik na niyang hindi
mabigkas ang mga katagang iyon.
magkakaalaman na woooh! excited ^^, hehe
ReplyDelete