Sunday, February 16, 2014

My Hearts Call - Chapter 1



“Ready for the charity work?” tanong ng isang kasamahan ni Irvin sa seminary.
Naghahanda sila para sa kanilang charity work kinabukasan sa San Clemente. Isang medical mission ang isasagawa doon at ang pagpapakain na rin sa mga tao roon. Si Simon ang nagkataong makakasama niya sa misyong iyon. May kanya-kanya kasi silang lugar na pupuntahan. Isang lingo ang kanilang ilalagi sa San Clemente.

Thursday, April 11, 2013

My Love Forever



My love forever
           
            Mula pagkabata naranasan ni Megan ang magulpi ng ama, dahil na rin siguro at hindi ito ang kanyang tunay na ama. Ang tanging kakampi lang niya ay ang kanyang yaya na si Yaya Siling. Mas itinuturin pa nga nya itong tunay na ina kesa sa tunay nyang ina na si Myra. Dahil 'pag nagsusumbong sya dito ay mas kinakampihan pa ang ama-amahan. Pero lahat ng iyon ay tiniis nya. Ni hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa ina at ama-amahan. Hanggang sa sapitin nya ang edad na desi-otso. Kakatapos lang ng kanyang party, dahil binigyan naman sya ng simpleng pagdiriwang ng ina, at as usual ay tutol na naman ang ama-amahan. Pero natuloy din naman at kahit papano ay natuwa sya. Nakaupo sya noon sa kanyang kama at alas dose na ng madaling araw, gising na gising pa rin sya dahil binubuksan nya ang kanyang mga natanggap na regalo. Para syang bata sa ayos nya. At sa hindi inaasahan ay pumasok ang kanyang ama-amahan. Nagulat sya dahil hindi man lang ito kumatok, bigla nalang itong pumasok sa kwarto nya.
            “A-ano pong ginagawa nyo dito?” kinakabahang tanong nya dito.
            “Just making sure kung masaya ba ang anak ko.” Nakangising tugon naman nito.
            Pero mas lalo syang kinabahan. Iba ang pakiramdam nya sa ama-amahan. May binabalak yatang masama ito sa kanya. “P-pa, may kailangan po ba kayo?” lakas-loob nyang tanong dito.
            “I want you, Megan” anito sabay lapit sa kanya, at kasabay nun ay hinawakan sya sa magkabilang braso.
            “B-bitiwan nyo po ako, Pa. nasasaktan ho ako.” Aniya kahit pa sobra na syang kinakabahan. Tama ang hinala nya. May balak ngang masama sa kanya ang ama-amahan.
            “Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi ka nagiging akin ngayon.” Anito na malademonyo na ang kislap ng mata na animoy hayop na maninibasib ng mabibiktima.
            “B-bitiwan nyo ko” Pagkasabi non ay bigla ang pagtadyak nya sa harapan nito. Nasapo naman nito ang bahagi ng kanyang tinadyakan at mabilis na syang umibis palabas ng kanyang kwarto, dire-diretso sya sa labas ng kanilang bahay hanggang sa makalabas sa kanilang gate at patuloy syang tumakbo papalayo sa kanilang bahay at hindi nya alintana ang dilim na dinaraanan. Ayaw nyang maabutan ng kanyang ama-amahan.
            At kung gaano sya kalayo sa kanyang tinatakbo ay hindi na nya alam, ang importante sa kanya ay makalayo sa impyernong kanyang kinasadlakan. At kung saan sya pupunta ay hindi din nya alam.
            Dahil sa pagod ay hindi na nya namalayan ang sariling makatulog. Hindi na nya pansin kung saan sya naidlip. Basta nalang bumigay ang kanyang katawan.
           

