My love forever
Mula
pagkabata naranasan ni Megan ang magulpi ng ama, dahil na rin siguro at hindi
ito ang kanyang tunay na ama. Ang tanging kakampi lang niya ay ang kanyang yaya
na si Yaya Siling. Mas itinuturin pa nga nya itong tunay na ina kesa sa tunay
nyang ina na si Myra. Dahil 'pag nagsusumbong sya dito ay mas kinakampihan pa
ang ama-amahan. Pero lahat ng iyon ay tiniis nya. Ni hindi sya nagtanim ng sama
ng loob sa ina at ama-amahan. Hanggang sa sapitin nya ang edad na desi-otso.
Kakatapos lang ng kanyang party, dahil binigyan naman sya ng simpleng
pagdiriwang ng ina, at as usual ay tutol na naman ang ama-amahan. Pero natuloy
din naman at kahit papano ay natuwa sya. Nakaupo sya noon sa kanyang kama at
alas dose na ng madaling araw, gising na gising pa rin sya dahil binubuksan nya
ang kanyang mga natanggap na regalo. Para syang bata sa ayos nya. At sa hindi
inaasahan ay pumasok ang kanyang ama-amahan. Nagulat sya dahil hindi man lang
ito kumatok, bigla nalang itong pumasok sa kwarto nya.
“A-ano
pong ginagawa nyo dito?” kinakabahang tanong nya dito.
“Just
making sure kung masaya ba ang anak ko.” Nakangising tugon naman nito.
Pero
mas lalo syang kinabahan. Iba ang pakiramdam nya sa ama-amahan. May binabalak
yatang masama ito sa kanya. “P-pa, may kailangan po ba kayo?” lakas-loob nyang
tanong dito.
“I
want you, Megan” anito sabay lapit sa kanya, at kasabay nun ay hinawakan sya sa
magkabilang braso.
“B-bitiwan
nyo po ako, Pa. nasasaktan ho ako.” Aniya kahit pa sobra na syang kinakabahan.
Tama ang hinala nya. May balak ngang masama sa kanya ang ama-amahan.
“Hindi
kita bibitiwan hangga’t hindi ka nagiging akin ngayon.” Anito na malademonyo na
ang kislap ng mata na animoy hayop na maninibasib ng mabibiktima.
“B-bitiwan
nyo ko” Pagkasabi non ay bigla ang pagtadyak nya sa harapan nito. Nasapo naman
nito ang bahagi ng kanyang tinadyakan at mabilis na syang umibis palabas ng
kanyang kwarto, dire-diretso sya sa labas ng kanilang bahay hanggang sa
makalabas sa kanilang gate at patuloy syang tumakbo papalayo sa kanilang bahay
at hindi nya alintana ang dilim na dinaraanan. Ayaw nyang maabutan ng kanyang
ama-amahan.
At
kung gaano sya kalayo sa kanyang tinatakbo ay hindi na nya alam, ang importante
sa kanya ay makalayo sa impyernong kanyang kinasadlakan. At kung saan sya
pupunta ay hindi din nya alam.
Dahil
sa pagod ay hindi na nya namalayan ang sariling makatulog. Hindi na nya pansin
kung saan sya naidlip. Basta nalang bumigay ang kanyang katawan.
Hindi nya alam kung ilang oras syang
nakatulog pero nagulat sya ng pagmulat ng kanyang mga mata ay isang maputing
kwarto ang kanyang kinaroroonan. At ang amoy, alam nya ang amoy na iyon. Nasa ospital ba ako? Tanong ng kanyang
isip. At iginala nya ang kanyang mga mata. Saka nya napagtantong nasa ospital
nga sya base na rin sa mga nakikitang mga aparato.
Napaisip
sya at muling inalala ang nangyari. At sa pag-alala sa nangyari ay sya namang
pagpasok ng isang lalaking naka-uniporme ng puti. Marahil sya ang doctor na
tumingin sa kanya. Pero kung babasehan ang mukha nito, mukha itong anghel, napakaamo
ng mukha at parang hindi marunong magpaiyak ng babae. Ano ba yan? Ano bang ini-imagine ko. Saway nya sa isip.
“You’re
awake at last,” nakangiting unang tugon nito sa kanya.
“Ah…
why I’m here?” unang tanong naman na namutawi sa kanyang bibig.
“I
saw you at the hospital lobby at 4:00 am a while ago. At wala pang gaanong
taong nakakapansin sayo kaya ng sipatin ko ang noo mo ay inaapoy ka ng
lagnat. Ano bang nangyari?” anito at sinundan pa ng tanong sa huli. Habang
tsini-tsek ang kanyang BP.
“Ha?
W-wala. Inabot lang ako ng nerbiyos kaya siguro nilagnat na ko.”
Pagsisinungling nya dito.
“Bakit
ka naman ni-nerbiyos? May nangyari bang masama?” usisa pa rin nito.
“W-wala
naman. Naligaw lang ako.” Pagsisisnungaling pa rin nya.
“Okay
kung ganun, maari na siguro kitang ihatid kung san ka man nakatira, dahil
maayos ka na naman. At siguro naman ay alam mo ang address ng inyong bahay.”
Anito na nakangiti na sa kanya.
“B-bahay?
A-ayoko sa bahay.” Aniya na para na syang naghi-hysterical.
