Sunday, February 16, 2014

My Hearts Call - Chapter 1



“Ready for the charity work?” tanong ng isang kasamahan ni Irvin sa seminary.
Naghahanda sila para sa kanilang charity work kinabukasan sa San Clemente. Isang medical mission ang isasagawa doon at ang pagpapakain na rin sa mga tao roon. Si Simon ang nagkataong makakasama niya sa misyong iyon. May kanya-kanya kasi silang lugar na pupuntahan. Isang lingo ang kanilang ilalagi sa San Clemente.

“Always.”Maiksing sagot niya ditto. Abala kasi siya sa kanyang mga gamit pang-medical. He’s a graduate of Medicine, but he prefer to be a Priest someday. Ito ang kanyang pangarap noong maliit pa siya. Gusto niya nakakatulong sa kapwa at ang naglilingkod sa Diyos.
Nilapitan at inakbayan naman siya ni Simon. “Prepare ourselves into temptation. Remember, we’re leaving the seminary, meaning, we’re going to see the happenings outside.” Pagpapaalala naman ni Simon sa kanya.
“I know, and i am just interested in helping those people who are in need.” At saka niya ito nginitian at tumayo na siya at tumungo sa labas ng kanilang silid.
Nailing nalang na napapangiti si Simon.

Dumiretso siya sasilid ni Father Ulysses. “Father, are you still awake?” tanong niya pagkatapos niyang kumatok sa pinto nito.
“Come in.” ang sagot naman ng pari sa loob ng silid. Kaya naman pinihit niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang binuksan iyon.
“Good Evening, Father Ulysses.” Nakangiting bati niya sa pinaka-matandang pari sa Kongregasyon at itinurin na niyang pangalawang ama mula ng pumasok siya sa seminaryo.
“Have a seat.” Ang sabi naman nito at inayos ang pagkaka-upo sa gilid ng kama nito.
Umupo naman siya sa upuang yari sa narra na nasa tabi lang ulunan ng kama.
“What can I do for you?” nakangiting tanong ng Pari.
Bigla namang hindi niya maisip kung ano nga ba ang ipinunta niya doon.
“Are you having a second thought of being a priest?” Mayamaya’y muling tanong ng pari.
Napatingin naman siya dito at tila napoprotesta naman ang buo niyang pagkatao sa sinabi nito. “No, Father, it’s not that.” Agad niyang tanggi.
“Then, why are you here?” mahinahong tanong nito.
“It’s about the mission tomorrow. Is it also a challenge for us?” Tanong niya.
Natawa ang pari sa tanong niya. “Irvin, everyday and every second of our lives, was a challenge from God. So don’t ask anything, dahil hindi magiging maayos ang buhay kung iniisip mong hindi mo kakayanin ang mga pagsubok. Two years from now, you’ll be a Priest, ano pa ba ang ikinatatakot mo?”
“I have nothing to fear about, Father, maybe, I’m thinking about the people of San Clemente.” Ang sabi nalang niya.Dahil tama nga naman ito. Everyday is a challenge from God.  Iyon ang siyang tumatak sa kanyang utak ng gabing iyon bago siya nagpaalam kay Father Ulysses.
“Rose…” tawag sa kaniya ni Sister Melba na kasalukuyang may bitbit na isang gallon ng tubig. Mataba si Sister Melba ngunit maliit ito.Nasa 5” flat lang ang height nito kaya kitang-kita ang katabaan at madalas na tuksuin ng mga kapwa madre.Nasa edad kuwarenta na ito at isa ito sa itinuturin niyang ina sa kombento.
