Sunday, March 17, 2013

Ikaw Pa Rin- Finale Part 2




Finale Part 2

Hindi alam ni Jamila na agad sumunod sa kaniya si Matthew. Kaya nagulat siya ng magsalita nalang ito sa kanyang likuran.
“Mateo?” gulat na sambit nito ng makita ang kakambal nito.
Mas lalo siyang naguluhan. Sino sa kanila ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang buong puso?
“M-mateo?” nagtatanong na mga matang palipat-lipat sa kambal.
“Ah…Jamila…” tawag naman ni Mateo sa kanya.
“You’re Mateo?” may galit ng sabi niya.
“Please, let us explain.” Ang sabat naman ni Matthew.
Ngumiti siya ng mapait. “Us? So talagang plinano niyong lokohin ako ng ganito?”
“No, of course not, we nev…”magpapaliwanag sana si Matthew pero muli na siyang nagsalita.
“Oh yeah, hindi niyo plinano, eh ano? Nagkataon lang? ano yun parang kabute lang na bigla nalang sumulpot? O isa lang akong laruan para sa inyong magkapatid?” nagngitngit na siya sa galit. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado niya. Napakatanga niya at nagpaloko siya  at nagpakatanga sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. “All this time hindi ko pala kilala ang lalaking mahal ko. All this time lahat pala ng alam ko ay walang katotohanan? Lahat pala puro kasinungalingan. Lahat walang katotohanan.” Tuluyan ng umagos ang mga luhang ayaw sana niyang ilabas. Gusto niyang magpakatatag ngunit hindi pa rin niya kinaya.
“Jamila, Mahal kita at hindi iyon isang kasinungalingan lang.” ang siya namang sambit ni Mateo.
Sa sinabi nitong iyon ay nagulat si Matthew. “You love her? Since when?” nagtatakang tanong ni Matthew dito. Na siya namang ikinagulat niya. Ibig sabihin ay ang Mateo na ito ay hindi ang lalaking una niyang minahal kundi ang isang nasa tabi niya.
“I-I don’t know, the first time you gave me her picture, hindi ko na siya nakalimutan. At alam kong mali iyon dahil mayroon ng nagmamay-ari sa kanya kaya pinakiusapan kita noon na huwag mo ng sabihing mayroon kang kapatid at hindi lamang kapatid kundi kambal mo pa. Pero ng sinabi mong nakipaghiwalay siya sayo, hindi ko alam kung natuwa ako o nagalit sa nangyari. Kaya nagawa ko ang isang kabaliwang hindi ko minsan naisip na gawin sa aking buhay.” Ang mahabang paliwanag ni Mateo.
“Mateo…” tanging nasabi ni Matthew dito.
“Natuwa ako ng malaman ko na engaged ka na kay Jasmine. Pero naaawa ako sa kanya dahil pilit nitong inuunawa ang sitwasyon niyong dalawang ipinagkasundo lamang ni Dad.” Nakatingin si Mateo sa kapatid habang nakikinig lamang siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan niya.
“Sinabi ko kay Jasmine na mahal ko siya. Pero gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.” Tila pumiyok pang sambit ni Matthew.
Bumaling ito sa kanya. “Jamila, aaminin kong nasasaktan ka sa mga nalalaman mo. Nasaktan ka na dati ng hindi matanggap ng dad ang relasyon natin pero hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka muli. Mahal kita, hanggang ngayon Ikaw Pa Rin ang itinitibok ng puso ko, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan na kitang pakawalan. Kailangan na kitang palayain mula sa nakaraan. Ayaw kong makitang nahihirapan at nagdurusa ka. Ayaw kong sa huli, ikaw pa rin ang nasasaktan. Jamila…” hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Mahal na mahal kita at kailan man ay hindi na iyon magbabago. Mahal kita, mahal na mahal.” At saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. Habang si Mateo ay naninikip ang dibdib na nakikita. Kaya naman bago pa siya tuluyang mabaliw sa pagmamahal kay Jamila. Minabuti na lamang niyang tumalikod at maglakad palayo sa mga ito.
He’s trying to control himself, but he couldn’t. Kusang naglandas ang mga luhang pinilit niyang kontrolin. His heart is aching. And he can’t help but to cry on.
Sa wakas ay naamin na rin niya ang damdaming matagal na niyang tinatanong sa kanyang sarili. Ngunit alam niyang kahit kailan, hindi na ito matutugunan pa ng pagmamahal ng babaeng itinatangi ng kanyang puso.
Labis na sakit ang kanyang nararamdaman. Inasahan na niya iyon ngunit napakasakit pala talaga kapag nakita na mismo ng mga mata niya sa mga mata ni Jamila ang pagmamahal pa rin nito kay Matthew. “Damn my heart.” Napasuntok siya sa manibela ng kanyang sasakyan at bigla niya itong kinabig sa gilid ng kalsada. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay siya naman pagsulpot ng kotseng puti. Hindi na niya napigilan ang kanyang manibela at dire-diretso na itong bumangga sa kotse.