           Hindi nya alam kung ilang oras syang nakatulog pero nagulat sya ng pagmulat ng kanyang mga mata ay isang maputing kwarto ang kanyang kinaroroonan. At ang amoy, alam nya ang amoy na iyon. Nasa ospital ba ako? Tanong ng kanyang isip. At iginala nya ang kanyang mga mata. Saka nya napagtantong nasa ospital nga sya base na rin sa mga nakikitang mga aparato.
            Napaisip sya at muling inalala ang nangyari. At sa pag-alala sa nangyari ay sya namang pagpasok ng isang lalaking naka-uniporme ng puti. Marahil sya ang doctor na tumingin sa kanya. Pero kung babasehan ang mukha nito, mukha itong anghel, napakaamo ng mukha at parang hindi marunong magpaiyak ng babae. Ano ba yan? Ano bang ini-imagine ko. Saway nya sa isip.
            “You’re awake at last,” nakangiting unang tugon nito sa kanya.
            “Ah… why I’m here?” unang tanong naman na namutawi sa kanyang bibig.
            “I saw you at the hospital lobby at 4:00 am a while ago. At wala pang gaanong taong nakakapansin sayo kaya ng sipatin ko ang noo mo ay inaapoy ka ng lagnat. Ano bang nangyari?” anito at sinundan pa ng tanong sa huli. Habang tsini-tsek ang kanyang BP.
            “Ha? W-wala. Inabot lang ako ng nerbiyos kaya siguro nilagnat na ko.” Pagsisinungling nya dito.
            “Bakit ka naman ni-nerbiyos? May nangyari bang masama?” usisa pa rin nito.
            “W-wala naman. Naligaw lang ako.” Pagsisisnungaling pa rin nya.
            “Okay kung ganun, maari na siguro kitang ihatid kung san ka man nakatira, dahil maayos ka na naman. At siguro naman ay alam mo ang address ng inyong bahay.” Anito na nakangiti na sa kanya.
            “B-bahay? A-ayoko sa bahay.” Aniya na para na syang naghi-hysterical.
            “Why? Ano ba talaga ang totoo? Trust me, pwede mo kong maging kaibigan.” Nag-aalala namang tugon ng gwapong doctor.
            “Ayoko ng magtiwala.” Aniya sabay siksik sa headboard ng hospital bed.
            “Kung sino man ang taong dahilan ng iyong pagkatakot na magtiwala muli ay hindi ko katulad dahil isa akong kaibigan.” Mahinahon namang sambit ng doctor.
            “Pa’no ako magtitiwala kung hindi pa rin nga kita kilala.” Parang batang may napanaginipan na masama ang hitsura nya.
            “Ako si Dr. Marco Sibal.” Pagpapakilala naman nito.
            “M-marco?” gulat na tanong nya ng marinig ang pamilyar na pangalan.
            “Yes, Megan, si Marco ito.” Sagot naman ng doctor.
            “P-pero pano nangyari yon? Hindi ba kasama ka sa mga namatay noon?”
            “Nagkataong nasa CR ako ng maganap ang pagsabog ng bus na sinasakyan namin at hindi ako nasama sa mga namatay pero sa kasamaang palad ay mga magulang ko naman ang nawala sakin ng sabay.” Salaysay naman nito.
            “Kung ganun paano ka….I mean…Doctor ka na ngayon.” Usisa pa rin nya na hindi nya maidiretso dito na tanungin.
            “Inampon ako ng mag-asawang hindi magkaanak. Itinurin nila akong tunay nilang anak at pinag-aral.” Anito at sumeryoso ang mukha. “Simula nun ay ginawa ko ang lahat makalimutan lang ang nangyari, may-ari ang mag-asawa ng isang shipping line kaya hindi problema sa kanila ang pera na kakailanganin ko kahit anong gustuhin ko. Pero hindi ko inabuso iyon, naging matipid pa rin ako at pinagbuti ang aking pag-aaral kaya heto ang bunga ng lahat. Sa kabila ng kabutihan nila isa lang ang hindi ko naibigay sa kanila… ang palitan ang aking apelyido. Ni hindi ko naisip na ibahin ito dahil kahit man lang sa apelyido ko ay naaalala ko pa rin ang aking mga magulang.” Pagkukwento nito.
            Sa narinig ay bigla syang naawa at natuwa, magkahalong emosyon. At bumalik ang dating damdamin na inilaan nya para dito.
            High school siya noong nangyari ang aksidente at first year college naman ito noon ng mangyari ang aksidente. Dati pa man ay nagkagusto na sya dito dahil nga matalik na magkaibigan ang mama nilang dalawa. Kaya nakakapagtaka na hindi nya nakilala ang binata. Marahil sa malaking pagbabago nito sa pangangatawan at suot.
            “Megan, ayoko na ulit maulit ang nakaraan, ayoko na ulit malayo sa mga taong mahal ko kaya sana ay pagkatiwalaan mo ako.” Anito.
            “M-mahal?” gulat na tanong nya dito.
            “Megan..” umpisa nito sabay gagad sa kanyang palad. “…kung noon ay hindi ko nagawang sabihin ang nararamdaman ko para sayo dahil masyado ka pang bata, pero ngayon ay hindi ko na hahayaan na manatili nalang itong lihim sa puso ko.” Pagtatapat nito sa kanya.
            “M-marco?” hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito.
            “Mahal kita, Megan. At hindi ko na hahayaang hindi ka makasama sa mga nalalabing oras ng aking buhay.”
            Napaiyak na sya. Dati pa man ay pinangarap na nya na mahalin ng taong mahal nya, at eto na nga. Natupad na rin ang kanyang hiling.
            “Marco, mahal din kita. At ikaw lang ang lalaking pinangarap kong mahalin habang buhay.” Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.
            Pinunasan naman nito ang kanyang luha. “Tahan na, nandito na ko. Mag-uumpisa tayo muli. At magiging masaya na tayo.” Alo nito.
            At pagkatapos ng kanilang pag-uusap na iyon ay ipinagtapat nya dito ang kanyang naging karanasan sa poder ng kanyang ama-amahan. Nagalit man si Marco at gusto ng sugurin ang kanyang ama-amahan ay pinigil pa rin nya. Nais na nyang matahimik, ayaw na nya  ng magulong buhay kaya naman hindi na sya nagsampa pa ng kaso dito.
            Nalaman naman ng kanyang ina ang kanyang desisyon na bumukod nalang ng bahay. Pinayagan naman sya nito at binigyan ng allowance hanggang sa makatapos sya ng kolehiyo.
            Naging maayos ang naging relasyon nila ni Marco. Minsan ay may alitan pero nalulutas naman ito agad.
            Lumipas ang dalawang taon at natapos rin sya sa pag-aaral. At sa selebrasyon ng kanyang pagtatapos doon naman nagpropose si Marco. Agad naman syang pumayag.
            Limang buwan lang ay idinaos na ang kanilang kasal at naging ganap na mag-asawa.
            “My love for you is forever, 'til God take my breath away.” Anas ni Marco.
            “And when God take your breath away, I will ask Him to take me too.” Sagot naman nya.
            And they live happily ever after.