Madilim pa sa labas dahil alas dos y medya palang ng madaling araw. Tumakbo siya palapit dito upang tulungan ang nahihirapng madre. “Tulungan ko na po kayo.” Nakangiting alok niya ng tulong ng makalapit siya dito.
Hingal na hingal ng ibinaba nito ang gallon at nagpunas ng pawis. “Grabe, mabigat din pala, at anong sabi mo?Tutulungan mo ako? Ikaw bata ka, hindi na, tinawag lang kita para sana sabihing sabihan ang lahat na magmadali at baka maunahan pa tayo ng mga kasama natin sa San Clemente. At sa hubog ng katawan mong iyan na kahit hindi halata dahil sa abito’ng suot mo, hindi mo kakayanin ‘tong gallon.” Hinihingal pang sabi nito.
Natawa naman siya dito. “Akala ko kasi nahihirapan na po kayo kaya napapasigaw na kayo.” Natatawang komento naman niya at inalalayan na lang ito.
“Oo nahihirapan na nga ako, hindi ko ‘yan itatanggi ngunit kasama iyan sa hamon ng buhay at kailangan nating kayanin kahit anong bigat man ang pinapasan natin kung alam naman nating may kapalit itong isang biyayang kaloob ng Diyos, hindi man para sa iyo, basta para sa ikabubuti ng kapwa natin tao.” Payo naman nito.
            “So deep, Sister Melba. I can’t dive deeper.” Saad niya sabay tawa.
“Ikaw talagang bata ka, puro ka nalang biro, you should learn the reality of life.” Iyon lang at ibinaba na nito ang gallon sa likod ng kanilang Pick-Up truck. Pagkatapos ay saglit itong sumandal sa truck.
Ngumiti siya ng matamis at lumabas ang kanyang biloy sa magkabilang pisngi. She had the charm of a real lady. But sad to say, few years from now, she will become a true servant of the Lord. “Sister, I promise that I will never forget all your teachings.” Aniya dito na siyang nagpangiti dito ng abot tenga.
“That’s better, okay let’s go. Sisters lets make our mission successful with the help of our God.” Ang sabi pa nito at tumungo na ito sa harapan ng truck. Hindi ito ang magmamaneho kundi siya.
She got her drivers license when she was20 even if she has a driver; she is also a graduate of Medicine. Rose Antoniette Cabrera is 27 years old who came from a prominent family in Cebu City. She was 14 when she graduated in high school and 24 when she became a licensed Doctor.
Pero anim na buwan lang niyang nagamit ang kanyang pagiging Doctor ay ipinasya niyang pasukin na ang isang bokasyong alam niyang makakapaglingkod siya sa Diyos at sa mga taong walang kakayahang magbayad ng malaki para lang magpagamot. She entered the convent through her cousin Leonila. Isa ring madre. Mas matanda ito sa kanya ng sampung taon, siya kasi ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid at siyang nag-iisang nabubuhay nalang dito sa Pilipinas dahil nag-migrate na sa US ang mga magulang niya at ang dalawang kapatid niya. Ang panganay nila ay si Anthony Cabrera, at ang kanyang pangalawang kapatid naman ay si Anne Marie Cabrera, na pawang mga doctor din. Nagpaiwan siya dahil may gusto siyang gawin at iyon ay ang paglingkuran ang Diyossa mismong bansa niya. Ngunit iyon nga lang ba talaga ang dahilan?