After 2 years
Mula ng malaman kong minahal mo ako sa ikli ng panahong nagkakilala tayo at sa kabila ng kagustuhan mong ipadama rin ang sakit na naranasan ng kapatid mo mula sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, mas pinili mo pa rin na sundin ang itinitibok ng puso mo. Hindi mo hinayaang makasakit ka ng labis.” Saad ni Jamila. “Pero sa pangyayaring iyon, dalawang taon na ang nakakaraan, hindi ko maaaring hindi sisihin ang sarili ko. Mateo, kung nasaan ka man ngayon, gusto ko sanang malaman mo na minahal din kita, hindi dahil sa inakala kong ikaw si Matthew kundi naramdaman ko iyon at iyon ang sinabi ng puso ko. Mateo, sa iksi ng panahong nagkasama tayo, hindi man tayong dalawa, alam kong nakaramdam ako ng galak sa aking puso noon. At ngayong wala ka na, hindi iyon basta-basta makakalimutan. Patawarin mo rin sana ako sa sakit na naidulot ko sayo. Ng gabing iyon, ng umalis ka, inaamin ko na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko kay Matthew, pero hinayaan ko siyang umalis at sundin kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Ngunit sa pagkawala mo, alam kong mas masakit iyon sa pamilya mo. Sana mapatawad moa ko sa lahat ng mga nagawa kong pasakit sa inyong magkapatid at maging sa pamilya niyo.” Hindi na niya napigilang maglandas ang kanyang mga luha dahil kahit na dalawang taon na ang nakalipas mula ng maaksidente si Mateo at hindi kinaya ng katawan nito ang mga sugat na natamo mula sa aksidente, hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili. Lagi niyang napapanaginipan si Mateo na humihingi ng tulong.
“Sana pagdating ng panahon ay magawa ko ng patawarin ang sarili ko. At sana ay mapatawad mo rin ako, Mateo.” Patuloy pa niya. At tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ng puntod ni Mateo. Pinunasan na niya ang kanyang pisngi at inayos ang sarili.
Ng mailibing si Mateo ay agad na rin siyang nag-resign sa bangko. Masakit man para sa kanya ang iwan ang mga kasama lalo na ang bangkong itinutin na niyang isang tahanan ay pinili pa rin niyang umalis doon. At ang kanyang dahilan ay mas lalo lang siyang mangungulila at hindi makakapag-trabaho ng maayos kung patuloy siyang naroon at maaalala ang pigura ni Mateo.
Hindi na rin siya kinausap ni Matthew noon at hinayaan nalang siya sa kanyang kagustuhan. Umuwi siya sa kanilang probinsya, ngunit isang taon lamang siya doon at bumalik din siya ng siyudad. Sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang kanyang kapatid na si Jella. Graduate na kasi ito at pumasa na rin sa board. Kaya naman dalawa silang magkasama ngayon sa apartment na dati din niyang tinirhan.
“San ka galing ate at namumugto ang mga mata mo? Ah…Let me guess… sa puntod na naman ni Kuya Mateo ano?” ang salubong na tanong sa kanyang ng kapatid pagdating na pagdating niya galing sementeryo.
Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. “Kailan ko kaya mapapatawad ang sarili ko?” imbes na sagutin ang tanong ng kapatid ay iyon ang naitanong niya.
Napailing naman si Jella at tinabihan siya. “Ate, just Pray, God will make a way.” Maiksi ngunit makahulugang sambit ng kanyang kapatid. At tumayo na ito at tumungo na sa sarili nitong silid.
‘God will make a way.’  Paulit-ulit ng binibigkas ng kanyang isip.