Sunday, March 17, 2013

Ikaw Pa Rin- Finale Part 2




Finale Part 2

Hindi alam ni Jamila na agad sumunod sa kaniya si Matthew. Kaya nagulat siya ng magsalita nalang ito sa kanyang likuran.
“Mateo?” gulat na sambit nito ng makita ang kakambal nito.
Mas lalo siyang naguluhan. Sino sa kanila ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang buong puso?
“M-mateo?” nagtatanong na mga matang palipat-lipat sa kambal.
“Ah…Jamila…” tawag naman ni Mateo sa kanya.
“You’re Mateo?” may galit ng sabi niya.
“Please, let us explain.” Ang sabat naman ni Matthew.
Ngumiti siya ng mapait. “Us? So talagang plinano niyong lokohin ako ng ganito?”
“No, of course not, we nev…”magpapaliwanag sana si Matthew pero muli na siyang nagsalita.
“Oh yeah, hindi niyo plinano, eh ano? Nagkataon lang? ano yun parang kabute lang na bigla nalang sumulpot? O isa lang akong laruan para sa inyong magkapatid?” nagngitngit na siya sa galit. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado niya. Napakatanga niya at nagpaloko siya  at nagpakatanga sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. “All this time hindi ko pala kilala ang lalaking mahal ko. All this time lahat pala ng alam ko ay walang katotohanan? Lahat pala puro kasinungalingan. Lahat walang katotohanan.” Tuluyan ng umagos ang mga luhang ayaw sana niyang ilabas. Gusto niyang magpakatatag ngunit hindi pa rin niya kinaya.
“Jamila, Mahal kita at hindi iyon isang kasinungalingan lang.” ang siya namang sambit ni Mateo.
Sa sinabi nitong iyon ay nagulat si Matthew. “You love her? Since when?” nagtatakang tanong ni Matthew dito. Na siya namang ikinagulat niya. Ibig sabihin ay ang Mateo na ito ay hindi ang lalaking una niyang minahal kundi ang isang nasa tabi niya.
“I-I don’t know, the first time you gave me her picture, hindi ko na siya nakalimutan. At alam kong mali iyon dahil mayroon ng nagmamay-ari sa kanya kaya pinakiusapan kita noon na huwag mo ng sabihing mayroon kang kapatid at hindi lamang kapatid kundi kambal mo pa. Pero ng sinabi mong nakipaghiwalay siya sayo, hindi ko alam kung natuwa ako o nagalit sa nangyari. Kaya nagawa ko ang isang kabaliwang hindi ko minsan naisip na gawin sa aking buhay.” Ang mahabang paliwanag ni Mateo.
“Mateo…” tanging nasabi ni Matthew dito.
“Natuwa ako ng malaman ko na engaged ka na kay Jasmine. Pero naaawa ako sa kanya dahil pilit nitong inuunawa ang sitwasyon niyong dalawang ipinagkasundo lamang ni Dad.” Nakatingin si Mateo sa kapatid habang nakikinig lamang siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan niya.
“Sinabi ko kay Jasmine na mahal ko siya. Pero gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.” Tila pumiyok pang sambit ni Matthew.
Bumaling ito sa kanya. “Jamila, aaminin kong nasasaktan ka sa mga nalalaman mo. Nasaktan ka na dati ng hindi matanggap ng dad ang relasyon natin pero hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka muli. Mahal kita, hanggang ngayon Ikaw Pa Rin ang itinitibok ng puso ko, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan na kitang pakawalan. Kailangan na kitang palayain mula sa nakaraan. Ayaw kong makitang nahihirapan at nagdurusa ka. Ayaw kong sa huli, ikaw pa rin ang nasasaktan. Jamila…” hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Mahal na mahal kita at kailan man ay hindi na iyon magbabago. Mahal kita, mahal na mahal.” At saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. Habang si Mateo ay naninikip ang dibdib na nakikita. Kaya naman bago pa siya tuluyang mabaliw sa pagmamahal kay Jamila. Minabuti na lamang niyang tumalikod at maglakad palayo sa mga ito.
He’s trying to control himself, but he couldn’t. Kusang naglandas ang mga luhang pinilit niyang kontrolin. His heart is aching. And he can’t help but to cry on.
Sa wakas ay naamin na rin niya ang damdaming matagal na niyang tinatanong sa kanyang sarili. Ngunit alam niyang kahit kailan, hindi na ito matutugunan pa ng pagmamahal ng babaeng itinatangi ng kanyang puso.
Labis na sakit ang kanyang nararamdaman. Inasahan na niya iyon ngunit napakasakit pala talaga kapag nakita na mismo ng mga mata niya sa mga mata ni Jamila ang pagmamahal pa rin nito kay Matthew. “Damn my heart.” Napasuntok siya sa manibela ng kanyang sasakyan at bigla niya itong kinabig sa gilid ng kalsada. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay siya naman pagsulpot ng kotseng puti. Hindi na niya napigilan ang kanyang manibela at dire-diretso na itong bumangga sa kotse.