Habang binabaybay ang daan patungong San Clemente at tulog ang mga kasama, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. It was 6 in the morning, at sumisilip na si Haring Araw. Maliwanag na ang kanyang dinadaanan kaya sigurado siyang walang mangyayaring masama sa kanila sa daan dahil ang pagkakaalam niya sa pupuntahan nilang lugar ay isa itong tahimik na baranggay ng bayan ng San Antonio. Tahimik ngunit liblib at sadyang malayo sa kabihasnan ang mga taong namumuhay doon.
Limang oras ang biyahe nila mula Maynila patungo ng San Clemente.At alas tres ng madaling araw pa sila bumiyahe. Kaya may dalawang oras pa bago nila marating mismo ang Baranggay San Clemente.
            Tahimik lang siyang nagmaneho ngunit hindi pa rin nawawala ang kabang kanina pa niya nararamdaman. Ngunit maya-maya pa ay nagising na ang kanyang pinsan na si Leonila na kasama din nila sa harapan, katabi ni Sister Melba.
            “Tired?” nakangiting tanong nito sa kanya.
            Umiling siya ngunit nakatuon pa rin ang tingin sa dinaraanan. “I’m with God, I never get tired.” Nakangiting sagot niya.
            Hindi na ito nagsalita, bagkus ay kumuha ito ng isang mineral water sa bag nito saka binuksan at iniabot sa kanya. “Here, mukhang namumutla ka na kasi, are you sure kaya mo pa? Baka kasi kung ano ang mangyari sayo.” nag-aalalang sabi naman nito.
            Kinuha niya ang tubig at ininom iyon.Halos maubos niya ito. “Thanks.” Iyon lang at muling itinuon ang paningin sa kalsada.
            “Okay, pero kung hindi mo na kaya, just let me know okay?” ang sabi nalang ni Sister Leonila at isinilid na ang tubig sa bag nito.
            “Don’t worry, I’m okay.”Saad muli niya.

            “Five hours to be exact, oh yeah, we’re late, it’s past 6 but still we’re not yet done here.” Reklamo ni Simon, dahil sa dinami-dami pa ng araw na masiraan sila ay ng araw pang iyon. Their tire was flat. At hayun, nagpapalit sila sa gitna ng isang baranggay na nadaanan nila sa kalapit na bayan ng San Antonio. Mahigit dalawang oras pa ang biyahe bago sila makarating sa mismong bayan ng San Antonio at kalahating oras ang papunta sa mismong baryo ng San Clemente.
            “Patience, Brother Simon. It’s better to be late than never.” Nakangiti pa ring tugon naman niya habang binobombahan ng hangin ang gulong.
“What else can I do? Ayoko lang sanang ang mga taga-San Clemente pa ang paghinatayin natin. Pero sana ay maagang makarating ang mga madre doon.” Nasabi na lamang nito ngunit tila may bumabagabag sa isipan nito.

Masakit na sa balat ang tama ng araw ng sila’y makarating sa San Clemente. Masayang sinalubong sila ng mga kawani ng barangay at ng mga mamamayan doon. Halata sa mga hitsura ng mga ito ang payak nilang pamumuhay. Ngunit mababakas din ang tuwa mula sa kanilang mga ngiti. Simple lang ang buhay ng mga tao doon ngunit tila wala naman silang mga problemang katulad ng problema sa lungsod maliban sa mahirap makarating ang mga tulong pang-medical sa kanilang lugar.
“Maligayang pagdating po sa inyo, Sisters.” Nakangiting bati sa kanila ng Kapitan ng Barangay na si Kapitan Rogelio Magpayo. Sumunod ding bumati ang mga kawani nito at ang mga tao.
“Salamat po sa masayang pagsalubong, Kapitan.” Nakangiting turan naman ni Sister Melba.
“Tara na po sa inyong magiging tahanan. Nawa’y maging maayos ang inyong isang lingong pananatili sa aming lugar. At hindi pa man po ay labis na kaming nagpapasalamat sa tulong na ipagkakaloob ninyo sa amin.” Ang saad ni Kapitan Rogelio habang sila’y naglalakad patungo sa isang kubo na siyang titirhan nilang apat.
“Wala ho iyon, ito po ay kaloob ng Diyos na hindi po namin ipinagkakait sa sinumang nangangailangan. Siya nga po pala, ito po si Sister Rose…” pagpapakilala ni Sister Melba sa kanya kay Kapitan ng sapitin na nila ang kubo. Ngumiti naman siya dito na ginantihan din ng Kapitan. “...Si Sister Leonila naman po, pinsan ni Sister Rose at si Sister Martha.” Patuloy na pagpapakilala nito sa kanila.
Lahat ay malugod na kinamayan ng Kapitan. “Maari na ho kayong magpahinga muna. Hihintayin nalang po natin sina Brother Irvin bago natin umpisahan ang Feeding Program para sa mga bata.”Nakangiti pa ring turan ng Kaptitan.
“Maraming salamat po muli sa inyo, Kapitan.” Ang sabi naman ni Sister Melba bago ito umalis at nagtungo sa plaza ng barangay kung saan gaganapin ang Feeding program.
Ngunit ang kaba kaninang nararamdaman niya ng nagmamaneho siya na bigla nawala ng marating nila ang San Clemente ay bumalik ng marinig niya ang pangalang Brother Irvin. Nagtataka siya dahil hindi pa naman niya nakikilala ang seminaristang iyon. Alam nila na may makakasama silang mga seminarista, hindi na rin sila nag-imbita ng doctor dahil naroon naman na raw siya at ang isa sa mga seminaristang makakasama nila ay isa ring daw Doctor. Wala siyang makuhang sagot mula sa kanyang isip sa bilis ng tibok ng kanyang puso.