Kinabukasan palabas na siyang ng kanilang apartment patungo sa kanyang bagong trabaho na isang real estate company ay isang lalaki ang nakatalikod na tila may hinihintay. Naisip pa nga niyang manliligaw ni Jella. ‘Napakaaga naman yatang manligaw ng isang ‘to.’ Nasabi pa ng isip niya. Ngunit habang papalapit siya dito ay tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit iwinaglit niya sa kanyang isip ang kanyang hinala.
At sa pagharap ng lalaki, doon mas dumoble ang bilis ng tibok ng kanyang puso. “M-Matthew?” nauutal pang sambit niya sa pangalan nito. Nakangiti ito at kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin. Walang ipinagbago ang hitsura nito at tila mas naging guwapo pa ito sa kanyang paningin.
“Hi.” Maikling bati nito sa kanya ngunit tila napakaraming sinabi nito sa dinig niya. Parang nag-e-echo ang boses nito sa utak niya.
“Ah, a-anong ginagawa mo dito? K-kasama mob a si Jasmine?”  tanong niya dahil ang alam niya ay nagpakasal ang mga ito isang lingo pagkalibing kay Mateo.
Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at binuksan ang gate saka ito pumasok. At parang tumalon mula sa kanya papunta kay Matthew ang kanyang puso ng bigla nalang siya nitong yakapin. “I missed you so much. You don’t know how much I’ve missed.” Bulong nito habang mahigpit siyang yakap-yakap nito.
“Matthew…” tanging nasambit niya.
Bahagyang lumayo si Matthew, tinitigan siya nito ngunit nakayakap pa rin ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang. “I didn’t get married, and I don’t want to marry other woman except the one that I truly love.” Unang sabi nito. “I only want to marry the girl that I love, ang babaeng nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, ang pagmamahal na hindi lang ako ang nakaramdam.” Patuloy nito. Saka ito dahan-dahan na lumuhod sa harapan niya. “Jamila, hindi ko alam at hindi ako sigurado kung ako pa rin ang laman ng puso mo, ngunit gusto kong malaman mo, na IKAW PA RIN ang itinitibok nitong puso ko. And I want to forever feel this kind of love in my heart.” At saka may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito, isang kahita na naglalaman ng singsing. “Jamila, will you accept me again to be part of your life?” tanong nito habang nakatingala sa kanya.
Hindi naman niya alam ang kanyang isasagot at sobrang overwhelmed siya sa mga nangyayari. She admit, she is still inlove with the in front of her right now, at kung tatanggihan niya ang alok nito baka wala ng susunod. Kaya naman… “Matthew, I will.” Tangi niyang sagot dito.
Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng binata. Tumayo na ito at isinuot ang singsing sa kanyang daliri at saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. “I love you, now and forever. Tanging ikaw lang at ikaw pa rin ang siyang isinisigaw ng puso ko, Jamila.” Halos maluha ng sambit ni Matthew iyon ng sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Hindi nawala ang pagmamahal ko para sayo, Matthew, tanging ikaw lamang ang siyang mamahalin ko hanggang sa wakas. My love for you will never last. At Mananatiling IKAW PA RIN ang isisigaw ng puso ko.” Aniya at siya na ang siyang humalik sa mga labi nito.
Masaya naman ang kapatid niyang si Jella na naiiyak pang nakatingin sa kanila.

Ilang libong taon man ang lumipas, ilang alon man ang humampas. Walang sinumang makakapigil sa pag-ibig na wagas.


Ikaw Pa Rin-Finale Part 1




Finale Part 1


Hindi alam ni Jamila na agad sumunod sa kaniya si Matthew. Kaya nagulat siya ng magsalita nalang ito sa kanyang likuran.
“Mateo?” gulat na sambit nito ng makita ang kakambal nito.
Mas lalo siyang naguluhan. Sino sa kanila ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang buong puso?
“M-mateo?” nagtatanong na mga matang palipat-lipat sa kambal.
“Ah…Jamila…” tawag naman ni Mateo sa kanya.
“You’re Mateo?” may galit ng sabi niya.
“Please, let us explain.” Ang sabat naman ni Matthew.
Ngumiti siya ng mapait. “Us? So talagang plinano niyong lokohin ako ng ganito?”
“No, of course not, we nev…”magpapaliwanag sana si Matthew pero muli na siyang nagsalita.
“Oh yeah, hindi niyo plinano, eh ano? Nagkataon lang? ano yun parang kabute lang na bigla nalang sumulpot? O isa lang akong laruan para sa inyong magkapatid?” nagngitngit na siya sa galit. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado niya. Napakatanga niya at nagpaloko siya  at nagpakatanga sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. “All this time hindi ko pala kilala ang lalaking mahal ko. All this time lahat pala ng alam ko ay walang katotohanan? Lahat pala puro kasinungalingan. Lahat walang katotohanan.” Tuluyan ng umagos ang mga luhang ayaw sana niyang ilabas. Gusto niyang magpakatatag ngunit hindi pa rin niya kinaya.
“Jamila, Mahal kita at hindi iyon isang kasinungalingan lang.” ang siya namang sambit ni Mateo.
Sa sinabi nitong iyon ay nagulat si Matthew. “You love her? Since when?” nagtatakang tanong ni Matthew dito. Na siya namang ikinagulat niya. Ibig sabihin ay ang Mateo na ito ay hindi ang lalaking una niyang minahal kundi ang isang nasa tabi niya.
“I-I don’t know, the first time you gave me her picture, hindi ko na siya nakalimutan. At alam kong mali iyon dahil mayroon ng nagmamay-ari sa kanya kaya pinakiusapan kita noon na huwag mo ng sabihing mayroon kang kapatid at hindi lamang kapatid kundi kambal mo pa. Pero ng sinabi mong nakipaghiwalay siya sayo, hindi ko alam kung natuwa ako o nagalit sa nangyari. Kaya nagawa ko ang isang kabaliwang hindi ko minsan naisip na gawin sa aking buhay.” Ang mahabang paliwanag ni Mateo.
“Mateo…” tanging nasabi ni Matthew dito.
“Natuwa ako ng malaman ko na engaged ka na kay Jasmine. Pero naaawa ako sa kanya dahil pilit nitong inuunawa ang sitwasyon niyong dalawang ipinagkasundo lamang ni Dad.” Nakatingin si Mateo sa kapatid habang nakikinig lamang siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan niya.
“Sinabi ko kay Jasmine na mahal ko siya. Pero gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.” Tila pumiyok pang sambit ni Matthew.
Bumaling ito sa kanya. “Jamila, aaminin kong nasasaktan ka sa mga nalalaman mo. Nasaktan ka na dati ng hindi matanggap ng dad ang relasyon natin pero hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka muli. Mahal kita, hanggang ngayon Ikaw Pa Rin ang itinitibok ng puso ko, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan na kitang pakawalan. Kailangan na kitang palayain mula sa nakaraan. Ayaw kong makitang nahihirapan at nagdurusa ka. Ayaw kong sa huli, ikaw pa rin ang nasasaktan. Jamila…” hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Mahal na mahal kita at kailan man ay hindi na iyon magbabago. Mahal kita, mahal na mahal.” At saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. Habang si Mateo ay naninikip ang dibdib na nakikita. Kaya naman bago pa siya tuluyang mabaliw sa pagmamahal kay Jamila. Minabuti na lamang niyang tumalikod at maglakad palayo sa mga ito.
He’s trying to control himself, but he couldn’t. Kusang naglandas ang mga luhang pinilit niyang kontrolin. His heart is aching. And he can’t help but to cry on.
Sa wakas ay naamin na rin niya ang damdaming matagal na niyang tinatanong sa kanyang sarili. Ngunit alam niyang kahit kailan, hindi na ito matutugunan pa ng pagmamahal ng babaeng itinatangi ng kanyang puso.
Labis na sakit ang kanyang nararamdaman. Inasahan na niya iyon ngunit napakasakit pala talaga kapag nakita na mismo ng mga mata niya sa mga mata ni Jamila ang pagmamahal pa rin nito kay Matthew. “Damn my heart.” Napasuntok siya sa manibela ng kanyang sasakyan at bigla niya itong kinabig sa gilid ng kalsada. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay siya naman pagsulpot ng kotseng puti. Hindi na niya napigilan ang kanyang manibela at dire-diretso na itong bumangga sa kotse.