After 2 years
Mula ng malaman kong minahal mo ako sa ikli ng panahong nagkakilala tayo at sa kabila ng kagustuhan mong ipadama rin ang sakit na naranasan ng kapatid mo mula sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, mas pinili mo pa rin na sundin ang itinitibok ng puso mo. Hindi mo hinayaang makasakit ka ng labis.” Saad ni Jamila. “Pero sa pangyayaring iyon, dalawang taon na ang nakakaraan, hindi ko maaaring hindi sisihin ang sarili ko. Mateo, kung nasaan ka man ngayon, gusto ko sanang malaman mo na minahal din kita, hindi dahil sa inakala kong ikaw si Matthew kundi naramdaman ko iyon at iyon ang sinabi ng puso ko. Mateo, sa iksi ng panahong nagkasama tayo, hindi man tayong dalawa, alam kong nakaramdam ako ng galak sa aking puso noon. At ngayong wala ka na, hindi iyon basta-basta makakalimutan. Patawarin mo rin sana ako sa sakit na naidulot ko sayo. Ng gabing iyon, ng umalis ka, inaamin ko na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko kay Matthew, pero hinayaan ko siyang umalis at sundin kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Ngunit sa pagkawala mo, alam kong mas masakit iyon sa pamilya mo. Sana mapatawad moa ko sa lahat ng mga nagawa kong pasakit sa inyong magkapatid at maging sa pamilya niyo.” Hindi na niya napigilang maglandas ang kanyang mga luha dahil kahit na dalawang taon na ang nakalipas mula ng maaksidente si Mateo at hindi kinaya ng katawan nito ang mga sugat na natamo mula sa aksidente, hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili. Lagi niyang napapanaginipan si Mateo na humihingi ng tulong.
“Sana pagdating ng panahon ay magawa ko ng patawarin ang sarili ko. At sana ay mapatawad mo rin ako, Mateo.” Patuloy pa niya. At tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ng puntod ni Mateo. Pinunasan na niya ang kanyang pisngi at inayos ang sarili.
Ng mailibing si Mateo ay agad na rin siyang nag-resign sa bangko. Masakit man para sa kanya ang iwan ang mga kasama lalo na ang bangkong itinutin na niyang isang tahanan ay pinili pa rin niyang umalis doon. At ang kanyang dahilan ay mas lalo lang siyang mangungulila at hindi makakapag-trabaho ng maayos kung patuloy siyang naroon at maaalala ang pigura ni Mateo.
Hindi na rin siya kinausap ni Matthew noon at hinayaan nalang siya sa kanyang kagustuhan. Umuwi siya sa kanilang probinsya, ngunit isang taon lamang siya doon at bumalik din siya ng siyudad. Sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang kanyang kapatid na si Jella. Graduate na kasi ito at pumasa na rin sa board. Kaya naman dalawa silang magkasama ngayon sa apartment na dati din niyang tinirhan.
“San ka galing ate at namumugto ang mga mata mo? Ah…Let me guess… sa puntod na naman ni Kuya Mateo ano?” ang salubong na tanong sa kanyang ng kapatid pagdating na pagdating niya galing sementeryo.
Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. “Kailan ko kaya mapapatawad ang sarili ko?” imbes na sagutin ang tanong ng kapatid ay iyon ang naitanong niya.
Napailing naman si Jella at tinabihan siya. “Ate, just Pray, God will make a way.” Maiksi ngunit makahulugang sambit ng kanyang kapatid. At tumayo na ito at tumungo na sa sarili nitong silid.
‘God will make a way.’  Paulit-ulit ng binibigkas ng kanyang isip.