“Why?
Ano ba talaga ang totoo? Trust me, pwede mo kong maging kaibigan.” Nag-aalala
namang tugon ng gwapong doctor.
“Ayoko
ng magtiwala.” Aniya sabay siksik sa headboard ng hospital bed.
“Kung
sino man ang taong dahilan ng iyong pagkatakot na magtiwala muli ay hindi ko katulad dahil isa akong kaibigan.” Mahinahon namang sambit ng doctor.
“Pa’no
ako magtitiwala kung hindi pa rin nga kita kilala.” Parang batang may
napanaginipan na masama ang hitsura nya.
“Ako
si Dr. Marco Sibal.” Pagpapakilala naman nito.
“M-marco?”
gulat na tanong nya ng marinig ang pamilyar na pangalan.
“Yes,
Megan, si Marco ito.” Sagot naman ng doctor.
“P-pero
pano nangyari yon? Hindi ba kasama ka sa mga namatay noon?”
“Nagkataong
nasa CR ako ng maganap ang pagsabog ng bus na sinasakyan namin at hindi ako
nasama sa mga namatay pero sa kasamaang palad ay mga magulang ko naman ang
nawala sakin ng sabay.” Salaysay naman nito.
“Kung
ganun paano ka….I mean…Doctor ka na ngayon.” Usisa pa rin nya na hindi nya
maidiretso dito na tanungin.
“Inampon
ako ng mag-asawang hindi magkaanak. Itinurin nila akong tunay nilang anak at
pinag-aral.” Anito at sumeryoso ang mukha. “Simula nun ay ginawa ko ang lahat
makalimutan lang ang nangyari, may-ari ang mag-asawa ng isang shipping line
kaya hindi problema sa kanila ang pera na kakailanganin ko kahit anong gustuhin
ko. Pero hindi ko inabuso iyon, naging matipid pa rin ako at pinagbuti ang
aking pag-aaral kaya heto ang bunga ng lahat. Sa kabila ng kabutihan nila isa
lang ang hindi ko naibigay sa kanila… ang palitan ang aking apelyido. Ni hindi ko naisip na ibahin ito dahil kahit man lang sa apelyido ko ay naaalala ko pa rin
ang aking mga magulang.” Pagkukwento nito.
Sa
narinig ay bigla syang naawa at natuwa, magkahalong emosyon. At bumalik ang
dating damdamin na inilaan nya para dito.
High
school siya noong nangyari ang aksidente at first year college naman ito noon
ng mangyari ang aksidente. Dati pa man ay nagkagusto na sya dito dahil nga
matalik na magkaibigan ang mama nilang dalawa. Kaya nakakapagtaka na hindi nya nakilala
ang binata. Marahil sa malaking pagbabago nito sa pangangatawan at suot.
“Megan,
ayoko na ulit maulit ang nakaraan, ayoko na ulit malayo sa mga taong mahal ko
kaya sana ay pagkatiwalaan mo ako.” Anito.
“M-mahal?”
gulat na tanong nya dito.
“Megan..”
umpisa nito sabay gagad sa kanyang palad. “…kung noon ay hindi ko nagawang
sabihin ang nararamdaman ko para sayo dahil masyado ka pang bata, pero ngayon
ay hindi ko na hahayaan na manatili nalang itong lihim sa puso ko.” Pagtatapat
nito sa kanya.
“M-marco?”
hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito.
“Mahal
kita, Megan. At hindi ko na hahayaang hindi ka makasama sa mga nalalabing oras
ng aking buhay.”
Napaiyak
na sya. Dati pa man ay pinangarap na nya na mahalin ng taong mahal nya, at eto
na nga. Natupad na rin ang kanyang hiling.
“Marco,
mahal din kita. At ikaw lang ang lalaking pinangarap kong mahalin habang
buhay.” Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.
Pinunasan
naman nito ang kanyang luha. “Tahan na, nandito na ko. Mag-uumpisa tayo muli.
At magiging masaya na tayo.” Alo nito.
At
pagkatapos ng kanilang pag-uusap na iyon ay ipinagtapat nya dito ang kanyang
naging karanasan sa poder ng kanyang ama-amahan. Nagalit man si Marco at gusto
ng sugurin ang kanyang ama-amahan ay pinigil pa rin nya. Nais na nyang
matahimik, ayaw na nya ng magulong buhay
kaya naman hindi na sya nagsampa pa ng kaso dito.
Nalaman
naman ng kanyang ina ang kanyang desisyon na bumukod nalang ng bahay. Pinayagan
naman sya nito at binigyan ng allowance hanggang sa makatapos sya ng kolehiyo.
Naging
maayos ang naging relasyon nila ni Marco. Minsan ay may alitan pero nalulutas
naman ito agad.
Lumipas
ang dalawang taon at natapos rin sya sa pag-aaral. At sa selebrasyon ng kanyang
pagtatapos doon naman nagpropose si Marco. Agad naman syang pumayag.
Limang
buwan lang ay idinaos na ang kanilang kasal at naging ganap na mag-asawa.
“My
love for you is forever, 'til God take my breath away.” Anas ni Marco.
“And
when God take your breath away, I will ask Him to take me too.” Sagot naman
nya.
And
they live happily ever after.
No comments:
Post a Comment