“Calling Doctor Carlos, to the OR please.” Paulit-ulit na naririnig ni Jamila. Mga tunog ng ambulansya at ang mga nurse na labas-masok sa operating room kung saan naroon si Mateo.
Alam na niya ang totoo. Sinabi na sa kanya lahat-lahat ni Matthew, na ang kanyang boss ay hindi ito kundi si Mateo. At nalaman niyang may malalang sakit pala si Matthew kaya ito nagpagamot sa Amerika at kahapon lamang ito ng gabi dumating. Kaya alam na rin niya kung sino ang lalaking humarang sa kaniya noong papauwi siya ng Tarlac. Kung sino ang lalaking humalik sa kanya.
“Please, don’t die, don’t die, Mateo.” Usal niya kahit na alam niyang hindi siya nito naririnig.
Humahangos naman na lumapit sa kanya si Matthew. Kasunod nito si Jasmine. “How is he?” agad na tanong nito.
“I don’t know.” Tanging nasabi niya.
Hindi pa rin siya mapakali kaya inalalayan na siya ni Matthew na umupo. “Calm down, everything is going to be fine, he’s a survivor, Jam. He can make it.” Pagpapalakas loob ni Matthew sa kanya.
“He loves you.” Mayamaya ay sabat ni Jasmine at napatingin siya dito. “Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa larawan mo, maging sa bangko ay madalas ko siyang Makita nakatitig lang sa harapan ng laptop niya, kung saan ay naroon ang larawan mo. Mateo never mention me about his feelings about you, dahil alam niyang magsusumbong ako kay Matthew.” Mahabang pahayag ni Jasmine.
Hindi na siya nagsalita dahil sapat na iyon para mapatunayan niyang hindi intensiyon ni Mateo ang saktan siya ng labis. Na hindi rin nito itinuloy ang plano nitong pagpapa-ibig sa akin at pagkatapos ay iiwan din ako.
Pero marahil ay nagtagumapay ito sa isang plano nito. Ang paibigin siya.
Oo mahal niya ito. Hindi rin niya alam kung kailan at kung paanong nagyari iyon. Pero mula ng mahalikan siya nito, hindi ang mga dating halik nila ni Matthew ang naiisip niya kundi ng gabing iyon lang. ang halik na inakala niyang walang ipinagbago ngunit hindi. Alam niyang kakaiba ang halik na iyon na siyang nagpabalisa sa kanya ng nasa probinsya pa siya.