Kinabukasan palabas na siyang ng kanilang apartment patungo sa kanyang bagong trabaho na isang real estate company ay isang lalaki ang nakatalikod na tila may hinihintay. Naisip pa nga niyang manliligaw ni Jella. ‘Napakaaga naman yatang manligaw ng isang ‘to.’ Nasabi pa ng isip niya. Ngunit habang papalapit siya dito ay tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit iwinaglit niya sa kanyang isip ang kanyang hinala.
At sa pagharap ng lalaki, doon mas dumoble ang bilis ng tibok ng kanyang puso. “M-Matthew?” nauutal pang sambit niya sa pangalan nito. Nakangiti ito at kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin. Walang ipinagbago ang hitsura nito at tila mas naging guwapo pa ito sa kanyang paningin.
“Hi.” Maikling bati nito sa kanya ngunit tila napakaraming sinabi nito sa dinig niya. Parang nag-e-echo ang boses nito sa utak niya.
“Ah, a-anong ginagawa mo dito? K-kasama mob a si Jasmine?”  tanong niya dahil ang alam niya ay nagpakasal ang mga ito isang lingo pagkalibing kay Mateo.
Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at binuksan ang gate saka ito pumasok. At parang tumalon mula sa kanya papunta kay Matthew ang kanyang puso ng bigla nalang siya nitong yakapin. “I missed you so much. You don’t know how much I’ve missed.” Bulong nito habang mahigpit siyang yakap-yakap nito.
“Matthew…” tanging nasambit niya.
Bahagyang lumayo si Matthew, tinitigan siya nito ngunit nakayakap pa rin ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang. “I didn’t get married, and I don’t want to marry other woman except the one that I truly love.” Unang sabi nito. “I only want to marry the girl that I love, ang babaeng nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, ang pagmamahal na hindi lang ako ang nakaramdam.” Patuloy nito. Saka ito dahan-dahan na lumuhod sa harapan niya. “Jamila, hindi ko alam at hindi ako sigurado kung ako pa rin ang laman ng puso mo, ngunit gusto kong malaman mo, na IKAW PA RIN ang itinitibok nitong puso ko. And I want to forever feel this kind of love in my heart.” At saka may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito, isang kahita na naglalaman ng singsing. “Jamila, will you accept me again to be part of your life?” tanong nito habang nakatingala sa kanya.
Hindi naman niya alam ang kanyang isasagot at sobrang overwhelmed siya sa mga nangyayari. She admit, she is still inlove with the in front of her right now, at kung tatanggihan niya ang alok nito baka wala ng susunod. Kaya naman… “Matthew, I will.” Tangi niyang sagot dito.
Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng binata. Tumayo na ito at isinuot ang singsing sa kanyang daliri at saka nito pinagdaop ang kanilang mga labi. “I love you, now and forever. Tanging ikaw lang at ikaw pa rin ang siyang isinisigaw ng puso ko, Jamila.” Halos maluha ng sambit ni Matthew iyon ng sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Hindi nawala ang pagmamahal ko para sayo, Matthew, tanging ikaw lamang ang siyang mamahalin ko hanggang sa wakas. My love for you will never last. At Mananatiling IKAW PA RIN ang isisigaw ng puso ko.” Aniya at siya na ang siyang humalik sa mga labi nito.
Masaya naman ang kapatid niyang si Jella na naiiyak pang nakatingin sa kanila.

Ilang libong taon man ang lumipas, ilang alon man ang humampas. Walang sinumang makakapigil sa pag-ibig na wagas.