“Thank God we’re done.” Ang naibulalas ni Simon ng matapos nilang iligpit ang lahat ng gamit na kinailangan nila sa pagpapalit ng gulong ng kanilang sasakyan.
“I told you, we need to be patient. Ngayon ay mababaybay na rin natin ang daan patungo sa San Clemente.”Ang nakangiting sambit naman niya dito.
            “Okay, let’s go.” Excited na saad nito at umakyat na sila sa sasakyan.
Tahimik nilang binaybay ang daan patungong San Clemente, mahaba-haba pa ang itatakbo ng sasakyan nila kaya naman imbes na magpahinga at matulog si Simon na nasa Passengers’ Seat dahil siya na ang nagpresintang magmaneho ay nagkuwento ito tungkol sa nakaraan nito. Kung ano ang naghimok ditong pumasok sa seminaryo.
“Dati hindi ko talaga gustong maging isang Pari. My mother encouraged me to enter seminary dahil lahat nalang daw kami puro mga kasinungalingan ang sinasabi. Well, you know lawyers.” Ikinumpas pa nito ang isang kamay sa hangin. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa kuwento nito.
“But before that happen, I have a girlfriend, I don’t want to mention her name.” Ang sabi pa nito. “She is my girlfriend for 3 years, and she was taking medicine that time, like you, you are a graduate of medicine, right?” patuloy nito.
“Uhuh?” tanging sambit niya.
“Until my mom ask me, rather pleased me, to enter the seminary.” Malungkot na saad nito. “Oh well, at first I can’t decide, but just to make my mom happy, I decided to do what she wants, and I broke up with my girlfriend. She asks me why, and I told her, it’s my dream kahit na hindi naman, dahil wala akong naikuwento sa kanya noon na pangarap ko talagang maging isang Pari hindi katulad mo.” Patuloy pa rin nito. “She cried in front of me, at ang masakit pa, umalis nalang ako basta at iniwan siya. I know I hurt her that much, pero ng tumagal, unti-unti kong naramdaman sa sarili ko, minamahal ko na ang ginagawa ko. Na gusto ko na ang ginagawa ko, gusto ko ang nakakapaglingkod ako sa Diyos at the same time ay nakakapagbigay ako ng pangaral sa kapwa ko tao. Pero kung magkikita man kami, I must say na, mahal ko pa rin siya, but not asmy love to Him.” At sabay tumingala ito sa kalangitan.
He knows what Simon was saying. Kaya naman naiintindihan niya ang nararamdaman nito. She also had past relationships, ngunit hindi iyon nagtatagal ng kagaya kay Simon na tumagal ng tatlong taon. Sa kanya kasi noon ay matagal na ang anim na buwan. He never feels the love na sinasabi ni Simon, ngunit ang pangarap niyang maging isang ganap na Pari ay nanatili sa kanyang puso.
Oo at mali ang mga ginawa niya noong nakaraan ngunit nabago ang lahat ng iyon ng pumasok siya sa seminaryo at nagawa niyang humingi ng tawad sa mga taong nadamay sa mga kasalanan niya noon.

No comments:

Post a Comment