6 weeks later…
“Hmmm… Bulaklak na naman.” Kantywa ni Carla sa kanya ng may delivery na naman ng isang bungkos ng bulaklak para sa kanya.
Abot-tainga naman ang kanyang ngiti ay sinamyo ang mga iyon. Mayamaya pa ay binuklat na niya ang isang card na nakaipit doon.
Jamila,
Please accept again a piece of my peace offering.
Love,
Mateo…
PS…
Come here at my office, I want to talk to you.
“Yay, ang sweetness.” Tiling kinikilig ni Kaila ng makibasa rin pala ito.
Pero sa totoo lang ay talagang kinikilig siya sa araw-araw na pagpapadala ni Mateo ng bulaklak sa kanya bilang peace offering daw nito. Pero hindi naman niya ito kinakausap mula ng umuwi ito galing ospital.
“Dali na sa office daw.” Isa ring kinikilig na si Jessa.
“Oo na, sandal lang, maganda na ba ako?” kumindat pang inayos ang buhok sa harap ng mga kasamahan.
“Naman, sige na dali.” Ang sabi naman ni Carla na isa ring kinikilig.
Bumuntong-hininga muna siya. “Okay, wish me luck.” At saka siya tumalikod sa mga ito at tinungo ang office ni Mateo.
Kumatok muna siya sa pinto nito bago siya pumasok.
Abala si Mateo sa pagbabasa ng isang magazine ng abutan niya doon at mukhang hindi yata siya pansin nito. Kaya naman tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.
Nag-angat ito ng ulo. Pagkakita niya sa mukha nitp ay parang walang nangyarin aksidente dito. Dahil napakakinis ng mukha nito. “Yes?”  alam sa nakasulat sa card.
“Ah, sasabihin ko lang po sana na mamayang 12 o’clock ang meeting natin with the board of directors.” Ang sabi nalang niya at napahiya siya dahil wala naman pala itong sasabihin.
Tumawa ito ngunit hindi naman malakas. “You’re so cute when you’re blushing.” Anito.
Tatalikod n asana siya ng magsalita ito. “I love you.”
Ano daw? He loves me? My gosh pwede bang tumalon? Sa wakas nasabi na rin niya sakin.
Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Kaya naman nilapitan na siya nito at bigla siyang hinapit sa kanyan beywang.
“Mahal kita, ikaw lang at wala ng ibang nagmamay-ari pa nitong puso ko kundi ikaw lang. At kahit sa pangalawang buhay, IKAW PA RIN ang mamahalin ko. Pangako ko, sayo lang iikot ang mundo ko.”
“Mateo…” nakangiting tawag niya sa pangalan nito. “Mahal na mahal din kita, hindi man ikaw ang unang lalaking minahal ko, ikaw naman ang lalaking huling mamahalin ko.”
“I love you, Jamila. I love you, I love you, I love you.” Sukat doon ay pinagdaop na nito ang kanilang mga labi.
Napakasaya ng kanyang puso. Wala na siyang mahihiling mula sa Diyos. Nasa kanya na ang lalaking kailanman ay magmamahal sa kanya ng lubos. Ang lalaking mamahalin siya kahit sa ikalawang yugto ng kanilang buhay.

Anuman ang pagsubok na pagdaanan, anuman ang sakit na maranasan. Mananatiling matatag ang isang relasyon kung tunay at wagas ang pagmamahalan.


Sunday, March 10, 2013

Ikaw Pa Rin-Chapter 9



Chapter 9


Parang naninibago si Jamila sa pagpasok niya sa bangko ng araw na iyon. Pagod ang katawan niya sa biyahe at paglilinis kagabi pero pinilit niyang pumasok para na rin maayos ang dapat ayusin.
“Good morning, Jamila. And welcome back.” Bati sa kanya ni Aicel na nakangiti.
Gumanti siya ng ngiti dito. “Good Morning, Aicel. Nandiyan na ba si Boss?” ang tanong niya na hindi masabi ang pangalan ni Matthew.
“Ah, oo, nauna pa sakin. Ewan pero hindi sila sabay ni Jasmine ngayon.” Ang sagot naman ni Aicel sa mababang boses.
Tumango-tango naman siya. “Sige maiwan na muna kita, madami akong naiwan na trabaho na kailangan kong matapos agad.” Ang tanging sabi niya dito at dumiretso na ito patungo sa kanyang puwesto.
“Welcome back ulit sayo, Jamila.” Pahabol naman nito kaya naman muli siyang lumingon at ngumiti dito.
Namissed niya ang mga kasama, lalo na ang itinuturing niyang kapatid at ate na si Carla.
Gusto niya sanang kausapin muna si Matthew ngunit inuna na muna niyang ayusin ang mga reports na dapat ay last week pa niya ginawa.
Ngunit nasa kalagitnaan na siya sa pag-aayos ng mga documents ay biglang pumasok ang isang babaeng bago sa kanyang paningin.
Mestiza ang hitsura nito, mga nasa 5’7 or 5’8 ang height nito. Maganda ito dahil sa bumagay dito ang mamula-mula nitong balat na tila parang isang Espanyol.
Ngumiti ito sa kanya. “Hi, I’m Jasmine secretary ni Mate…ah… Matthew.” Ang tila nauutal naman na pagpapakilala ni Jasmine sa kanya.
Tumayo siya at ngumiti rin dito. “Jamila, nice to meet you.” At siya na ang nag-abot ng kanyang kamay upang makipagkamay dito.
Tinanggap naman nito ang kanyang pakikipagkamay.
“Maupo ka.” Alok niya sa upuang nasa kanyang harapan at nauna na siyang umupo.
“Thanks.” Maiksing turan nito at umupo na rin. Makikita na sa kilos nito na hindi ito isang ordinaryong tao ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit sekretarya lang ang trabahong ibinigay ni Matthew dito samantalang magiging mag-asawa naman na sila.
“By the way, may ipagagawa ka ba?” magalang na tanong niya sa halip na tanungin ang mga tanong sa kanyang isip.
“Ah, I just come here para personal na magpakilala sayo. And ipinatatawag ka pala ni Matthew sa office niya.” Ang diretsong sagot naman ni Jasmine sa kanyang tanong.
‘Talagang ipnikilala na ang sarili? Hay, bakit ba? Ano bang pakialam ko? E sa gusto nga niyang ipakilala ang sarili. Haisst… naku Jamila, huwag ka na ngang magselos diyan. Wala ka ng karapatan kay Matthew diba?’ ang piping sambit at kastigo ng kanyang isip.
“Ah, ganoon ba? Sige, susunod na ‘ko.” Ang sabi nalang niya at inayos na ang mga gamit.
“Nice meeting you, Jamila.” Pahabol na turan ni Jasmine bago ito lumabas.
At ng makaalis na si Jasmine ay nagtaka naman siya sa naramdaman niya. “Huh? Bakit ganun? Parang hindi naman talaga ako nagseselos, bakit pakiramdam ko, wala lang naman at iniisip ko lang ang salitang selos? Anong nangyayari sa puso ko? Baliw na yata ‘to.” Naipilig pa niya ang kanyang ulo sa pagtataka sa sariling damdamin.
At dahil sa wala siyang makuhang sagot ay tumayo nalang siya at nagtungo sa opisina ni Matthew.

Habang hinihintay si Jamila ay pumasok si Jasmine sa kanyang opisina. “She’s beautiful. And seems so nice, so bakit niya hinayaan magkahiwalay sila ni Matt?” unang sambit ni Jasmine kahit hindi pa ito nakakaupo.
Hindi siya nakasagot sa tanong nito dahil alam niyang ang mismong may kasalanan ay ang kanilang ama at hindi si Jamila.
“Well I think she her reasons, pero ano naman kaya ‘yon? Matthew is a good man, anyone like me could fall for him in just a short time. Ang malii lang talaga sobrang bait niya na kahit mali mo na ay aakuin pa rin niya. I think that’s what’s Jamila don’t like about him. But in other way, I don’t it’s just that. There’s more.” Hindi mapigilang sambit ni Jasmine.
“We don’t what’s her reason but I think it’s reasonable though.” Seryosong saad niya para matahimik nalang si Jasmine sa kakausisa.
“I will found that out until Matthew comes back.” Tila batang sambit nito at lumabas na sa kanyang opisina.
Nailing nalang si Mateo sa kakulitan ng kanyang magiging hipag. “She’s always a bratt, but she’s nice and sweet.” Nangingiti pang turan niya ng siya namang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
“Come in.” aniya at inayos ang pagkakaupo at tiningnan pa niya ang kanyang mukha sa kanyang iPhone 5 kung maayos ba.
“Good morning, Sir.” Pormal na bati ni Jamila sa kanya.
He clears his throat. “Good Morning, Miss Gomez, and welcome back.” Pormal ding tugon niya. “Please have a seat.” Aniya at itinuro ang visitor’s chair sa kanyang harapan.
Ngumiti naman si Jamila. “Thank you, Sir.” Anito at umupo na.
“How’s your father?” unang tanong niya dito.
Dahil sa nakatungo si Jamila ay para itong nagulat sa tanong niya at bigla itong napatingin sa kanya. At doon nagtama ang kanilang mga mata.
Iba ang pakiramdam na naramdaman ni Mateo sa pagtatamang iyon ng kanilang mga mata. At hindi niya iyon maintindihan.
Mula ng makilala niya si Jamila ay palaging may mga pakiramdam na siyang hindi niya nararamdaman noon. ‘It’s all strange.’ Ang sambit ng kanyang isipan.

‘Bakit ganun? Bakit parang bumalik ang dating nararamdaman ko ng makilala ko siya. Noong unang nagkakilala kami? O mas tamang sabihin na mas naiilang ako sa kanya ngayon? Dahil ba sa malapit na siyang ikasal o dahil sa muli ko na naman siyang nakausap ng ganito? Ang siyang naitanong naman ng isipan ni Jamila.
“Ah, He’s doing well, and hoping na magiging okay na siya sa mga susunod na araw.” Sagot nalang niya at agad na binawi ang tingin dito.
Maging si Mateo ay nagbawi ng tingin sa kanya at itinuon ang tingin sa mga papel na nasa harapan nito.
Pero bago magsalita si Mateo ay tumikhim mulii ito na hindi naman nito dating ginagawa. “Ipinatawag kita para sa mga reports…” at ibinitin pa nito ang sasabihin.
Napatingin naman siya dito. “Ah, Sir, I’m working on it, by this week matatapos ko na po, just give me enough time to finish it.” Ang sabi niya dito na mas dumoble pa tuloy ang kanyang kaba.
Natawa naman ito ng pagak. “I just want to say that you don’t need to rush it. I need the report when it’s done but please, I don’t want a report that’s in a rush.” Saad naman nito at muling ibinalik ang tingin sa mga papel.
Tila napahiya naman siya doon. “Ah, I’m sorry if I’m being like that, naisip kolang po kasi na baka kailangan na po ninyo dahil sa tagal kong nawala.” Apologetic na sabi naman niya.
“Jamila…” sambit nito sa kanyang pangalan na pakiramdam niya ay inihe-hele siya sa duyan sa lamig ng pagkakabanggit nito. “...I understand your situation, so, don’t worry about the reports, but be ready always for I would ask you about the performance of the Bank.” Sabi nito ngunit ang focus nito ay sa mga papel na nasa harap nito.
“Okay, Sir.” Sagot naman niya pero bakit pakiramdam niya ay naiinis siya dito sa hindi man lang pagsulyap sa kanya.
“Anyway, that’s all, you may go now.” Muling sambit nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Tumayo na siya ngunit hinihiling pa niyang sana kahit konting sulyap ay sumulyap ito ngunit bigo siya at dumiretso nalang siyang lumabas sa opisina nito.
Doon naman niya nakita si Jasmine na may kausap sa Telepono ngunit nagawa naman nitong ngumiti sa kanya.
“Buti pa siya, ngumiti sakin, ang mokong na ‘yon naku!” inis na bulong niya habang pabalik sa puwesto niya.
Buong maghapon niyang inasikaso ang dapat asikasuhin para sa bangko. Ngunit pagsapit ng uwian ay nag-ayos na rin siya ng kanyang mga gamit para makauwi na.
Sa maghapong iyon ay hindi man lang niya nakausap ang mga kaibigan at kasamahan sa bangko dahil sa sobrang busy niya. Kaya bukas nalang siya makikipag-usap sa mga ito.
Ngunit nagulat siya paglabas niya sa kanyang puwesto. “Welcome Back.” Ang sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga kasamahan.
May banner pa na nakasabit sa kisame na ang nakasulat ay “WELCOME BACK, JAMILA”. Kaya naman hindi na niya napigilan ang mapaluha sa sobrang tuwang bumabalot ngayon sa kanyang puso. May mga pagkain din na inihanda ang mga ito para sa kanya.
“Uy, huwag ka ngang umiyak diyan, pati tuloy kami naiiyak eh.” Tinapik pa siya sa balikat ni Carla na lumuluha na rin.
“Oo nga, dapat nga nagtatawanan tayo, hindi nag-iiyakan.” Ang segnda naman ni Kaila.
“Masaya lang ako at magkakasama pa rin tayo.” Ang saad naman niya.
“Naku, tears of joy yan. Tara na nga sa training room at ng maumpisahan na ang party-party.” Masiglang sambit naman ni Jessa.
“Teka…” pigil naman niya sa mga ito. “…Alam ba ni Boss ito?” tanong niya sa mga ito.
Ngumiti si Carla at inakbayan siya. “Oo naman, hindi puwedeng hindi niya alam, dahil walang pagkain kung hindi niya alam ‘to.” Ang sagot nito sa tanong niya.
“Ibig sabihin siya lahat nagbigay ng mga pagkain na ‘yan?” nanlalaking mga matang muling tanong niya.
“Tumpak ka diyan, Jamila.” Mataas na tonong sagot naman ni Aicel.
“Naku, tama na ang mga tanong na ‘yan at umpisahan nan ating kainin ang libreng pagkain.” Tuwang-tuwang sambit naman ni Jessa.
“Tara na.” yaya naman ni Carla sa kanya.
Ngumiti nalang siya at sumunod na sa mga kasama. ‘Pero bakit hindi man lang niya ako matingnan kanina? Hay, hindi ko na talaga siya kilala. Ang sabi niya okay na at magkaibigan nalang kami. Hay naku, hindi ko talaga siya mantindihan.’ Ang naguguluhang sambit ng isip niya.

Sa muli niyang pagbabalik sa siyudad ay muli niyang naranasan ang humalakhak at tumawa ng hindi pilit. Ewan niya pero pakiramdam niya ay wala na siyang problema at hindi na niya naiisip pa ang plano niyang pagre-resign sa bangko.
Masaya siyang umuwi sa kanyang apartment. Ngunit kinabahan siya ng malamang bukas ang pinto. Agad niyang kinapa ang bag at kinuha doon aang itinatagong swiss knife.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Madilim sa loob kaya wala siyang maaninag na kahit ano. Ngunit maingat pa rin siyang naglakad patungo sa sala. At dahan-dahan niyang binuksan ang ilaw.
Wala namang kakaiba sa kanyang bahay ng makitang naroon pa rin ang mga gamit niya at wala namang bakas na may gumalaw sa mga ito. Pero hindi pa rin siya napanatag at isinunod niyang pinuntahan ang kanyang silid.
Pagbukas niya ng pinto ay kulang nalang mapatalon siya sa sobrang gulat. “Ay! Bading na tinapa!” malakas niyang sigaw ng makita niya ang taong nakatayo mismo sa harap niya.
Natawa naman ito sa sinambit niya. “May bading na palang tinapa ngayon?” anito.
“P-pano ka nakapasok dito?” balik-tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
“Am I not welcome here anymore?” Balik-tanong din nito.
Pero nagtataka siya sa kilos nito. Kanina lang ay napaka-suplado nito, ngunit ngayon, bakit parang ibang tao ngayon ang kaharap niya? Ano ba talagang nagyayari? Parang may mali.


“Where’s Matthew?” galit na tanong ni Mateo kay Jasmine.
Natakot naman si Jasmine sa kanya. “You knew?” garalgal na tanong nito.
“Kailan niyo balak sabihin na narito na siya?” galit pa ring tanong niya dito.
Pagkadating niya kasi kanina ay nagtungo muna siya sa banyo upang sana ay mag-shower. Pero nagulat siya ng Makita ang mga gamit ng lalaking naroon. Sigurado siyang hindi sa kanyang ang mga iyon kaya naman dali-dali siyang tumawag sa kanyang ina na nasa Amerika.
‘Mom, is Matthew there?’ kunyaring tanong niya kahit na may kutob na siyang nakauwi na ang kapatid.
‘He’s not here; I thought he’s with you. Didn’t you talk to him yet?’ ang sabi naman ng kanailang ina.
‘He didn’t call me yet, maybe later. I need to go, mom, you take care, huh?’ aniya at ibinaba na ang telepono.
“Mattie, don’t get mad at him, he just want to make all things right.” Kinakabahang turan pa rin ni Jasmine.
“Make all things right? So, where is he? Where did he goes?” napataas na ang boses niya na siyang ikinagugulat ni Jasmine.
“He went to Jamila’s apartment.” Hindi na napigilan ni Jasmine na sabihin ang totoo.
Agad naman ng tumakbo palabas si Mateo. Hindi na niya pinansin ang pagpigil ni Jasmine sa kanya.
“Mateo! Mateo! Leave it to Matthew!” pilit pa ring sigaw ni Jasmine ngunit hindi na talaga niya ito pinansin.
Hindi niya alam kung ano ang kaniyang ginagawa. Basta ang gusto niya lang ay siya ang dapat na magsabi ng totoo kay Jamila. Pakiramdam niya kasi ay mas lalong magagalit sa kanya si Jamila kapag sa iba pa niya malalaman ang ginawa niya. Ayaw niyang tuluyan siyang kamuhian ng babaeng una at huling mamahalin niya.
“Jamila, I’m sorry.” Usal niya habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ni Jamila.
“Jamila, are you okay?” tanong ni Matthew sa kanya ng mapansing tila nababalisa siya dahil pakiramdam niya ay may importanteng sasabihin ito sa kanya na hindi niya inaasahan.
Ewan niya pero para ayaw niyang makarinig ng kahit na anong paliwanag mula dito. Pakiramdam niya ay lubos siyang masasaktan sa sasabihin nito.
Alam niyang malapit na itong ikasal pero bakit pakiramdam niya ay may isang bagay pa siyang hindi alam tungkol dito. Bakit parang may isang rebelasyon na kailangan niyang malaman?
“Yeah, I’m okay.” Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili.
“Ahm.. Jamila, I have to tell you something.” Paunang sambit ni Matthew.
“Eto na, bakit ko ba nararamdaman ang ganitong kaba? Ano pa ba ang hindi ko alam? Kukunin ba akong abay sa kasal niya?” tanong ng kaniyang isip na nalilito na.
“A-ano ‘yon?” tanong niya na pilit itinatago ang panginginig ng kalamnan.
“I…” hindi naman naituloy ni Matthew ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto.
“Ah, sandali lang ah, titingnan ko lang kung sino ‘yon.” Pilit na ngumiting saad niya at tumayo na siya upang pagbuksan ang isa pang panauhing hindi rin niya alam kung sino.
“Okay.” Maikling sagot naman nito.
Ngunit pagbukas niya ng pinto ay tila mawawalan na siya ng ulirat sa nakita. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. “M-Matt? S-sino ang nasa loob? S-sino ka?” muntik na niyang hindi mabigkas ang mga katagang iyon.


Friday, March 8, 2013

Only In My Dream



Only In My Dream

I saw his face,
In a dark place;
I stare at him,
As I may seem.




How lucky I am,
I found that man;
My life's complete, 
When I feel it.





I wonder why,
I feel so high?
I guess I am,
Inlove in him.





It feels so weird, 
But I think it's real;
He look at me, 
So I should be.





He look serious,
But I'm so nervous;
I look in his eyes,
And I realize.





The man of my dream,
Still in my dream;
He is not mine,
So I'll be fine.